Chapter 10 - Chapter 9

Isabelle's POV...

Anim na buwan na si baby Lexi, nagmamadali ako pauwe sa bahay dahil tumawag ang kabitbahay namin si aling Martha na siyang nagaalaga ngayon kay baby Lexi, hindi daw kasi tumatahan sa pag-iyak ang anak namin mula pa kanina, kaya't dali-dali akong umuwe, Nag-aalala ako kay baby Lexi, isa pa ay hindi naman sinasagot ni X ang tawag namin kaya't kailangan ko munang umuwe,  dinalaw ko kasi si tiyong, tinakbo nanaman kasi ito sa ospital at ngayon ay malubha na daw ang lagay  kailangan na nitong maiperahan ngunit kakailanganin ng malaking halaga, namomroblema na nga kami dahil hindu naman alam kung sang palad namin kukunin ang ganoong kalaking halaga, nagamit na din halos lahat ng naipon namin ni X. Ng makarating sa bahay ay agad kong narinig ang palahaw ng anak namin, agad agad ko itong kinarga upang mapatahan ngunit kahit nakita na ako nito ay hindi parin tumigil ang sanggol sa pag-iyak, maputla na din ito dahil kanina pa ito umiiyak,

" Aling martha dalhin napo natin si baby Lexi sa ospital, natatakot napo ako " Mangiyak-ngiyak na sabi ko sa medyo may edad na tagapag-alaga ni baby Lexi, agad nga naming tinakbo sa ospital ang anak ko, sa tingin palang ng doktor ay alam na nito agad ang nagyayare sa anak namin ni X, ayon sa doktor na tumingin kay baby ay maaaring may congenital heart disease daw ang sanggol, maari lalo pa't hindi naman kami nakapag new born screening kung saan dapat madedetech kung meron mang sakit ang bata, halos manlumo ako sa narinig, buti nalamang daw at medyo malakas ang pisikal na pangangatawan ng bata, usually daw kasi ay isang taon ang pinaka batang pwedeng dumaan sa operasyon ngunit sa kaso daw ni baby Lexi ay maaari na daw itong sumailalim sa operasyon, ng tanungin ko ang doktor kung magkano ang aabutin sa operasyon halos lagutan ako ng hininga humigit kumulang isang milyon at kalahati ang kailangan kong ihanda ayon dito, napasapo ako sa ulo, saan ko kukunin ang ganoong kalaking halaga?.

" Aling martha baka po pwedeng kayo muna ang bahala kay baby, pupuntahan ko lamang po si X, " Tumango ang matanda, nasa pampublikong ward naka confine si baby Lexi, tumigil na din ito sa pagiyak ng lapatan ng oxygen, nahihirapan palang hinga ang anak ko kaya ito nag iiiyak, ang dala kong isang libo't anim na raan kanina ay tatlong daan nalang ang natira, kung anu anubg reseta at kagamitan ang pinabili saakin ng doktor kanina, nanginginig ang kalamnan ko habang nakasakay sa tricycle papunta sa trabaho ni X, malamang ay hindi nito hawak ang telepono nito kaya hindi ito sumasagot, agad akong sinalubong ng isang gwardya sa harap ng malaking gate kung saan nasa loob niyong ang malawak na pabrika, agad ako nitong tinanong kung anu ang kailangan ko,

" Pwede ko po bang makausap si Xerxes Battalier? Asawa ho niya ako dinala ko po kasi ang anak namin sa ospital kailangan kopo siyang makausap " Bungad ko sa gwardya, tinignan ako nito mula ulo hanggang paa halata s aitsura nito ang pagtataka

" Teka miss anu nga ulit ang pangalan niyo? " Tanong nito

" Isabelle po, Isabelle Battalier " Agad kong sagot, may tila kinausap ito sa radyo na hawak, maya-maya niluwagan nito ang pagkakabukas sa maliit na parte ng tarangkahan, sinenyasan ako nito na pumasok, umupo ako s aisang sementong upuan doon na para ata sa mga outsider, maya-maya pa nakita ko na si X na papunta sa pwesto ko, bakas sa mukha nito ang pag-aalala

" Ga? Anubg nangyare? " Tanong agad nito ng makalapit agad niya akong niyakap,

" Pangga si baby Lexi, k-kailangan niyang maoperahan pero saan tayo kukuha ng ganoong kalaking halaga, jusko saan ko iyon hahanapin " Halos maghalo na ang sipon at luha sa mukha ko, panay naman ang paghagod ni X sa likod ko, alam ko naman na maski ito ay nalulungkot at nagiisip dahil sa nangyayare sa anak namin, pero hindi ko lang talaga maiwasan na mag-alala ng todo lalo pa't may perang kailangan namin hawakan para maumpisahan ang operasyon ng bata, niyakap lang ako ni X, at maingat na dinamayan. Alas  dos palang ay nag under time na si X, sabay kaming nagpunta sa ospital, wala pang kinse minutos ng muling umalis si X, susubukan daw nitong maghiram sa mga katrabaho, magang maga na din ang mga mata ko, nahihirapan akong makita si baby Lexi na nahihirapan, nakayuko ako sa kama ni baby Lexi ng tumunog ang telepono ko, si Kristel ang nasa kabilang linya, gusto daw akong makausap ng tiyang, sinabi ko dito na pupunta ako.

" Aling martha, baka po pwedeng kayo muna ang bahala kay baby Lexi, kailangan ko pong magpunta sandali kay tiyong, babalik din po ako agad " Malumanay na pagpapaalam ko, tumango nman ang ginang, wala na akong inaksaya pang oras, hinalikan ko sa pisngi si baby Lexi saka ako umalis ng ospital,

___________________

Pagkarating ko sa ospital kung saan naroon ang tiyong, nakamata sakin si tiyang, agad ako nitong niyaya sa pinakamalapit na kainan dito sa ospital,

" Kamusta kana? Nabalitaan kong naospital daw ang anak mo? " Malumanay na tanong ni tiyang,

" Opo, k--kailangan daw po niyang maoperahan pero kakailangan ng malaking halaga " Nagsimula na muli akong umiyak na animo nanghihingi ng gabay mula sa nakagisnan kong pangalawang ina,

" Anung ginagawa ng asawa mo? " Tanong ni tiyang, nagtataka man pero sinagot ko parin ito

" Hindi na din po alam ang gagawin, sinusubukan na ho niyang humiram sa ilang katrabaho niya " Sagot ko, hinawakan ni tiyang ang kamay kung nakapatong sa lamesa

" Naalala mo ba si alibaba? Iyong bumbay na inuutangan natin noong naroroon kapa sa bahay? " Tanong ni tiyang, tumango ako bilang sagot dahil kilala ko naman talaga ang matandang bumbay na iyon,

" Handa siyang gumastos ng kahit magkano para sa iyo, pakasalan mo lang siya " Deretchong sabi ni tiyang, kung sa ibang pagkakataon maaaring nakangiwi na ako ngayon, ayokong magpakasal sa iba lalo kung hindi rin lang si X, nahulaan ata ni tiyang ang pagtanggi ko,

" Isabelle, malaking halaga rin ang kailangan ng tiyong mo para sa operasyon ganun din ang anak mo, maaatim mo bang makita silang nahihirapan sa kundisyon nila? Pagisipan mo isabelle, pagisipan mo ang inaalok na malaking tulong ni ali, ".

________________

Pabalik na ako sa ospital kung saan nakakonfin si baby Lexi ngunit nasa isip ko padin ang mga sinabi ni tiyang kanina, tulala ako dahil nauubusan na ako ng paraan oara malampasan ito, ayoko! Ayokong magpakasal sa bumbay na iyon pero nasa kamay nito ang buhay ng dalawang taong importante saakin, nasa labas palang ako ng ospital ay tuluyan na akong nilamon ng emosyon, nagiiyak na ako roon at halos patiran ako ng luha, biglang sumulpot si mang kanor galing sa tricycle nitong nakaparada sa hindi kalayuan, humahangos ito at parang walang magandang balitang ihahatid ng huminto ito sa harap ko,

" Isay! Ang asawa mo nasa presinto " Kanda hingal na sabi nito pero malinaw kong naunawaan ang mga sinabi niya, wala ng salitang tumakbo ako papunta sa tricycle niya at sumakay agad naman nitong naintindihan ang nais kong gawin kayat agad itong sumunod saakin at mabilis na pinaandar ang tricycle, abot-langit ang dasal ko, kinakabahan ako dahil alam kong may hindi magandang nangyare, pagdating namin doon ay agad kong nakita ang kalunos-lunos na sitwasyon ni X, nakaupo lang ito sa isang tabi sa loob ng selda, napatayo ito ng makita ako, agad akong lumapit sa kanya upang makita ko ng mas malapit kung meron bang falos o sugat sa katawan niya, kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag ng makita maayos ang lagay nito,

" Ga, sorry, wala ng ibang paraan akong naisip, halos gipit din lahat ng mga kasamahan ko sa trabaho " Lumuluha ito at ngmamakaawa, nagsusumamo na huwag ko daw itong iwan, ayon sa kanya ay sumama daw siya sa isang grupo, niloban daw nila ang isag banko, iyon nga lang ng magkahulihan ay siya ang nadiin kahit driver lang naman siya ng mga ito, ang mahirap pa ay ang laki ng pyansang kakailanganin, sisentamil ang kailangan para pansamantala siyang makalaya, lalo akong nanlumo, kahit ayaw ko pang umalis doon ay kailangan, tapos na ang oeas ng dalaw, kahit may nakapagitan saaming bakal ay hindi iyon naging hadlang para halikan ako ni X sa labi, iyon lang ang tanging magandang pangyayaring nangyare ngayong araw, nangako ako sa kanya na babalik ako kinabukas, labag man sa loob ngunit kailangan, ng sakay na akong muli ng tricycle ni mang kanor, nilabas ko ang telepono ko at nagtipa ng mensahe,

" Handa napo ako tiyang "

Maikling salita ang nabuo mula sa pagtipa ko sa maliit na aparato pero higit pa sa laki ng buong mundo ang kahulugan noon saakin, mundo kong hindi ko kailanman pinangarap na papasukin, handa na ako para sa operasyon ng tiyong at anak ko pati na sa paglaya ng lalakeng nag-iisang laman ng puso ko.

Paalam Pangga Sana mapatawad mo ako..

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

(July,07,2020 - 7:30 PM)

-LND