Chereads / love with Chrysanthemum / Chapter 4 - THREE

Chapter 4 - THREE

chap 3

CAFÉ

Maaga akong nagising at nag ayos ng sarili, naka civilian akong papasok ngayon kasi practice lang namin for graduation, tapos ngayon din 'yung pasahan ng last project namin buti nga natapos ko iyon.

Pagtapos kong mag umagahan hinatid na ako ni kuya Jhun sa school. Nakita kong may kinocompile si Danna na papers.

"Hi! Danna, masiglang bati ko at umupo sa katabing upuan. Nilahad niya ang kamay niya sa akin, mabilis kong kinuha sa bag ang hinihingi niya, inabot ko ang bondpaper sa kanya— sinuri niya ang bawat pahina para tignan kung tama ba ang mga iyon.

"Nice one kala ko 'di mo na gagawin 'tong part mo sa assignment-project natin." nang matapos niya ang ginagawa sinimulan na niyang kolektahin ang sa ibang groups na gawa. Nag pasama siya sa akin para ipasa na ang mga ito.

Habang papunta kami sa faculty nag tanong si Danna kung saan ako mag-aaral.

"Gusto ko sana sa may MAU." sagot ko, she looked at me with her amazed face.

"wow! dream school ko din doon kaso medyo mahal ang tuition." sabi niya.

Nang nasa harap na kami ng faculty agad siyang kumatok at nag greet, hinanap namin 'yung desk ng teacher namin para doon ilapag, pabalik na kami ng classroom nang nag announce na mag proceed na daw kami gym para mag practice ng graduation.

Maaga kaming pinauwi kaya dumeretso kami nila Danna at Mari sa isang café doon sa mall na 'di kalayuan sa school namin.

Pagpasok namin sa loob kinuha na ni Danna 'yung mga order namin para makahanap na kami ng lamesa ni Mari, naupo kami sa lamesang malapit sa may salamin, nilabas ko ang cellphone ko para tignan kung na accept na ba ni Migo 'yung friend request ko— napanguso ako ng makitang hindi niya pa ito ina-accept.

Nag scroll lang ako sa social media ko hanggang sa dumating na si Danna dala ang mga inorder namin, sinimulan na naming kainin ang mga inorder namin.

"Zeska, ano balak mong gawen sa college?" tanong ni Mari.

I shrugged."ewan 'di ko pa nga nasasabi kila mommy, kayo ba?"

"sinabi ko kila mommy na gusto mo nang mag condo." sagot ni Mari, napalingon kami sa kanya lumaki ang mata ko nang may maalala.

"Great idea! gawin ko den yan tutal meron na ako kaso wala pang mga gamit." sagot ko.

"Ay nako basta ako kung ano nalang ang mangyare bahala na." natawa kami sa sinabi ni Danna.

Hayst adik talaga 'tong babaeng 'to walang balak gawin sa future niya pero ang laki ng hinaharap.

Napahinto ako sa tawa ng may mapansing familiar, tumigil din sa tawa ang dalawa nang mapansin ang pag seryoso ko lumingon din sila kung saan ako naka tingin mabilis kong inagaw ang atensyon ng dalawa.

"psst! wag kayong tumingin baka mahalata." sabi ko.

Nagtataka nila akong tinignan. sinenyasan ko lang sila na huwag maingay, binalik ko ang tingin ko kay Migo, nakita kong may kasama siyang babae, pinanliitan ko ng paningin ang babaeng kasama niya, maganda 'yung babae may pagkaputi din siya simple lang 'yung suot niya pero ang ganda niyang tignan medyo may kahabaan den ang kanyang buhok, may hawak siyang  mga papel at may bag din siyang bitbit nakita kong iniwan niya sa pila si Migo,  nang mapalingon siya sa gawi ko iniwas ko ang tingin ko sa kanya at kunwareng tinitignan ang paligid nang maaninag ko na nakaupo na siya nakita kong may nilabas siya na laptop maya-maya dumating na si Migo dala ang mga kape nila.

"Psst Zeska... sino ba 'yun?" tanong ni Danna sa akin.

"Ah wala crush ko lang, may kasama kasing babae."

Sabay nilang nilingon si Migo nakita ko ang panlalaki ng kanilang mata at napa 'wow' ang mga bibig nila. Bumalik ang tingin nila sa akin.

"Saan mo naman nakilala 'yun Zeska? baka naman may kapatid o kaibigan 'yan?" sunod na tanong ni Mari.

Inirapan ko lang sila at nilabas ang phone ko para kuhanan siya ng litrato.

Ang ganda kasi ng view niya panira lang 'yung babaeng kasama niya.

Nang makuntento ako sa mga pinag kukuha ko na pictures, sinagot ko na 'yung mga tanong nila Danna at Mari.

Hindi na kami nag tagal pa doon at lumabas na ng café, bago kami umuwi naglibot muna kami sa mall. Alas kwatro nang maisipan naming umuwi.

Pagtapos kong kumain umakyat agad ako, inubos ko ang oras ko sa kaka edit ng picture ni Migo. Iniimagine ko palang na magiging close kami ni Migo ay sobrang kilig na ang nararamdaman ko.

Natapos ang week na 'to na puro practice ang inatupag namin sa school, next week na kasi 'yung graduation namin, napadalas din ang pagpunta ko sa café kung saan nakita ko si Migo, bawat punta ko doon hindi ako nabibigo na makita siya kaya lang kasama niya parin yung babae.

Sabado ngayon at mag kikita kami ni Iorie, sa mall ang kitaan namin, nagpahatid na ako kay kuya Jhun, nag hintay ako sa restaurant na pinag usapan namin.

Nang dumating na si Iorie nag order na kami nang makakain.

"So hows the week of my bestfriend or should I say my future sister-in-law?" sabay kaming natawa.

Uminom muna ako ng tubig bago sagutin ang kanyang tanong. "Oh well hindi naman ganong ka busy dahil puro practice nalang. ikaw ba, nasabi mo na ba 'yung course na gusto mo?"

She shrugged. "No need to tell them okay lang naman sa kanila kung ano ang gusto ko."masaya niyang sabi.

napa sana all ako sa sinabi niya. Dumating na ang mga pagkaing inorder namin.

"Ah... Zeska ano nga pala ang update mo sa kuya ko, napansin kana ba?" tanong niya bago kumain.

Dahil doon natigilan ako, naalala ko kasi 'yung babaeng kasama ni Migo doon sa cafè.

Inangat ko ang tingin sa kanya at nilapag ulit ang mga kubyertos sinandal ko ang likod ko sa upuan, nag tataka niya akong ni lingon.

"sure kaba talaga na walang girlfriend 'yung kuya mo?" kumunot ang noo niya sa tanong ko.

Umiling siya habang nanguya, minadali niyang lunukin ang laman ng kaniyang bibig "baket?"

I shrugged and take one scoop of my food. "nakita ko kasi siya sa café at may kasamang babae." sumubo ulit ako ng pagkain ko, nakita kong natigilan siya sa sinabi ko.

"you mean a girl na may medyong mahabang buhok at ang suotan ang di ganon ka ganda pero dahil maganda siya bumabagay?"  medyo nabulunan ako sa narinig ko kaya inabot ko ang juice ko.

"pano mo nalaman? ibig sabihin kilala mo 'yung girl o lagi mo nakikita kasi nga laging kasama ng kuya mo? lagi ba 'yun nasa bahay niyo? kaya ba hindi niya ako pinapansin kasi may girlfriend na siya?" sunod-sunod na tanong ko pero tinawanan niya lang ako— napairap nalang ako dahil sa naging reaksiyon niya.

Nang matapos siyang tumawa ay umiling-iling naman siya na may ngiti sa labi. "classmate lang 'yun ni kuya, may tinatapos lang sila 'di ko sure kung ano 'yun pero Im hundred percent sure na di niya 'yun girlfriend or ano man... they're just classmates kaya tigilan mo 'yang pagiging OA mo 'di bagay sayo." pag papaliwanag niya, sinimulan na naming kumain. Pagtapos namin kumain ay pinagod namin ang sarili sa pag iikot sa mall.

Nag-iintay kami sa labas ng mall ng mga sundo namin. Tinawag ako ni Iorie kaya napatingin ako sa kanya, nakita ko ang mukha niya na nakangiting parang may binabalak— tinaasan ko siya ng kilay.

"You want help?" tanong niya na hindi ko magets, kaya mas lalong napakunot ang noo ko.

Umirap siya. "Kay kuya Migo, i'll help you itatry kong kausapin siya na iaccept—" 'di na niya natapos ang sasabihin nang mahigpit ko siyang ni yakap. Nakita kong dumating na ang sundo namin kaya bago ko siya pakawalan ay hinalikan ko siya sa pisngi at masiglang nag paalam.

"Ba-bye Iorie Im looking forward sa sinabi mo." kumaway-kaway ako sa kaniya at nag flying kiss, may pandidiri niya lang akong tinignan pero bago siya sumakay ng sasakyan ay kumaway din siya pabalik.