Chereads / STAY OR LEAVE / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

Brat girl

"Nakita mo ba yung mukha ni Angelo?Hahaha mukhang pasa na tinubuan ng mukha." Malakas na tawa ko habang naglalakad kami papuntang cafeteria kasama ang dalawa kong barkada.

"Gag* ka talaga Erisha hindi halatang babae yung gumawa sa kanya non parang tambay sa kanto ang tumira e" Malakas kaming tumawa ni Mildred habang ang isa ko namang kaibigan na si Rica ay nakangiwi lang samin. Ano paba aasahan ko sa isang kaibigan ko na to pa Good girl to samantala kami ni Mildred tamang gago lang Hahaha.

"Hindi nako mag-tataka kung ipapatawag ka mamaya sa principal office Erisha. Pangalawang away mo na to sa loob ng isang linggo kaya hindi na rin ako magtataka kung ipatatawag na naman yung magulang mo." Mahinhin at may halong pag-aalala na saad ni Rica. Irap lang ang naging sagot ko sa kanya.

Tss wala naman akong pakealam kung ipatawag ang magulang ko as if naman pupunta yung mga yon. Totoo ang sinabi ni Rica pangalawang beses na ko napaaway sa loob ng isang linggo yung una si Onek tinapakan nya kasi ang sapatos ko kaya sinapak ko sya hindi ko naman alam na lampa yung isa na yon. Pangalawa naman na ngayon lang nangyari si Angelo dadaan sana ko sa pinto ng bigla nyang isarado kaya nauntog ako kaya hayon pinagdamit ko lang naman ng pasa. Ewan ko nga lang kung nasa clinic pa sya o sinugod na sa Hospital naparami yata yung sapak ko e Hahaha.

"Dito tayo malamig dito. " Turo ko kila Mildred sa napili kong pwesto na kakainan namin.

"Sa iba nalang tayo Erisha may nakaupo na jan oh di mo ba nakikita?"

"Ako bahala ." Sabay ngisi kay Rica

"Hey bitch."Bati ko sabay tapik sa balikat ng nakaupo sa napili kong upuan. Lumingon sakin nang nakatingala ang babae habang ang nasa tapat naman nya ay napatitig sakin.

"E-erisha ikaw pala ahh-mm ano kailangan mo? " Kabado nyang sagot. Ano bang nakakatakot sakin? Wala naman syang dapat ikatakot basta susundin lang nya ang gusto ko.

"Alis. "Maikling tugon ko.

"Ha?" Nanlalaking matang sagot nya.

Bobo yata yung isa nato hindi ba nya alam ang salitang alis. Ayoko pa naman inuulit ang sinasabi ko nag iinit ang ulo ko sa taong hindi makaintindi sa simpleng salita.

"Bobo kaba? Sabi ko alis! Ano mahirap intindihin doon? " sigaw ko sa babaeng nasa harapan ko. Mukhang nakuha ng boses ko ang atensyon ng mga estudyante sa loob ng cafeteria dahil sa biglaang pagtahimik ng paligid.

"P-pero nauna kami dito m-marami pa namang bakanteng upuan. "Sagot ng babaeng kasama ng nasa harapan ko. At sya namang binigyan ko ng masamang tingin habang binibigyan ko ng masamang tingin ang babae ay sya namang nakakuha ng atensyon ko ang lalaking nasa likuran nya na binibigyan ako ng malamig na titig. Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawang babaeng nasa harapan ko.

"Aalis kayo o itatapon ko sa mukha nyo iyang kinakain nyo? Ano di kayo aalis? "Sigaw ko sa dalawa na syang lalong nag patahimik ng paligid.

"Erisha lipat nalang tayo marami pa namang bakante at pinag titinginan na tayo." bulong sakin ni Mildred sabay hila sa braso ko.

Hindi pwede. Malakas ang loob ng dalawang babae nato para hindi sumunod sa gusto ko.

"Sinusubukan nyo ba talaga ko?" nagtitimping saad ko habang nilapat ko ang dalawa kong palad sa kanilang lamesa na nagpapahiwatig na nauubusan na ko ng pasyensya.

"T-tara na N-nicole. "Hatak ng babaeng nasa harapan ko sa kasama nya.

"Aalis din pala pinaiinit pa ulo ko. " Sa pag upo ko sa upuan ay syang pag angat ng ulo ko sa tapat ko ay nakatitig pa rin ang lalaking yon sakin. Ano tinitingin-tingin ng lalaking to? Hinahamon ba nya ko nang suntukan? Aba baka masunod sya kay Angelo.

"Tara order na tayo para lumamig na yang ulo mo Hahaha." Aya sakin ni Mildred.

"Tss bili mo nalang ako isang lasagna saka ice tea tinatamad ako pumila. " Sabay abot ng pera kay Mildred.

"Masusunod po mahal na prinsesa! " Pang -aasar sakin  nato at ngiwi lang ang naging sagot ko sa kanya.

Ano ba talaga tinitingin-tingin ng lalaking to kanina pa to nakatingin ah. Sinuklian ko ng masamang tingin ang lalaki. "Brat girl." Ano tinawag ba nya kong brat girl? Iyon yung nabasa ko sa pag bukas ng labi nya o baka naman hindi ako yung kausap nya at hindi talaga iyon yung sinabi na.

Hays palalampasin ko to ngayon baka mali lang pag kaintindi ko at mapaaway na naman ako.

"Oh kain na tayo! Bilisan natin naubos na yung oras natin sa pakikipag-agawan mo sa pwesto." Nag mamadaling sabi ni Mildred.

Oo nga hindi ko napansin ang oras 30 minutes lang ang break namin at 10 minutes nalang ang natitira samin. Kaya nagmadali na kami sa pagkain.

"Tapos kana? Tara na! " Nagmamadaling aya ni Rica sakin.  Shet tapos na pala sila at 2 minutes nalang natitira samin.

"Tara." Nagmamadali kong tayo.

Sa paglabas namin sa cafeteria ay nakasabay namin yung lalaking kanina pa nakatitig sakin kasama ang mga kaklase nya yata. Pag kita ko sa uniform nya college student na pala at bakit kaya dito sila kumakain sa cafeteria ng High School. Never mind late na kami. Nag kadikit kami dahil sa dami naming sabay-sabay sa pag labas .

"Brat girl ."bulong nya

Anoooo? Ako ba yung tinawag nyang brat girl? Hindi na to pag kakamali dahil dinig na dinig ko sya. Pag lingon ko sa kanya sakin nga sya nakatingin.

"Brat girl." pag uulit nya.

Napanganga ako sa kanya so ako talaga ang sinabihan nyang brat girl ha. Humanda sa sakin hayop ka. Balak ko na sanang sugurin ang lalaki ng bigla akong hatakin nila Mildred kaya wala akong nagawa kundi bigyan ng masamang tingin ang lalaki . Ningisihan lang ako ng lalaki at lumiko na to kasama ang mga kaklase nya.

Arggghh Hindi ko to mapapalagpas. Iisunod kita kay Angelo sigaw ko sa isip ko.