Chereads / The Solar Eclipse [Tagalog Version] / Chapter 3 - Kabanata 02

Chapter 3 - Kabanata 02

┊┊⋆┊┊ ☪︎ Ellise Point of View

Naglakad lakad ako at hinayaan akong dalhin ng aking paa sa lawa kung saan may puno roon na paborito kong puntahan sa tuwing ako ay nalulungkot ngunit, hindi katulad dati na walang tao roon ngayon ay may isang nakatakip ng Coco na sumbrero sa kanyang mukha ang nakahiga roon.

Nilapitan ko ito ngunit, napag-isip ko na hindi dapat ako gumugulo ng isang taong hindi ko kilala baka maissue ako lalo na't babae ako.

Umupo ako sa kabilang banda ng puno at doon naupo, napaka-payapa ng lawa at ang mga ihip ng hangin ay tinatangay ang buhok ko na kulay itim na may halong brown sa baba.

Nagulat ako ng nagsalita ito ngunit, para s'yang binabangungot. "Luna--" bigkas nya na pautal utal, pamilyar sa akin ang binabanggit nya dahil ayon din ang sinabi ng isang babae sa aking panaginip ngunit ano ang kinalaman nya roon?

Agad ko naman s'yang nilapitan hindi ko alam pero nararandaman ko nalang na inilapag ko ang kanyang ulo sa aking hita ngunit, hindi ko tinatanggal ang sumbrero nya at kinakantahan s'ya ng "Only Hope" ito ang kadalasang pinapatugtog ko kapag hindi ako makatulog. Magaganda ang ibig-sabihin ng mga lirikong aking binabanggit na tagos sa aking puso.

─●──────── -2:56

"There's a sing that's inside of my soul

It's the one that I've tried to write over and over again

I'm awake in the infinite cold

But you sing to me over and over and over again.

So I lay my head back down

And I lift my hands and pray

To be only yours I pray

To be only yours

I know now you're my only hope

Sing to me the song of the stars

Of your galaxy dancing and laughing and laughing again

When it feels like my dreams are so far

Sing to me of the plans

That you have for me over again"

Mukhang effective naman dahil tumahimik na s'ya at nakatulog ulit. Napabuntong hininga ako ng marahan dahil hindi ko naman ito kilala, paano kung masamang tao pala ito at bigla akong saksakin pero mukha namang malabo 'yon, hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa kanya.

Mga ilang saglit pa ay tinanggal nito ang sumbrero nito at nagulat ako ng makita ang mukha nito.

Diretso lamang ito nakatingin sa mga mata ko na parang nababasa ang iniisip ko.

S'ya yung nabangga ko kanina at dahilan kung bakit ako nalate, totoo nga ang kulay ng mata nya ay kulay pula akala ko namamalikmata lang ako kanina marahil may lahi nga s'yang foreigner. Tiningnan ko ang noo nya ngunit, wala namang marka roon katulad ng nakita ko na araw

"Hindi ko alam na ikaw pala 'yon, aalis na ako ha" patayong sagot ko ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko at nawalan ako ng balanse.

Agad namang naglapit ang mga mukha namin at nagsalita s'ya "Dito ka muna, samahan mo ako" agad akong nahiya sa gano'ng posisyon kaya tumayo agad ako na parang walang nangyare para mawala ang pamumula ng mukha ko.

"Thankyou" ayan lang ang sinabi nya pero hindi na maawat ang puso ko sa pagkabog.

Agad akong tumakbo pauwi sa bahay ng tingnan ko ang relo ko malapit ng mag-gabi hindi na ako nagpaalam, pagkapasok ko sa bahay ay nakaabang na roon si Madam Emma na nanlilinsik ang mata.

Kapag gantong late ako nakauwi kaylangan ko magisip ng magandang dahilan para hindi ako mapagalitan ng malala.

"Anong oras na sa tingin mo?  Oras ba ng uwi ng isang babae ang ganyan" sabi nya na nakapamewang, agad naman akong nagexplain na nagpatulong ang guro namin kaya late ako nakauwi kung idadahilan ko na may lalake akong kinantahan dahil binabangungot ay lalo ako nitong papagalitan.

"Magluto ka na ro'n, kanina pa nagugutom ang mga ate mo" agad naman akong nagtungo sa silid ko at nagpalit ng kasuotan, itinali ko ang mahaba kong buhok para hindi makasagabal sa pagluluto.

Bumaba ako sa lutuan at nagsimulang magluto ng Sinigang, agad naman akong napatingin sa labas at nakita ko ang mga nagniningning na mga bituin sa kalangitan. Sadyang napakaganda nito, agad akong bumalik sa pagluluto at ng mayari ito ay agad ko itong hinain sa mesa.

Nagtungo ako sa silid ko para magpahinga, agad kong ipinikit ang mata ko saglit upang makapagisip. "Luna" ayan ang naririnig ko sa isip ko, hindi ko alam kung ano ang kinalaman ko sa pangalan na 'yan pero ito rin yung binabanggit ng lalakeng may pulang mata at ng babae sa panaginip ko.

Marahil ay masyado lang akong nag-iisip, gusto kong lumabas ngayon at makatanggap ng sariwang hangin. Lumabas ako ng silid at mukhang nasa kanya kanyang silid na sila dahil iniwan na nila ang pinagkainan nila, inayos ko muna ito at saka tuluyang lumabas.

Naglakad lakad ako hanggang sa may matanaw akong isang puno, naupo ako doon at tumingala sa kalangitan. Ito ang mga bagay na nakakapagrelax sa akin, hindi ko alam pero tuwing gabi ay parang lumalakas ako at ito ang nagbibigay ng kasiglahan sa akin.

"Ang liwanag ng mga bituin ang nagbibigay sa akin ng pag-asang mabuhay kase sila ang nagbibigay liwanag sa madilim na mundo" sabi ko sa aking isip at pumikit saglit ng may marinig akong kaluskos.

"Sino ka?" tanong ko dahilan para mamayani ang kaba sa aking dibdib. Huwag naman sana isang masamang tao ang lumabas, ayoko pang mamatay.

"Bakit nasa labas ka pa, gabi na ah" isang pamilyar na boses ito at dahan dahan itong lumabas sa nagtatagong puno.

Nakasuot ito ng isang knitted na sweater na bumagay sa kanya, ngunit ang nakakapagtaka ay may band-aid s'ya sa noo na kung saan doon ko nakita ang tatak na araw sa kanya.

"Hindi ako makatulog, bakit nandito ka? Sinusundan mo siguro ako noh." sabi ko at tumawa ngunit, seryoso lang s'yang nakatingin sa akin.

Nakatingin lang s'ya sa mga bituin, hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Kung titingnan mo s'yang mabuti ay perfect package na ito dahil napakagwapo nya na bumagay sa kaputian nya ang kulay pulang mata nya.

"Ang mga mortal at immortal ay magkaiba ng mundo at ang katulad nating immortal ay hindi dapat nabubuhay sa mundo ng mga tao" sabi nya na ikinagulat ko, ano kami halimaw para maging isang immortal. Nagulat s'ya ng makita akong humahagalpak sa tawa, sumama naman ang tingin nya kaya umayos ako. Marahil nabasa nya lamang ito sa isang libro at binanggit lamang sa akin.

"Tandaan mo na huwag kang iibig sa katulad ko na may tatak na araw sa kanyang noo" sabi nya at dahan dahang tinanggal ang band-aid at nagulat ako ng lumabas ang araw na tatak sa kanyang noo. Labis na akong naguguluhan, bakit kanina sa puno ay wala ito?

"Ang galing, saan ka nagpatattoo" ayan na lang ang nasabi ko at nagulat ako ng biglang may kumaluskos na naman at namalayan ko nalang ang sarili ko na bitag ng isang babaeng may tatak na buwan sa kanyang noo.

Saglit, jowa nya ba ito at couple goals sila?

"Saglit, hindi ko inaahas ang jowa mo let me explain wala namang patayan" sabi ko habang tumatagtag ang pawis sa noo ko.

"Lumayo ka sa amin!" sigaw nito na ikinasindak ko, ano ba ang nangyayare. Pinapalayo nya ba yung lalake na ito dahil nagtatampo s'ya?

"Wala akong intensyon sa kanya" sabi nito sa malumanay na tono, nainis naman ako sa sinabi nya kahit alam kong wala naman talaga pero pagkayari ko s'yang kantahan.

Nagulat nalang ako ng biglang nagbato ng kutsilyo sa direksyon nito ang babaeng may bitag sa akin.

"Aba, sandali kumalma ka baka mapatay mo jowa mo" sabi ko sa kanya na pinipigilan s'ya pero humigpit lang ang pagkakahawak nya sa akin na dahilan ng pagkapos ko ng hininga, nandidilim ang mata ko at tuluyan ng nahimatay.

┊┊┊┊✧ ┊┊ Third Person P.O.V

Nang makita nya na nahimatay si Ely ay agad nyang iniwasan ito at naglaho, marahan nyang sinipa ang likod ng babae kung kaya't natumba ito agad nyang sinalo si Ely.

"Sino nag-utos sa'yo at anong balak mo sa babaeng ito?" sabi nya na seryoso ang mata, nagagalit s'ya dahil hindi nya naramdaman ang presensya nito.

"Ang babaeng iyan ang sisira sa amin kaya marapat na s'yang mamatay" sabi nito na akmang susugod ng biglang naglabas ng apoy si Ajax at binato sa kanya hanggang sa ito'y nawala.

Natumba naman si Ajax, nawala ang kalahati ng kapangyarihan nya ng ilabas ito sa mundo ng mga mortal.

Agad namang nagising si Elyse at nakita nya na nakapatong s'ya kay Ajax kaya agad syang napatayo.

Inilibot nya ang paningin nya at nakita nya na wala na ang babaeng nagtatangka sa buhay nila. Tiningnan nya si Ajax at may galos ito ng kaunti.

"Ayos ka lang ba, Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Elyse na ikinatango na lamang ni Ajax nagulat s'ya ng ilahad ni Elyse ang kanyang kamay.

"Ako nga pala si Elyse, maraming salamat sa pagligtas mo sa akin" sabi ko at bigla naman s'yang sumagot "Ajax" sabi nya at sa pagkakataong iyon ay naghawak ang kanilang mga palad tanda ng kanilang pagkakaibigan.

"Hatid na kita" sabi nya na ikinatango na lamang ni Elyse,nasa isip ni Elyse ang tungkol sa babaeng may buwan sa noo, hindi nya marahil kilala kung sino rin ang nagtangka sa amin ngunit mukhang ligtas naman ako sa tabi nya.

"Ilang buwan na lang bago ang iyong kaarawan?" tanong ni Ajax na ikinagulat ni Elyse, nagtataka s'ya na ito ang unang nagsalita sa kanila at kaarawan nya pa ang napili nyang itanong.

"Ang totoo, tatlong araw na lang" sabi ni Elyse na halata sa tono nya na excited, agad namang napatulala at tumango si Ajax. Natahimik naman si Elyse at tinungo na lamang ang kanyang tingin sa daan.

Nang makarating sila sa bahay ay agad nagpasalamat si Elyse at kumaway kay Ajax, agad naman itong kumaway pabalik.

"Sandali, Ajax" sigaw ni Elyse na agad ikinatigil nito, agad nyang inabot ang isang kwintas na may hugis na crescent moon.

"Ito ang tanda ng aking pasasalamat kapag nalulungkot ka, lumingon ka lamang sa kalangitan at hawakan ito" sabi ni Elyse at tumango ito at tuluyan ng umalis.