Haplos-haplos ko ang iyong mukha
Tinititigan ang saya ng 'yong mga mata
Mga panahong ninanais manumbalik
Lamig ng 'yong tinig, tamis ng 'yong halik
Kirot sa aking puso'y tila lumulukot
Nangigipit, namimilipit, lumalamukos
Kay tagal nang nailimbag nitong larawan
Hanggang ngayon,
Hindi ko kayang ika'y makalimutan.