Isabelle's POV....
Naiwan akong tulala at luhaan ng pagsarhan ako ng pinto ni Xerxes, mahina kong kinaltukan ang sarili kong ulo at pinapagalitan sa isip ang sarili ko! Siguro nga ay nasiraan na ako ng bait kanina! Mantakin ba namang ipilit ko na mahal pa ako ng pangga ko gayong alam ko naman sa sarili ko na malabo na iyon, ilang taon na Isay! Ilang taon na at umaasa kapang maibabalik sa dati ang lahat! Kasalanan mong lahat ng iyon! Magdusa ka dahil malaki ang kasalanan mo sa mag-ama mo! Unti-unti akong naglakad pabalik sa kwarto ko at doon namaluktot at umiyak ng umiyak, hindi mo kailangang magreklamo! Tandaan mo Isay ikaw ang may kasalanan ng lahat! Wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo lang! Wala ka ding karapatang magreklamo! Ikaw ang nang-iwan hindi siya! Hindi sila! Kaya wala kang karapatang isumbat iyon kung hindi tao ang turing sayo ng mag-ama mo, nang kumalma ako ay marahan akong naglakad papunta sa sala, maingat kong kinuha ang kapiraso ng papel na nakalagay sa bulsa ko, umupo ako sa harapan ng telepono at dinial ang numero ng pinsan kong si Itel, tatlong ring lang ay sinagot na nito
" Ate Isay? Kamusta kana? Hindi kaba makakauwe? Nandito ang ate Maricel nung nakaraang araw pa, hindi kaba uuwe man lang dito? " May himig pag alalang tanong ni itel, bumuntong hininga ako
" S-susubukan kong mag-paalam bukas kay X, kamusta kayo jan? Pasensya kana Itel hindi man lang ako makapag bigay manlang kahit konti jan sa bahay, alam mo nam- " Pinutol na ni Itel ang ibang sasabihin ko sana
" Ate alam mo naman kahit anu pa ay pamilya tayo at naiintindihan ko kung anu ang sitwasyon mo jan, ang akin lang ate kung hindi mo na kaya nandito kami, tulad ng dati kahit naghihirap atleast magkakasama tayo, hindi mo kailangang sarilihin ang problema mo, andito kami nila ate Maricel ng mga pamangkin mo at ng gwapo mong bayaw " Napangiti ako at hindi ko na namalayang napaluha na pala ako
" Ou alam ko naman iyon, bigyan niyo lang muna ako ng panahon para makasama ko man lang ang anak ko, hindi sila magtatagal dito, kaya gusto ko sana kahit hanggang sa pananatili nito dito ako kasama n-ng a-anak ko " Emosyonal na sabi ko, narinig ko ang pag buntong hininga ni Itel sa kabilang linya
" Ang pamangkin ko lang ba ate o pati si X? Hanggang ngayon umaasa ka padin bang babalik siya sayo? " Nahihirapan niyang tanong, napahikbi ako
" Hindi naman masama diba? Hindi masamang hangarin na k-kahit saglit lang, k-kahit hanggang sa manatili lang sila dito? Kahit m-masakit g-gusto ko lang na makasama pa sila, a-ang m-mag-ama ko, kahit hindi na ako m-magtitiis ako basta makasama ko lang sila, h--hindi na ako maghahangad pa ng iba, naiintindihan mo naman ako diba? " Hindi ko mapigilan ang mga luha ko, impit na din akong napaphagulgol
" Ate pamilya kita at saksi ako sa paghihirap mo, saksi ako sa pangungulila mo sa mga nagdaang panahon, hindi sila nawala sa isip mo, alam na alam ko na mahal na mahal mo sila, pero ate sobrang tagal na nun, madami na ang nagbago, ayaw ko lang na mas masaktan kapa kasi alam ko nararamdaman kong umaasa ka, umaasa kapang maibabalik ang dati " Mahina niyang sabi, napangiti ako ng mapait
" Mahal ko siya eh,mahal na mahal at kahit kailan hindi iyon nawala, hindi ako umaasang maibabablik ang dati, ngunit hindi maiwang umasa ng puso ko na sana kahit kaibigan nalang ay makapasok ako ulit sa buhay niya, iyon lang kahit iyon lang, alam ko hanggang doon nalang iyon kung anung meron kami ngayon, hanggang katulong ng sarili kong anak, hanggang parausan ng lalakeng mahal na mahal ko, alam ko dahil masahol pa sa p*ta ang turing niya sakin at tanggap ko iyon dahil ako naman talaga ang may kasalanan, ako ang nangiwan pinagpalit ko sila sa pera, " Puno ng hinanankit na sabi ko, narinig ko ang buntong hininga niya
" Ate lahat ng sakripisyo
mo noon ay ginawa mo para sa ikakabuti ng lahat, sabihin mo sa kanyang wala kang kasalanan, ipamukha mo sa kanyang kung hindi siya nagpakulong at walang malaking halaga para siya mailabas sa kulungan at kung hindi siya dumagdag sa isipin mo hindi mangyayare iyon! " Galit niyang sabi, umiling ako na para bang kaharap ko lang siya
" Hindi ganun kadali iyon, hindi siya maniniwala galit siya at habang galit siya at kahit galit nalang ang nararamdaman niya magtitiis ako, magtitiis ako hanggang sa wala na siyang maramdaman kahit awa, hanggang sa tuluyan ko ng matanggap na wala na hanggang mahal ko pa siya magtitiis ako, hihintayin kong mawala ang galit niya o hanggang maubos ang pagmamahal ko sa kanya " Mahina kong sabi, basang basa na ang mukha ko ng luha
" Ate naman, huwg mo namang saktan ang sarili mo ng gani-- " Naputol ang tawag ng biglang may humablot ng telepono sa kamay ko at pabagsak na ibinalik iyon sa lagayan, madilim na mukha ni X ang nakita ko
" What do you think you're doing! Who told you to used this god*mm phone! " Umigting ang mga kalamnan niyang tanong, galit na galit ang itsura niya, napayuko ako at pinunasan ang luha ko,
" S--sorry kinamusta ko l--lang ang mga pinsan ko " Natatakot na sagot ko, baka paalisin nanaman niya ako, pahablot niyang hinawakan ang buhok ko
" I am really really mad woman! You act so good! I should've known you are sl*t! I shouldn't let myself decieved by your innocent eyes! You are more than a trash! You disgust me big time! I loathed you! I want to kill you myself! " Sigaw nito sa mukha ko saka padaskol na binitawan ang buhok ko, wala akong ibang nagawa kundi umiyak ng umiyak ng tahimik.
***
" He's hurting you nanny " Bigla ay tanong ni Baby Lexi sakin habang inaayos ko ang mga gamit niya, nandito kami sa kwarto niya, kanina pa niya ako pinagmamasdan
" Anu bang sinasabi mo beh? " Pilit kong nilabanan ang lungkot na lumukob sakin
" Tatay is hurting you, I don't know who are you for my Dad but I know he's hurting you " Malumanay na sabi nito, umiling ako
" Anu kaba naman beh? Ako anu ba naman ang mapapala ng daddy mo sakin? Hindi beh, walang ganun " Sabi ko habang hinawakan ko ang mga kamay niya, gustong gusto kong isumbong si X sa anak niya ngunit wala akong lakas ng loob para sabihin iyon, muli akong umiling habang pinipigilan ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko
" Whatever you say I just dont want my dad since you became my nanny! You are not good for us! " Gusto kong maglupasay dahil sa mga sinasabi niya, hindi ko alam kung bakit sobrang sakit ng mga binitawan niyang salita kahit hindi ko lubos na naintindihan
" Gusto mo na ba akong umalis dito beh? Ayaw mo ba ng pag-aalaga ko sayo? Kulang ba beh? Sabihin mo lang sakin ang gusto mong gawin ko at sisikapin kong gawin para sayo beh " Madamdamin kong tanong, umiling ang bata habang nakatingin sa mismong mata ko
" Just leave and never comeback, I don't want you here, I want to sleep " Mataray na sabi nito saka humiga sa kama, naiwan akong tulala, ayaw ng anak ko sakin at pinapaalis niya ako, aalis na sana ako ng mapasukyap ako ulit sa kanya pantay na ang paghinga nito senyales na tulog na napangiti ako ng mapait saka lumapit sa kama niya, marahan ko siyang niyakap
" Hindi ko pinagsisisihang ginawa ko ang mga ginaw ako noon dahil maayos ka ngayon, mas pipiliin kong magdusa ng habang panahon masiguro ko lang na maayos ka anak, hindi ko pinagsisihan ang desisyon ko na naging dahilan kung bakit nadugtungan pa ang buhay mo noon, hinding-hindi ko pagsisisihan iyon, alam kong kahit wala ako sa tabi mo habang lumalaki ka ay napabuti ka sa piling ng ama mo, mahal na mahal kita anak, mahal na mahal ko kayo. " Mahina kong sabi, saka pikit mata ko siyang iniwanan, pagsara ko ng pinto ng kwarto ni Lexi ay bumungad sakin si X na balak sanang sumilip
" S--sorry kagabi dahil sa paggamit ko ng telepono, umuwe kasi si Maricel kaya gusto ko lang sanang mangamusta, pasensya na hindi na mauulit " Nakayuko kong sabi,
" Did you tell her? " Tanong nito, nangunot ang noo ko
" Lexi, did you yell her who you are? " Tanong nito, wala sa loob akong umiling, tumango-tango siya
" Good, she wouldn't like it so don't " Huling sabi niya saka ako tinalikuran, parang dinamba ang dibdib ko sa sakit.
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
Sep,02,2020- 9:23 AM
-LND