Chapter 2: Opposite
"Are you okay hija?" Tita Nevine asked me while I'm helping her to prepare the beverages for the birthday party.
"Opo naman." She sighed. I guess she felt my nervousness I'm feeling. Although hindi naman ito mapaparazzi hindi kagaya 'pag artista ang may birthday.
Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan para akong ewan. Kahit gusto ni Adriel maging director or kahit part ng media parents niya they're still private persons. I guess I'm also anxious to this dress I'm wearing since I'm not use to it.
"You look stunning don't overthink." Then Tita hold my chin examining each of my features. I smiled a bit.
Kinuha ng isang crew ng catering ang mga baso na hinahanda ko. I guess the party is starting. Sa rooftop nila ito gaganapin. Aakyat din ba ako?
Kaya rin siguro ako kinakabahan dahil wala naman akong kaibigan sa mga bisita. Si Adriel lang 'di ko naman close sila Oliver eh. I let out a big air.
I put my dirty blonde hair to the side revealing my earring to my left ear while my right hand is holding the costly silver purse from Adriel again of course.
Tuluyan na sana ako aakyat sa main staircase when I saw Tito. He's sight is straight to the main door like expecting some visitors.
"Ahmm Tito where's Adriel?" Mukha siyang nagulat sa tanong ko nako baka nagmamadali siyang bumaba.
"He's there already hija. Join the party." He bowed a bit sign he's leaving.
Tuluyan ko ng tinahak ang hagdanan. Nalulula ako sa laki nito. My heart beat skip a beat when I finally reach the rooftop.
Waiters serving foods and girls with alluring expensive look ang sumalubong sa akin. Si Insan pa panigurado kahit hindi masyadong ka close non imbitado. Napahawak akong batok pag pasok ng glass door.
The whole floor was covered in neon party lights, smoke from the fog machine and a savour that made me starve from different delectable dishes.
Nasaan na ba ang pinsan ko? Nawawala na naman. Panigurado kasama 'yung guy kanina.
Ano ulit name non? Mar... ahh oo Maveric.
Ang daming pabilog na table ang nandito with I don't know guests. I guess nagsidatingan na ang mga katrabaho nila Tita sa Luminescence Films.
Nakita ko ang ibang kasing edad nila Tita na kausap nila, I think I'm familiar with some directors they're talking to.
"I love you. But I don't really show you."
The song started to be remix with other songs together with the fog machine intensifies. I felt so left out seeing people chit chatting with their friends. Umupo ako sa pinaka corner na table away from the crowd. I just check my phone.
"I'd call you.
But only if you want me too
Oh, don't you let it stop
Oh, I won't let it happen, baby."
"Hoy babae!" Out of a sudden may sumabunot ng buhok ko. Nilingon ko kung sino ito. It's my best friend Dahlia.
"Ay sige nandito na ako sa harapan mo no reaction pa rin?" She chuckled. What is she doing here?! It's unexpected.
Umupo siya sa tabi ko, nakita ko naman agad na may hawak siyang platito na may marshmallow at stick-o na may syrup. As expected matakaw 'yan eh.
Hinampas ko ang braso niya. "Hoy anong ginagawa mo rito?" She rolled her eyes while chewing the food.
"Siguro nang-ga-gate crash," she sarcastically said. If she's here that means kasama niya rin ang bundot niya.
"Where's Mandie?" May tumili galing likuran ko at atat na akong yakapin. I can't believe nandito mga kaibigan ko.
"Sis 'di naman ako sinabihan ng pinsan mo na maraming pogi dito!" Napailing na lang ako sakanya. Si Mandie pa ba. Hindi naman siya malandi maharot nga lang.
"So ni-invite niya nga kayo?" Pantutukoy ko kay Adriel.
"Hindi, hindi nang gate crash nga." Natawa ako kay Dahlia. They're wearing black and white dress mukha nga silang magkabuntot lagi.
Napahawak ako sa batok ko nang hampasin ito ni Mandie. "Ano back to normal pagkatapos mong hindi magparamdam ha? Jusmiyo Carina daig mo pa nang-ghot sa akin." I let out a sigh, feeling guilty. Kaibigan ko sila dapat hindi ako nagsisikreto.
"Ikaw kailan ka pa nagsikreto sa amin Carina?!" As expected galit sa akin ang dalawa kong kaibigan. Pagkatapos kong hindi magparamdam ng matagal ay may kung anong tea na ako.
"Bwisit ka ang alam namin magsesecond year ka na." Oh well... May magagawa pa ba ako kug masyadong makulay ang ginawa ni Lord sa buhay ko?
"Edi anong course mo ngayon?" Dahlia asked. Sino bang maniniwala na ang valedictorian nila ay magteteacher na lamang?
The waiter served us foods and we start eating. Bakit kaya kahit anong lamon ko hindi ako tumataba? Bad trip. Kung pwede lang na i-share it taba ni Dahlia nagawa ko na.
"Akala ko si Cari ang unang magtatapos sa atin si Dahlia na pala," sabi ni Mandie. I rolled my eyes wow coming from here ah.
"At least hindi ako huminto ng pagaaral," sabat ko. Umismid siya. Nga naman hindi porke sabay sabay kayong gumraduate ng highschool eh makakapagcollege kayo as expected.
"Try mong magenroll Mands. Next year no choice ka na kung hindi mag senior," sabi ni Dahlia na kunwaring nahihiya pang kunin ang nasa plato ni Mandie.
"Edi mas okay GAS kukunin ko. Hanggang ngayon walang pangarap." I don't believe it. Everyone has a dream sometimes it is just undiscovered or undecided.
"Educ at psych lang ang may open slot."
"Mag educ na lang kaya rin ako noh? Para magkaklase tayo." Sinikuhan ako ni Mandie. Tss aasa ka na naman sa projects ko, tulad noong high school.
"Kunin mo kung ano pangarap mo, 'di ba hilig mo pagsasayaw maybe not acads but the passion you really want."
"Ba't hindi mo gawin?" Mandie sarcastically said to me.
Ngumuwi ako sakanya. "May choice ako?"
"Sis kanina may nakilala ako, sa lahat ng boys na nilapitan ko he's the friendliest and gentleman." Kailan kaya magsasawa sa pagboboy hunting noh? Ngayon pinagmamayabang niya na ang dami niyang nakuhang numbers.
"Mukhang may girlfriend na 'yun Mands sadyang friendly lang." Sumimangot si Mandie at sinabihan siyang kj.
I check my wrist watch. Hindi ko pa pala nga nahahanap si Adriel!
After we eat hinatak ko sila dalawa patayo. "Puntahan natin si birthday boy."
"Come inside of my heart
If you're looking for answers
Look at the stars
Go a little bit faster."
Umulit muli ang song remix ng kanina sabay ulit nito ang pag lakas ng usok mula sa makina. I heard a breaking sound of a wine bottle and crowd screaming hudyat nandoon si Adriel sa bandang gitna pa.
"Excuse me..." wika ko habang tinatahak ang table nila Adriel. Nakita ko siya may winawagayway na papel sa ere habang ang tatlo niyang kaibigan ay nagtatawanan.
Kinuha ni Warren ang may basag na takip na whiskey at nagsilinan sa shot glass nila. They look overjoyed by something.
Agad akong nilapitan ng pinsan ko nang nakita niya ako. Bigla niya akong niyakap.
"What's with the face?" tanong ko natatawa na rin sa itsura niya. Mula sa likuran pinakita niya ang isang papel with some gold linings. Kagat labi si Adriel na nagpipigil ng ngiti.
"Basahin mo bili!" Excited talaga huh? I read it:
American Film Institute:
Mr. Adriel Breyden Cardoza we are offering you a 2 years conservatory course. Specialize in advance filming, directing, producing and writing...
I can't contain my excitement for him. Napatakip ako ng bibig na parang ako ang inofferan. Hindi ko pa tapos basahin ang pinakita niya ay niyakap niya ulit ako. Sa sobrang tuwa niya ay tinaas baba niya pa ang paa.
"Do you read it insan? Shet dream school! Future director of Hollywood here I come." Kinalas niya ang yakap at niyugyog pa ako.
Hindi ko mabilang ang segundo na parang nakangiting nganga ako. Napatulala ako. Magiging successful na siya tulad ng pinangarap niya. Kahit hindi ko gusto sa filming sana all na lang din.
"Mag-aaral ka ulit eh diba graduate ka na?" tanong ko. He just shrugged.
"Edi mag-aaral ulit Insan. It's only for 2 years I'll have more chances na maganda agad ang position ko sa filming."
Sana all talaga. Ehem God baka naman magpadala ka ng letter tapos sabihing peke lang pala lahat ng balita tungkol sa akin. Ehem.
American Film Institute... It's located in Los Angeles, California. Suddenly I frowned.
"Aalis ka na Insan?" I try not to sound gloomy. Nawala ang ngiti niya at napatango. Ilang araw pa nga lang ako nakalipat dito.
"Hindi pa ngayon mga ilang months to one year then I'll fly to California."
Nilapitan kami ni Warren may hawak na tray containing plenty of shot glass. Inagaw ni Oliver ang papel kay Adriel at pinagkatuwaan na naman ng mga kaibigan.
I saw Maveric chit chatting with some visitors. We end up seating in a round table with his friends.
Kinilabit ako ni Mandie. "Saw the guy with the gray eyes he's the guy I told you earlier. Ako kasi nauna kay Dahlia tapos since hindi ko naman ito bahay. Shet he offered to guide me to this venue and then he didn't leave me until Dahlia come."
Tumingin ako kay Mave na nasa tapat ko lang. Parang kanina bad trip ako kasi biglang may tao sa kwarto but he's friendly huh?
"Guys! Laro tayo bili 'never I have ever'." Tumayo saglit si Oliver kinuha ang isang bote ng vodka. "One shot for every experienced questions." Sinamaan ako ng tingin ni Mandie pagkatapos sa vodka, I gave her a small smile telling that it's okay.
"Never I have ever drop out in class," paumpisa ni Oliver. Nagsalin ng vodka si Mandie at Warren. Never naman ako bumagsak eh.
"Never I have ever kissed someone I just met," si Dahlia naman ang nagtanong. Paikot pala ang tanungan. Ano naman kayang sasabihin ko?
Lahat sila nagshot maliban sa akin at kay Warren. Oliver laughed and slightly punched the arm of his friend.
"Anong hindi Warren?" pangangasar ni Adriel, napailing na lang ako. What kind of question is that? Bar scene gano'n?
"Virgin lips ko oy!"
"Ulol!" Sabay nito ang pagtawanan nilang apat na ang nangingibabaw ay kay Mave. Ako na pala ang next kay Mandie. Wala naman akong maisip na into topic nila eh.
"Never I have ever dated someone younger or older than me." Sabay-sabay nagsi lagukan ang apat na boys. The hell? Sa bagay in this age dating stage talaga.
"Kasing edad lang pinapatulan ko eh sorry," ani Mandie. Talaga lang huh?
"Baka sakaling makita kitang muli!!~" Warren, Oliver and Maveric sang it in chorus kahit sobrang sintunado while looking to my cousin nahawa ako sa tawanan nila kahit hindi ko gets.
"Pagsikat ng araw paglipas ng gabi~ Malaya ka na! Palayin mo na kasi!" Hinampas ni Insan ang braso ni Oliver. Kasunod no'n ang sunod sunod na paglagok ni Adriel sa vodka. Nagtapat ang tingin naming ni Mave at napawi ang tawa niya, my brows furrowed.
"Dated someone younger than me pa ah! Edi ano ka ngayon?"
"Sayong-sayo na ang buong bote kulang pa 'yan." Adriel bit his lips and stare at his shot glass, his eyes are telling us like he's in pain for remembering something.
"Next question na bili insan," pang iibang topic ni Insan. Napalunok ako. Ang kumplikado ko pa naming mag-isip.
"Never I have ever left by someone important." Humagikhik si Mandie at ang iba ay nagseryoso na nagsalit sa kanilang shot glass. Sa buong laro ako lang ata ang niisang hindi pa nakakapagshot.
Iinumin na sana ni Oliver ang vodka nang biglang tumayo si Mave. "Okay that's it, this game is over..." His lips formed a thin line then he looked seriously at me.
Kumunot ang kilay ko at nag buntong hininga siya na parang ako ang nagpa pangit sa laro. What he's freaking problem?
Napakamot ng buhok si Adriel at tumayo na rin para sundan ang kaibigan. Natinginan sa akin ang dalawa kong kaibigan pati na rin ang dalawa pang boys.
"Nabad trip panigurado," bulong ni Warren kay Oliver na narinig ko naman. Wala naman akong nasabing mali ah? Anong problema non? Tsk.
After some minute bumalik si Mave may dalang tray. "Guys cake bigay ni Tita, masarap kuha na kayo." Tatayo sana si Mandie pero si Mave mismo ang nagbigay sakanya.
"Try it." Nagpasalamat ang kaibigan ko sakanya akala ko ako ang sunod na bibigyan dahil katabi ko si Mandie pero kumabilang ikot siya.
"Thanks Mave," ani Dahlia. Ningitian siya ni Mave. Naghintay ako na bigyan niya rin ako ng slice ng cake pero pagkapunta kay Oliver huminto siya at nilapag ang tray sa table.
"Ang sarap talaga mag-luto ni Tita noh?" he's talking with anyone like he's close to them even to my friends kahit kakakilala niya lang dito.
"Patikim...?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Kumuha ka," he coldly said to me. Malapit na akong ma badtrip sakanya ah. Sa iba ang friendly niya sa akin ano?
"Tara bili punta tayo kay Mave." Nagpumiglas ako kay Mandie ano bang pinagsasabi niya?
Tumingin kami kay Mave na ngayon ay kumukuha ng litrato ng mga bisita. "Bili na magpapapicture lang tayo maganda view do'n oh." Tinuro niya pa ang side na may mistulang spot light.
"Magpapapicture ka?" Maveric asked genuinely to the visitor. Ngumiti bahagya ang babae halatang nahihiya obviously kakakilala niya pa lang kay Mave.
Magpapicture din kaya ako?
The girl smiled and pose to the DSLR. "Beautiful, one more shot?" tanong niya na kinatango ng babae,
"I can send you the picture through e-mail if you want to," nakangiting utal ni Mave habang pinapakita sa babae ang pictures.
"Thanks you're nice pala."
"It's nothing don't even mentioned it." Mabait pero ang daling mabadtrip sa walang kahihinturang bagay?
"Cari ikaw naman magpapicture ka souvenir din 'yun." Niyugyog ni Mandie ang braso ko.
"Hindi na nakakahiya." Kinalas ko ang kamay niya sa aking braso.
"Anong nakakahiya, wala ngang nahiya kasi approachable siya kahit 'di niya kilala." Nagbuntong hininga ako. Fine, maybe this party really need a remembrance.
"Mave pwede ako rin pa..." Naputol ang aking sasabihin dahil bigla niyang tinanggal ang nasabit na camera sa leeg.
"Excuse me..." ani niya ng hindi ako nililingon at parang nabingi sa aking sinabi. Then he walked away going to somewhere.
Kinuyom ko ang kamay ko, kanina pa siya ah! Sa game, sa cake hanggang dito sa simpleng mag-papapicture lang?
Nagtangis bagang ako dahil nakaka bad trip talaga!
Friendly? Approchable? That's what others told me about you Maveric but you're completely opposite to me!