Chapter 2 - Pagsisid

Nagdilim ang paligid nang tayo'y sumisid

Naging napakatahimik ng mundo

Hininga'y inipon, mga paa'y ipinadyak

Tangan ang iyong mga kama'y wala nang inisip pa

Patuloy sa paglubog habang yakap ka pa .

Dali-daling umahon -ang tinahak ay di tiyak

Nalunod ang sarili, nabingi yaring puso

Kumulimlim ang paligid nang araw ay masilip.

Nang iwan ka'y tila nawalan ng hangin

'Pagkat ikaw ang tanging hinihinga nitong damdamin.