Chereads / love with Chrysanthemum / Chapter 5 - FOUR

Chapter 5 - FOUR

CHAT

Nagulat ako nang nakita sila mommy at daddy sa sala na nanonood, ang aga ata nila ngayon. Binati ko lang sika at agad na umakyat papunta sa kwarto, nag palit agad ako nang pajama.

Naupo ako sa kama nang dala ang laptop nag try akong mag search ng mga gamit para sa condo ko, bukas ko palang sasabihin kila mommy ang plano ko kapag nag college na ako tutal medyo malapit lapit din yung school na gusto ko pasukan. Nasiyahan ako sa paghahanap, tinigilan ko lang ito nang nakardam ng antok.

Niligpit ko na ang laptop, binuksan ko na din 'yung lampshade, maaga ako matutulog para maagang magising para masabi na ang plano ko bago mag college.

Tulad nang inaasahan ko maaga nga akong nagising mabilis aking nag ayos at nag bihis para bumaba na at makapag breakfast.

Nasa lamesa na sila dad nang bumaba ako. Lumapit ako kay mommy at humalik sa pisngi ganoon din kay daddy, may ngiti sa labing umupo ako.

"Mukhang may magandang nangyari sayo at sobra ang ngiti mo." pansin ni mommy.

Nilapag ko ang gatas na iniinom ko. "Ano kasi My gusto ko sana na bumili ng mga gamit sa condo ko?" kaya ako may condo, regalo nila sa akin 'yun nung nag debut ako.

"Kelan mo balak bumili or mag canvas?" tanong ni daddy.

"Ngayon ko po sanang balak bumili nakapag canvas na po kasi ako kagabi." sabi ko at pumayag naman sila. Binigay sa akin ni daddy ang card niya, kaming dalawa ni mommy ang bibili ng mga gamit.

Nag lalakad na kami ni mommy sa loob ng department store hahanapan niya daw muna ako ng sofa. Nag libot din ako nang tingin sa mga sofa na nandoon, nilapitan ko 'yung sofa na kahoy na may foam na naka patong simple lang ang design nito at di gaanong kalakihan.

Hinanap ko si mommy para ipakita sa kanya ang gusto ko.

"Are you sure ayaw mo ng medyo maganda diyan?" umiling ako sa tanong ni mommy.

"Mas okay na 'to my simple lang." tinawag na niya 'yung nag aassist.

Ang mga nabili namin ngayon ay ref, kama, cabinet, study table, at mga ibang personal things na kakailanganin ko sa sarili ko, bumili din ako ng pedeng idesenyo sa kwarto ko.

Pagabi na kami nakauwi ni mommy dahil pagkatapos namin sa mga appliances nag grocery kami. Ini- schedule na din ni mommy ang pag aayos namin sa condo at sa Martes na 'yun para kumpleto na ang mga gamit.

Nang matapos akong mag linis ng sarili naupo ako sa kama at inabot ang cellphone.

Chineck ko ang bawat isang notification at saglit na huminto ang pagtibok ng puso ko dahil sa nakita.

Migs lophe accepted your friend request.

Napahawak ako sa dibdib ko at pa ulit-ulit na humihinga nang malalim. Nanginginig ang mga kamay kong pinag titignan ang mga ito.

Oemji nag follow back din siya sa akin sa Instagram at twitter!!

Inuna kong ini-stalk 'yung twitter niya bago sa facebook, tinignan ko ang timeline niya, ang halos mga nandoon ay shared post at mga naka tag sa kanya, tinignan ko isa isa 'yun hanggang makita yung isang post na may kasama siyang babae.

Humaba na naman ang nguso ko dahil doon, ang litratong 'yun kuha sa loob lang ng classroom parehas din silang naka uniform.

tss nag aral lang ba siya ng law dahil kay Migo? napairap nalang ako.

Hininto ko na ang pang iistalk sa kanya nang maisipan kong I chat siya. Wala akong maisip na sasabihin sa kanya, ilang minuto na akong nakatitig sa cellphone ko 'di ako makaisip kung ano ang pede kong sabihin. Hinagis ko ang cellphone ko sa gilid ko at humiga sa kama, pinikit ko ang mata ko, nakakapagod ngayong araw. Naalala ko na naman 'yung pag lipat ko sa condo mas lalo tuloy akong naging excited, napahinto ako sa iniisip ko nang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang dahilan nun.

Nalaglag ang panga ko nang makita kung sino 'yun.

Migs:

??

shit! accidentally kong napindot 'yung wave.

shit! shit! shit!, paulit ulit na sabi ko sa isip, 'di na ako mapakali sa kakaisip kung ano ang irereply ko. Kinalma ko ang sarili ko at nag tipa na nang sasabihin.

me:

ahm... sorry napindot ko lang.

Medyo matagal bago siya mag reply.

Migs:

*like emoji

napa 'huh' ako sa reply niya, ganon ba siya ka busy at napaka tipid mag reply. Nag tipa ulit ako nang sasabihin.

me:

Hi!! busy ka?

Migs:

ye.

Napairap ako sa reply niya. Kung busy siya bakit naka online padin siya.

me:

eh bakit naka online ka padin?

Nag-iintay ako sa reply niya ng 'di ko namalayang naka tulog ako. Pag gising na pagising ko kinuha ko ulit ang cellphone para tignan kung may reply na pag bukas ko ng messenger nakita ko na meron na nga.

Migs:

So what?

So what!! huh! 'yun lang reply niya? mygosh kapatid ba talaga 'to nila kuya James at Iorie? daig pa ang may dalaw. Nilapag ko ang cellphone ko at nag ayos na mag practice ulit kami at ito na ang last.

Nang maka dating na ako sa room dumeretso ako sa dalawa kong kaibigan, naupo ako sa tabi ni Danna.

"Hi guys!" bati ko, hindi nila ako pinansin dahil seryoso silang naglalaro sa cellphone nila, sinilip ko kung ano 'yung nilalaro nila, napasimangot ako nang makita kung ano 'yun, bakit ang daming nababliw sa mobile legends?

Kinuha ko nalang den amg cellphone ko at nag scroll nalang. Maya-maya din ay tinawag na kami para mag practice. Pag ka dismiss namin ay dumeretso sa bahay dahil ngayon kami mag titingin ni mommy ng mga gamit para sa kusina, buti nalang maaga aga kaming pinauwi.

Pag dating ko sa bahay nag palit lang ako at umalis na kami ni mommy.

Habang nag titingin si mommy ng stove ako naman ay nasa mga kagamitan pang bake, bata palang ako gusto ko matutong gumawa ng cakes or cookies. Kumuha ako ng mga kailangan ko para sa kusina at kinompleto ko na din ang mga kagamitan pang bake. Nag tingin din si mommy ng TV, binilhan niya din ako ng isang aircon at electricfan.

Sa mall na kami nag gabihan ni mommy.

"So are you excited for tomorrow, Darling?" tanong ni mommy nang nakasakay na kami ng sasakyan. Tumango ako bilang sagot.

Pag kauwe ginawa ko ang routines ko bago mahiga. Chineck ko ulit ang conversation namin ni Migo, itatry ko sanang mag chat kaso naisip ko na baka maka istorbo ako kaya mas pinili ko nalang ang mag pahinga.

Kinabukasan ay maaga kaming pumunta sa condo ko. Nag sama si mommy ng ilang tao na tutulong sa amin.

Chineck muna namin lahat ng gamit at tska namin sinimulan ang pag bubuhat kung saan ito ilalagay.  Dalawang palapag itong condo, mayroong dalawang kwarto sa taas 'yung isa ay kung may bista, 'yung isa naman ay sa akin.

Nang maayos na nailagay ang mga gamit sa sala sinunod na inakyat ang kama ko binuo lang nila ito at sinunod naman ang sa kusina. Nang matapos ito nag paalam na silang lahat at umalis.

Pag papasok ka sa condo ko ang unang bubungad sayo ang ang TV at yung sofa sa likod naman ay ang hagdanan sa gilid ng hagdanan meron doong cabinet, gagawin ko iyong stock room katapat ng hagdan ay ang cr, katabi naman non ang kusina, hindi na ako bumili ng lamesa ko dahil may gawa na doon na pwede nang kainan at sa gilid non ay ang pasukan sa kusina, sa kaliwang bahagi naroon ang stove nakalagay, sa harap nmn ay ang lababo at sa pinaka sulok naka lagay 'yung ref.

Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo, naupo ako sa kama at kinuha ang cellphone nang maisipang guluhin ulit si Migo.

me:

Hi! anong ginagawa mo?

Alam kong medyo laos na 'yung move na ganon pero wala akong ibang masabi. Maya-maya onte nakita kong nag seen siya.

Migo:

wala ka bang pedeng ibang guluhin?

tss apaka sungit talaga.

me:

bakit? ayaw mo ba nang makakausap?

nag reply lang siya ng 'tss' sakin, ngumuso ako dahil doon.

me:

Apaka sungit mo naman, buti pa si Kuya James mabait.

Migo:

Aydi siya 'yung kausapin mo.

Napatawa ako, kikiligin sana ako kung nagseselos siya.

me:

Sige, siya nalang. Babye.

Pag ka send ko nakita ko na mabilis niya itong naseen, lumukso ang puso ko sa isipin na kahit papaano medyo napapansin niya ako.

Migo:

tss, gagawin mo talaga?

Hinagis ko ang cellphone ko sa higaan at nag gulong-gulong sa kilig na naramdaman dahil sa reply niya.

me:

Naniwala ka naman diko gagawin 'yun. Mas gusto kitang kausap.

Tumagal naman kahit papaano 'yung pag-uusap namin pero ako lagi 'yung gumagawa nang paraan para mapahaba usapan namin. Humiga ako at tinitigan nang may ngiti sa labi ang huling usapan namin.

me:

Goodnight na nga baka nakaka istorbo na ako.

Migo:

tss at ngayon mo pa naisip yan.

Goodnight. wag kana mag reply.

Kahit alam kong harsh 'yun kinikilig paden ako.