Chereads / love with Chrysanthemum / Chapter 6 - FIVE

Chapter 6 - FIVE

Graduation

Maaga akong nag asikaso ng sarili para pumunta sa bahay, aalis kasi kami ngayon para bumili ng white dress para sa graduation bukas na kasi iyon at wala kaming pasok ngayon para sa pag hahanda namin.

Alas-nuebe ng makarating ako sa amin nag breakfast muna kami bago umalis. Pumunta kami sa isang shop ng pag mamayari ni mommy, doon si mommy nag pagawa ng pagpipilian kong damit.

Pag pasok namin sa shop walang gaanong tao dahil mag sasara na ito for break time.

Nilapitan at binati kami ng manager tska hinatid sa isang kwarto kung saan nandoon ang mga damit na pag pipilian ko.

Matapos maayos ang lugar nilingon ako ni mommy. "Hey darling Im going to leave you here 'cause I have an urgent meeting." Mom kissed my left cheek before leaving.

I smiled at the girl that left with me. Nilapitan ko na ang mga damit at nag simulang mag hanap.

"Im going to try this one." tinaas ko ang damit na napili ko.

Nag lakad siya papalapit sa pinto na nasa sulok ng kwarto at binuksan ito. "Dito nalang po kayo mag sukat." tinanguan ko siya at pumasok na sa loob.

Masuri kong tinignan ang damit its a v-cut off shoulder plain white long dress merong mga squence simula sa may waist line pataas, tinignan ko pa ang sarili bago mag bihis.

Nag paalam na ako sa kanila bago umalis, sinabi din na ipapadeliever nalang 'yung dress sa bahay, nag text nadin ako kay mommy na pupunta muna ako sa mall para mag tingin ng babagay na hair dress doon sa napili ko.

Pag dating ko sa mall pumasok muna ako sa starbucks para bumili ng kape at ng tinapay habang inaantay ko ang order tinext ko sila Danna at Mari kung pede ba nila ako samahan.

Thirty minutes passed bago ko sila makita na papasok sa starbucks, sinalubong nila akong may mga ngiti sa labi.

naka nguso ko silang tinignan habang na upo sa harapan ko.

nag tinginan sila sa isa't-isa nang mapansin nila ang itsura ko.

Inirapan ko sila. "Myghad guys ang tagal niyo ah!"  sabi ko at humigop sa kape ko.

"Huh! sino kaya ang bigla bigla nalang nagyayaya?" tanong ni Danna.

"Tss... tara na nga tutulungan niyo pa ako mag hanap ng bagay bagay."  yaya ko sa kanila at lumabas na ng starbucks.

While searching for some hairdress my phone ring, I immediently anwered it as I read the name of my mom on screen.

"Darling I heard that you leave the shop?" mom asked.

"Yes mom... I am at mall right now."

"Alone?" tanong niya na naging dahilan nang pag irap ko habang kinukuha ang natipuhan na hairdress.

"No, mom Im with my friends." sumulyap ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay sinusubukan ang mga nakuha na hairdress.

"freinds... so it means hindi si Iorie ang kasama mo perhaps your classmate?"

"Yeps Im with Danna and Mari." May diin ang pag banggit ko sa pangalan nila  nakalapit na kasi ako sa kanila, may pag tataka nila akong tinignan.

"Sige na mom nag hahanap pa kami, bye." pag baba ko ng tawag pinatabi ko silang dalawa para ako naman ang mag ta-try.

Ilang minuto pa kami tumagal sa pag pili bago napag desisyunan na kumain sa isang unli wings.

Naupo na kami ni Mari at si Danna ang nag ayos ng order namin.

Mahilig ako sa maanghang I know its weird para sa babaeng gaya ko pero I really find food boring if its not spicy.

Lumabas kaming tatlo sa mall  na mga busog.

"Guys sakit ng tiyan ko." sabi ni Mari na nakahawak sa tiyan.

Tinawanan namin siya ni Danna.

Hahaha sino ba naman ang hindo sasakitan ng tiyan eh naka tatlong refill siya ng manok.

"See tomorrow guys... our day is tomorrow make sure kasing ganda niyo ako." sabi ko at nag paalam na.

Sumakay ako sa kotse na pinadala ni mommy. Nag pahatid ako sa condo ko.

Pag pasok ko naupo ako sa sofa at pinag masdan ang nabili. Isang simpleng bulaklak lang ito na itinutusik sa buhok.

Pag tapos ng saglig na pag papahinga dumiretso ako sa kuwarto para gawin ang skin care ko, kailangan ko matulog ng maaga para bukas.

Excited na ako nagraduation namin.

Pinatay ko ang ilaw sa kuwarto ko at binuksan ko ang moon lampshade na naka patong sa mini table.

Pinikit ko ang mata ko kasabag ng pag kabog mg dibdib ko dahil sa naalala.

Hindi pa alam ng mga magulang ko ang plano ko sa kung ano ang kukunin kong course... hindi ko paden kayang sabihin, pero alam kong malalaman din nila yun.

Naputol ang pag iisip ko ng tumunog ang cellphone ko, inabot ko iyon at nakita ang mensaheng galing kay Iorie.

Iorie:

Hey!! good luck and congrats sa atin sabay tayong mag enroll ah!! soon to be classmate and sister–in–law... mwuah good night.

Napangiti ako sa nabasa.

me:

I love you so much... congrats den.

Nilapag ko na ang cellphone sa lamesa at pinikit na ulit ang mata.

Umaga palang ay sinundo na ako ng driver ni mommy para sa bahay na mag almusal, doon din kasi ako aayusan.

Papasok ako sa bahay na bitbit ang maliit na shoulder bag.

Dumeretso ako sa kusina at naabutan ang mga magulang ko na nag aalmusal, pag tapos kong humalik ay umupo ako sa tabi ng daddy.

Inilapag ko ang bag ko sa tabing upuan at nag simula nang kumain.

Tumungo ako aking silid para doon mag hintay ng oras, kinokontak na kasi ni mommy ang make up artits niya.

Habang nag hihintay binasa ko ang mga mensahe ng mga kaklase ko sa bawa't isa, nag iwan den ako ng mensahe na pagpapasalamat dahil naging malaking parte sila ng buhay ko.

Lumabas sa taaa ng screen ang pangalan ng bestfriend ko, pinindot ko agad iyon at nakita ang mga litrato ni Migo, sa unang kuha ay nag aayos siya ng sarili habang nakatingin sa salamin sa pangalawa naman ay ang Migo na walang espresyon na nakaharap sa camera. Mabilis kong sinave ang mga iyon.

May bagong pang wallpaper na naman ako!!

Nag usap pa kami ni Iorie patungkol sa bagay bagay. Nahinto lang iyon nang kumatok si mommy at sinabing nandiyan ang mag aayos sa akin.

Alas dos pa ang call time namin at alas onse palang ngayon pero nag sisimula na si mommy na ipaasikask ako.

Kasalukuyang nang nilalagyan ako ng light eye shadow na babagay sa kayumangi kong kulay, hindi nmn ako ganoong ka dark we can say morena.

Nahiya nga ang kulay ng balat ko sa kulay ni Migo buti siya medyo maputi.

Matapos ang pag lalagay ng make up sa akin isinuot na ang gown na napili ko, bumagay ang long gown sa make up na nilagay sa akin, buhok nalang ang kailangang ayusin at tapos na kami.

Si mommy muna ang inayusan nila binigyan muna nila ako ng oras para sa sarili, isang oras na kasi nila akong inaayusan hindi pa kasama ang buhok ko.

Maya-maya may lumapit na sa aking babae para sabihin na aayusan na ang aking bihok.

habang nilaladlad ang aking buhok naalala ko 'yung binili kong hairdress.

"Ah... miss pede po ba na gawan niyo ng paraan na mailagay ito sa buhok ko?" inabot ko sa kanya ang hairdress.

Naka ngiti siyang tumango." You do have a tatste huh... balita ko na ikaw din ang pumili ng suot mo, siguro pogi din ang tipo mo." mahina akong napatawa sa sinabi niya at umiling-iling.

Ginawan niya ng hati sa gitna ang buhok ko, sinimulan niyang kulutin sa may bandang likuran.

Ilang minuto ang lumipas at tapos na niyang kulutin ang lahat, tinatalian na niya ngayon ang buhok ko, kumuha siya ng tamang kapal ng buhok sa mag kabilang gilid para itali sa gitna pagtapos ay kumuha ng onting buhok sa harap para mag mukhang bangs, nilagay niya ang binigay ko na hairdress doon sa gitna kung saan tinali niya ang aking buhok.

Nag paalam na sa akin ang nag ayos ng sa aking buhok, pinag masdan ko ang buhok at mukha ko ng ilang segundo sa salamin bago tumungo sa walk in closet ko kung saan nandoon ang malaking salamin.

Dala ko ang cellphone ko, balak ko kase mag mirror shot, masyado ako nagandahan sa suot ko kahit na sobrang simple lang nito. Ilang litrato pa ang nakuha ko bago bumaba.

nakita ko si mommy na mag susuot ng hikaw.

"Oh! ayan na pala ang prinsesa natin."  sabi ni daddy na kakapasok lang.

"My Darlin' is so gorgeous. Shall we go now?" tumango ako bilang sagot.

Dad's car already infront of our house.

Pinagbuksan kami ng pinto ni Dad. Magkatabi kami ni Mommy sa likod at sa harap nakaupo si Dad.

Pag dating namin sa gym ng school namin dumiretso na ako sa pwesto ko malayo sa akin ang dalawa kong kaibigan kaya nag kawayan lang muna kami, nginitian ko ang kaklass kong babae.

"Congrats valedictorian."  ani ko.

Ngumiti siya." Thank you, sayo den."

Nag simula na ang mga speech. pag katapos non ay nag bigay na ng diploma at awards mag munting mensahe din ang valedictorian at pagtapos non ay pictorial ng bawat section.

"Franzeska Louis!!" hinanap ko kung sino ang sumigaw.

"Franzeska!!!!" napangiti ako nang nakita ang dalawa kong kaibigan na kumakaway sa akin. Mabilis ko silang pinuntahan at sinalubong nila ako ng yakap.

Lumapit sa amin ang mga magulang namin nang matapos kaming mag pakuha ng litrato. Nag paalam na kami sa isa't-isa, Dumiretso muna kami sa isang buffet restaurant para daw sa munting cepebration, bukas pa kasi ung 'engrande' daw.

Hindi din kami nag tagal at may tatapusin pa si dad, hinatid lang nila ako sa condo ko.

"Bye Darling, take care." hinalikan ako ni mommy sa pisngi.

Hinalikan ko naman so dad sa pisngi at nag paalam na pero bago pa ako makababa tinawag ulit ako ni dad.

"Here's my graduation gift for you." naka ngiti kong inabot ang kulay pink na box.

Nagulat ako nang makita ang isang susi ng kotse, may saya sa aking mata na nilingon ang dalawa.

"Thats your car." turo ni dad sa katabing sasakyan na nandoon.

Niyakap ko siyang mahigpit. Nang makaalis sila ay tska ko nilapitan ang sasakyan.

It's a white Mecedes, I unlocked the car and sit there for a moment.

Pinag masdan ko ang loob ng sasakyan, nang magsawa umakyat na ako sa condo para mag linis ng katawan.

Maingat kong binagsak ang katawan ko sa aking kama matapos gawin ang mga routines ko.

Hindi ko paden na sasabi sa kanila ang balak ko... bahala na bukaa basta kaikangan na nilang malan iyon.