Chapter 16 - Chapter 15

Isabelle's POV...

Masakit ang buong katawan ko lalo na ang nasa pagitan ng hita ko ng magising ako kinabuksan, hirap man ngunit kailangan kong bumangon para maghanda ng almusal ni X, tulad kahapon ay hotdog at itlong lang ang nailuto ko at sinangag, hindi kona dinagdagan ang bawang dahil baka isnabin nanaman ni X sayang ang effort ko, alas sais natapos na akong maghanda ng mga pagkain sa hapag, sakto naman ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni X, napatingin ako sa kanya ganun din siya sakin kaya napayuko ako, hangga't maaari hangga't kaya kong umiwas iiwasan ko siya, ikakasal na siya at kahit anu pang sabihin ng iba ako parin ang mali,

" K--kain na ser " Yaya ko sa kanya habang nakayuko parin,

" Come with me later " Pormal na sabi niya saka umupo sa lamesa, lumundag ang puso ko ng magsimula siyang kumain, nakatayo lang ako sa gilid habang inaantay kong matapos siya sa almusal niya, ng matapos siyang kumain ay bumalik ito sa kwarto niya, niligpit kona ang pinagkainan niya, sakto naman lumabas na si Lexi sa kwarto nakangiti ko siyang binati

" Goodmorning beh " Tumango lang ito, hindi na rin ito nagrereklamo tuwing tinatawag ko itong beh, hinandaan ko agad siya ng cereal, iyon kasi ang madalas nitong almusalin,hindi ko naman mapilit dahil wala pang stock kaya hindi ako makapag luto ng tiyak na magugustuhan niya, habang kumakain ay napatingin ito sakin, partikular sa braso at sa leeg ko,

" What happened to you freaking yaya? " Tanong nito habang nagdududang nakatingin sakin,

" Ahhh w--wala ito beh, anu kaba may alergy kasi ako " Pagdadahilan ko, napairap ito,

" Did my tatay do that to you? I don't like my tatay since you came here! He's no longer my tatay anymore, he always work a lot, and he's dense, I don't want you here! I have this feeling that you and tatay had past and I don't want to accept it! Leave us and don't come back " Sambit nito na nakatingin sa mata ko, napayuko ako, pinigilan ko ang mapaluha,

" Anu ka ba beh, sa itsura kong to? Ngayon ko lang nakilala si ser, sige na ubusin mo na yan, ihahanda ko na ang panligo mo " Sabi ko at mabilis na iniwan siya sa hapag, kung si X ang magpapaalis sakin masakit na pero ang isipin na ang mismong anak ko na ngayon ang gustong lumayo ako sa kanila ang tripleng sakit, napatingala ako para pigilan ang nagbabadyang pagluha ko. Alas dos ng hapon tapos na ang trabaho ko kaya nakaupo nalang ako dito sa may balcony, malimit akong tumambay dito pagkatapos ng trabaho sa umaga, nagaantay nalang akong mag alas sinko para magsimula ulit gumayak ng hapunan, kanina kopa nararamdaman na parang may nagmamasid sakin paglingon ko sa loob ng bahay ay nandoon si X nakatayo, yumuko ako ng makita siyang palapit sa pwesto ko,

" M--may kailangan ka ser? " Pormal na tanong ko, umismid lang siya

" Follow me " Utos nito at nagpatiuna na sa paglabas ng condo, deretcho kami sa basement kung san nakaparada ang mga saskyan ng nakaokupa sa buong condo, sumukay kami sa isang kulay itim na sasakyan, sa likod ako sumakay ngunit narinig ko ang pagngalit ng ngipin ni X,

" I'm not your driver! " Singhal nito, dali-dali akong lumabas at lumipat sa harap sa tabi niya, walang kibong pinaandar niya ang sasakyan, tahimik lang kami buong byahe. Huminto ang kotse ni X sa isang mall, kahit nagtataka ay sumunod nalang ako sa kanya, pumasok kami sa isang grocery store so ground floor ng mall, kumuha siya ng isang cart at tinulak.

" Get everything you need " Tipid na sabi niya kaya hindi na ako nagatubili at una namin pinuntahan ang mga nilista kong kailangan, mga condiments, cereals ni Lexi, frozen foods, manok, karne, hotdogs, bacon, nakita ko ring kumuha si X ng iba't ibang flavor ng ice cream, bread, biscuit, palaman, nakita ko din siyang kumuha ng dalawang rim ng sigarilyo, iniwan ko siya doon at nagpunta ako sa mga gulay at isda, kumuha din ako ng ilang prutas, babalik na sana ako kung nasaan si X ng may humarang sakin, napatingin ako sa babaeng pamilyar

" I--isay? Ikaw ba yan? " Nakakunot noo itong nakatingin sakin, sa kulay berde nitong mata ay agad ko siyang nakilala

" O--osang? " Hindi makapaniwalang tanong ko, ang kaibigan ko noon sa riles, iyong babaeng sa ilalim ng tulay nakatira, ang kaibigan kong malaki ang pagkakasala ko, napayuko ako,nanlaki ang mata ko ng yakapin ako nito

" Kamusta kana? Gumanda ka lalo? Saan ka nakatira? " Sunod-sunod na tanong niya wala akong masagot dahil hindi ko din alam kung kamusta ako, tipid nalang akong ngumiti

" Bigla ka nalang nawala ng balikan ka namin, kasi nagmamadali ako ngayon, pwede ko bang hingin ang numero mo? " Tanong nito napailing ako

" W--wala akong cellphone " Nahihiya kong sabi,

" Kung gusto mo bibilhan kita? Halika " Yakad niya, umiling ako baka kasi magalit si X, doon naman lumitaw si X, kitang kita kung paano sila magtitigan ni osang, para akong sinuntok sa dibdib

" Roxanne! " Bati ni X, iba ang pakiramdam ko ng banggitin nito ang totoong pangalan ni Osang,

" Xerxes " Balik bati ni Osang kay X, para akong saksi sa isang pag-iibigan na ngayon lang ulit uusbong, para akong sinasampal ng pagkakataon,  lao pa ngayon na hindi lang maganda ang kaibigan ko kundi sumobra na ata sa ganda, bagay na bagay talaga sila, nagtititigan lang dila doom, nilapag ko ang mga kinuha ko saka tumalikod, naglakad ako at pumunta sa mga stall ng toiletries at kumuha ng tissue paper at mga sabon pati ng powder na pang laba at Fabric conditioner, pag baling ko sa kaliwa nakatayo na pala si X sa likod ko,

" O--okey na " Nauutal kong sabi, nilapag ko sa cart ang mga bitbit ko saka nagpatiuna si X papunta sa counter. Matapos makapag bayad ay nilagay ni X ang mga pinamili namin sa likod ng sasakyan, pagsara niya ng pintuan ng trunk, hinila niya ako sa isang department store, deretso siya sa mga damit at dress, kumuha siya ng ilan pagkatapos ay binigay sa may babaeng nagaassist sa kanya, dalawang dress iyon at dalawang t-shirt na versace ang tatak, nag-abot siya ng card sa babae matapos non ay inabot nito ang paper bag, pagbawi sa card ay hinila ako ulit nito papunta sa isang restaurant, t-shirt na kulay maroon at kupasing pantalon lang ang suot ko, nilibot ko ang paningin sa loob at nahiya ako dahil sa mga ayos ng ilang kababaihang kumakain sa loob napatingin ang mga ito samin ng pumasok kami lalo akong yumuko,

" Let's eat first I'm starving " Tipid na sabi ni X

" A--ano s-sa labas nalang ako, hinintayin nalang kita doon sa kotse mo " Naiilang na sabi ko, hindi ako nito pinansin, sumenyas siya sa isang waitress na halatang nagpapa-cute sa kanya, mat sinabi siya dito at pagkaraan ay umalis din ang waitress, pagbalik nito ay may dala na itong mga pagkain, nagsimulang kumain si X, napahinto ito ng makitang hindi ko man lang inangat ang kubyertos na nasa gilid ko

" Eat! " Utos nito, wala akong nagawa kundi kumaim, nahihiya ako sa kanya dahil napaka elegante niyang kumaina, at ibang iba ang paghawak niya sa tinidor at kutsilyo, maya-maya ay may biglang lumapit saamin na isang magandang babae, pamilyar sakin ang mukha nito

" Babe? " Nakangiti nitong bati, nakita kong napatingin sakin si X, ngunit nanatili akong nakayuko

" Krissy? " Bati din ni X, biglang yumuko ang babae at hinalikan si X sa pisngi, walang alangan itong umupo at napatingin sakin

" Who is she? " Tanong ng babae, tumikhim muna si X bago ito sumagot

" She is lexi's nanny " Pormal na sagot ni X, napatango-tango ang babae

" Well babe, I planned to visit you in your condo " Sabi ng babae, hindi ko na pinansin ang pinaguusapan nila at mabilis na tinapos ang pagkain. Bumalik kami sa condo kasama ang babaeng Krissy daw ang pangalan, ng matapos kong ayusin ang mga pinamili ay pumasok ako sa kwarto nagulat pa ako dahil nay kama na doon, pati kunot at dalawang unan, nilabas kong ang damit sa paper bag na inabot sakin ni X, ayon ang nga binili niya kanina ay para saakin pala, tapos madadatnan ko naman ang kwarto ko na wala na ang mga karton ngunit may kama na, lumabas ako ulit para magluto ng hapunan, doon na din kumain ng ang babae na masaya-masayang sapakikipagkulitan sa mag-ama ko, kung pwede ko lang lasunin ay ginawa ko na sana, masakit talaga sa mata at sa dibdib ang nakikita ko, palagi ko ding nahuhuli si X na napapatingin sakin, na ipinagtaka ko, posible ba na may nararamdaman pa din siya sakin bukod sa galit? Napailing ako, Hindi ako pwedeng umasa!. Ng makatulog si Lexi ay bumalik ako sa kwarto para maligo. nakaupo na ako sa kama at nakatingin sa pagikot ng kamay ng orasan alas onse ngunit hindi parin ako dalawin ng antok, binabagabag ako dahil hindi ko alam kung bakit para akong sinasaksak sa twing sumasagi sa isip ang mga posibleng ginagawa ng dalawang magkasintahan sa kwarto, oara akong pinapatay, napaiyak ako bgw ala sa oras, akma nakong pipikit ng makarinig ako ng pagkatok sa pintuan, pagbukas ko ay bumungad sakin si X, bagong ligo ito, walang anumang salitang lumabas sa labi nito agad ako nitong siniil ng halik, buong lakas ko siyang tinulak.

" Teka, pagod ako ngayon please huwag " Pagtanggi ko dahil hindi ko lubos maisip ang ginawa nilang dalawa ng krissy na iyon tapos gagawin niya din sakin, napatawa ako sa isiping iyon, malayong malayo, iyon ang mahal ako ay parausan lang.

" Krissy is tired " Malamig na sabi nito, lalo akong nasaktan sa isiping siya ang pumagod sa babae, wala na akong nagawa ng siilin muli ako nito ng halik, anu pa bang magagawa ko durog na durog ako ngayon.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

July/17/2020 - 1:20 PM

-LND