Chereads / Holymancer (Tagalog-English) / Chapter 9 - Chapter 6, part 1 : Grinding

Chapter 9 - Chapter 6, part 1 : Grinding

Mas na-tense si Clyde. Mas naging alerto ang hunter. Paano ba naman kasi masyadong normal ang loob ng kubo. Ang alam n'ya lang, he can't let his guard down. Ang sabi kasi ng binili n'yang skill ay isa itong dungeon.

Marahan n'yang iginala ang mga mata sa kubo. Mas malaki itong tingnan kumpara sa labas. Siguro'y dahil kakaunti lang ang mga gamit. Ang mga materyales dito ay kalimitang gawa sa kahoy.

Sa pinakakaliwang sulok ay may banggerahang gawa sa kahoy at kawayan. Lababo at gawa sa plastic na lalagyan ng iilang pinggan, kubyertos at mga baso. Sa gawing kanan naman ng banggerahan ay may isang pinto. Nakaawang ito ng bahagya. Kapag tinitigan mong mabuti, roon mo mapagtatantong isa itong palikuran.

Nang tumingala naman s'ya ay napansin n'yang wala itong kisame. Ang makikita niya ay ang bubungang gawa sa pawid. Sa gitna ay may isang bumbilyang nakakunekta sa dalawang mahabang magka-cross na kahoy.

Sa harapan n'ya naman ay may isang maliit na aparador na gawa sa kahoy. Sa kaliwa noon ay may isang gawa rin sa kahoy na mesa.

Sa kanan n'ya naman ay may isang papag na gawa rin sa kahoy. Sa bawat sulok ay merong tigdadalawang set ng bintana.

Kung wala siyang dungeon seeker skill, siguro ay malilinlang siya ng kubong ito. Maiisip n'yang isa lang itong simpleng tahanan sa isang payak na lugar.

Unti-unting hinakbang ni Clyde ang mga paa paabante. Balak n'yang inspeksyuning marahan ang bawat sulok ng lugar. Pero hindi n'ya pa rin kinaliligtaang isa itong dungeon. Na maaaring bigla na lang umatake sa kanya biglaan.

Hindi naglaon, may nakita s'yang kakaiba. Sa pagitan ng harap at kanang bahagi ng kubo sa sulok ay may kakaiba. Sa lapag ng mabatong sahig ay may isang kwadradong parteng gawa sa kahoy.

Huminto siya at umi-squat s'ya sa harapan noon. Kinatok n'ya iyon ng ilang beses. At bale na rin sa uri ng tunog na narinig, napagtanto n'yang walang laman ang parteng 'yon.

Sa wakas ay mukhang nakita na n'yang ang hinahanap n'ya.

Matapos ang masiyasat na pagsusuri, nadiskubre n'ya ang mekanismo noon.

Binuksan n'ya ang sikretong lagusan. Ang tumambad sa kanya rito ay kadiliman. 'Di tuloy n'ya masiguro ang lalim ng dadaanan.

Buti na lamang ay naisipan n'yang mag-ipon ng gold para sa Holymancer system sa mga nakaraang araw. Buti na lang din at may natira pa s'yang pambili. Agad s'yang nagtungo sa skill shop. Pumunta s'ya sa mga magic skills. 'Di katagalan may nakita na rin s'yang magagamit para sa sitwasyon ngayon.

Bumaba s'ya sa lagusan.

"Illuminate!" Mariing bigkas ni Clyde ng chant.

Hindi n'ya rin nakalimutang gamitin ang kanyang lighting spell. Ito ang kabibili n'ya lang na spell sa skill shop. Isa itong basic light element magic. Simple lang ang spell na ito kaya madali lang din itong matutunan. Gaya ng inilalarawan sa pangalan ng skill, isa lang ang gamit nito. Ang pagpapaliwanag sa kadiliman. Kumbaga instant flashlight. Pero mas convenient, kasi hindi na iyon kailangan bitbitin pa. Mura lang din ito. 10, 000 gold. Pinakamababang presto ng skill sa skill shop. Ang pinakamahal naman ay 1 Billion gold. Is ang halimbawa noon ay 'yung crowd control skill ni Alejandro na joker skill.

Meron pa s'yang natitirang mahigit 60, 000 gold.

Maingat n'yang binaybay ang makitid na hagdanang kahoy. Sa bawat paglipat ng mga paa n'ya sa hagdan at ang pag-ingit nito.

Matapos n'yang maabot ang ikatatlumpong-baitang pababa ay nakarating s'ya sa basement ng kubo. Iginala n'ya ang mata n'ya pulos gawa sa kahoy na basement. Ang set-up Tito ay tulad lang din ng sa itaas. Ang pinagkaiba lang nito ay wala itong mga salamin. Madilim dahil nga ay Isa itong basement. At nakulob na rin ang ang amoy ng basement. Marami na ring sapot sa paligid. Maririnig mo rin ang maiingay na ftunog ng mga daga.

Nang nalibot na niya ang buong basement ay multi s'yang nagtaka dahil hanggang ngayon ay wala pa rin senyales ng mga halimaw ng dungeon.

Isip pa Clyde. Ano pa ang nakaligtaan mo?

Internal na dayalogo ni Clyde.

Aksidenteng napahinto ang mapaglaro n'yang paningin sa hagdanan. Habag nag-iisip ay pinagmamasdan pa rin kasi ni Clyde ang basement para makita na ang tunay na daan patungong dungeon.

Pinuntahan n'ya ang likuran ng hagdanan. Napatunay naman n'yang tama ang hinala n'yang may espasyo nga roon. Sa dingding sa likuran ng hagdanan ay agad napukaw ang pansin ni Clyde. Merong nakatayong parihabang sukat sa pader. Ang ikinatataka n'yan lang dito ay walang doorknob o anumang hawakan na magpapatunay na isa itong pintuan tulad ng hinala n'ya.

Nag-isip si Clyde.

Mga haka-haka at teyorya patungkol sa guhit sa pader na kahoy sa likuran ng hagdan. Nang walang maisip ay napagdesisyunan n'yang hawakan ito.

Bagaman ay may pag-aalinlangan, 'yun lang ang nakikita n'yang paraan upang suriin ito. Kung hindi n'ya kasi gagawin 'yon at maghihintay lang siya sa wala, malamang ay mamuti na ang mga mata n'ya sa kakahintay ng sagot.

Nakahinga s'ya ng maluwag. Wala ng masamang nangyari. Wala ng patibong. Unti-unti niyang igalaw ang kamay upang inspeksyunin ang dingding na gawa sa kahoy.

Nangyari 'yon ng naisipan n'yang idiin ang kamay sa kahoy na pader. Napapikit siya sa biglaang pagliwanag.

At ng muli niyang idilat ang kanyag mga mata ay iba na ang nasa paligid n'ya. Isa lang ang malinaw, wala na s'ya sa basement.

Agad n'yang napansin ang itsura ng dungeon. Halos kahawig ito ng uli n'yang pinasok na dungeon. Cave type rin into. Ang pinagkaiba lang ay mas malapad ito kaysa sa unang dungeon. Sa una ay halos dalawang metro lang ang lapad ng daanan. Samantalang sa dungeon na ito ay singlapad na ito ng mga kalsada. Maputik naman ang lupa hindi gaya ng sa una na maalikabok. Meron ding kanal sa magkabilaang banda ng mala-kwebang dungeon.

Naputol ang pag-oobserba n'ya. Dahil 'di katagalan ay may lumabas na rin na mga dungeon monsters. Apat na daga.

"Hindi ba masyado yatang malaki ang mga dagang ito kesa sa normal?" May basag na tawang saad ni Clyde.

Agad sinummon ni Clyde si Alejandro. Binukas n'ya rin ang skill shop at naghanap ng magic type skill na may crowd control effect. Kung posible rin ay area of effect skill sana.

Divided sa limang kategorya ang mga skills. Offensive, Defensive, Movement, Support at Crafting. Pumunta s'ya sa offensive category. Kasunod sa active skills category. Tapos sa magic category.

Agad pumasok sa isip n'ya ang ice, earth at lightning attribute nang naisip n'ya ang crowd control at area of effect. Pero mas pinili n'yang pumunta sa earth attribute category. Kasi para sa kanya masyadong bayolente at mapanganib sa user ang lightning type. Isa pa mas appropriate rin sa sitwasyon ang earth attribute magic.

Maputik ang dungeon. Bumabaon na nga ang sapatos n'ya sa putik. May putik ibig sabihin may residue ng tubig. At ang tubig ay conductor.

Limitado ang galaw n'ya dahil sa putik. Kung gagamitin n'ya ang ice magic mas mababawasan ang restriction sa kilos n'ya. May damage rin at may stun effect kung hindi naman ay slow effect. Pero hindi pa rin totally free ang galaw n'ya. Ayon sa gaming term, na-debuff s'ya.

Kung earth attribute naman, specialty nito ang crowd control magic. Meron din itong mga area of effect magic. Pero mas mahina ang damage kumpara sa dalawa. Base 'yon sa gaming knowledge ni Clyde. Hiling niya lang na ganoon din sana sa kanyang mga skills.

Nakapili s'ya ng dalawang earth attribute magic. Wala s'yang nakitang skill na merong pinagsamang area of effect at crowd control effect sa kanyang budget. Earth cage na isang crowd control magic na 10, 000 gold at earth needle na single target damage na 30, 000 gold. Walang 50, 000 na area of effect.

Matuling umangat ang mga putik sa paligid ng apat na daga. Hanggang sa nagkonekta ang nag-angatang putik sa paligid ng mga kalaban. At ito ay naging kulungan. Ginamit niya ang earth cage. Ngunit tatlo lang sa apat na mga higanteng daga ang nahuli. Meron s'yang limang segundo para talunin ang nag-iisang daga.

Inangat ni Clyde ang kanang kamay sa direksyon ng papasugod na daga. Isang nakakamanghang pangyayari ang naganap. Sa tapat ng kanyang nakataas na kamay, ang ilang tipak ng putik sa ibaba ni Clyde ay nag-angatan. Unti-unti itong naging bilog. Hanggang sa unti-unti itong lumiit at ito'y hindi na putik. Naging matigas itong lupa haang into ay unti-unting papunta sa tapat ng kamay ni Clyde. Nang nasa tapat na ng kamay iyon ni Clyde naiba ang porma nito. Manipis ngunit matulis na karayom na lupa.

Nang makumpleto ang earth needle ay s'ya namang pagtalon ng daga para atakihin s'ya. Pinakawalan niya ang earth needle.

Bumagsak sa putikan ang daga. Nanginig si Clyde sa natunghayan.

Sinong nagsabing mahina ang earth attribute magic?

Tanong ni Clyde sa sarili ng may kasamang pagkamangha at bahagyang tuwa.

Nakita lang naman n'yang matuling lumusot sa ulo ng daga ang earth needle. Tumagos ito sa bungo ng daga. Nagpuslitan ang dugo at laman. May maliit na butas sa ulo ng pagmasdan niya ang nakahandusay na kalaban.

[Ding]

Dalawang magkasunod na matinis na tunog ang narinig niya sa kanyang isip. Pero hindi n'ya muna 'ton pinansin. Nasira na kasi at earth cage.

Sinugod s'ya ng dalawang daga.

Teka? Dalawang?

Takhang realisasyon ni Clyde.

Nang tiningnan ni Clyde ang pinanggalinang ng mga daga ay nagulat s'ya. Nakahadusay doon ang Isa pang daga. Sa ulo noon ay nakabaong karayom na gawa sa lupa.

Napalunok si Clyde.

Hindi masyadong malakas ang earth needle? E, 30, 000 gold lang naman ito. Ano pa kaya 'yung mga tig-iisang daang libo? O yung isang milyon?

Hindi makapaniwalang mga tanong ni Clyde sa sarili.

Sa panahong namamangha si Clyde ay nakalapit sa kanya ang dalawang daga. Hindi na n'ya magagamit ang earth needle sa oras.

"Alejandro! Divine pull!" Sigaw ni Clyde sa kanyang nag-iisang partner. Ginamit agad into ang kanyang crowd control skill.

Authors note : Pinalitan ko ang pangalan ng crowd control skill ni Alejandro na Joker.

Ang nasa ereng mga daga ay biglang nahila tungo kay Alejandro. Tumulo ang butil-butil at malalamig na pawis sa noo ni Clyde.

Muntik na ko doon. Clyde nag-iisa ka na lang. Wala ka ng ka-party. Hindi ka pwedeng magkamali. Kung hindi, anim na piye sa ilalim ng lupa ang bagsak mo.

Panenermon niya sa sarili.

Habang pinaaalalahanan ang sarili, hindi n'ya nakaligtaang gamitin ang earth needle. Tumakbo s'ya pakanan. Kinuha n'ya ang anggulo kung saan hindi n'ya matatamaan si Alejandro sa pagtira n'ya.

Pinakawalan n'ya ang earth needle. Isa na lang ang natira. Sa pagkamatay noon ng isa pang daga ay decided na ang kalalabasan ng laban.

Sinuri n'ya ang mga mensahe ng holymancer system.

[Congratulations!]

[Level up!]

[Level up!]

[Level up!]

Binuksan n'ya 'yung unang mensahe.

[Congratulations!]

[As the first discoverer of this dungeon you'll be heftily rewarded.]

[For every killed dungeon monster you'll gain ten times the normal amount of gold reward.]

[For every slain monster you'll experience five times of the normal experience acquisition boost.]

Nanlaki ang mata ni Clyde. Ang laki kasi masyado ng boost na natanggap n'ya bilang isang discoverer ng dungeon.

Chineck n'ya yung pera n'ya sa system.

22, 321 gold?

"Ibig sabihin 500 gold sa kada isang dagang napapatay ko? Ang normal ay fifty lang? Teka! Ang tagal Kong inipon ng 170, 000 gold. Pero kung makapatay ako ng 400 na higanteng daga ngayon, magkakaroon ako ng 200, 000 gold? Higit pa 'yon sa naipon ko sa nakalipas na 17 araw." Nanginginig na boses na sabi ni Clyde sa sarili. Kasabay noon ang pagbibilang niya sa kamay.

"Tapos level 4 na agad ako? E, apat lang naman ang napatay kong daga? Masyadong matulin ang pagtaas ng level ko. Broken. Broken ang holymancer system na 'to." Hindi mapagkakaila ang itinatagong galak sa boses niya.

.....

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 4

Stats :

Health : 100/100

Mana : 250/250

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 15

Intelligence : 25

Perception : 10

Skills :

Special :

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attributes

- Holymancer Realm [1/100]

- Holymancer Summons [1/125]

...

Conceal (Lv. 1)

Dungeon seeker (Lv. 1)

Lighting (Lv. 1)

Earth cage (Lv. 1)

Earth needle (Lv. 1)

.....

Nilagay n'ya lahat sa intelligence ang stat point n'ya. Naisip n'ya kasing 'ton ang pinaka-efficient sa lahat ng option.

Kailangan kasi n'ya ng maraming mana para sa pag-susummon n'ya. Sa ngayon maaaring hindi pa s'ya kinakapos ng mana dahil nag-iisa pa lang si Alejandro. Pero paano sa future kung kelan marami na ang mga ito?

"Hindi ko dapat makalimutang ang main fighting force n'ya ay ang holymancer system. Basically summoner-slash-necromancer ako." (Though sa tingin ko it's more of a variant, since it's origin is still a mystery for me.)

"Hindi naman ako mag-dedeviate sa main power ko kung idadagdag ko na rin ang pagiging magician. Although, yung allure ng pagiging fighting hero, na maging mala-Superman, Hulk o Thor o kung sino pang fantasy character eh malakas. Maging hunter na dudurugin lang ang lahat ng makalaban n'ya. It's every man's dream. Yung kaya mong mag 1 versus 100 at manalo. Sa tingin ko it's a luxury for me. More like stupidity na hindi ko gagamitin yung strength ko. Pero kung magician ma-eexpand noon ang arsenal ko for range battle. Meron na akong tank na ang sole purpose ay depensa. Kailangan ko rin ng mga close combat monster. Mage? Marksman? Healer. Hmm?" Masayang sabi niya sa sarili.

Nang matapos n'yang mag-celebrate, napansin n'ya yung aftermath ng labanan. Bitak-bitak ang sa harapan n'ya. Napakamot na lang s'ya sa batok. Ngayon n'ya pa lang na-experience na maging ganito malakas offensively.

Nilapitan n'ya ang apat na higanteng daga at inumpisahan na ang paglilinis ng mga kaluluwa nila. Walang gustong maging summon n'ya which is understandable. Sino na ang magiging body-body sa pumatay sa kanya? Weird 'yun. Mga weird na nilalang lang ang gagawa noon.

Matapos noon ay pinagdasal n'ya ang apat na daga. Naniniwala kasi s'yang lahat ng nilalang ng nasa taas ay mahalaga. 'Yun na lang ang magagawa n'ya para sa kanila. Kasi kung hindi n'ya gagawin 'yon, maaaring isang araw maging dahilan 'ton ng pagkagunaw ng mundo. Kung may choice lang s'ya. Kung hindi lang sana nangyari ang mga nangyari. Kung hindi lang naglitawan ang mga dungeons. Hinding-hindi s'ya kikitil ng buhay. Dahil importante lahat ng nilalang N'ya.

Pero this is war for survival. I'm sorry.