"Clyde! Clyde!" Sabi ng isang kahali-halinang tinig na nagpabilis ng tibok ng puso ni Clyde.
Pilit n'yang hinahanap ang tinig na nanggagaling kung saan mang sulok ng gubat. Pilit n'yang sinusundan ang alingawngaw ng tinig.
Tinahak n'ya ang masuyak na gubat hanggang sa bigla s'yang nasilaw sa liwanag.
Ang tinig na kanina n'ya pa naririnig ay mas lalong lumakas. Sigurado s'yang nasa harapan n'ya na ang may-ari ng tinig.
Unti-unti n'yang minulat ang kanyang mga mata.
Ang tumambad sa kanya ay isang puting kisame.
"Clyde!" Sambit ng tinig.
Marahang ihinilig ni Clyde ang ulo sa kaliwa. Nasilayan n'ya ang maamong mukha ng isang magandang dilag. Nagkataon ding isa ito sa dalawa n'yang kaibigan, si Angel.
"Oi pre nagising ka na rin." Tila ba natauhan si Clyde. Tumigil s'ya sa paninitig sa mukha ng kaibigan.
Sa likuran ni Angel, nandoon si Jake, ang isa pa sa dalawang kaibigan.
Isang munting ngiti ang isinagot n'ya kay Jake. Nadiskubre n'ya kasing nanghihina pa s'ya para sumagot.
"Ang kuripot talagang sumagot ni Clyde kahit kelan." Nagbibirong turan ni Angel sa reaksyon ni Clyde.
Binalewala lang 'yon ni Clyde. Kilala na n'ya si Angel. Kapag napansin n'yang apektado ka sa sinabi n'ya, mas lalo ka pa niyang aasarin.
"Angel! Kahit ngayon lang 'wag mo munang pagtripan si Clyde. Siguro nanlalata pa s'ya? Understandable naman dahil tatlong araw s'yang natutulog." Pagdepensa ni Jake kay Clyde.
"Tatlong araw?" Gulat na bulalas ni Clyde sa sinabi ni Jake. Mahina at paos ang pagkakabigkas noon ni Cylde.
"Oo pre." Tipid na sagot ni Jake.
"Alalang-alala kami sa'yo. Lahat kasi kayong na mga pumasok sa dungeon na pinasukan mo ay lumabas ng walang malay. Isang strange incident talaga. Yung apat na kasama mo ay nagising din sa parehong araw na lumabas kayo sa dungeon. Pero ang mas nakakapagtaka ay lahat sila walang maalalang kakaiba kung bakit sila nakatulog. Tapos ng hindi ka pa rin nagigising ng dalawang araw na, mas lalo kaming nag-alala." Nawala na ang nagbibirong bikas ni Angel. Napalitan ito ng pag-aalala.
"Iyak ng iyak si Gaea. Naaawa na kami sa kanya kaya-- " Biglang natigilan sa pagsasalita si Angel na para bang may kung anong naalala.
"Si Gaea nga pala!" Napatili pa s'ya ng maalala ang kapatid ng kaibigan.
"Balitaan mo muna si Gaea. Ako na ang bahala kay Clyde. Sabihan mo na rin sa nurse station na gising na si Clyde." Lingon ni Jake kay Angel.
Nagmamadali at walang imik na lumabas ng kwarto si Angel.
Pansamantalang nanaig ang katahimikan sa kwarto. Para bang naninimbang ang dalawa kung sino ang unang magsasalita. Naupo muna si Jake sa isang upuan sa loob ng kwarto ng ospital.
"Kamusta ka na pre? Ano ba talaga ang nangyari sa loob ng dungeon?" Hindi mapigilang magtanong ni Jake. Marahil na rin siguro sa matinding interes sa misteryosong nangyari sa grupong sinamahan ng kaibigang hunter.
"Eto gaya ng sabi mo nanlalata pa nga. Wala rin akong maalala sa nangyari sa loob ng dungeon gaya nilang apat pare." Nahihirapang magsalitang tugon ng hunter na nagkaroon ng ikalawang pagkakataon.
Napagdesisyunan niyang itago ang mga nangyari sa loob ng dungeon.
Una sa lahat, sa tingin n'ya, ang holymancer ay ay isang form ng re-awakening. Oras na mabunyag 'yon, mapupunta na s'ya sa spotlight. Si Clyde kasi ay isang wirdong tao na mas pipiliing gumawa ng mga bagay na mabubuti ng palihim. Hindi kasi siya tipo ng taong pinangangalandakan ang magagandang ginawa para purihin ng iba. Sapat na sa kanyang ang nasa taas lang ang nakakakita ng mga 'yon.
Isama mo pa ang dahilang sa oras na mabunyag 'yon, kaliwa't kanang mga tao ang lalapit sa kanya.
Ang masama pa roon hindi lang mga hunter ang lalapit sa kanya. Maging mga normal na tao ay hihingi ng tulong. Lahat sila ay lalapit dahil alam nilang meron silang pakikinabangan sa kanya. Para bang obligasyon pa ng may kakayahan na tulungan sila, gayung kaya naman nilang gawin, sadya lang ayaw nilang paghirapan.
Yan ay base sa nasaksihan n'ya sa nakaraan. Pangunahing halimbawa na lang ay noong magising ang kapangyarihan bilang hunters ng kanyang mga kaibigan.
Ang pinakamahalagang dahilan sa lahat, ilalagay nito sa panganib ang mga mahal niya sa buhay. Ang mga taong itinuturing n'yang yaman. Iyon ay ang nag-iisa niyang pamilya na si Gaea. Isama mo na rin ang dalawa niyang mga kaibigang sina Jake at Angel.
Balak n'ya ring siguruhin kung ang nakamtan niyang kapangyarihan na holymancer ay totoo. Kung siya ba ay hindi lang nananaginip.
"Ganun ba p're? Isa pa nga pala. Dahil sa nagising ka na, anumang oras ay may darating na inspector mula sa asusasyon para kausapin ka." Pagbibigay alam niya kay Clyde.
"Salamat sa pagsasabi sa'kin noon Jake." Sabi ni Clyde.
"Wala 'yon p're." Nagkibit-balikat lang si Jake sa pasasalamat ni Clyde.
Nagkwentuhan sila ng mga hindi importanteng bagay. Napahinto sila sa paghuhuntahan ng tumunog ang doorknob sa kwarto.
Nang bumukas ang pinto, isang lalaking estranghero ang bumungad sa kanila. Sa likod n'ya ay may dalawang lalaking nakasuot ng itim na mga suit. Parehas na may konting distansya sa nauuna ang dalawa.
Kasunod din ng tatlo ang isang doktor at isang nars.
Kinausap si Clyde ng doktor. Tinanong ng kung ano ang nararamdaman n'ya at iba pa.
"Magandang araw sa'yo Mr. Mercado. Pakikamusta mo na lang ako sa iyong papa." Rinig ni Clyde na bati ng bagong dating kay Jake.
"Wala ka pa ring pinagbago. Napakapormal mo pa rin. Ilang beses ko bang sasabihing Jake na lang." Natatawang saad ni Jake.
"Kailangan talaga. Nasa trabaho ako ngayon." Diretsong sagot ng lalaki na nagpatawa kay Jake.
"Congratulations Clyde! Maaari ka ng lumabas after resting for a day." Magiliw na sabi ng doktor.
Matapos inspeksyunin si Clyde, namaalam sila ng nars sa mga tao sa kwarto at tuluyan ng lumabas.
"Mabuti naman at nagising ka na Mr. Rosario." Nakangiting bungad ng lalaki kay Clyde.
"Maraming salamat pero sino ho sila?" May galang na tanong ni Clyde. Meron na siyang ideya kung sino ang bagong dating. Ginawa n'ya lang iyong dahilan upang obserbahan ng lantaran ang lalaki ng hindi ito nahahalata.
"I'm sorry for the late introduction. Ako nga pala si Joseph. Isa akong inspector na pinadala ng asusasyon." May inabot pang card si Joseph kay Clyde.
Iyon pala ay identification card n'ya. Nakalagay doon ang litrato n'ya at pangalan. Ngunit ang nakakapukaw-pansin ay yung isang nakasulat na impormasyon.
'Joseph Dimaunahan'
'Chief inspector of the hunter association.'
Hindi lang tama ang hinala n'ya. Hinigitan pa ni Joseph 'yon. Hindi lang pala s'ya isang inspector kundi isang chief inspector.
Sadya lang s'yang nagtaka sa edad ng lalaki. Sa palagay n'ya, kaedaran lang niya at ng mga kaibigan si Joseph. Sa tingin ni Clyde, si Joseph ay nasa mid o late twenty's tulad nila. Dahil isa s'yang chief inspector ng pinakamaimpluwensyang pwersa sa bansa, maaari talagang magaling s'ya o may mabigat s'yang koneksyon. Kahit alin man sa dalawa ang sitwasyon, pareho pa rin iyong kamangha-mangha.
"Meron ba akong napakagandang ginawa para bisitahin ng isang mataas na opisyal ng asusasyon?" Biro ni Clyde na agad nakakuha ng tawa kay Joseph.
"Meron lang akong ilang katanungan para sa'yo." Seryosong sabi ni Joseph.
"Sige lang." Pag-ayon ni Clyde kay Joseph.
Pabuka na sana ang bibig ni Joseph ng maantala 'yon ng muling pagbubukas ng pinto. Napalingon ang lahat. Si Angel ang bumungad doon.
"Uhm? Nakakaistorbo ba ako? Isipin n'yo na lang hindi ako dumating. Uupo lang ako saglit." Nakangising sabi ni Angel na walang bahid hiya. Bagkus ito ay nagpailing na lang kay Clyde at Jake.
Nang lumakad paalis ng pinto si Angel doon sumilay ang isang maliit ngunit magandang dalagita. Siya si Gaea. Ang nag-iisang kapatid ni Clyde. Minsan napapaisip si Clyde dahil maganda at palakaibigan ang kapatid na babae. Malayong-malayo sa kanyang kuya na simple, mailap sa mga tao at hindi palakibo.
Ang dalagita ay maluha-luhang sumibad tungo sa kapatid. Niyakap niya ang kanyang kuya. Hinagod-hagod ni Clyde ang likod ng nakababatang kapatid na umiiyak. Pilit n'yang inaalo ang dalagita.
Binulungan para sahihing okay lang s'ya. Pabiro pang sinabing hindi niya ito iiwanan hangga't hindi pa nakakapag-asawa.
Nang kumalma na ang dalagita, umalis s'ya sa pagkakayakap sa kapatid. Lumakad para tumabi kay Angel at Jake sa upuan.
Umubo-ubo si Joseph bago nagsalita.
"Itutuloy ko na ang tanong ko Mr. Rosario. May naaalala ka bang kakaibang nangyari sa loob ng dungeon?" Diretsahang tanong ng batang chief inspector ng asusasyon.
"Ang naaalala ko lang ng matapos namin matalo ang goblin king, lumabas kami sa boss room para hanapin yung lagusan palabas. Pero hindi namin makita kahit ilang beses na kaming nagpaikot-ikot sa dungeon. Hanggang sa may nakita kaming isang engrandeng pinto. Sa bungad nakita namin ang loob ng lugar. Isa lang ang sigurado ko, hindi 'yon lagusan pabalik sa entrance ng dungeon kasi wala doon ang mesa at sekretarya ng asusasyon. Hanggang doon lang ang naaalala ko." Kinakabahang sagot ni Clyde.
Ginalaw-galaw pa n'ya ang kuwelyo sa tapat ng leeg n'ya gamit ang dalawang daliri. Isang manerismo para pakalmahin ang sarili kapag nagsisinungaling s'ya.
Pero nakahinga ng maluwag si Clyde matapos noon. Kumbinsido s'yang hindi mahahalata ang pagsisinungaling n'ya ng lalaki. Hindi s'ya nabulol. Hindi rin naman s'ya nagsinungaling sa mga nakita n'ya. Binawasan nga lang n'ya.
"Ganun ba? Maraming salamat Mr. Rosario sa pakiki-cooperate sa'kin. Isa pa nga pala." May nilabas si Joseph na isang kristal mula sa kanyang bulsa.
"Ano 'yan?" Pagtatanong ni Clyde sa chief inspector.
"Isang measuring device. Kailangan ko lang sukatin ang enerhiya mo bilang hunter. Lahat ng naka-experience ng kakaibang encounters sa dungeons ay kailangan mag-undergo ng ganitong proseso. Baka kasi may isa sa mga hunter ang magre-awaken. Association protocol lang." Paliwanag ni Joseph.
"Anong enerhiya bilang hunter? Ngayon ko lang yata narinig 'yan?" Naguluhan si Clyde. Ngayon n'ya lang talaga nalaman ang impormasyon.
"Sa bawat hunters, kahit anong uri pa sila ng hunter, lahat ay merong unique na enerhiyang dumadaloy sa katawan nila. Kapag ang isang tao ay nagising ang kakayahan bilang hunter, merong kulay itim na device na ginagamit upang malaman kung anong rank s'ya nabibilang ayon sa device na 'yon. Naaalala mo naman siguro 'yon, 'di ba? Itong kristal naman na ito ay para sa sukatin ang mas malalakas na enerhiya. Sabihin na nating hanggang sa rank S hunters ay kayang nitong sukatin ng mas accurate." May pasensyang paliwanag ni Joseph sa tanong ni Clyde.
"Ano ang gagawin ko?" Tanong ni Clyde.
"Kailangan mo lang hawakan ang kristal." Turo ni Joseph, at yun nga ang ginawa n'ya.
Mahinang umilaw ang kristal, sinipat ni Clyde ang reaksyon ni Joseph, saglit lang nagbago ang itsura ni Joseph, pero nahagip pa rin iyon ng kanyang paningin.
"Walang nagbago Mr. Rosario. Isa ka pa ring rank E hunter." May pilit na ngiting sabi ni Joseph ng mapansin niyang nakatingin si Clyde.
"Ganun ba?" Kunwari'y nadismayang turan ni Clyde.
Tahimik lang na nakatingin sa kanya ang lalaki. Para bang tinitimbang ang mood ng kaharap.
"Huwag kang mag-alala. Sanay na naman ako sa disappointments." Paglilinaw ni Clyde.
Napabuntong-hininga si Joseph matapos magsalita ni Clyde.
"Mauna na ako Mr. Rosario. Meron pa akong mga aasikasuhin." Pagpapaalam nito at nagmadaling umalis.
Pagkaalis ni Joseph, s'ya namang umpisa ng pangungulit sa kanya ng mga kaibigan at kapatid.
Hindi nila namalayan ang oras na lumipas hanggang sa nagsikalam ang mga sikmura nila. Nang tumingin sa orasan si Jake, nakita n'ya alas-otso na ng gabi. Magtatatlong oras na pala silang nag-uusap. Doon napagdesisyunan ng dalawa na umuwi na.
"Pare una na kami. Babalik na lang kami bukas bago ka lumabas ng ospital." Pangako ni Jake.
"Sige salamat ulit pare." Nakangiting sagot ni Clyde.
Pag-atras ni Jake, s'ya namang abante ni Angel.
"Hindi ako naniniwala sa sinabi mo sa inspector ng asusasyon. Kilala kita Clyde. Naglalaro ang mga daliri mo sa kwelyo kapag kinakabahan ka. Ikwento mo sa'kin 'yan sa ibang araw, okay?" Gulat ni Clyde ng biglaang pagyuko ni Angel para bulungan s'ya.
Nanlaki ang mga mata n'ya ng mapagtanto ang sinabi ng dalaga.
'Alam n'ya talaga ang mannerism ko na 'yon?' Tanong niya sa sarili.
Kasabay ng palitang yun sa pagitan ng dalawa ang s'ya namang pagtili ni Gaea. Tinukso-tukso n'ya si Clyde at si Angel.
"Hala si ateng wagas kung maka-react. Gaea para na tayong pamilyang apat 'di ba? So 'wag ganun, incest 'yon. Sorry po Jesus Christ, God, Mama Mary. Erase dirty thoughts." Natawa na lang ang ang dalawang lalaki.
Kung makasabi kasing wagas kung maka-react si Angel pero heto naman siya ang mas over kung mag-react.
"Hmm!" Reaksyon ni Angel ng mapansin niyang pinagtawanan siya ng dalawa. Lalo namang umihit ng tawa ang dalawa na sinabayan na rin ng mga babae.
Matapos kumalma, nakipagbeso at yakapan pa si Angel at Gaea. Pinaalalahanan pa niya si Gaea na bantayang mabuti ang kapatid.
"Bye baby damulag mwaa!" Pabirong paalam ni Angel kay Clyde. Sumabay na ring lumabas si Gaea sa dalawa para gumili ng makakain. Dumating na kasi ang pagkain ng kuya n'ya sa kwarto. Sasabayan n'ya itong kumain.
Tuluyan na ngang tumahimik ang kwarto pag-alis nila.
Pinabayaan muna niya ang pagkain. Binukas n'ya ang t.v. para manood. Saktong balita ang palabas.
Natawa na medyo nandiri s'ya sa bumungad na balita.
"Quiboloy, di umano'y pinatigil ang naminsalang lindol sa kalakhang Mindanao. Ayon sa religious leader, nandoon s'ya ng nangyari iyon. Pinatigil n'ya raw ang lindol, hindi lang isa kundi dalawang beses. Kaya dapat magpasalamat daw sa kanya ang lahat." Nagpipigil-tawang pag-uulat ng isang batikang news anchor.
Napailing na lang si Clyde sa balita.
.....
Minulat ni Clyde ang kanyang mga mata. Sinipat n'ya kung tulog na bang talaga ang kanyang nakababatang kapatid.
Balak niya kasing aralin ang holymancer system na kanyang nakuha sa misteryosong dungeon na nagmula sa misteryosong si Red bilang gantimpala.
Nang nasiguro niyang tulog na nga si Gaea tsaka lang siya nakahinga ng maluwag at nakapagrelax. Komportable s'yang umupo sa hospital bed.
Binigkas n'ya sa isip n'ya ang salitang status. Otomatikong lumabas ang inaasahan n'ya. Hindi nga lang panaginip ang mga nangyari. Masyado yung makatotohanan para maging isang panaginip.
.....
[Holymancer System]
Player's name : Clyde Rosario
Sex : Male
Age : 26
Occupation : Holymancer
Level : 1
Stats :
Health : 100/100
Mana : 100/100
Str : 10
Vit : 10
Agi : 10
Int : 10
Per : 10
Undistributed Stat Points : 5
Skills :
Special :
Holymancer's Attribute (Max Level/Passive) :
Adds Life and Death attribute to the holymancer and his summons.
Gives complete immunization against evil, demonic, death, holy, and life attribute or skills.
Amplifies the use of holy and life related attribute and skills greatly.
The boost is a hundred percent of every summon individual.
Holy and life attributed skills effectiveness doubles.
For example, a healing skill that heals ten percent would be twenty percent or a hundred health points recovered would instead be two hundred.
Holymancer Realm (Passive/Active) :
A special dimensional realm specially tailored for the holymancer army where they would wait to be summoned. The holymancer realm can only house eighty percent of the number of summons the holymancer is capable of contracting with concurrently.
• Holymancer Realm •
[1/40]
• Holymancer Summons •
[1/50]
.....
Pinag-isipan muna ni Clyde kung saan n'ya ilalagay yung limang stat point na pwede n'yang i-distribute.
Napagtanto n'yang siguro'y mas mainam kung mag-eeksperimento muna s'ya. Susubukan n'yang ilagay ang una sa strength.
Bukas n'ya na 'yon gagawin. Mahihirap s'yang i-test ang lakas n'ya ngayon dahil natutulog na ang kapatid.
Isa pa, dinalaw na s'ya ng antok. Nang hindi sinasadyang napadapo ang paningin n'ya sa orasan ng dingding ng hospital room, kahit may kalabuan na, napagtanto n'ya sampung minuto na lang bago mag-alas dose ng gabi. Napagpasyahan n'yang matulog na lang at yun nga ang ginawa n'ya.
.....
Umuungol si Clyde habang natutulog. Naiistorbo s'ya ng kung anong bagay. May umuuga. Kaya n'ya nasabi 'yon dahil, subalit tulog s'ya, mababaw pa lang ang tulog n'ya.
Hanggang sa mas lumalakas ang pagyanig. Sinasakitan na s'ya ng ulo. Hanggang napadilat na nga ang mata sa sakit ng ulo sa matinding pagyanig.
Nanlaki ang mata ni Clyde. Malakas na umuuga ang higaan n'ya, pero mahimbing pa ring natutulog ang kapatid. Para bang isolated ang espasyo sa may bandang higaan lang ni Clyde.
Dumating sa puntong may kung anong tunog na parang sa bell ang narinig ni Clyde sa tenga n'ya. Una, akala n'ya guni-guni n'ya lang. Pero may biglang mensaheng lumabas sa tapat ng mata ni Clyde.
Sa puntong iyon, alam n'yang sumablay s'ya ng todo.
.....
[Initializing...]
[You are being sent to the penalty zone...]
[Welcome to the penalty zone.]
[Mission initiated.]
[Survive the dangers of the penalty zone for ten minutes.]
[Failure to accomplish is equivalent to death.]
[Let the mission/penalty commence.]
.....
Nang lumabas ang mga magkakasunod na mga pangungusap na yan, tila ba huminto ang oras sa paligid ni Clyde maliban sa lugar n'ya.
Ang mga kamay ng orasan ay huminto. Maaaring sabihing baka naubusan lang ng baterya. Ngunit nang pagmasdang mabuti ni Clyde si Gaea, ang paghinga ng dalagita ay nakahinto. Mukha pa rin naman siyang mahimbing na natutulog at higit sa lahat buhay pa. Sabihin na lang nating nasa isang suspended motion s'ya.
Hanggang sa unti-unting napalitan ang tanawin ni Clyde. Sa pagkurap n'ya, bigla na lang siyang nasa ibang lugar na.
Nasa isa s'yang liblib na lugar? Pero sa lugar na 'yon ay araw. Kabaligtaran sa pinanggalingan n'ya. Sa Pilipinas, na gabi na.
May nakita s'yang mga tao. Nakahinto rin silang lahat sa pagkilos.
Sa paligid ng mga tao ay isang payak na sibilisasyon. Mga simple ngunit malilinis na lumang bahayan. Mga bungalow type na bahay. Sa paligid noon ay mga puno at halamanan. Ang lupa ay malusog. Puro kulay berde ang makikita mo rito. Mga damuhang katamtaman lang ang haba.
May napansin pang kakaiba sa kanila si Clyde. Ang mga taong 'yon ay may mapupusyaw na kulay ng balat. Matatangkad din sila. Higit sa lahat, mapa-lalaki man o babae ay matitipuno at magaganda ang tikas.
Kung bibigyan ng pagkakataong ilarawan ni Clyde ang sitwasyon, sasabihin n'yang mukha silang mga taga-kaluraning mga bansa.
Para siyang nakatitig sa isang painting. May magandang background. May maganda sa matang mga tao na pawang mga naka-pause sa harapan n'ya.
Nang natapos ang huling mensahe, s'ya ring nag-umpisang magsikilos ang mga tao.
Datapwat may halong pagdududa, susubukang kausapin ni Clyde ang nagsisikilos pa lamang na mga tao. Titingnan n'ya muna kung magkakaintindihan sila.
Ibubuka pa lang sana n'ya ang bibig n'ya ng matulin s'yang umilag pakanan. Mabuti na lang alerto s'ya. Dahil doon naiwasan n'ya ang atake ng isang lalaking may mahabang pilak na buhok. Naramdaman n'ya kasi ang masamang intensyon sa mata ng mga tao na sabay-sabay na tumingin sa kanya.
Sumigaw ito kay Clyde ng pagalit.
Doon na napagtanto ni Clyde na wala na s'yang pagpipilian kundi tumakas. Hindi na man sila magkakaintidihan kaya kumparipas na s'ya ng takbo.
Kahit walang lingunan, dinig ni Clyde ang maiingay na tao sa likuran n'ya, na galit na galit.
Naalala n'ya tuloy ang nakasulat sa misyon n'ya sa mensahe kanina.
.....
[Survive the dangers of the penalty zone for ten minutes.]
[Failure to accomplish is equivalent to death.]
[Let the mission/penalty commence.]
.....
Naintindihan n'ya na ngayon ang ibig sabihin ng danger sa penalty zone. Posibleng ang mga humahabol sa kanya ang danger na sinasabi sa mensahe. Kailangan n'yang tumakas sa loob ng sampung minuto para mabuhay. Yan ang tumatakbo sa isip ni Clyde sa panahong 'yon.
Habang tumatakbo, sinamantala n'ya ang oras para ayusin ang mga bagay tungkol sa holymancer. Naalala n'ya ang hindi pa n'ya nadi-distribute na stat points n'ya at ni Alejandro. Walang pagdadalawang isip na inayos n'ya 'yon base na rin sa sitwasyon.
.....
[Holymancer System]
Player's name : Clyde Rosario
Sex : Male
Age : 26
Occupation : Holymancer
Level : 1
Stats :
Health : 100/100
Mana : 100/100
Str : 10
Vit : 10
Agi : 15
Int : 10
Per : 10
Undistributed Stat Points : 0
.....
Inilagay n'ya ang lahat ng stat point sa agility. Ramdam n'yang aabutan s'ya ng mga humahabol sa kanya base na rin sa yabag ng mga paa nila. Matapos noon, naramdaman n'ya ang matinding pagaan ng pakiramdam. Maging ang bugso ng hangin na sumasamyo sa kanyang balat ay hindi na rin ganoon kabigat. Medyo lumayo na rin ang tunog ng mga yabag.
.....
Name : Alejandro
Race : Dwarf
Grade : Minion
Level : 1
Stats.
Health : 525/525
Mana : 120/120
Str : 30
Vit : 33(+2)
Agi : 10
Int : 12
Per : 10
Undistributed stat points : 0
.....
Hinati n'ya sa pagitan ng vitality at intelligence ang mga stat points. Tatlo sa vitality at dalawa sa intelligence. Ginawa n'ya 'yon sa pagsasaalang-alang ng mga skills at ng nag-iisang weapon ni Alejandro na hindi n'ya talaga sigurado kung weapon ba talaga dahil 8sa 'yong spiritual shield. Lahat 'yon ay nangangailangan ng mas mataas na depensa at mas maraming mana.
Ang vitality ay nagpapataas ng depensa at stamina base na rin sa deskripsyong nabasa n'ya. Samantalang ang intelligence naman ay nagpapataas ng abilidad sa pag-sense at affinity sa magic. Isama mo pa ang lakas ng magic attacks at amount ng mana.
Biglang may dalawang mensaheng pumukaw ng atensyon ni Clyde. Una ay ang...
.....
[You've successfully allocated stat points of your summon, Alejandro. A holymancer feature is unlocked.]
- Do you want the system to automatically allocate the stat points of Alejandro for you? By doing so, you'll permit the system to distribute it the way you first distributed the stat points. And if you choose to do so, you cannot undo it. It would always be allocated that way for each level ups.
[Permit?]
👉Yes or No
.....
Walang pag-aatubiling pinili ni Clyde ang yes. Balak n'ya rin naman i-allocate sa ganoong paraan ang stat points ni Alejandro. Mas mababawasan pa s'ya ng alalahanin kaya pinili n'ya ang yes.
.....
[Countdown to the end of the penalty - 09 : 12]
.....
Nagulat na lamang si Clyde ng mas naging maingay ang yabag sa likuran n'ya. Napalingon s'ya. Nanlaki ang mata n'ya sa nakita.
Parang bumagal ang oras ni Clyde. Sabi ng karamihan, kapag daw mamamatay ka na, babagal ang takbo ng oras mo. Dahil doon mas malinaw n'yang naobserbahan ang napakalapit ng mga humahabol. Nagitla nga lang s'ya sa anyo ng mga ito.
Ang mga mata nila ay nag-iba ang mga kulay at hugis. Kulay dilaw at ang hugis ay parang sa mabangis na mga hayop. Ang mga kamay nila ay nagkaroon ng matutulis na mga kuko na kasingtalim ng sa mga kutsilyo.
Ang isa pa nga ay ilang pulgada na lang ang layo sa mukha n'ya.