Isabelle's POV.....
Pagbalik ko sa ospital ay pinauwe ko na si aling martha, buong magdamag akong gising at binabantayan at pinapanood ang anak ko, Unti-unting tumulong muli ang luha sa mga mata ko, sa tuwing magigising siya ay agad ko siyang papangkuhin para maayos na mapasuso, hanggang ngayon kasi ay breastfeed parin si baby Lexi, kung sa pisikal na pangangatawan ay masasabi mo talagang walang sakit ang bata, matakaw padin kasi ito at bibo yun nga lang ay madaling hingalin, habang kalong ko ang saggol na nagmula sakin ay hinaplos ko ang pisngi niya, buong puso akong ngumiti, inalala ko ang unang araw na masilayan ko siya, kakaibang tuwa ang naramdaman ko noong unang beses ko siyang buhatin sa mga bisig ko, kung paano niya napunuan ang mga kulang sa buhay ko ng marinig ko ang unang iyak niya, ang pakiramdam ko noon unang beses niyang dumede saakin, ang unang utal na pagbigkas niya sa nanay, hindi ko na napansin na napahagulgol na pala ako, pingsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig kay baby Lexi, panag-hahalikan ko din ang halos buong katawan niya, mula sa maliit niyang hinlalaki sa paa, sa sakong, sa binti, sa tuhod, sa hita, sa tiyan, sa sikmura, sa dibdib, sa leeg, sa balikat, sa pisnge, sa tenga, sa mata niyang kulay chocolate tulad ng sa ama niya, sa ilong, sa noo, sa buhok at pati ang diaper na suot niya ay hindi ko pinalampas, pakiramdam ko ay mamamatay na ako kapag hindi ko iyon ginawa, hindi ako halos natulog magdamag, umaga na na ngunit dilat na dilat parin ako, pinagsawa ko lang ang mata ko sa pagtitig sa anak namin ni X na mahimbing ang tulog, ng akma kong papangkuhin si baby Lexi bumukad sa pinto ng kwarto ni baby Lexi si Marife, ang babaeng kasama at kaulayaw ng asawa kong si X, noong maabutan ko sila sa eskinita, lumapit ito agad saakin,
" Nabalitaan ko ang nangyare kay X at sa anak mo, napakaswerte mo kay X, matagal ko na siyang mahal alam mo ba iyon? Kaya kahit magbayad ako sa kanya noon okay lang atleast nakakasama ko siya kahit sandali lang, alam ko naman na hindi niya ako papatulan kasi p*kp*k ako, madami ng naikamang lalake, bayaran at malandi pero minahal ko siya, siya lang ang bukod tanging niluhuran ko at hinalikan ko sa labi pero imposible kasi alam ko naman kung paano ka niya tignan, hindi kita masyadong kilala isabelle, ang akam ko lang ikaw iyong negra kung tawagin hindi ka nga halos pansinin, hindi ko nga akalain na magugustuhan ka ni X, pero napakaswerte mo kasi ikaw ang mahal ni X, sinasabi ko ngayon sayo ito hindi para iwanan mo si X, sinasabi ko sayo ito para malaman mo kung gaano ka kaswerte, nagpunta siya saakin, lumuhod siya sa harap ko para humiram ng pera, may nangyare saamin alam ko naman na labag sa kalooban niya iyon pero ginawa parin niya, hindi ko binigay ang perang pinag-usapan namin, ang sabi ko sa kanya, iwanan ka niya at sumama saakin, hindi na niya iisipin ang bata pero tumanggi siya dahil ayaw ka daw niyang saktan, umalis siya ng hindi kinukuha ang pera. " Mahabang sabi nito, hindi ko alam kung anu ang mararamdaman ko, inabot niya sakin ang isang puting sobre,
" Sampung libo iyan, sana makatulong kahit papaano, iyon lang ang gusto kong sabihin sayo, pagkatapos nito hindi na ako magpapakita pa sainyo, papaalis na ako papuntang Japan, sana mahalin mo si X, dahil mahal na mahal ko ang lalakeng iyon " Huling sabi niya saka umalis, napahagulgol ako, ang sakit sakit hindi dahil sa pagtataksil niya,naiintindihan ko si X sa bagay na iyon ang pinaka masakit lang ay ang katotohanang alam kong iiwan ko na ang mag-ama ko, hindi ko alam kung paano na ang buhay ko pagkatapos nito.
________________
Pagkatapos kong magbayad sa ospital para sa operasyon ni baby Lexi, ay agad akong dumeretcho sa presinto kung saan nakakulong si X, ng makita ako nito ay agad siyang, bumungad sa rehas,
" Ga, kamusta si baby Lexi? Pasensya kana, Ga. Imbes na makatulong ako sayo naririto ako sa kulungan, pero pangako malapit na akong lumabas " sunod-sunod na sabi ni X, habang pilit hinahawakan ang kamay ko, nakapagbayad na ako ng pang pyansa ngunit sinabi ko sa warden na kapag nakaalis na ako saka niya ilalabas si X,
" Nagpunta si marife sa ospital, binigay niya sakin ang sampung libo na bayad daw niya sayo " Malamig na sabi ko, nakita kong nanlaki ang mga mata niya at napamura pa nga ito, agad niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi mula sa harang na rehas, pwede naman siyang ilabas pansamantala sa loob ngunit tumanggi ako dahil tiyak na hindi ako basta basta makakaalis kapag nagkataon,
" Ga, sorry wala na akong ibang alam na paraan, hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala ang buhay ng anak natin, maniwala ka hindi ko ginusto iyon, hindi ko kailanman ginusto iyon " Nagmamakaawa ang itsura nito, humigpit din ang magkakahawak niya sa kamay ko,
" Makakalabas ka dito pangako, ingatan mo si baby Lexi, hindi ko na siya kaya pang alagaan, hindi ang ganitong buhay ang pinangarap ko, gusto kong guminhawa " Malamig muli na sabi ko
" Ga, anung sinasabi mo? Mahal mo ako diba? Mahal na mahal kita Ga, parangawa mo na huwag mong sabihin iyan, huwag kang magbiro ng ganyan" Pagsusumamo niya, kahit gusto ng kumawala ng luha ko ay pinilit ko itong pigilan, hindi dapat niya makita ang lungkot sa mata ko
" Hindi na kita mahal Xerxes, hindi pala kita minahal. " Nilakasan ko ang loob ko at binigkas ang mga katagang alam kong hindi dapat, nakita ko ang pagpatak ng luha galing sa mata ni X, alam kong nasasaktan na siya pero pinipilit lang nuyang magpakatatag, napayuko ako, pasimple akong bumuntong hininga
" Hindi Ga, galit ka lang saakin pero mahal mo parin ako " Pilit niyang hinuhuli ang paningin ko,
" Patawarin mo ako X, hindi ako nakuntento sa buhay na binigay mo, huwag kang mag-alala iiwan ko sayo ang anak mo, hindi ko siya kayang alagaan, ayoko na! Ayoko ng makasama kapa, kayong dalawa ng anak mo " Pinal na sabi ko, ng akma akong tatalikod ay pilit niyang hinigpitan ang kapit sa kamay ko
" Ga, Parang-awa mo na, huwag naman! Huwag mo naman gawin saakin ito, mahal na mahal na mahal kita Ga, mahal na mahal ko kayo ng anak natin, huwag Ga, huwag mo akong patayin, ikaw ang buhay ko, kayo ng anak natin, huwag ayoko pang mamatay Parang-awa mo na Ga, hindi ko kaya, hindi ko kakayanin " Patuloy siya sa pagsusumamo humahagulgol na siya ni hindi alintana ang ibang preso na nanonood sa munti naming drama
" Ayoko na X, hindi na kita mahal! Hindi kita minahal, ginamit lang kita para makaalis ako kila tiyang, palayain mo na ako, ayoko ng makisama sayo " Pilit ko paring sinasaktan ang taong mahal na mahal ako at mahal na mahal ko, pilit akong nagbitaw ng masasakit na salita na alam kong kailanman ay pagsisisihan ko, ayokong makita siyang ganito kamiserable, ayaw ko, bago pa man siya makasagot ay tumalikod na ako, pagtalikod ko ay hinayaan ko ng pumatak ang sunod-sunod na luha galing sa mata ko, halos malagutan ako ng hininga ng marinig ko ang pagmamakaawa ni X,
" Ga! Teka lang po, kakausapin ko papo ang asawa ko, Pangga! Pangga mahal na mahal kita! Hindi ko kaya Ga, hindi ko kaya, huwag mo kaming iwan mahal na mahal ka namin mahal na mahal kita pangga! Asawa ko! Isabel- " Pinilit kong huwag siyang lingunin, narinig ko ang pagkaka suntok s akanya ng ilang kasamahan niya sa loob dahil halos nagwawala na ito, tiniid ko ang bawat hikbi at iyak niya, sabi ko noon sa kanya, pinangako ko sa kanta na Hinding-hindi ko siya iiwan at sasaktan pinangako kong hinding hindi ko hahayaang pumatak isa mang butil ng luha niya, pinilit kong hindi ko na siya pinakinggan, ng makalabas ako ng presinto ay napasandal ako sa pader, panay ang hikbi ko halos hindi na ako makahinga, hindi mawala sa isip ko ang bawat pagmamakaawa niya, napapikit ako,
" Sorry Pangga, mahal na mahal kita, sobrang mahal na mahal ko kayo ng anak natin, sana mapatawad mo ako " Bulong ko sa hangin,
________________
Bumalik ako sa ospital kung saan nakakonfine si baby Lexi, niyakap ko ang bata, hinawakan pa nito ang ilong ko,
" N----nanantatatatatatatat " Utal-utal na bigkas nito, napahagulgol ako,
" Anak ko, mahal na mahal kita Lexi, mahal na mahal ko kayo ng tatay mo, mahalin mo ng lubos dahil mahal na mahal ka ng tatay, papalakihin ka niya ng maayos at sigurado akong hinding hindi ka niya papabayaan, sobrang mahal na mahal ko kayo anak mahal na mahal kayo, ikaw ang pinaka masayang pangyayare sa buhay ko, hinding hindi ko pagsisisihan ang pagsama ko sa tatay mo, mahal na mahal na mahal ko kayo, lagi mo sanang tatandaan, " Halos hindi na ako makahinga sa sobrang emosyon na nararamdaman ko, ng ibigay ko si baby Lexi kay aling martha ay nag-iiyak ang anak ko, sinubukan kong pigilan ang pagiyak ko pero hindi ko kaya, nakakunot ang noo ni aling martha at parang nagtataka, tumalikod ako at pikit matang sinara ang tenga ko sa palahaw ng anak namin ni X, umalis ako sa ospital na sobrang bigat ng dibdib ko,
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
July,08,2020 - 2:15 PM