Isabelle's POV....
Maaga akong nagising kinaumagahan, masakit man ang buong katawan ko at lalo ang nasa gitna ng dalawang hita ko pero kailangan kong bumangon, ngayon kasi maghahanap ng trabaho si Xerxes kaya kailangan kong makapagluto ng almusal at babaunin niya, bumangon ako sa higaan kita kopa ang kulay pulang mantsa sa bedsheet ng lumingon ako sa hinigan ko, pasimple ko itong kinuha at nilagay sa labahan, kahit hirap sa pagbihis pinilit ko padin dhil nakatulog ako kagabi sa sobrang pagod at nakatulog ng walang anumang saplot sa katawan, eto kasing lalaking to ay parang walang kapaguran tatlong beses naming pinagsaluhan ang mainit na gabi kagabi, kumuha ako ng 100 piso sa wallet niya, wala naman kasi akong perang pambili kaya yun nalang muna ang ginalaw ko, paglabas ko sa pinto ay nakita ko si Aling Mameng na busy sa pagdilig ng mga halaman ngumiti ako sa kanya at binati siya ng magandang umaga, sinuklian naman niya ako ng ngiti
" Magandang umaga din iha, Aba'y ang aga mo atang nagising? " Tanong niya
" Kailangan po kasi maghahanap po ng trabaho ang asawa ko " Sagot ko tumango siya
" Ganun ba? Abay sige ineng pumunta kana sa pupuntahan mo at baka tanghaliin kapa niyan" Ngumiti ako ulit at naglakad na papunta sa maliit na palengke sa kanto, bumili ako ng hotdog at itlog pati 1/4 na giniling na karne ng baboy saka bumalik sa bahay, may isang kaban na bigas naman kami na binili niya kahapon kaya ulam nalang ang proproblemahin ko lagi, pagkauwe ay agad akong nagluto, ng matapos ay binalikan ko si X sa may kwarto at mahinang tinapik ito sa pisngi
" Xerxes! Gising na mahal nakapagluto na ako " Sabi ko, marahang dumilat ang mga mata niya, at naginat, niyakap niya ako
" Masakit paba ang anu mo mahal? " Tanong niya, namula ako, mahinang pinalo ko siya sa braso
" Ikaw kung anu anung pinagsasasabi mo jan! Halikanat kumain na tayo " Sabi ko, hinawakan at hinimas niya ang impis na tiyan ko
" Kagabi lang aa? Bilis namang maglihi " Sabi niya at ngumiti, napatawa nalang ako, tumayo siya sa kama dahilan ng paglaglag ng kumot na tumatabing sa kahubdan niya, napatakip agad ako ng mata gamit ang mga kamay ko, napatawa siya ng mahina
" Anu yan mahal ko? Bakit may ganyan? Eii nakita mo na ito kagabi at ilang beses ka din nitong napasaya " Sabi niya sabay tawa, inabot ko ang unan saka un binato sa kanya, natatawa siyang naglakad at kinuha ang mga damit niya na nilagay ko kanina sa ibabaw ng orocan, sinuot niya ang shorts niya
" Ayan na okey na mahal ko, maliligo nalang muna ako bago tayo kumain " Sabi niya umiling ako
" Mamaya kana maligo kain muna tayo, maghilamos kana sa banyo at mag toothbrush ang baho ng hininga mo " Biro ko, siya namay inamoy ang hininga niya natatawa akong bumalik sa kusina, ang totoo nama'y mabango talaga ang hininga niya para ngang hindi bagong gising, agad kong inayos ang lamesa pati ang babaunin niya'y inayos ko na din giniling ang ulam na babaunin niya para sa paghahanap ng trabaho mamaya, ng matapos kong gawin ang mga iyon ay umupo ako sa hapag, inaantay ko nalang siyang matapos maghilamos para makapagalmusal na kami
" Kain na tayo mahal " Tanong niya tumango ako,
" Anu ung pangga? " Tanong niya, nangunot ang noo ko, bakit kaya natanong nito un
" Mahal po ang ibig-sabihin nun " Sagot ko,
" Narinig ko kasi yun sa palengke kahapon " Sagot niya napatango ako
" Panga nalang itatawag ko sayo ga " Tila nangangarap n sabi niya, ngumiti ako
" Okey ga " Nakangiti kong sabi, ng matapos kami magalmusal ay tumayo siya at niyakap ako sa likod, inaayos ko kasi ang pinagkanan kaya malaya niya akong nayakap sa likod
" Ang ganda ganda ng asawa ko, ang swerte swerte ko, wag mo akong iiwan ga hah! Mamatay ako pag iniwan mo ako " Sabi niya habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko humarap ako sa kanya at tinignan siya sa mata
" Hinding hindi panga! Mahal na mahal kita Xerxes ikaw lang walang iba " Sabi ko, ngumiti siya saka bumitaw sa yakap
" Ammhh maliligo nako pangga baka hindi nalang ako umalis at maghapon kitang yakapin " Natatawa niyang sabi, pabiro ko siyang inirapan
" Sige na ligo na baka tanghaliin kapa mahirap gabihin sa kalsada " Nakangiting sabi ko, kinuha niya ang twalyang nkasabit sa pinto ng cr saka dumaretcho sa loob nun,
Alas 8 ng umaga ng matapos gumayak si X, suot niya ang kulay maroon na polo shirt at itim na slacks, ang gwapo gwapo niya at ang bango ng natural na amoy niya, kahit sabon lang na safeguard na kulay mint green ang ginamit niya ay hindi mahahalata dahil kulay tsokolate nga ang mga mata niya iisipin ng iba na kahit simple lang ang ayos niya ay mukhang galing sa karangyaan ang buhay, namumukod tangi kasi talaga ang ganda ng katawan at kagwapuhan niya, minsan hindi din maalis sa isip ko na baka may makilala siyang iba at iwan niya ako, hindi malayong mangyare un, sa itsura kong ito? Kayumanggi ang kulay ko, medyo may kalakihan ang mata ko at makapal ang labi ko na sing pula ng dugo, kung meron man akong maipagmamalaki yun ay ang buhok kong bagsak na itim na itim, nabalik ako sa kasalukuyan ng halikan niya ako sa noo at pagkatapos ay sa labi
" Sige na mister alis na baka mamaya ay hindi na kita palabasin at hilahin nalang kita sa kwarto maghapon " Biro ko
" Ayy gusto ko yan ga " Nakangiting sabi niya, bahagya ko siyang tinulak s pinto
" Sige na ga alis na ingat ka hah! Ubusin mo ang baon mo! Goodluck panga " Sbi ko, tumango siya at ngumiti saka tuluyang lumabas ng pinto para umalis
Kinukus kus ko ang kilikili ko dahil kakatapos ko lang maligo, dyahe kasi eii kahit kakaligo ko palang umaasim talaga ang kilikili ko kaya todo kuskus ang peg ko dahil pauwe na ang mahal kong pangga! Natanggap kasi siya sa inaplyan niyang trabaho sa may bayan, sa may pagawaan ng baterya ng mga sasakyan, sa produksiyon siya nakaassign, kakatapos ko lang magluto ng hapunan nilagang baboy at pritong tilapya na isang piraso kasya naman na samin iyon, saktong paglapag ko ng suklay ay narinig kona ang pagbukas ng pinto, kahit galing sa trabaho ay fresh parin itong tignan at kahit namawis ay mabango padin, un ata ang talent niya ang maging mabango palagi hindi maipagkakaila na kaya siguro patay na patay sa kanya si Marife at ang halos lahat ng kababaihan nuon sa tondo, ng ilapag niya ang dala niya sa lamesa ay lumapit ito saakin at saka hinagkan ang noo ko at labi
" Pagod ka ga? " Tanong ko ngumiti siya
" Kanina ou pero ng makita kita ay lumakas ako " Sabi niya napangiti ako
" Halika na at kumain ga para makapagpahinga ka " Sabi niya, tinignan niya ang mga pagkain sa lamesa
" Wow ang sarap ng ulam, tataba ako nito eii ang galing ba namang magluto ng misis ko " Sabi niya saka inalalayan akong umupo sa upuan, nagsimula kaming kumain
" Hindi kaba naiinip dito sa bahay ga? " Tanong niya
" Hindi naman ga, minsan namay lumalabas ako at nakikipag kwentuhan kay Aling Mameng kaya kahit papaanoy nalilibang ako " Kandailing na sagot ko, hinawakan niya ang kamay ko,
" Hayaan mo ga, pag nakaipon ako ulit ibibili kita ng tv para kahit papano pag wala ako ay may mapaglilibangan ka, pero sa ngayon ako muna ang magiging libangan mo sasayawan kita ng nakahubad " Nakangiti niyang sabi, natawa ako
" Talaga? Sasayaw ka? " Sabi ko tumango siya
" Ou ga basta para sayo " Sabi niya,
" Teka bukod pala sa pagsayaw koy lilbangin din kita sa isa pang paraan " Sabi niya at pakindat kindat
" Anu naman yun? " Natatawa kong tanong
" Didiligan kita lagi! Ay hindi pala dahil lulunurin kita gabi gabi " Pilyong sabi niya, natawa ako
" Ou na sige na bilisan mo na jan at ng makapag dilig kana " Biro ko din
" Yes maam bibilisan napo ng makarami " Sabi niya ng nakasaludo pa, natatawa akong bumlik sa pagkain.
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
April,12,2020 9:00 AM
-LND