Disappointed
" Excuse me, ma'am, Can I excuse Ms. Erisha Moreal? Pinapatawag po sya sa principal office. " Napairap nalang ako nung narinig ko ang paalam ng isang estudyante na iexcuse ako. Hindi pa man sumasagot ang aming subject teacher at tumayo na ako at lumabas sa classroom ng walang paalam.
Tss expected naman na to hindi pa ko nasanay. Ano naman kaya parusa sakin? Pag lililinisin ng banyo? Iwww.
Pagdating ko sa principal office ay nandon na ang magulang ko. Himala pumunta sila. Kitang kita ko ang galit sa mata ni Papa at lungkot ni mama. Na expelled na kaya ako? Wag naman sana ayoko lumipat ng school.
"Ms. Moreal have a sit. " Pag papaupo sakin ng principal sabay buntong hininga nito.
"So Mr. And Mrs. Moreal mukhang alam nyo na kung bakit ko kayo pinatawag." halata sa boses ng principal namin ang pag kadismaya. Habang ako ay nakatitig lamang sa bintana ng silid nato habang kinukwento ng principal namin sa magulang ko ang nangyari.
"Mr. And Mrs. Moreal I'm sorry but this is her last chance pag naulit pa ang ganto wala na tayong choice kundi ilipat sya ng school." Desisyon ng principal namin na syang nakakuha ng atensyon ko. Nakatitig sakin ang principal at si Papa hinahanap yata ng principal na to ang lungkot sa mata ko dahil narinig ko ang last chance Tss pakialam ko sa last chance nyo. Naiiling si Papa sakin na nagpapahiwatig ng disappointment.
Sumabay ako sa pag labas ng magulang ko galing sa principal office. Pag labas palang namin ay narinig ko na ang sermon ni Papa.
"Wala kaba talagang alam gawing matino? Ha! Erisha? Kababae mong tao makikipag suntukan ka. Really? Iyan lang ba talaga pangarap mo sa buhay? Bakit ba hindi kana lang gumaya sa kapatid mo? Minsan na nga lang kaming pumunta sa school mo dahil napaaway kapa!" Sunod-sunod na bwelta ni Papa sakin.
Ano pa ba aasahan ko? Pag ganitong napapasama ko sa mga gulo lagi nalang akong kinukumpara ng magulang ko sa kambal ko. Oo may kambal ako at hindi kami magkasama sa school ayaw kaming pagsamahin baka daw mahawa sa karebeldehan ko. Malaki pagkakaiba namin sa pamilya namin sya ang mabait at ako ang sakit ng ulo.
"Archel, tama na yan sa bahay nalang natin pag usapan yan." Pagpapakalma ni mama kay papa. Na hindi ko naman pinagtuunan nang pansin dahil nakuha nang atensyon ko ang lalaking naglalakad papunta sa gawi namin. Ito yung lalaking tumawag sakin ng brat girl.
"I'm so dissapointed, Erisha! Change your attitude kung ayaw mong parusahan kita. "Huli saad ni Papa na sakto namang pag tapat sakin ng lalaking iyon. At alam kong narinig nya ang sinabi ni Papa kaya napatingin sya samin. And I can see the disappointment on his face.
"Aalis na kami anak wag isipin ang sinabi ng Papa mo." Pamamaalam ni mama.
Pagbaling ko sa direksyon pabalik sana sa classroom ay nakita ko paring nakatingin sakin ang lalaking yon. Err wala ako sa mood makipag away ngayon kahit hindi naman bakas sa mukha nya pakikipag hamon nang away. Kita ko sa mukha nya ang halong dissapointment at awa.
Naglakad nako pabalik ng classroom ng hindi pinapatulan ang lalaki." I'm so dissapointed Erisha. " Nag pabalik balik sakin ang sinabi ni Papa at tinanong ang sarili ko. Kailan ba sila sakin naging proud? Kailan ba nila nakita yung mga kabutihan ko? Teka...May kabutihan ba kong nagawa? Hehe wala yata. Sige wag nalang yon.
Hanggang sa pag dating ko sa classroom ay tinadtad nako ng tanong nila Mildred at Rica na pinili kong wag nalang sagutin dahil tinatamad ako. Mukhang tapos na rin naman ang klase dahil wala na si Ms. Cana kaya pinili ko nalang ang dumukdok para matigil na sila Mildred sa pagtatanong.
"Ano ba kasi nangyari? kwento mo naman share your blessing wag ka selfish sa chismis, Erisha." Tanong ni Mildred sakin habang papalabas kami ng campus. Pag gantong tapos na ang klase diretso kami sa bilyaran kami lang ni Mildred dahil ang good girl naming kaibigan kj.
"Hindi ko alam, Mildred. Magulang ko lang ang kinausap at saka sa lesson nga tamad na tamad ako makinig sa sermon pa kaya ng matanda na yon tss." Ayoko lang talaga mag kwento dahil tinatamad ako at wala din naman kwentang pag-usapan.
Nag paalam na si Rica samin at dumeretso naman kami ni Mildred sa sinasabi naming bilyaran.
Maganda tumambay doon dahil may choices ka pag nainip ka katabi ng biyaran sa gawing kanan ay coffee shop at sa kaliwa naman kainan kaya napapagitnaan ang bilyaran. Karamihan sa mga nandoon ay mga estudyante mapa High school o college kumbaga tambayan talaga ng mga estudyante.
"Hindi ako lalaro ngayon ah ikaw nalang pupusta nalang ako sayo. " Saad ni Mildred habang palakad kami papunta sa bilyaran. Bago kami makarating ay nadaanan namin ang coffee shop napabaling ang ulo ko roon. Puno ngayon ng mga estudyante na nagrereview palibhasa may free Wi-Fi kaya kahit mga di oorder nakatambay.
Isa don ang lalaking nakatingin lagi sakin. Kasama nya ulit ang mga kasama nya kanina sa cafeteria nakatuon sakin ang mga mata nya para bang expected na nya na dadaan ako kaya nakaangat ang ulo nya habang ang mga kasama nya ay nakatutok sa aklat. Err nerd.
Naka sunod ang mga mata nya sakin habang naglalakad ako at hindi ko din sya tinantanan ng masamang titig hanggang sa pag pasok ko sa bilyaran.
"Erisha, naks nice to see you again. Ano laro?" Tanong sakin ng lalaking di ko naman kakilala.
"Magkano ba kaya mo?" mayabang na tanong ko. Syempre hindi ako lalaro ng wala akong mapapala no.
"Hahaha mayabang ka nga. 50 thousand Ano game?" lakas din ng loob na to tawagin akong mayabang ha pero pwede na sayang din yung 50 thousand.
"Kahina naman pero sige game." Walang ganang sagot ko sa kanya sabay kuha ko ng sariling tako.
"Ako nga pala si Chom pinaka malakas na manlalaro dito." Pag papakilala nya sakin na may halong yabang.
"Mamatay na nagtanong. "Wala gana kong sagot.
"Ang yabang ha balita ko matapang ka daw pero wag ka mag alala di kita papatulan."
"Hindi ko rin naman gugustuhing pumatol sayo." Saad ko habang naglalagay ng powder sa palad ko.
"Bakit natatakot ka? HAHAHAHA dapat lang. " Err daming satsat
"Hindi.... Mahina kapa kasi nakakaawa ka patulan. " Sasatsat pa yan oh tingnan mo.
"A-anong sabi mo?"
"Ano mag lalaro ba tayo o makikipag yabangan kana lang sakin? "Nauubos na pasyensyang sabi ko.Nakakainis kailangan ko maglaro hindi makipag yabangan kung yabangan lang madami ko non.
"Pusta ko kay Erisha 20k." Pusta sakin ni Mildred at tiningnan ko sya nang pinahihiwatig na "Ang hina naman prend "
Isinayos muna nila ang pustahan bago namin sinumulan ni ano...ano nga ulit pangalan na to? Ahh basta sinumulan namin ng unano na to ang laro.