Chapter 12 - Chapter 11

Isabelle's POV.....

Tawa ni baby Migz ang nagpabalik ng tinatangay ko nanamang isip, hawak ko ang isang magasin na pinagipunan kopa ang pinangbili, hinaplos ko ang mukha ng lalakeng cover ng naturang magasin, hanggang ngayon ay bumibilis parin ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya sa mga tabloids, tarpaulin, magasin, dyaryo o mapa billboard man, mas lalong naging gwapo ito at mas tumingkad din ang kulay tsokolateng mata nito, malamang sa malamang ay maraming babae itong pinaiiyak ngayon, maraming chics na umaaligid, napabuntong hininga ako at nilabas ang wallet kong kupas na ang kulay, kinuha ko mula sa loob noon ang malapit ng mapunit n latawan naming tatlo nila baby Lexi at Xerxes, pinunasan ko ang luha ko ng marinig kong humagikgik si baby Migz, napatingin ako sa paslit na nasa loob ng kolong kolong na gawa sa kahoy na luma na halos, ginamit pa kasi ito nila michelle, Layla, An-an, Makoy, Carlo at ngayon si baby Migz, pinulot ko ang manikang putol putol ang katawan, hinaplos ko ang mukha ng manika, parang kinurot ang puso ko ng maalala ko ang anak namin ni Xerxes, dalagita na iyon ngayon, sigurado akong napakaganda nito, hindi naman ako nag-aalala dahil alam kong hindi ito pababayaan ni Xerxes, hula ko nga ay spoiled ito sa ama, napangiti ako sukat doon ay pumasok sa kurtinang pinto si isty.

" Umiiyak ka nanaman jan ate isay, alam ko naman na namimiss mo na ang mag-ama mo pero huwag ka ng umasang babalik pa sila ate, mag move-on kana dahil malabo na lalo ngayong ni hindi ma nasasayaran ng lupa ang mga paa nila, masakit man pero kailangan mong harapin ang bukas dahil hindi ka na nila kailangan ate isay masakit man ngunit kailangan mong tanggapin. " Malungkot na sabi ni isty, kung meron man akong ipinapapaslamat ngayon iyon ay ang tuluyang pagtanggap ng natitira kong kamag-anak, matapos ang operasyon ng tiyong ay bumigay rin ito, hindi na talaga nakayanan pa ng kanyang atay, si tiyang naman ay namatay isang taon matapos mamatay ang tiyong, sa ngayon dito parin kami nakatira sa dating bahay malapit sa divisoria, si maricel ay magdadalawang taon na sa saudi bilang DH habang si kristel naman ang naiwan dito kasama ko kasama ang asawa niyang si potcholo anim na din ang anak nila at halos lahat ay nagaaral na, si baby Migz ang bunso na anim na buwang gulang, samantalang ang huling balita namin kay minerva ay noon umalis ito papuntang japan 2 taon matapos mamatay ng ina nila ni hindi na ito muling tumawag o text man lang, sa kasalukuyan

Ay si maricel ang katuwang at bumubuhay saamin partikular

Sakin dah nawalan nanaman kasi ako ng trabaho matapos kong balian ng kamay ang huling naging amo ko medyo may pagka manyak kasi at palagaing tinatapil ang pwetan ko.

" Hindi mo naman ako masisisi isty, Ina ako eh, gustong gusto kong yakapin kahit sandali lang ang anak ko o kahit isang sulyap lang, pinagdarasal ko lang na kahit hawak man lang sa kamay iyon lang kuntento na ako doon

" Paliwanag ko, pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko at pag kuwa'y niyakap niya ako

" alam ko naman kahit hindi mo sabihin ate, Alam kong hanggang ngayon umaasa ka pa rin na balikan ka nila, sa pagiging Ina mo naiintindihan kita Iyon nga lang na pumasok sa eskwelahan ang mga bata nami-miss ko na agad paano pa kaya yung 13 taong pagkakawalay. " napabuntong hininga ako muli kong nilingon si baby Migz, nakita kong akma itong magpapabuhat, Lumapit ako sa kanya at kinuha siya mula sa kolong kolong, nagpapapadyak pa ang mga paa nito sa sobrang tuwa ng buhatin ko siya.

" Oo nga pala pasensya ka na ngayon Isty, wala pa kasi akong trabaho, alam mo naman ang dahilan, hayaan mo babawi ako sayo kapag nagkaroon na ako ulit ng trabaho, ipaggro-grocery kita pangako " Sabi ko kay isty, ngumiti lang siya

" Parang hindi naman tayo magkamaganak niyan ate Isay sino paba magtutulungan kundi tayo-tayo lang din " Sabi niya saka ako niyakap.

______________

Kakauwe ko lang sa bahay matapos kong magpasa ng requirements sa isang agency, lumipat na kasi ako ng ibang agency dahil hindi naniniwala ang isang admin doon sa sumbong ko sa huling amo ko, kinampihan pa nito ang intsik beho na iyon, nagpapaypay ako gamit ng folder na pinaglagyan ng ilang dokumento ng may kumatok sa pinto, agad akong tumayo para buksan ang pinto,

" Sino ho sila? " Bungad ko sa mamang naka tuxedo ng itim at pormang porma, gwapo ito at halatang mayaman,

" May I speak to Isabelle Roxas? " Tanong nito, nangunot ang noo ko ng marinig kong ang pangalan ko

" Isabelle Roxas ser mi, Isabelle Roxas, y ser? " Kanda palipit ang dila ko sa pagtatrying hard mag ingles, jusko dudugo pa ata ang ilong ko

" I have a job for you, my friend just arrived and he needs someone who can babysitt his daughter " Sagot nito, job lang ang naintindihan ko, napakamot ako sa ulo

" Wurk ser? U ned Mi? Mi wurk 2 u ser? " Tanong ko, tumango ito, buti nalang talaga naiintindihan ako neto, gwapo sana kaya lang inglesero nakaka turn-off pagkausap ko sa sarili

" I expect you to be good at babysitting a 13 years old teen, Can you do it? " Mulng sabi nito

" I no ser, I hav a baby gerl, 13 years old also, I takecare all my nieces 2 " Kulang nalang ay bumulwak ang dugo sa ilong ko sa pagkausap sa taong ito

" Well okey, Kailangan na kita ngayon " Nanlaki ang mata ko ng marinig ko itong magtagalog, naituro kopa ito ng wala sa oras

" Ikaw! Marunong ka naman palang matagalog pinahirapan mo pa ako! Jusko mauubusan ako sayo ng dugo at ng naitago kong ingles! Teka hindi ka man lang nagpakilala basta basta ka nalang nagsalita tapos pumasok ka agad sa bahay ko ng hindi man lang ako tinatanong kung papapasukin ba kita! " Nakataas na kikay kong sabi, ou na alam kong nagnamataray na ako! Pahiraoan daw ba ako eh marunong naman palang magtagalog!

" I'm sorry My name is Ace Drake Rigor, isa pa hindi ka naman nagtanong kung marunong akong magtagalog hahah sorry miss " Nakatawa nitong sabi, halos mawalan ito ng mata, ou nga no? Hindi ko nga pala siya tinanong, pero kahit na! Tsk

" Saan nga ho pala iyon? Mag-aalaga lang poba ng bata? " Tanong ko,

" Sa St. Claire Tower Room 696, Since tatlo lang kayo doon bali ikaw na din ang gagawa ng lahat ng gawain pero hindi ka naman mahihirapan kasi iba ang taga-laba ng mga damit ng mag-ama " Paliwanag nito ngunit ng mabanggit nito ang mag-ama ay naalala ko ang mag-ama ko namimiss ko na kasi ang mga ito, nagpaalam ako saglit sa bisita at nagpunta ng pangalawang palapag upang kumuha ng mga gamit ko ng muli akong bumaba ay bitbit ko na ang hindi kalakihang bag, nakapag paalam na din ako kay kristel at pumayag naman ito.

________________

Ng makarating kami sa St. Claire tower ay agad akong hinatid nito sa unit 696, hindi na ito kumatok basta nalang binuksan ang pinto,

" Papa Ace! " Sigaw ng batang kanina ay naglalaro lang ng kung anu sa sahig na nalalapatan ng malambot na carpet hindi ko alam kung bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko noong makita ko ang bata, parang naging slow mo ang lahat Lalo noong makita ko ang pamilyar na kulay tsokolateng mga mata ng batang sumalubong sa naghatid sakin na nagngangalang Ace Drake Rigor,

" Who is she, Papa Ace? " tanong ng bata sa kasama ko tumingin naman ito sa akin

" Well She's your new Nanay " nangunot ang noo ng bata sa sinabi ng lalake

" Nanay? " Nagtatakang pagbanggit ng bata, hindi ko alam ngunit parang ang gaan sa dibdib ng banggitin nito ang salitang iyon

" I mean She's your new Nanny, by the way little brat where's your Tatay? " Kunwa'y pgiiba ng kasama niya sa usapan, sukat doon tumingin ang bata sa akin, binundol ng kaba ang dibdib ko,kinakabahan ako na ewan.

" What? Papa Ace I don't need a nanny! " Nagmamaktol ang bata at nagpapapadyak, siguro kasing edad niya ang anak ko na nasa london

" Battalier! Whazzup bro! Get your ass outa here or you might loose another chance! " Sigaw nito, halos mamutla ako ng marinig ko ang pamilyar na apelyido na iyon, hindi naman siguro no? Ou tama hindi dahil nasa london sila! Pero bakit ganoon hindi ko maiwasang kabahan, sukat sa isang pinto na sliding door ay lumabas mula roon ang taong gustong gusto kong makita ngunit dinadasal kong huwag muna, ang lalakeng unang nagpatibok ng puso ko, ang ama ng anak ko, napatingin ako sa batang nakasimangot, kung ganoon siya na si baby Lexi ko? Halos magunahan ang butil ng luha mula sa mata ko pero pinigilan ko.

" What the f*ck! " Basa ko sa pagbuka ng labi ni X,

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆