Nandito ko sa balcony ng kwarto ko nakatitig sa mga bituin at buwan gamit ang malulungkot na mata. Mula sa kinakatayuan ko dinig ko ang pag-away ng mga magulang ko. Well anong bago lagi naman sila nag-aaway at lagi ako ang dahilan.
"Archel hindi mo to pwede gawin sa anak natin isipin mo naman ang kinabukasan nya pati na rin ang nararamdaman nya. " wika ni mama na alam kong umiiyak na.
"Kaya ko nga to ginagawa para sa kinabukasan nya. Hindi mo ba nakikita ang anak mo Risha? Hindi na natin sya makontrol sobra na ang pagrerebelde ng batang yan. Tama na! final na ang desisyon ko ito lang ang paraan para tumino ang batang yan ipapakasal natin yan sa anak ng mga Delmina." ramdam ko ang galit ni Papa sa bawat bigkas ng mga salita nya at alam kong hindi na sya mapipigilan ni mama.
Pinigil ko ang patitig sa mga bituin at napag pasyahang bumaba para sana kumuha ng beer mukhang masarap uminom ngayon.
"Hindi mo alam ang ginagawa mo Archel lalo mo lang nilalayo ang loob ng anak natin sa atin." Dinig ko ang pagsusumamo ni mama habang pababa ako ng hagdan.
"Alam ko ang ginagawa ko Risha walang makakapag bago nang desisyon ko." Mukhang nakapag desisyon na rin naman pala sila ano pa kailangan ko sabihin.
Dumaan lang ako sa harapan ng magulang ko papuntang kusina para kumuha ng beer. Ramdam ko ang pagsunod ng titig ng magulang ko.
"Mag-usap tayo Erisha."ani ni Papa na hindi ko pinansin at tuloy-tuloy na umakyat sa hagdan.
"Bastos!Walang modo!" huling salita ni Papa bago ko padabog sa isara ang pinto ng kwarto ko.
Binuksan ko ang beer at bumalik sa pagtitig sa mga bituin. Inaalala kung bakit nga ba ko napunta sa gantong sitwasyon. Nasangkot ako sa isang aksidente na syang nagpabago ng buhay ko.
"Karera" I love car racing at hindi ako suportado ng magulang ko. Kaya napilitan akong itago ang katauhan ko sa larangan nang karera hindi ako si Erisha Moreal.
Tanggap ko na hindi ako suportado ng magulang ko sa gusto ko ang hindi ko matanggap ay ang pagkatalo ko ngayon. Natalo ko sa karera dahil nabunggo ng isang kalaban ko ang sinasakyan ko. Hinding-hindi ko malilimutan ang mukha nya at sinusinguro ko na babalikan ko sya.
Mukhang di na kita kailangan balikan dahil ikaw na mismo ang lumalapit sakin. Delmina.