Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Holymancer (Tagalog-English)

Kurogane_Hiroto
--
chs / week
--
NOT RATINGS
146.2k
Views
Synopsis
Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1 : Ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan

"Sigurado ka na Clyde? Hindi na ba mababago ang desisyon mo? Buo tayo ng party like usual?" basa ni Clyde sa mensahe.

Ramdam niya rito ang pag-aalala.

Ang pag-uusap ay kasalukuyang nagaganap sa isang sikat na chatting platform.

Mula ito kay Jake. Isa sa kakaunti ngunit tunay na kaibigan ni Clyde.

Dahil dito isang buntong-hininga ang kusang kumawala sa bibig niya.

Imbes na makaramdam ng kasiyahan sa pagkakaroon ng maaasahang kaibigan, kasalungat nito ang kanyang nadarama.

Siya ay nahihiya sapagkat hindi alintana ni Jake ang mga kaakibat na problemang dala ng pakikihalubilo kay Clyde. Patuloy lamang ito sa pagiging kaibigan ni Clyde sa kabila ng mga kamalasan sa buhay ng kaibigan.

Hindi kayang suklian ni Clyde ang mga naitulong nito sa kanya ngunit patuloy lamang ito sa pagtulong sa kanya ng walang hinihintay na kapalit.

Isa pa, pinag-iinitan si Jake ng kanyang mga kasamahan sa guild dahil na rin sa kanya. Hindi lang naman siya ang dahilan ng galit ng mga ito sa kaibigan, pero kabilang pa rin siya sa mga dahilan.

Nagseselos sila kay Jake dahil lubos na pinahahalagahan ito ng kanilang guild leader. Kaya naman espesyal ang pagtrato nito sa kaibigan ni Clyde. Mas maluwag sa mga patakaran ang leader kay Jake.

"Common Sense na dapat i-tratong mabuti ng guild leader nila si Jake. Sapagkat malaki ang ambag nito sa kanilang grupo. Isa siya sa mga pinakaimportanteng miyembro ng guild. Malakas siya. Isang Class A Hunter. D'yan pa lang kahit saan mo dalhin ang lalaki ay magiging VIP na s'ya. Ang mga rank-A Hunters ay ang pinakamalakas na mga hunter maliban sa mga maalamat na rank-S Hunters.

Idagdag mo pa rito ang ibang mga ambag nito sa guild.

Tumaas ang kita ng kanilang guild. Maging ang impluwensya at mga koneksyon ng kanilang guild ay lumawak. Nagkakandarapa't nag-uunahang magsilapitan ang mga sponsors para magkaroon ng kontrata sa kanila na muktik ng umabot sa punto ng pagmamakaawa.

At kung sasabihin sa'yong ang lahat ng progreso ng kanilang guild ay dahil na rin sa tulong ng kanyang kakisigan, siguradong hindi ka maniniwala at iisiping ito'y pawang kabalintunaan lamang. Pero yun ang hindi kapani-paniwalang katotohanan.

Madalas din siyang lumabas sa mga t.v. commercials at mga endorsements na nakakatulong sa maintenance ng kasikatan ng guild.

Ang pinakahuli ay ang pagrami ng hunters na sumasali sa guild.

Ang kanilang kaso ay masasabing unique.

Karamihan sa kanilang mga miyembro ay kababaihan. Kung susuriin sa buong bansa'y masasabing ang  guild nila ang may pinakamaraming hunters na babae maliban sa mga guilds na ekslusibo sa mga babaeng hunters.

Samantalang ang mga major guilds maging sa labas ng bansa ay halos nadodomina ng mga kalalakihan. Sa hindi maipaliwanag na bagay, mas maraming nagigising ang kapangyarihan bilang hunters na lalaki kesa sa babae.

Hindi ko alam kung may kinalaman ba ito sa pinagkaiba ng nature ng babae at lalaki. Maaari kayang ito'y dahil submissive or timid ang karamihan ng mga babae by nature? O dahil mas malakas lang talaga ang drive ng mga lalaki sa mga nais nilang makamit?

At base na rin sa research ko sa world wide web, sa isang reliable source, pito sa sampung nakakagising ng kanilang kakayahan bilang hunter ay kalalakihan. Malinaw sa 7:3 ratio na lamang ang populasyon ng mga lalaking hunters. Well, at least 'yan ang sitwasyon sa Pilipinas.

Ibig sabihin, malaking bahagi ng populasyon ng mga babaeng hunters sa Pilipinas ay napupunta sa kanilang guild.

At nakakamanghang isiping sa gitna ng mga pangyayaring 'yun, ang kaibigan kong si Jake ang nasa sentro." Pagmamayabang ni Clyde sa kanyang isip. Proud na proud sa mga achievements ng kaibigan.

"At dahil na rin do'n...." Napabuntong hininga s'ya. Napaisip ang binata. Bakas sa mukha nito ang pangamba. Sa kanyang mga mata ay may bahid ng lungkot?

Isang pamilyar na tunog ang bumawi sa kanyang ulirat. Agad itong napalinga sa pinanggalingan ng tunog.

"Huwag mo silang intindihin Clyde. We're brothers, so it's natural na intindihin at tulungan kita."

Hindi man magkapatid sa dugo, mas matindi rito ang kanilang pagtuturingan. Kita naman dahil agad naunawaan ni Jake ang mga iniisip ng kaibigan kahit hindi nito sinasabi.

Napaangil na lang si Clyde sa pagkayamot sa nabasa. Kilalang-kilala siya Jake.

Nayayamot siya sa sarili, dahil tila ba pinamumukha ng mga pangyayari ang kanyang kahinaan.

"Hindi mo naiintindihan Jake, hindi ito tungkol doon." Matamlay na pagsisinungaling ni Clyde. Maaaring masabi mong pride niya lang ang kanyang pina-iiral. Pero hindi naman maling patunayang mali sila, hindi ba? Na mali ang iniisip ng mga tao. Na patunayan ang sarili mong kakayahan at lakas.

Ano at bakit ba sinusubukan niyang patunayan na mali ang mga tao?

Dahil sa lahat ng ba naman ng bagay, kakahiyang bansag tulad ng, "Pinakamahinang hunter sa kasaysayan," lang naman ang nakakabit sa pangalan niya.

Isang rank E hunter si Clyde. Ang pinakamababang klase ng hunter. At maging sa klasipikasyong ito'y masasabing siya pa rin ang pinakamahina.

At nang nagising na niya ang kanyang kakayahan, sobrang saya niya noon, dahil akala niya sa wakas ay maisasakatuparan na rin niya ang mga isinantabing pangarap; ang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan, upang hindi makalabas ang mga halimaw sa loob ng dungeon.

Akala niya rin na makakatulong na siya sa pag-iwas sa walang kabuluhang pagkamatay ng mga sibilyan o yung mga ordinaryong mamamayan na walang kapangyarihan, sa tuwing nagkakaroon ng dungeon outbreak. Ayaw niya ng maranasan ng iba ang kanyang naranasan sa nakaraan.

Upang maging makapangyarihan, sikat at maraming koneksyon na rin. Kung tutuusin, sino ba naman ang hindi nangarap ng kasaganaan sa buhay?

Human nature na talaga ang paghahangad ng pag-unlad, ang maigting pagnanais makipagkumpetensya upang mahigitan ang karamihan.

That is how human live there lives, at hindi na ito mababago pa.

Sa katunayan, yung may mga matitinding pagnanais sa isang bagay o kompetisyon na maituturing ng kabaliwan ng karamihan ang kadalasang nakakagising ng kanilang kakayahan, at matagumpay na nagiging hunters.

Ngunit kabiguan lamang ang kanyang naramdaman ng siya ay may mapagtanto. Nalaman niyang maliit na kakayahan lang ang kanyang nakamit.

Pakiramdam ni Clyde, mula sa langit ay bumagsak siya sa lupa.

Ang kakayahan ng isang rank-E hunter ay maihahalintulad lamang sa mga atletang kalahok sa Olympics. Makikilala mo lang ang hunter sa dalawa dahil sa kanilang kapangyarihang nakuha sa paggising nito ng kakayahan. Kumbaga ang isang rank-E hunter ay masasabi mong kasinglakas lamang ng pinakamalalakas na ordinaryong mga tao. Human wave tactic, iyang istratehiyang 'yan ay kadalasang nakadikit sa mga rank-E hunters. Lima hanggang sampung tao ay posible ng talunin ang isang rank-E hunter.

"Kahihiyan! Pabigat! Fodder!" Ilan lamang 'yan sa tawag sa kanila ng ibang mga hunters. Sa madaling salita, bahagya lang silang nakakalaban, pasado lang.

"Hala siya! Wala ka pa ring pinagbago. You're still as sensitive as ever." Umusbong ang isang ngiti sa mga labi ng lalaki ng lumabas sa screen ng phone ang pangalan ng nagpadala ng mensahe sa group chat, Angel.

Natutuwang napailing si Clyde habang otomatikong na-i-imagine ang pagsilay ng isang mapaglarong ngiti sa maninipis at mapupulang mga labi ng dilag. Ang mga singkit ngunit nangungusap nitong mga mata. Ang maputi at makinis nitong balat. Kasunod ng paglabas ng kanyang dila upang manukso. Hindi mapigilang mapahalakhak sa pagkakaalala sa baliw na mala-chinitang kaibigan.

"Wala pa ring pinagbago. Siraulo pa rin ang isang 'to." natatawang bulong ni Clyde sa sarili.

"Well, if it isn't my daredevil." Mapanuksong pagbungad ni Jake sa magandang kaibigan.

"Who is your daredevil?" I am an angel, remember?" Sinara ni Clyde ang group chat sa pagsisimula ng kantiyawan ng dalawa na hindi na titigil kapag nag-umpisa na.

"Angel, huh?" bulong ni Clyde sa hangin.

Sina Jake at Angel lang ang tanging mga kaibigan ni Clyde noon pa man. Maliban doon wala ng naging kaibigan ang lalaki. Nakilala niya ang dalawa noong siya'y teenager pa lamang sa magkahiwalay na sitwasyon.

Una niyang nakilala si Jake sa College. Naging magkaklase sila. Si Angel naman ay sa trabaho niya habang siya ay nag-aaral. Nagkataong magkakilala pala ang dalawang kaibigan niya noon pa man.

Malapit sa isa't isa ang dalawa na agad namang nahalata ni Clyde. Katagalan napansin niyang masyadong malapit ang dalawa sa isa't isa. Sa kuryusidad tinanong niya ang kaibigang babae kung may relasyon ba ang dalawa. Sagot naman nito ay wala.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Clyde dahil sa isang tunog. Agad niyang ini-swipe ang kanyang cellphone ng rumehistro rito ang isang hindi pamilyar na numero. Di na bago sa kanya ang ganitong mga uri ng tawag dahil na rin sa linya ng kanyang trabaho. Samu't-saring mga tao ang kanyang nakakasalamuha. Kaya't sinasagot niya ang mga gantong tawag.

"Hello?" utas niya.

"Good morning Mr. Rosario." Pagbungad ng boses ng isang babae.

"Ano hong kailangan n'yo?" tanong ng binata.

"Mr. Rosario, I am from the hunter association. Tumawag ako regarding sa application niyo sa isang dungeon run. I called to inform you that your application was approved. You are scheduled for a dungeon run tomorrow at exactly 5 o'clock in the morning. Also sir, i-veverify ko lang po yung information pertaining sa specific dungeon na gusto niyong lahukan. Paki-confirm na lang po kung tama and correct me if I am wrong.

You want to enter a five person party and explore the lowest class dungeon, rank-D dungeon, sir?" Propesyunal na pagpapaliwanag ng babae patungkol sa proseso ng pag-ii-schedule ng isang dungeon run.

"I'll arrive on time." sagot ng binata.

-----

Kinabukasan,

.....

Sa gilid ng isang kweba, isang magarbong la mesang pang-opesina ang kataka-takang nakatayo. Doon may isang magandang babaeng nakaupo; nakasuot ng pormal na damit at may awrang propesyunal. Umaasta itong tila ba ay nasa loob lamang siya ng isang opisina.

Malamig ang simoy ng hangin. Madilim pa at naririnig sa paligid ang mga kuliglig.

Sa kabilang dako ng mesa, may isang bagong dating na binata.

"Kabilang ako sa naka-schedule para sa raid sa araw na 'to. Dumating na ba yung ibang mga hunters?" Ang bagong dating ay walang iba kundi si Clyde.

Sumulyap ang babae sa kanyang computer upang siguraduhin. Matapos, tiningnan niya sa mata ang binata at binuka ang bibig,

"Ikaw si Clyde Rosario, isang rank-E hunter, tama ba? May dalawa pang hunters na hindi dumadating." Kalmanteng turan ng babae.

Nang nabanggit ang kanyang 'ngalan at ranggo, ang tahimik na paligid ay biglang sumabog sa isang umaatikabong balitaktakan.

"Siya pala 'yung sikat na pabigat sa hanay nating mga hunters." Bulong ng isang lalaking nasa likuran niya, ito'y nasa tamang lakas lang, para bang sinadya upang kanyang marinig.

Tiim-bagang na lumakad si Clyde tungo sa kalapit na puno upang sumandal. Dumako ang kanyang mga mata sa mga paa. Ang ganitong mga pangyayari ay hindi na bago sa kanya ngunit hindi pa rin siya nasasanay doon.

"Sino?" tanong ng isang kahali-halinang boses, paniguradong isang babae.

"Ah? Hindi mo kilala? Siguro mas makikilala mo siya with his other alias, pinakamahinang hunter sa kasaysayan dahil mas sikat siya sa tawag na 'yon." Hindi makapaniwalang sabi ng lalaki sa babae. Kasunod nito, nagagalak at may panunuya sa tono niyang ikwinento ang kahiya-hiyang titulo ni Clyde sa babae. Na tila ba ay tama ang kanyang ginagawa. Na para bang tama lang na maliitin niya ang binata.

Nanginginig na bumagsak ang mga balikat ni Clyde sa galit at kahihiyan.

Mga hayop kayo!

Pasigaw na mura ni Clyde sa kanyang kalooban.

Maghintay lang kayo! Papakita ko sa inyong mga kung sinong binabangga niyo. Magiging malakas ako.

Pasikretong sumpa ni Clyde sa kanyang sarili. Habang ang mga tao ay patuloy lamang sa kanilang pagmaliit sa kanya.

Ngunit kahit siya ay may pagdududa sa sarili, kung siya ay lalakas ba tulad ng pagnanais.

Ito naman ay hindi kataka-taka.

Kapag ang isang tao ay nagising ang kapangyarihan bilang hunter, halos sigurado ng ang kanyang kakayahan ay mananaling ganon sa buong buhay niya. Habang may paraan pang lumakas, mas posible pang ang isang walang pinag-aralan o pulubi ay maging pinuno ng bansa.

Bagaman may isang istriktong kondisyon upang makamit ang suntok sa buwang posibilidad. Kinakailangan ang indibidwal ay maka-trigger ng isang encounter upang ma-break ang limit ng isang hunter na nangyayari lang sa loob ng dungeon. Sa madaling salita, kailangan mo ng matinding swerte.

Isang bukas na lihim sa komunidad ng mga hunter.

-

Ang mga hindi kinakailangan mga ingay ay nagpatuloy pansamantala hanggang umalingawngaw sa paligid ang isang boses.

"Tingnan niyo kung anong meron dito. Hindi ba kayo nakakaamoy ng masangsang na amoy? Merong basura sa paligid." Tinaas ni Clyde ang kanyang ulo habang ang mapanuyang mga salita ay nasambit. Sinundan ito ng mga malalakas na tawa.

Natahimik ang lahat dahil sa bagong dating. Kita sa mga mukha nila ang takot.

Isang matayog at matipunong lalaki ang mayabang na lumalakad patungo kay Clyde kabuntot ang kanyang mga tagasunod. Crooked Nose. Sa ilong ng bagong dating dumapo ang paningin ni Clyde. Iyon ang tawag sa lalaki dahil sa kanyang paling na ilong. Pero lihim na tawag lang ng mga taong nakakasalamuha iyon dahil sa takot sa masamang taong si Crooked Nose.

Isang lokong ngiti ang nasa mukha ni Crooked Nose.

Ang lalaking kapansin-pansin ang presensya ay kaharap na ngayon ni Clyde. Ang paningin ni Clyde ay kapantay lamang ng bibig ng lalaki. Si Clyde kahit saang dako tingnan ay hindi maliit. Si Clyde ay halos six feet ang tangkad. Pinakikita lang nito ng husto kung gaano katangkad ang kaharap ng ating bida.

"Eh? Nasaan na 'yong yaya mo?" Eksahiradong tanong ni Crooked Nose na punong-puno ng panunuya.

Sumulyap si Clyde sa likuran ni Crooked Nose. Doon nakatayo ng mayabang ang apat na walang modong lalaki. Pikanitaan nila ng mga bastos na kilos si Clyde ng napansing nakatingin ito. Huminahon si Clyde dahil sa kakat'wang kilos ng apat na payaso.

Tinuon niyang muli ang atensyon sa nauna ng may mahinahong mga galaw. Bagamat nagpupuyos ang damdamin sa galit, kalmate siyang nagtanong habang nagpapatay-malisya. "Sinong tinutukoy mo?"

Malakas na suminghal ang kausap. "Nagtatanong ka pa, eh? Hindi ko alam kung tanga ka o bobo ka. Hindi ba lagi mong kasama yung mapusyaw na 'yon? At nasaan din iyong puta na laging nakabuntot sa kanya na akala mo tuta na kakawag-kawag ang buntot?" Mapanubok na turan ni Crooked Nose.

"Kalma, Clyde." Bulong niya sa sarili.

Naalala niya ang mga kumakalat na haka-haka tungkol sa lalaki. Ang tunay na pangalan daw ni Crook Nose ay Lando.

Base sa mga kwento, siya ay isang dating miyembro ng isang sindikato. Ang sabi-sabi pa, pinatay daw ni Lando ang kanyang boss matapos magising ang kakayahan bilang isang rank-C hunter. Matapos noon, kinamkam niya ang mga ilegal na aktibidad ng sindikato at mga teritoryong nasasaklawan ng nasabing grupo. Pero walang matibay na ebidensyang magpapatunay sa mga akusasyon sa mga karumal-dumal na aksyon.

Maliban pa sa mga haka-haka, kilala na si Crooked Nose sa pagiging bully. Nag-eenjoy ito sa pagpapagalit at pagbugbog sa mga hunters na 'di hamak na mas mahina sa kanya. Ngunit hindi naman ito nakapagtataka sapagkat miyembro s'ya ng isang notorious na guild, Dark Resurgence, ikalawang pinakamalakas na guild sa bansa. Guild na sikat sa kanilang kabuktutan. Isang napakasama ngunit napakalakas ring guild.

"Kung ako ang may gandang kagandang puta, aba, araw-araw ko 'yong pa-uungulin sa kama." Mahalay na pahayag ni Crooked Nose. Kita sa mga mata nito ang kamunduhan. Hindi pa ito nakuntento sa sinabi. Bulgar na dinilaan pa nito ang pang-ibabang labi. Kumawala sa bunganga ng lalaki ang nakakasulasok na amoy.

Agad nitong inasunto ang ilong ni Clyde. Nagpangiwi ang hunter. Nanigas ang mga bisig niya kasabay ng pagkuyom ng kanyang mga kamao. Ang buong katawan niya ay nanginginig sa pagtitimpi na nagpupuyos na sa galit na umabot na sa rurok.

Isa sa mga prinsipyo niya sa buhay ay huwag mambastos ng sinumang babae sa kahit ano mang paraan. At ang katotohanang na ang kaibigan niya, si Angel ang paksa ng kahalayan ng mga lalaki ang nagpasiklab lalo ng galit niya.

Nang si Clyde ay nasa puntong magagalit na, isang malamig na boses na may bahid pagbabanta ang kanyang naulinigan.

"Hunters, is there something wrong?" Nakangiting tanong ng babae ngunit ang mga mata nito ay hindi.

Pasikretong nagpasalamat sa babae si Clyde sa isip niya. Sapagkat kumalma ang kanyang galit.

"Wala naman." Maagap na pinabulaanan ni Crooked Nose ang mapag-akusang tono ng babae na may kasama pang pilit na tawa.

"I see. Sa lahat ng participant sa schedule ngayon ng dungeon raid ay pwede ng pumasok para mag-umpisa." May lambing sa tonong pagdedeklara ng babae kasalunggat sa kanina.

Matulin na pagpapalit ng disposisyon ng babae.

"Huwag kang magpabigat. I am watching you!" May diing turan ni Lando. Punong-puno ng pagbabanta ang mga titig nito kay Clyde bago siya padabog na naglakad palayo. Nagmamadaling sumunod ang mga kamasa.

"Muntik na ako doon," bulong ni Clyde.

Habang ang pansamantalang party ni Clyde na binubuo ng limang katao ay pinupulong, palihim niyang kwinento ang nangyari kay Jake. Bagaman isang rank-C hunter ang dalaga, si Angel ay namumuhay mag-isa. Ang kanyang pamilya ay naninirahan sa probinsya ng Laguna. May kalayuan sa Bulacan.

Siya at si Jake ay talaga namang protective pagdating sa kaibigang si Angel. Dahil maimpluwensya ang pamilya ni Jake. Isa pa, ang lalaki ay isang core member ng ikatlo sa pinakamalakas na guild sa bansa. Minabuti niya ng sabihin ito kay Jake upang mas masigurong ligtas si Angel. At upang mas mabantayan na rin ang mga kinikilos ni Crooked Nose at ng kanyang guild.

"Kung hindi dahil sa clerk na 'yon." Naisip ni Clyde. Pinasalamatan niya ang babae sa kanyang isipan.

"Tulad ng inaasahan sa hunter association. Kahit isang clerk lang ay kayang patigilan ang isang buktot at mapagmataas na hunter tulad ni Crooked Nose." Ang kanyang opinyon sa asusasyon ay mas tumaas.

Ang asusasyon ay napakalakas at napakamaipluwensyang grupo sa panahon ng mga dungeons. Simula pa lang, sila na ang nangangasiwa sa mga dungeons. Sila rin ang bumuo ng proseso ng pagpasok ng mga hunters sa dungeons, pati na rin sa pagtatabi ng bawat mga records nito.

Pero hindi ang kakayahan ng asusasyon ang nagpahanga sa karamihan. Ito ay ang nabuong reputasyon ng asusasyon. Mas kilala sila sa pagiging patas.

Sa panahong mas naging prominenta ang pag-iral ng kapangyarihan ang nagiging batas, sila ay nakilala sa pagiging matapat at patas.

Ang kanilang mga polisiya ay ang mga sumusunod; Pagkakapantay-pantay. Katapatan. Kabutihan. Pagtutulungan.

Meron silang kakayahan para ipatupad ang kanilang idolohiya.

At walang sinumang ku-kwestiyon sa kanilang desisyon. Kung meron man, walang lakas ng loob upang salungatin ng harapan ang hunter association.

Maliban na lang kung gusto nilang kalabanin ang pinakamalakas na pwersa ng bansa.

Ang gobyerno, mga guilds, at maging ang mga korporasyon ay kumampi sa asusasyon para sa kanilang mga benepisyo tulad ng pagma-manage ng dungeons.

Ang apat na paskyon na ito ang bumubuo sa istraktura ng mga makakapangyarihan grupo sa Pilipinas.

Gumawa rin ng isang website ang asusasyon ekslusibo para lang sa mga hunter sa bansa,

Hunter.com.ph

-

Pumunta si Clyde sa mga makakasama niya ngayon para sa dungeon raid.

Nakarinig siya nakakalokong-tawa. Nang pagtingin n'ya nakita niya si Crooked Nose at isa sa mga kasama nito kanina.

Kasama pala sila sa raid, napagtanto ni Clyde.

Binati nila ang isa't-isa. Matapos noon ay inalam nila ang kakayahan ng bawat isa.

Kasama ni Clyde, si Crooked Nose, isa niyang guildmate at dalawang magkaibigang guildless na babaeng hunters ang bumubuo sa party para sa raid.

"Typical party!" Iyan ang unang pumasok sa isip ni Clyde ng malaman niya ang composition ng party.

Isang magician, healer, tank at dalawang warrior, isa siya sa dalawang warrior. Isang balanseng party. Kung walang mangyayaring hindi inaasahan, madaling matatapos ang raid nila.

"Dear hunters, you may now enter the dungeon." Sigaw ng babae habang nakalahad ang kamay sa entrada ng dungeon.