Chereads / Wazzup Danger / Chapter 41 - 39

Chapter 41 - 39

😈

[Danskie Montpellier]

Napilitan akong pumasok because of that "carry carry" stupid thingy.

I was threatened by that 'excellent' man that he would carry other girl achuchu achuchu and achuchu.

So andito na'ko sa school. Papasok na'kong classroom. Kamusta na kaya ang bulok na silid na iyon?

I went inside our classroom, all students staring.

I ignored their faces na parang nawalan ng kinabukasan. Is it because they saw me?

Hindi naman nakakasira ng araw ang mukha ko ah. Ang ganda ganda ko kaya.

Mismo self.

I looked at JC who's smiling. Bat naman ngingiti ngiti ang isang iyan?

Dunno

I want to talk to him but i remember that punishment. Lalo tuloy akong naiinis.

Siyempre di ko palalagpasin tignan ang babaeng binuhat ni JC. Tinignan ko ang harap ng kaniyang upuan.

.

.

.

.

But i saw nothing. There's no one infront his seat.

Inilibot ko ang mata ko sa paligid kasi baka nalipat siya ng upuan but nawala na talaga siya.

Wala siya sa room. Mawala din sana siya sa buhay ni JC.

O baka naman nakarma iyong babaing yun kasi nagpabuhat kay JC. Huh. Buti nga sa kanya.

Karma is a bitch.

😈

End of class.

"Yehey" my mind exclaimed.

Alangan namang isisigaw ko yun edi nagmukha na'kong ano?

Of course di ko nilapitan si JC. Bawal eh. Nakakainis diba?

Oo paulit ulit.

When i got out my room, i saw the three dogs and one cockroach looking at me.

"Hey. Waiting for me?" tanong ko sa kanila.

Yung tinutukoy kong three dogs ay sina Thorie, Jayzam at Merch. Tapos ang cockroach is no other than Lowie ladycockroach.

Kung may ladybug, may ladycockroach din.

Wow! Antonio!

"Yes. May pag-uusapan tayo" ani Thorie.

"Sabihin mo na. Excited na'kong umuwi" i said. I'm really excited.

"Ok. But not here. You know ears and mouths in this school" Jayzam said.

"Fine. Bilisan niyo uwing uwi na talaga ako" utos ko sa kanila.

THORALID'S HQ

I SAT on my favorite spot. They sat on theirs too.

"okay. Spill it now. Nauubos ang oras" i announced.

Inirapan ako ni Lowie. Sana mabalag ang isang iyan.

Thoralid took a seat. Siya ang huling umupo eh.

Bat ba ang tagal nila magsalita.

"Go! Sabihin niyo na! Nagmamadali ako diba?" iritang sabi ko.

"Yeah. Eto na eto na. Kanina mo pa sinasabi iyan" Merch said.

"Thoralid ikaw na magsabi" Jayzam said.

"Okay. So this is it. Bryle..." may pabitin bitin pa. Kala mo nakakatuwa.

"Bryle is what? Dead?"

"No. He's not. He is, he has... He has a crush on you" Thoralid seriously said.

"Ha.. HAHAHAHAHAHAHAHAHA" i guffawed so hard.

What kind of joke is that?

"Hahahahahaha. Pinapunta niyo ko dito to say that joke? Stupid people" i said.

They all just looking at me dead serious. So totoo? Is it true?

"That was not a joke, Danskie" Jayzam proclaimed.

"I- i.... I.... I... No that's not true! How could he have a crush on me? This can't be. I don't like him!" i exclaimed

"Sad but true" Thoralid said.

Is he even having sympathy for me?

"Alam niyo, loko loko kayong lahat. Ang galing! Malapit na'kong maniwala sa prank niyo!" i madly said then walked out.

😈

😈

[Danskie Montpellier]

I walked out the room. Mabentang mabenta iyong eksena ko kanina ah.

I know Thoralid is not lying. Every word he said a while ago is true.

Pero, sa part ko, hindi ko matanggap na may gusto sa'kin si Bryle kaya ipagpipilitan kong joke lang yung sinabi sa'kin kanina.

Nadagdagan tuloy ang hatred ko sa Bryle na yun. Kalaban siya. He's an enemy. Hindi dapat siya magkagusto sa'kin.

He wants me but gusto ko ba siya?

No.

I know.

Papalagad na'ko palabas ng school nang may humatak sa kamay ko. It's JC. Napangiti ako.

"Hey. Did you carry another girl? Ginagawa mo na siguro silang barbel sa kabubuhat mo" i joked.

"No. Wala akong binuhat. As i said. Ang galing! Pumasok ka nga" sabi niyang nang aasar.

"Ok. Kung ganoon, natutuwa ako. Sagad. Sagad sa tuwa"

That's not true Danskie. That's a lie that you tell yourself. Hindi ka natutuwa kasi nalaman mo kani-kanina lang ang tungkol sa nararamdan ni Bryle sa'yo.

And so? Paki ko naman sa nararamdan niya. Kung gusto niya saktan ko pa siya eh!

"Lika na nga! Uwi na tayo! We got a bag of assignments" he said then,,, then carried me.

Pinalo ko siya.

"Hey! Who told you to carry me, huh?" kunwari naiinis kong sabi pero natutuwa kaya ako.

Eto, totoong tuwa na talaga ako.

"Huwag ka ngang mamalo! I know you like it" asar niya sa'kin.

Nginisian ko lang siya.

😈

Binaba niya ako infront of our unit's building. Siyempre hindi niya na'ko mabubuhat kasi merong guwardiya.

"Pagod ka na? Weak ka pala eh!" i flattered.

"Gustong gusto mo naman" he replied.

We passed the security then we entered now our unit.

Binaba ko ang file case ko sa living room main table. Gayundin ang bag ni JC.

"What do you want for dinner?" he asked me.

"Anything will do" i replied.

"There's no 'anything will do' on the menu" he said getting the wok and apron.

I rolled my eyes at him.

"Cook me coq au vin. I want coq au vin jaune" i said then picked out the notes and assignments from our case and bag.

"There's no wine in here"

"There is. Hindi ako mag sa suggest ng wala sa menu. Ako ang naunang rumenta dito kaya i know na nay wine diyan. Bahala ka na maghanap. Kontrahin mo pa ko next time ha?"

He just laughed at me. Nahanap niya agad yung mga champagne.

Maya maya na lang naamoy ko na ang braised chicken na kaniyang niluluto. The smell is savouring inside my nose to my brain.

Para na'kong kumakain.

"Gutom na gutom na ah. Wala pa yung mushroom" he pronounced looking at me.

"Bilisan mo na magluto!" utos ko.

"Ihanda mo na dining table"

Siyempre dahil excited na'kong kumain, i rushed to the dining area then made the plates and eating utensils in place very well.

Nauna na'kong umupo. Naglagay pa'ko ng dining napkin sa leeg at lap ko.

Iniling iling ni JC ang ulo niya nang makita ako.

"What are you looking at?" pagtataray ko sa kaniya.

😈

😈

[Danskie Montpellier]

"What are you looking at?" pagtataray ko sa kaniya.

"Gutom na gutom? Eto na. Coq au vin jaune served. Sigurado masarap yan kasi masarap din ang cook" JC said.

Ako ang unang sumandok ng mga pagkain. I'm really hungry.

He sat infront of me. He's just watching me eat.

"Enjoy watching me eat? Subcribe to my channel and don't forget to like this new video" i pronounced like a vlogger.

His thumb performed a like sign then inverted it.

"Unlike? You don't app—" i didn't talk anymore cause he put a spoonful on my mouth.

"Hmnnnn.... Masarap diba?" sabi niya matapos akong subuan.

Tumango tango ako. Kumain na din siya.

😈

As usual he made the wash dishes staff tapos ako andito sa living room nanonood ng TV.

Hindi naman ako palanood ng TV pero i need now kasi may assignment kaming may kinalaman dito.

After watching, i answered all the questions that was written in the questionaire. I answered mine and JC's.

Natapos na niya ang dishes work when he sat beside in our sofa. Tinignan niya ang sinusulat ko.

"Wow. You're doing the notes too. Kelan ka pa natuto mag outline, huh?" he inquired looking at my notes.

"Nah. I just studied how you did on my previous notes then applied. Look, pati hand writing mo nagaya ko na din" i said pointing to the letters.

"Psh. My handwriting is still better. Tsaka kaya pala ang tagal mo magsulat" nang asar pa.

"Edi ikaw na magsulat!" i exclaimed tapos binigay sa kanya yung notebook ko. Tawa tawa lang siya.

😈

JC pulled the blanket as i jumped at the bed.

"Cannonball!"

"Hey. Para kang bata" suway ni JC.

"Bata pa naman ako ah" sabi ko nang iayos na namin ang blanket.

"I mean, hindi ka na 8 years old and below. 15 ka na" paliwanag ni JC.

"Sige. Ipilit mo" aniko.

Inabot ko ang lamp. I turned it off.

"Night JC" i sent him goodnight.

I heard no response sa kaniya so, "Goodnight JC" i repeated.

Wala pa din siyang response.

"Goodnight John Carlo" i said.

Wala pa din. Humihilik na ata.

Hinawakan ko ang ilong niya. Humihinga pa naman. Kala ko patay na.

Tinapik niya ang kamay ko saka ako nilingon. Niyakap niya'ko ng mahigpit. As in mahigpit na mahigpit, di nako makahinga.

"JC i can't breathe" i said pushing him.

"Shh. Ang ingay mo. Matulog ka na" he said.

"How can i sleep when i can't breathe?"

Niluwagan niya ang pagyakap niya sa'kin. Buti naman. Then i didn't hear a word again. Tulog na yata.

Niyakap ko siya pabalik. I really love his smell.

Ang lapit lapit ko sa kaniya so i can smell his perfume na di pa natatanggal kahit naligo siya kanina.

Or maybe amoy na niya talaga 'to.

😈

😈

[John Carlo Dela Cruz]

I'm on my way going back to my classroom when someone hit me on my back.

Who the fuck is that?

I feel like papatay na ah.

I turned my back on who was that bastard. Oh, a familiar ugly face. That Bryle.

I pushed him. "What's your problem?"

"My problem is you" he exclaimed pushing me. Di man lang ako napaatras.

"Psh. Akala ko problema mo mukha mo" asar ko.

Lumaki ang ilong niya. Luh, para siyang gorilla.

"Ang tapang mo din ano? Ang lakas ng loob mong lumaban sa senior. Bakit, sino ka ba?" angas niyang tanong.

Hinanda ko na yung kamao ko. Isang suntukan lang to tumba na. Senior daw eh mukha namang fetus.

"Hindi ako sinuka. Inire ako. Ikaw niluwa" nagtawanan yung mga kasama niya.

Tinaas niya ang elbow niya, squaring pataas sa kaniyang elbow. Nakakuyom ang kaniyang kamao.

"Tapusin na natin to" he said then punched mo on the face.

Didn't see that coming.

He punched my handsome face!

Sinuntok ko din siya ng walang hinto hanggang sa tumulong na yung mga kasama niya sa'min.

9 people versus me. I don't care. Lima na ang nakahimlay.

Apat silang nanununtok sa'kin pero si Bryle lang ang pinupunterya ko. Dumudugo na yung ilong at bibig niya.

Namamasa na yung mata niya. Nakapikit na nga eh. Tapos basag yung pisngi at ilong niya.

No one dares to stop us kundi pati sila masasapak.

"Tanginang mga tao!" sigaw ng isang lalaki tapos may mga naka-blue na unipormeng umawat sa'min.

Nagpupumuglas pa si Bryle para suntukin ako.

"Tangna niyo bitawan niyo'ko!" sigaw niya. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niyang yun.

Nagmumukha siyang tangang baliw. Basag na basag mukha niya.

Me, i can't feel his punches. Yung naramdaman ko sa bawat sapak niya ay galit.

"What's happening here? Bryle, JC?" nagulat siya nang makita ako. Pamilyar ang isang to. Ah, si Thoralid. Naalala ko na.

Kapatid siya ng principal.

"Just don't care!" sigaw ni Bryle kay Thoralid.

"Sorry, but you two need to be there at my sister's office" pinamukha nyang kapatid siya ng principal. Pwede namang sabihin niyang 'Principal's Office' imbes na 'my sister's office'.

Wala kaming nagawa kasi kinaladkad kami ng mga CAT. Bahala kayo.

😈

PRINCIPAL'S OFFICE

"JC? Are you okay?" salubong sa'kin ni Brisk sa entrance ng office.

I know that that is not what he is trying to say. Ang totoong sinasabi ng mukha niya ay "I told you to keep away from those people lalo na kay Danskie. Yan tuloy napala mo"

"I'm okay, cousin" i sarcastically said.

Nagpatuloy kami sa loob ng office.

Nandoon ang Principal. Naka-white blazer ang white pencil cut skirt. Sabi nila 40s na siya pero mukha naman siyang 25.

Alam ko secret niya. Di ko sasabihin sainyo yun kasi secret nga eh.

"A Bryle Harley and a John Carlo Dela Cruz on my office. Halata na ang dahilan kung bakit kayo nandito. Look at your faces! Para kayong mga manok na nagsabong!" Principal's intro.

"Anong dahilan ba't kayo nag-away" she asked.

No one talked. Hinampas niya ang mesa.

"Ikaw Mr. Dela Cruz, maganda ang standings mo sa last school mo tapos ganito? Madadawit ka sa isang gulo? Tapos ikaw naman Mr. Harley, senior ka na pumapatol ka pa sa junior?" principal talking again.

"Principal it's that's man's fault!" turo sa'kin ng kasamahan ni Bryle. Ngumisi ako tsaka umiling.

"Yes. I agree. Kitang kita niyo naman sa pasa Principal" another Bryle's mouse second the motion.

Principal looked at Bryle's ugly face then mine.

"i don't care about their injuries. I'm asking the reason on why you two are fighting!" nai-stress niyang sabi.

😈