Chereads / love with Chrysanthemum / Chapter 3 - TWO

Chapter 3 - TWO

ACCOUNTS

Maaga akong nagising dahil sa sunod-sunod na tunog ng phone ko.

Mabilis kong inabot iyon sa lamesa at tinignan kung sino ba 'yung nag message napatayo ako bigla ng mabasa ang pangalan— binatukan ko ang sarili ko.

shit pupunta nga pala ako kila Iorie.

Dali-dali akong tumayo at dumeretso sa cr para maligo, pagtapos, agad akong nag bihis— nag suot lang ako ng maong na shorts at plain white shirt. Inayos ko na din ang dapat kong dalahin.

Bumababa ako para kumain nang breakfast, mag isa akong kumain dahil maaga daw umalis sila mommy. Nag pahatid ako sa driver namin papunta kila Iorie, nang dumating doon pinapasok agad ako sa loob, hinintay ko sa may sala si Iorie— inayos ko muna ang mga gamit namin, nang maayos ko na ang mga ito sumandal ako sa sofa nila, may nilapag na inumin ang isa sa mga kasambahay nila.

Nakita ko narin na bumaba na si Iorie, kumaway siya sa akin nang makita ako— I smiled at her and waved too.

"So ano naman ang gagawin natin?" tanong niya.

kung di niyo natatanong pag wala kaming magawa ni Iorie mag tatry kaming gumawa ng sarili naming mga layout for newspaper or kaya gagawa kami ng mga stories.

ItO ung nag sisilbing libangan at bonding naming dalawa.

"Hmmm, naisip ko kasi na try na natin ituloy 'yung sa news paper ikaw mag isip ng disenyo ng newspaper tapos ako na mag hahanap ng mga possible na ilalagay."

Nagsimula na naming gawin iyon. Napahinto ako sa pag hahanap ng maaninag ko ang lalaking pababa sa hagdan na naka grey shirt at black shorts tapos may hawak na makapal na papel na binabasa niya.

hayst bat ang pogi niya talaga tignan. Diko namalayan na masyado na akong nakatitig sa kanya kung hindi ako tinapik ni Iorie, sinenyasan niya ako na bumalik na sa ginagawa ko— inirapan ko lang siya at nag simula na ulit sa pag hahanap.

Tumigil lang kami nang tinawag na kami para kumain. Mag katabi kaming naupo ni Iorie sa hapag, si kuya James ay nasa harap ni Iorie at shempre si Migo ang nasa harap ko— nginitian ko siya pero na natiling walang reaksiyon ang mukha niya.

Habang hinihintay namin ang mga pagkain pasimple kong sinusulyapan si Migo— ang buong atensyon niya ay nasa kanyang cellphone parang may binabasa ata siya sa cellphone niya hindi naman kasi siya nangiti o miski mag bago ang ekspresyon ng kanyang mukha, kaya hindi papasok sa isip ko na may ka chat siya.

Nilapag na ang mga pagkain sa lamesa at sabay-sabay kaming kumain— naputol ang katahimikan ng mag tanong si kuya James.

"Iorie, tapos na ba ang ginagawa niyo ni Zeska at baka hinahanap na yan?" napatigil sa pagkain si Iorie at nilingon ako, tinaasan niya ako ng kilay.

"Uuwi kana ba?" umiling ako sa tanong niya. Ako ang sumagot sa tanong ni kuya James. "Ah, nag paalam naman po ako kila mommy na hapon pa ang uwi." tumango lang si kuya James at pinag patuloy ang pag kain.

Natapos ang aming pag kain ng tahimik, bumalik na kami ni Iorie sa ginagawa namin habang si kuya James ay umakyat na sa taas na sinundan ni Migo.  Mahigit dalawang oras kami ni Iorie na seryoso sa ginagawa nang maisipan namin na mag pa hinga muna, nanood muna kami sa netflix habang kinakain ang meriendang hinanda.

"Iorie, natapos mo na ba ang layout?" tanong ko habang nag hahanap siya nang panonoorin.

"Malapit na last page nalang, itong Perfect Date nalang ang panoorin natin, crush na crush ko kaya ung bidang lalaki dito."

Habang nanonood kami nakita ko na pababa si Migo, kung kanina ay parang nakapang bahay lang siya ngayon ay nakapang alis na. Napansin din 'yon ni Iorie kaya nag tanong siya sa kuya niya Kung saan pupunta pero di siya sinagot ni Migo, nilampasan lang kaming dalawa at dumeretso na sa labas para kunin ang sasakyan.

Nang matapos namin ang palabas niyaya ako ni Iorie na pumunta sa kwarto niya, habang paakyat kami tinanong ko kung saan ang kwarto ni Migo.

" 'yung pinto na 'yun ang kwarto niya. "  turo niya sa dulong pinto.

Pumasok na kami sa kwarto niya. Sakto lang naman ang laki ng kwarto ni Iorie meron din siyang mini walk-in closet— may isang area naman sa pader na may mga nakadikit na pictures may mini table den sa gilid ng higaan niya at shempre meron din siyang cabinet na pinapatungan ng mga make ups.

Naupo ako sa kama niya habang siya ay nag papalit ng damit.

"Iorie nakapasok kana ba sa kwarto ni Migo?"

nakita kong sumulip siya galing sa closet at pinanliitan ako ng mata, bumalik muna siya sa loob bago niya ako sinagot.

"hmm actually isang beses lang ako nakapasok doon at yun ay noong unang lipat namin dito sa bahay." pag kalabas niya iba na ang suot niyang damit at tumabi sa akin. Naka pout ko siyang tinignan, pero irap lang ang nakuha ko galing sa kanya. Nang hindi niya magets ang tinutukoy ko siniko ko siya, napa what lang siya sa ginawa ko.

"Gusto ko pumasok sa kwarto niya." sabi tapos nag pa cute pa lalo. Natawa siya sa sinabi ko.

"seriously Zes, nahihibang kana ba?" 'di makapaniwalang tanong niya, hindi ko siya sinagot at nag pa cute pa lalo.

"Hoy Franzeska seryoso kaba talaga na crush mo ung masungit na 'yun?" i nod as an answer, she sighed.

"Okay tatry kong gawan ng paraan pero super saglit lang tayo ah." natuwa ako sa sinabi niya.

Lumabas na kami sa kwarto niya at dahang dahang lumapit sa pinto ng kwarto ni Migo, hawak na ni Iorie ang susi maingat niya itong sinususian ng makarinig kami ng sigaw galing baba.

"Kuya saan mo ba nilagay yung bag ko sa kotse." sigaw ni Migo.

Dali dali kaming bumalik ni Iorie sa kwarto niya— pag kapasok na pagkapasok namin ay dumiretso kami sa higaan niya nakabusangot ang mukha ko habang siya ay natatawa sinamaan ko siya nang tingin pero hindi padin siya na tigil.

"better luck next time Zes." sabi niya pa habang ang kamay ay nasa tiyan, inirapan ko lang siya at kinuha ang phone ng maramdamang nag vibrate nakita ko doon ang mensahe galing sa driver namin, na ang sabi ay susunduin na daw ako kaya nag paalam na ako kay Iorie at lumabas na ng bahay nila.

"Zes chat tayo mamaya babye."  ngumiti lang ako sa kanya at kumaway na.

pag kauwi ko hinanap ko agad ang cellphone ko para hanapin ang mga accounts ni Migo pero bigo 'kong makita ang mga iyon kaya dali dali kong minessage si Iorie.

Iniwan ko muna ang phone ko at nag freshen up muna ako,  pag tapos ko ay binuksan ko ulit ang phone ko pero wala paden akong nakitang reply.

tss may pasabi sabi pa siya na chat daw kami pero di siya nag rereply, chinarge ko muna ang cellphone ko at natulog saglit.

Gabi na nang magising ako mabilis akong bumangon para makakain na nang gabihan. Nakita kong nasa hapag na ang mommy at daddy, sinalubong ko sila ng yakap at halik bago maupo.

Nang matapos kaming kumain agad na bumalik ako sa aking kwarto para tignan kung meron na bang reply si Iorie.

Napalundag ako ng makita ang pangalan niya sa notification pannel— agad ko itong binuksan at binasa

"talagang hindi mo 'yun makikita bukod sa naka private ang iba niyang account  iba din ang  ginagamit niyang name naka pang japanese siya,  isesend ko nalang ung link  ng mga accounts niya."

Nag pagulong-gulong muna ako sa kama habang nag iintay ng isesend ni Iorie, ilang minuto din akong tulala bago niya nasend ang mga links.

Wala akong ginawa kung 'di ang iistalk siya at I follow lahat ng accounts niya, buti nga at hindi naka private ang instagram niya— isa-isa kong pinag titignan ang mga post niya, kalimitan sa mga iyon ay tanawin meron din akong nakitang family picture nila meron ding iilang  solo shot niya, sinave ko 'yun sa phone at pumili ng best shot para gawing wallpaper.

Masyado talaga siyang sikat biruin mo nasa thousands  na ung followers niya tapos ung following niya is hundreds lang.

Bakit ba napaka pogi mo kahit di ka nag eeffort na gawin yun, kahit nga siguro pagsuotin ka ng basahan madami padin ang mahuhulog sayo. Medyo nalungkot ako sa naisip na 'yun kasi ang dami kong kaagaw.

Nakatulog ako nang si Migo lang ang laman ng isip.