Chapter 8 - Balintuna

Paano mo ako hinaharap kung ang ngayon mo'y ang kahapon?

Sabihin mo ba't mas nabibingi ako 'pag bibig mo'y tinitikom?

Nadudurog ang puso ko sa pagkukunwaring pag-ibig mo.

Ginaw ang nadarama sa bawat dampi ng labi mo.

Bawat sambit ng "mahal kita", mas lalo lang nalalapnos.

Sa pag punan mo ng nagkulang na oras, luha ko'y bumubuhos.

Naiintindihan ko ang gusto mong ituran kahit 'di binabanggit

Ngayon ika'y pakakawalan habang yakap-yakap kang mahigpit.