Chereads / STAY OR LEAVE / Chapter 4 - CHAPTER 3

Chapter 4 - CHAPTER 3

Away

"Wooahhhh! " Sigawan ng mga tao sa paligid ko pagka shoot ng huling bola at nangingibabaw ang sigaw ni Mildred.

Akin kana 50 thousand HAHAHA iyan ang tinatawag na easy money. Ningisihan ko ang kalaban kong unano at nilahad ang kamay.

"Talo ka." nakalahad ko paring saad sa kalaban ko. Bakas sa mukha nya ang galit at hindi parin nya binibigay ang napag pustahang halaga sa kamay ko.

"Sabi ko talo ka! Nasan na yung pusta mo? O baka naman wala ka naman talagang pamusta? "

"H-hoy yabang dinaya mo ko ulitin natin. "

Anak ng...

Ginagago yata ako ng isa na to ah nasaan ang daya doon? Mukhang wala naman talagang pamusta ang gago.

"Sumunod ka sa usapan unano kung ayaw mong ihampas ko kayo yung tako na to. " sigaw ko

"50 thousand. "ulit ko.

"G-gago kaba? D-dinaya moko kaya hindi ko ibibigay sayo."

Nauubos na pasyensya ko sa unano na to kaya wala akong choice. Dinakot ko ang collar ng damit nya na nagpaangat sa kanya sa kinatatayuan nya.

"Gago ba kamo? Oo gago ko at gago pa sa gago. Kaya ibigay mo sakin ang pera kung gusto mong makauwi ng buo." bulong ko sa kanya

"O-oo na i-ibibigay ko na b-bitawan mo na ko. " ani ni unano

Binitawan ko ko sya at nilahad ulit ang kamay ko. Nilagay nya ang pera at binilang ko sa harapan nya hindi ko sya pinakawalan habang hindi ako tapos mag bilang.

"Pakawalan mo na ko kumpleto yan." ani ni unano

Kumpleto nga pero naninigurado lang ako dahil kahit isang libo lang ang kulang dito hahanapin ko sya.

"Sa susunod na maghahamon ka nang laro siguraduhin mong susunod ka sa usapan kung ayaw mong mabali yung tako sa batok mo. Naiintindihan mo ba unano? " saad ko habang nilalagay sa wallet ang pera.

"O-oo at hindi na kita aayain mag laro madaya ka!Dinaya mo ko. "

Ningiwian ko lang sya at tinalikuran.Hindi ko inaasahan na marami na palang nanonood samin at pati mga estudyante na nag-rereview sa coffee shop ay nasa labas pinanonod ang gulo sa bilyaran.

Lumapat ang titig ko sa lalaking nasa harapan ko titig na titig na naman sakin ang lalaki para bang sinusuri ako kung may masamang nangyari sakin. Kasama sya sa nanonood hindi ko nga lang alam kung laro ang napanood nya o ang away.

"Tara na, Mildred." Aya ko kay Mildred na nakikipag bilangan pa rin ng pera.

"Tara hahaha easy money. " tawa nya habang naglalakad kami palabas. Nakasunod ang mga mata ng mga estudyante samin habang naglalakad kami palabas.

"Tabi." Ako habang nakikipagtitigan sa lalaking nasa harap ko. Nakahalang sya sa daanan kaya hindi ako makadaan. Nakatitig sakin ang mapungay nyang mata na para bang kinikilala nya ako.

"Have we met before?" tanong nya

Huh? Nagkita naba kami? Ang alam ko unang kita ko sa kanya ay kanina sa cafeteria kaya nasisiguro ko na hindi pa kami nag kikita noon.

"Hindi. Alis dadaan ako. " Malamig na sagot ko.

At nagbigay naman sya sakin ng daan na hindi inaalis ang tingin sakin.

"Shettt sis ampogiii non! ang

yummy." ipit na tili ni Mildred pagkalabas namin ng bilyaran.

Oo gwapo nga iyon din ang napansin ko habang tinititigan ko sya kanina. Tan skin, matangos ilong, clean cut,matangkad nakatingala kasi ko sa kanya kanina ng konti habang tinitingnan ko sya sa mata. Oo gwapo pero di ko type at hindi ako tirador ng college student si Mildred lang yon.

"Edi jowain mo kaya ng gayuma mo yan." Sagot ko kay Mildred

"Ulols hindi kaya ng charisma ko yon ikaw type e sayo nakatitig."ani ni Mildred

"Tss uwi na!" tulak ko sa kanya sa sasakyan nya para matapos na ang usapan tungkol sa lalaki na yon.

"Oo na ikaw din ingat ka baka sundan ka ng unano na yon Hahaha."

"Err saka na sya magmalaki pag mas malaki na sya sakin."

"Hahaha well nag text sakin si Zack nag-aaya 300k daw Sunday 6:00 p.m alam mo na. Ano game? Matagal nang natambay mga babies natin.

"Let's see."

Tumalikod na ko sa kanya at sumakay na sa sasakyan ko pinaharurot pauwi ng bahay.

Pagdating ko sa bahay wala pa sila Papa alam ko may contest na sinalihan si Elliyah yung kambal ko pumunta siguro sila sa school ni Elliyah para suportahan yung matalino nilang anak.

"Manang pagising nalang ako pag hapunan na magpapahinga lang ako." Paalam ko kay manang.

"Sige, Erisha."

Dumiretso na ko sa kwarto at humilata na sa kama ng hindi pa nakakapagpalit ng uniform. Pagpikit ng mata ko naalala ko ang mukha ng lalaking iyon. His attractive eyes, kissable lips, His unforgettable smell, hmmm... "Have we met before?" I don't think so. Kung nagkita man kami noon imposibleng makalimutan ko ang mukha nya. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iisip.

"Erisha, nandito na mama at papa mo bumaba kana at maghahapunan na. " Nagising ako sa katok ni manang sa pintuan. Wala na rin akong sinayang na panahon nag bihis nako at bumaba. Naalala ko kaya pala gutom na gutom ako hindi pala ko nakakain ng maayos kanina.

Pag baba ko sa hagdanan tawanan sa hapag kainan ang naririnig ko mukhang nagkakatuwaan sila. Pag pasok ko sa dinning table ay syang pag tahimik ng lahat bumalik lang ang ingay nang iserve ni manang ang mga pagkain.

"Ang galing-galing mo talaga kanina anak halos walang mali sa sagot mo. Proud na proud kami ni Papa mo kanina kulang nalang tumalon kami sa tuwa nang tawagin ang pangalan mo." ani ni mama sa kapatid ko na halatang tuwang tuwa at pinag-mamalaki nya.

How I wish sana ako din. Kumain lamang ako ng hindi sumasali sa kanilang usapan.

"Ma, kanino pa ba yan mag mamana sa talino ba naman ng Papa nya tsk." Pagbibiro ni Papa

"Ay nako Pa, sinabi mo pa Hahaha pero yung ganda sakin nakuha ah. " Malakas na tawanan ang bumalot sa hapag kainan. Sumali ang kapatid ko sa isang pageant sa school at sya ang naka uwi ng korona.

"Kala ko nga po hindi ako mananalo e magaling din po kasi yung mga kasama ko." Pahumble na sagot ng kapatid ko.

"Ayy nako Elliyah, tiyak na unang kita palang ng hurado sayo alam na nilang ikaw ang mananalo."ani ni manang

Totoong maganda ang kapatid ko syempre ako rin kambal nga kami diba? Nakuha namin ang kutis ni mama pero meron parin kaming pag kakaiba. Maganda ang pagkakakulot ng mahabang buhok ng kapatid ko samantalang ako ay tuwid na tuwid at mahaba rin. Makurba pareho ang aming pilikmata ngunit mas maitim ang akin. Maamo ang mukha ng aking kapatid samantalang agresibo naman at madilim ang expression ng aking mukha.

"Eh itong si Erisha, kanino naman kaya nag mana? " matabang na tanong ni Papa.

Tss nananahimik na nga ako bakit kailangan pang isingit ako sa usapan. Nanatili lang akong walang imik sa tanong ni Papa.

"Pa, nasa hapag kainan tayo."Pag pipigil ni mama kay papa.

"What happened Papa?" Tanong ng kapatid ko habang nakatingin sakin.

"Pinapunta kami kanina sa school nya at napaaway na naman. Isang pagkakataon nalang daw at ma eexpelled na sya. Hindi kana nahiya Erisha, puro sakit nalang ng ulo ang binibigay mo samin." ani ni Papa na galit na galit.

"PA! " pagpapatigil ni mama kay Papa.

"Hindi, Risha iyang-"

Hindi ko na pinatapos si Papa at tumayo nako sa upuan hudyat na tapos nako kumain.

"Abat...wag kang bastos, Erisha! finish your food!" ani ni Papa

"I'm done." sabay talikod sa kanilang lahat at umakyat na sa kwarto.

Ugghhh I hate this life!! I want to rest and get some sleep tonight.