Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Jerk's Revenge ( Dark Night Society Series: Xerxes Battalier )

🇵🇭LigawNaDyosa
--
chs / week
--
NOT RATINGS
71k
Views
Synopsis
The Jerk's Revenge (Dark Night Society) Isang babaeng laki sa hirap, ulilang lubos at minamaliit at inaapi ng natitirang kamaganak, Ng matagpuan ang pagmamahal sa taong di naman niya kadugo, sila'y nagsama ngunit sa una lang pala masaya, ang pagiibigan nila'y sinubok at pera ang manghihimasok, mas pinili niya ang pera sa para sa anak na nangangailangan, huli man ang pagsisi ngunit di na mababalik ang nagdaan 13 taon ang lumipas sila'y nagkrus ulit ang landas, mapapatawad paba ang pagkakasala kung ang kabiyak ay naliligo na sa salaping minsang pinili niya, Tinaggap ang pasakit at sakit sa kamay ng dating nagiisang taong sa kanya'y nagpapaligaya, Hanggang saan, hanggang kelan mapaninindigan ang pagmamahal sa taong nagpapahirap sa kanya, na ni minsan hindi naman nawala sa puso niya. Xerxes "X" Battalier
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Isabelle's POV...

Alas 2 na ng madaling araw pero pauwe palang ako, galing ako sa kanto namin malapit sa simbahan at umekstra sa lugawan, Madilim ang kalsadang tinatahak ko pero hindi naman ako natatakot bukod sa wala namang multo dito wala ding mga tambay dahil may patay sa dulo ng barangay namin at nagsisipagsugal duon ang lahat ng tambay, Papaliko na sana ako sa isang eskinita ng may maaninag akong dalawang bulto ng tao, hindi naman naguusp ang mga ito pero may naririnig akong parang maaligasgas na tunog na masakit sa tenga, para itong hirap na hirap at naghahabol ng hininga

" Teka! Ungol b yun? " Tanong ko sa sarili ko at mas pinasingkit pa ang mata para makita kung anung ginagawa ng dalawa dun, nanlaki ang mata ko ng makitang atras abante ang isa dun sa isang nakatuwad, napatutop nalang ako sa bibig ko, nakababa hanggang sa gitna ng tuhod ang shorts nito, at nakahawak sa dibdib ang isang kamay habang patuloy ang pagulos, Anu ba Isabelle! Alis na bakit pinapanood mo pa sila! Kadalaga mong tao pero kung makatayo at makanood ka jan! Untag ko sa sarili ko! Sino ba itong mga to at ginawa pang motel ang daraanan ko! Para akong nanonood ng aktual na porno, Sa ayos ng dalawa ay halatadong magaling ang nakatayo sa likod ng nakatuwad, mahinang napapaungol ito hindi ko alam pero nasexyhan ako sa ungol non, napadilat ako ng malaki nasexyhan? Ohh jusko isabelle ang bunganga at mata mo makasalanan! Nangangawit na ako at nilalamok pero di padin sila tapos, pagtapos ng higit kumulang 45 minutos nakita kong nag-aayos na sila, nagsusuot ng pangibaba ang isang taong naka suot ng pulang bistidang maikli, ng hawiin nito ang buhok niya nakilala ko ang taong un! Si Marife! Isang gro sa bar na malapit lang dito, taga looban din si Marife, umuupa ito sa isang maliit na paupahan sa loob! Ng maayos na ito'y may dinukot ito sa loob ng bra niya at inabot yun sa kasamang naghatid sakanya sa ikapitong langit.

" Ohh ayan aa may tip na yan 500 yan sayo lng napunta ang kinita ko sa kostumer kong pulis kanina! Naku kung di ka lang magaling " Sabi pagkuway kinurot pa sa pisngi ang lalake! Hindi naman umiimik ang huli, tuloy lang ito sa pag-ayos ng pang-ibaba matapos abutin ang perang bigay ni Marife, ng makaalis ang babae naiwan pa dun ang lalake at nakasandal ang isang kamay sa ding ding ng eskinita parang hinahabol pa nito ang nawalang lakas!, tinodo ko ang pagpapalaki ng mata para makilala ang lalakeng un at di naman ako nabigo pero ang puso ko parang aatakihin sa sobrang kaba ng makilala ko kung sino un! Nagbebenta siya ng laman!

Napatingin ito sa kinakaroroonan ko, agad akong napatago sa eskinitang kinalalagyan ko at napasapo sa dibdib grabe! Aatakihin ata ako, matapos ang humigit kumulang 10 minuto, napagdesisyunan kong lumabas na at marahil nakaalis na ito, agad akong lumabas sa eskinita pero nabunggo ako sa isang matigas na bagay pag labas ko, tinignan ko kung anu yun pero ganun nalang ang pagtahip ng dibdib ko ng malamang ang lalakeng un ang bumunggo sakin! Namutla ako at nanginig at nasambit nalang ang pangalan nito,

" X! " Nanlalaki ang mga mata ko at natataranta akong napatakbo at hindi na muling lumingon at dumaretcho sa bahay

_______

Nagtatatalak na si tiya Maring ng magising ako kinaumagahan, nagpapaigip na ito ng panligo at may lalakarin daw kasama ng kumare niyang si Aling Ason, kabaro niya itong mahilig makipagtsismisan sa may tindahan ni Mang Kanor, Pupungas pungas pa ako ng makababa sa kahoy na hagdan ng bahay nila tiya maring, si tiyo miguel talaga ang kamaganak ko, kapatid siya ng namayapa kong ina, mabait si tiyo Miguel sakin, sila tiya Maring at ang tatlong anak niyang sila Kristel, Minerva at Maricel lang ang hindi maganda ang turing sakin, ewan koba at kung bakit ang init init ng dugo sakin ng magiinang yun samantalang dumedelehensya naman ako para pantulong sa gastusin ako rin ang nagasikaso sa bahay. Matapos magigip, nagpunta na ako sa kusina naming walang aparisyon at kadugtong ng maliit na salang may kahoy na upuan, konting kanin lang ang meron dun kaya nagsaing nalang ako para may ibaon si tiyo miguel, kinuha ko ang kita kong singkwenta pesos sa bulsa at lumabas para bumili ng noodles at itlog sa tindahan, saktong andun din ang mga kaibigan kong sila Itel at Osang, sa aming tatlong magkakaibign ako lang ang pinalad na magkaron ng matitirhan sila Itel at Osang ay sa ilalim ng tulay naninirahan, si Osang naman ang pinaka maganda samin may kulay Berdeng mata ito at matangos ang ilong, samantalang kami ni Itel ay maitim at may kababaan ang taas ko samantalang si itel namn ang pinaka matangkad,

" Isay! Anung oras ka naka uwe kagabi? " Tanong niya sukat dun ay naalala ko nanaman ang nakita ko kagabi si X nagbebenta ng laman! Napabuntong hininga ako, kras ko kasi ito bukod sa kulay tyokolate nitong mata ay gwapo din ito at matangkad, kung meron mang babagay dito sa mga kababaihan sa barangay namin ay si Osang yun, maganda kasi si Osang at kulay berde ang mga mata, lalo akong nanlumo.

" Hoy tinatanong kita! " Untag sakin ni itel

" Ayy teka mabili lang ako ng uulamin namin sndali magkita nalang tayo s simbahan " Sigaw ko sa mga ito, sa umaga kasiy naglalako kami ng Sampaguita sa may simbahan, Nang matapos ang gawaing bahay ko, lumabas na ako para magpunta ng simbahan oras na kasi ng paglalako namin ng Sampaguita,

Alas tres ng hapon ubos na ang Sampaguita ko at nakaupo nalang kami sa may lilim na puno, naguusap usap kami ng marinig kong magsipag takbuhan ang mga tambay

" Anjan na si X! " Sigaw ng mga tao, ewan pero biglay parang nanigas ako, takot kasi sa kanya ang mga tambay ewan pero sabi nilay magaling daw sa suntukan si X,

" uuwe nako Itel, Osang! " Paalam ko sa dalawa tumango lang naman ang mga ito, naglakad na ako papuntang pasukan ng eskinita para umuwe ayoko kasing makita siya naaalala ko lang ang nakita ko kagabi,

Malapit na ako sa eskinita ng my magsalita sa sa gilid ko

" Pauwe kana? Bat ang aga? " Tanong nito, naghuramentado ang dibdib ko, boses niya yun sigurado ako, kahit iilan palang kaming nakakarinig ng boses niyang malalim at malamig alam kong siya yun

" Aahhhj e--ehh o-----u " Sagot kong nauutal, napataas ang sulok ng labi niya hanggang sa tuwa na ito lalo akong napahinto, TUMAWA SIYA! pwede naba akong mamatay!

" Ako lang ito Isay ako lang ito hindi mo kailangan mautal, may pupuntahan ka paba mamaya? " Tanong niya

" A---ano m--ag babantay pako sa lugawan " Napatango siya at parang nagisip

" Kaya ba mag alas 3 na ng madaling araw kagabi ay nasa kalsada kapa? " Tanong niya, tumango ako

" Magkano ang kinikita mo dun? " Tanong niya, napakunot noo ako

" S----sin--gkwenta " Sagot ko, dumukot siya sa bulsa niya at inabot sakin yun, tinignan ko ito isang daang pisong buo

" Para san to? " Tanong ko namulsa siya

" Bayad ko yan sayo para umuwe kana, matulog ka ng maaga at wag ka ng lumabas, malalaman ko pag lumabas ka pa " Sabi niya, wala sa loob na napatango ako

" Ung kagabi pala, gusto ko lang malaman mo na may dahilan kaya nangyari samin yun ni marife " Diko alam pero nakahinga ako ng maluwag, pero di naman niya kailangang magpaliwanag

" Diko naman ipagkakalat yun wag kang magalala " Sabi ko, napatawa siya

" Alam ko " Sagot niya at pinatalikod ako

" Uwe na " Sabi niya, naglakad ako pero ramdam ko pa ang titig niya sakin, unti unting gumuhit ang ngiti ko, may isang daang rason na ko para ituloy ang pagka kras ko sa kanya,

Napatigil ulit ako ng may maalala ako HINAWAKAN NIYA ANG KAMAY KO! pwede na talaga akong mamatay! Sorry hand pero di kita huhugasan ng isang buwan!

Patalon talon akong nag lakad pauwe, kipkip ang 100 pisong papel sa kamay, malawak ang ngiti na tila mapupunit na ang aking labi, kahit nangangamoy maasim ang kilikili ko hindi naman kasi ako madalas makaligo, kahit pa sabihing lagi naman akong nag-iigib parang ganito, ako ang nag-igib pero iba ang naligo, kupas na shorts na hanggang tuhod at madilaw na tshirt na minana kopa sa mga pinsan ko, malapit na nga pala ang birthday ko sana man lang pamanahan na ako ng lumang damit ng mga pinsan ko,

Alas tres ng hapon Kinaumagahan walang gawang Sampaguita ngayon sa kinukuhanan namin dahil dayoff ng mga yun,

Todo ako kuskus ng tawas sa kilikili ko, hindi nanaman kasi ako nakapaligo dahil wala nanamamg tubig sa banyo sobrang haba din ng pila sa poso pag gamitong oras kaya kahit nanlalagkit na eii napilitn akong magtiis, ganito kasi dito sa riles konti ang rasyon ng tubig at pahirapan pa makapag igib, napabuntong hininga nalang ako,

Nakatambay kami nila Osang sa simbahan ngayon, Pare-pareho kaming walang kita dahil nga hindi naman kami nakapagtinda ng Sampaguita, mamayang gabi pa ang raket ko sa gotohan, kaya mamaya pa ako magkakapera, kinukulot ni Itel ang buhok ko, yun kasi ang tanging maipagmamalaki ko, hindi man ako maganda at maitim man ako pero ang makintab at itim na itim na buhok ko ang talagang nakakaagaw pansin kahit pa kamo hindi naman ako madalas makapaligo, lagi pang naglalangis ang mukha ko dahil wala naman akong pambili ng polbo,

" Anjan na si X! " Dinig namin ang sigawan ng mga tambay habang nagpupulasan ang mga ito, otomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko, pero agad din nawala ng marinig ko ang sinabi ni Itel

" Si X. Dito nanaman nakatingin alam mo Osang sigurado talaga akong may gusto sayo yan laging nakatingin sayo eii! " Daldal ni Itel

" Magtigil ka nga! " Lalong nasira ang araw ko, kung nuon okey lng na binubuyo si Osang kay X, ako pa nga ang promotor pero ngayon naiinis nako, halata naman kasing gusto din ni Osang umaarte pa! diba dapat matapos ng nakita ko nung nakaraang gabi dapat dun palang matapos na ang paghanga ko sa kanya! Pokpok si X! Sigaw ko sa isip ko

" Anu Isay! Pokpok si X? Pano mo nasabi? " Tanong ni Itel nanlaki ang mata ko, nasabi ko pala iyon ng malakas

" A--nu pokpok si marife kako! Sige uuwe na pala ako " Mabilis akong naglakad at hindi na lumingon pa sa kinaroroonan nila osang,

Pagsapit ng gabi, sa wakas nakaligo din ako, nakatapis lang ako ng twalya ng amuyin ko ang bra kong suot kopa kahapon, wala pa namang kakaibang amoy rito kaya sinuot ko nalang ulit un, hayyy ang hirap maging mahirap! Suot suot ko ang itim na kamisetang minana ko kay maricel at shorts na hanggang kalahati ng hita na minana ko naman kay minerva, kinuha ko ang isang bimpong lukot lukot saka ako lumabas ng bahay para pumasok sa gotohan sayang din ang singkwenta pambili din iyon ng aalmusalin at tanghalian bukas, Naglalakad na ako sa madilim na eskinita ng may tumikhim, napahinto ako sa paglalakad.

" Kanina pa kita inaabangan san ka pupunta? " Tanong ng malamig na baritonong boses sa gilid ko ng tinignan ko kung sino un ganun nalang ang kabog ng dibdib ko si X. Gwapong gwapo ito sa suot na kulay pulang damit at cargo shorts, naka-sumbrero din ito ng kulay itim

" A--aaa p--papasok sa g--gotohan " Sagot ko, inabot niya ang kamay ko at iniwan dun ang 100 daang pisong buo, ng bitawan niya ang kamay ko namulsa ulit ito

" Para saan to? " Tanong ko

" Bayad ko sayo para umuwe kana at wag ng lumabas ulit " Sabi niya, wala akong masabi kaya tumahimik nalang ako

" Umuwe kana isay at wag ka ng lalabas gabi na, malalaman ko pag lumabas ka " Sabi niya saka naglakad palayo, di ko mapigilang ngumiti, kung kahapon may isang daang rason ako, ngayon Dalawang daang rason na ang meron ako! Tumalikod ako at tumakbo na pauwe sabi ni boss eh.

________________

Nagising ako kinaumagahan sa ingay ng magkakapatid

" Ohh ang sweet sweet ng bf kong si Marvin! " Sabi ni maricel

" Sus anu namang panama ng Bilog mo s X ko? " Kandatili si minerva habang binabanggit ang pangalan ni x, tumayo ako at nagpunta ng kusina

" Pogi nga wala namang pera! Di katulad ng Marvin ko may tindahan ng karne at grocery sa palengke! Eh nakikitira nga lang yang X, na yan kila Marvin ko eh! At isa pa wag mo ngang tawaging bilog si Marvin! di bilog ang pangalan niya MARVIN GUERRERO!" Ganting banat naman ni maricel

" Aba bakit ako ba ang nagpangalan sa kanya ng bilog! At kasalanan ko bang para siyang bola dahil sobrang taba niya! Basta walang makakasira kay x sakin! " Sabi ni minerva

" Ohh ate si isay nakikinig sainyo! " Sigaw ni Kristel ang bunsong anak ni tiyo Miguel

" Eto talagang negrang to inggetera! " Sigaw ni maricel saka ako binalibag ng suklay, mmhh arte maka negra kalamo naman kagandahan! Halos pare-parehas lang naman kami ng hulma ng mukha! lumabas nalang ako ng bahay pag tapat ko sa posohan nakita ko si X at osang na andun at nag-aagawan sa poso

" Ako na kasi kaya ko naman! " Sabi ni osang, hindi naman umiimik si x at patuloy lang ito sa pagigib ng tubig para kay osang, parang tinusok ang puso ko ang dalawang daang rason ko parang naglaho nalang bigla, diba kras ko lang siya? Pero bakit ako nakakaramdam ng ganiyong kirot sa dibdib habang nakikitang magkasama sila, bumalik nalang ako sa loob at nagkunwaring busy sa mga hugasin.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

{A/N: this story was inspired to His Bad Ways of JFstories }

-LND