Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Come Back To Me

alxandracole
--
chs / week
--
NOT RATINGS
76.8k
Views
Synopsis
Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.
VIEW MORE

Chapter 1 - I’m sorry

Pupunta na sana ako sa room ko nang bigla akong tawagin ni Dad "Natasha, come with me".

"Pero Dad-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng maglakad na sya palayo papunta sa kanyang office.

Wala na kong magawa kaya sinundan ko na lang sya, pagbukas ko pa lang ng office niya ramdam ko na agad ang lamig. "Sit down hija" umupo naman ako sa upuan na nasa harap ni Dad

"I have a favor for you" seryoso niyang sabi, nakaramdam ako ng kaba sa sasabihin niya, pag ganitong seryoso si Dad alam kong malaking favor ang hinihingi niya.

Lumaki ako ng controlado ako ng pamilya ko, even though i'm already 18 baby pa din ang turing nila sakin, which is I hated the most. Kailangan kapag makikipagkita o hangout ka sa mga kaibigan mo magpapaalam ka and update them every 2 hours, and yeah that's my life.

"What is it?" pilit ako ngumiti sa kanya.

"Papayagan na kitang tumira sa condo mo, kung gagalingan mo sa studies mo and you're graduating as a cum laude, after that you need to marry the son of my best buddy since birth."

"You're engage of someone and he's an amazing guy, I don't want to disappoint him though"

Gulat akong nakatingin kay Dad I didn't expect na ma-arrange marriage pala ako, I have so many friends madami akong crushes sa school and then what? ikakasal lang ako sa hindi ko kilala.

"Dad I don't want, mas pipiliin kong dito tumira, kung ganon naman ang kapalit kung titira na ko sa condo ko. Kailan ba ko magkakaroon ng karapatan para sa sarili ko?!" napataas na ang boses ko dahil sa inis na nararamdaman ko.

"Don't shout at me Queenery Natasha Maze Fajardo!" sigaw ni daw napatingin ako sa kanya at kitang kita ko ang galit niya pero maya maya ngumiti ito ng malungkot.

"We're doing this for the sake of your future, alam namin na konti na lang ang oras natitira sa amin ng kaibigan ko, two of you will handle our hospital kapag nawala na kami, at isa pa only child ka lang Natasha wala ng iba ang pwedeng maghandle non kundi ikaw. Ayaw namin masira ang pinaghirapan namin ng ilang taon, kaya para mas lumago ito ay kailangan niyong magpakasal ni Ethan"

"Dad ano ba yang pinagsasabi mo?! mahaba pa ang oras mo, okay? but please Dad ayoko nito" naiiyak kong sabi.

"Please hija, para sayo naman ang lahat ng to, I let you to have your own freedom while you're in your college life but please after that you're going to marry Ethan."

Kung freedom ang usapan papayag ako, pero kung may kapalit parang hindi ko din kaya. Pano kung masama ugali non? edi kawawa naman ako, baka bugbugin ako non pag naging mag asawa na kami and shit I don't want that to happen.

Nagulat ako nung tumawa si Dad alam kong nabasa niya ang expresssion ko. "Mabuting bata si Ethan anak, tatlo silang magkakapatid pero sya ang pinakamatino, he's an smart guy kaya naman tingin ng kaibigan ko kayang kaya niyang ihandle ang hospital. And same with you Natasha malaki ang tiwala ko na mahahawakan mo yun ng maayos" ngumiti na lang ako.

Wala namang masama kung susubukan ko diba? in the future naman pwede ako makipag-divorce, o baka magustuhan ko din naman sya. Gagamitin ko na lang ang pagkakataon na to para sa freedom na kapalit.

"Fine, but can I meet him?" tumango naman sya. "And when I can go to my condo?."

"Tomorrow pwede ka ng pumunta, pinadala ko na ang ibang gamit mo. I gave you extra money para ikaw na bahala sa gusto mong ayos ng condo mo. But before you go at 7 pm may dinner tayo with Fortelojo family, so go now in the nearest mall and buy beautiful outfit for tomorrow, okay? I love you take care" sabay tayo niya at yumakap sakin.

Napangiti na lang bigla ako bigla at humalik sa pisngi ni Dad.

"yes po, I will." Kumalas na ko sa pagkakayakap at naglakad na paalis, pero bago ko isarado ang pinto.

"Byebye dad I love you too!" nakita ko naman na napangiti sya.

Masasabi kong gwapo si daddy Christian King Fajardo kahit matanda na sya. perfect jaw line, pointed nose, makakapal na kilay, medium heart lips, mahahabang pilik mata, almond shape eyes and precious smile he have. No wonder bakit nafall si mommy sa kanya.

My mom died when I was a kid, I think I was 7 years old that time, she have a cancer. Kaya simula non katabi ko yung picture niya takot na malimutan yung features ng mukha niya.

Maliit lang ang mukha ni mommy Natalie Mae Fajardo, she have small heart shape of red lips, pointed nose, mahahabang eyelashes, almond shape eyes like dad. Mas kamukha ko si mommy kesa kay daddy at kaugali ko din daw ito.

Napapangiti na lang ako habang naaalala yung mga moments naming tatlo, noong buhay pa si mommy.

Pagpasok ko sa room ko dumeretso agad ako sa cr, siguro mga 30 minutes akong naliligo. After non blinower ko ang buhok ko, mahaba ito hanggang bewang ko at wavy ang dulo.

Naglagay lang ako ng light make up dahil sa mall lang naman ako pupunta. Nagsuot lang ako ng white high-waisted short, gucci shirt and black denim jacket with a pair of hoop earrings, gucci body bag and white balenciaga shoes.

Paglabas ko ay kinuha ko ang susi ng white chevrolet equinox crossover car ko, ito yung regalo sakin ni dad nung 18th birthday ko pero ngayon ko pa lang to magagamit lagi kasi akong hatid sundo ng pinsan kong si kuya Martin.

He's my cousin in mother side, kaya sya muna ang pansamantalang natulong kay daddy then kapag nakagraduate ako babalik ulit sya sa company nila at ako na ang papalit sa kanya. Family of doctors ang side ni Dad at kay mom naman ay puro mga business and all about company.

He's handsome din like his father, kamukhang kamukhang niya si tito Alexander at kaugalin niya naman si tita Andrea.

Mabait ang mga Cruz, family nila mommy, kaya ganoon na lang ang tiwala ni daddy kay Martin, he's graduated in UP at magna cum laude ewan ko ba dun halimaw ata.

Nagulat ako nang biglang nagring ang phone ko habang nagdadrive "hello? who's this?".

"Nats it's Martin, where are you?" seryosong sabi nito

"I'm on my way kuya, bakit?" nagtataka kong tanong.

"Oww okay take care! wala naman just want to know if you're okay" alam kong nakangiti sya ngayon.

"Yes kuya I'm okay, punta ka tomorrow sa house ha? 7 pm may family dinner, sama mo si tito and tita."

"Okay Nats, your dad already told it na" "sige na bye na, take care okay?" napangiti naman ako.

"Of course couz ikaw din, bye"

Ganon talaga si kuya Martin he's always act like my big brother, bata pa lang kami close na close na kami sa isa't isa. Sobrang protective niya kaya kapag kasama ko sya alam kong safe ako.

Nakarating na ko sa mall at mabilis naman ako nakapag park. Pumunta muna ako sa isang sikat na bilihan ng mga heels, boots, and any kind of shoes.

Binati naman ako ng mga tao dito "Good afternoon ma'am Natasha" ngumiti ako sa kanila.

"Good afternoon din". Suki na ko sa shop na ito dahil may privacy ka at free ka na makapili ng kahit anong gusto mo.

Hindi tulad sa ibang shop na susundan ka kung saan ka pupunta, kaya I love this shop. Kaibigan ko din ang may ari nito, pumunta ako sa cashier kung nasaan ang manager niya.

"Hi! nandito ba si ma'am Joana mo?" nakangiti kong tanong dito.

"Ay opo ma'am tawagin ko lang po" ngiti niyang sagot sakin.

"Hey love! how are you? gosh I miss you so much" maarte nitong bati sakin at niyakap ako.

"Oww hey love i'm fine, ikaw ba? grabe miss na din kita" I hug her tighter, bumitaw na ko sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan sya.

She's wearing pink off shoulder cropped top, high waisted white jeans, meron din syang diamond necklace and a pair or ankle boots.

Nakabun sya kaya kitang kita ang piercing niya sa left ear niya, light lang din ang make up niya kagaya ng akin. Straight hair sya at black na black ang buhok, maliit ang mukha, pointed nose, mahabang pilik mata, maliit na labi at nakabrace sya, and she have those big eyes pero kapag nangiti ay nawawala ito. And I find it cute.

And she's Joana Clarrise Dorlan. My best friend since highschool kaya super close kami, kavibes ko din sya and parehas kaming may good taste sa fashion. Nagpaplano nga kaming magmodel dahil madami ding contacts ng iba't ibang company para sa mga modeling.

Parehas kasi kaming matangkad, mas matangkad lang ako ng konti sa kanya, and i'm morena while she has white color of skin.

"So ano bang ipinunta mo ngayon Nats??" nakangiti niyang tanong.

"Naghahanap ako ng shoes na bagay sa white dress na bibilhin ko mamaya".

"What the?? okay let's go tulungan na kita" at yun nga tinulungan niya ko maghanap ng heels kaya mabilis akong natapos.

"Are you busy ba? if not you can come with me naman" humarap sya sakin pagkatapos non.

"Hindi naman wala naman akong ginagawa, kaya lets go! libre mo ko food loka ka!" sabay kaming nagtawanan, kahit mayaman to kuripot pa rin.

Pumunta naman kami sa isang shop na favorite naming dalawa, magaganda kasi ang mga damit dito kahit mahal, may mga simple pero it looks like elegant kapag nasuot mo na.

Pati sya napabili na din, imbes na isang damit lang ang binili ko naparami pa. We're both love buying some stuffs together.

Katulad ng sinabi niya nilibre ko sya ng ilang damit at humiling pa sya na pati daw food ililibre ko.

Nilagay muna namin ang mga paper bags sa car ko para hindi kami mahirapan. Kakain muna kami bago umuwi, balak naming kumain sa S&R dahil parehas kaming nagcecrave.

Bumili din ako ng 2 boxes of pizza para sa mga maids and kay daddy, hindi kasi ako sanay na umuuwing walang dala for them.

Hinatid ko muna si Joana sa bahay nila, bago umuwi. Pagdating ko dumeretso ako sa kitchen para ibigay yung food and sakto nandun si Dad, pinakuha ko na lang ang mga paper bags ko para mabilis.

"Hi dad!" masaya kong bati sa kanya, "Let's eat na anak bago ka umakyat sa taas" nangiti nitong sambit.

"Hindi na dad kumain na kami ni Joana and I need to rest na rin po para maaga akong makagising bukas"

"Goodnight daddy, I love you po" and I kissed him before I leave, pero napatigil ako sa sinabi niya.

"I'm sorry for everything anak."

————————————