Chapter 9 - Hilik

Palaging sa tainga ko'y may bumubulong

Kalayaang sa isip ng iila'y nakakulong

Sa panahong walang tinig ang mga maralita,

Kalampagin ang tulog, bulyawan ng salita!

Tila'y halusinasyon lamang ang naririnig

Paratang ng mga nakapikit' humihilik

Ako ba'y nasisiraan o sila'y pipi't bulag?

Sa bansang ang bala'y walang habas na bumabagsak.