Chapter 4: First Event
"Ate uwi ka na rito please?" I hear eagerness in her tone.
"You know Ate is studying right? Kaya ako nandito sa Maynila para hindi mahirapan sila Mama na paaralin ka diyan." Marijean is just 2 years younger than me. I know she understands the situation but she's gloomy right now.
Sobrang close kasi kami, expected na baka lagi niya akong mamimiss. Namimiss ko na rin naman siya. She's in senior high taking HUMSS. Sayang nga eh naabutan siya ng SHS curriculum, sila 'yung first batch.
She gasped. "Sobrang miss na kita ate. Wala naman akong friends sa school. Ang weird ko raw totoo ba 'yun?" She looked down and pursed her lips. She kinda had a problem with socializing. Lagi ko na lang sinasabi na maybe she's just surrounded by wrong set of friends.
"Hindi ka weird okay? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo Jean?" Tinaas niya ang ulo namumuo ang luha sakanyang mga mata.
"Eh bakit wala pa rin akong kaibigan? Buti ka pa nandiyan si Mandie at ate Dahlia." My sister is the strongest person for me. Hindi kasi siya pala open-up malalaman ko na lang bigla may problema siya at tapos na. Nakakayanan niyang mag-isa.
Maybe others find her awkward and leave because they don't deserve to have her and stay.
"It's better to be alone than to have plastic friends. It's better to get used to it than expected them to be there when you're in need. Take note of that." She unconsciously nodded. Her eyes is screaming depression and so many thoughts, made we want to fly to her and hug her.
"Sigurado ka bang friends lang problema mo? Baka mayroon pa." She forced a laugh and smiled.
"Wala na ate, kalimutan mo na, kalagayan mo na lang isipin mo. Sorry nakaabala pa ako." I checked her background. The whole time we're video chatting wala sila Mama. Nagkukulong na naman ito sa kwarto panigurado.
"Hoy never kang naging abala okay? Sure ka na bang ayos ka na?" My deeper thoughts thinking about a topic that might cheer her up.
"Do I have an option to say no?" The way she tries her tone to be happy makes it hurtful even more.
Lakas ng kutob kong may problema na naman siya. Pero ayoko siyang pilitin. Gusto ko maghintay na mag open ang tao pag ganito, 'yung feeling na pinagkakatiwalaan ka nila.
"How's school balita ko may sinalihan kang club." Tipid siyang ngumiti at inayos ang screen.
"I just enrolled to a gymnast class, Ate." It took me a second to process. Maggygymnastics siya? Last time I check she hates to dance.
"Ha? Come again? Seryoso gymnast ka na?" Biglang nagulo ang screen. May bumagsak ng napakalakas mula sa kabilang linya.
"I'll call you soon. Byes." Nawala na ang camera ni Marijean.
"Okay, I love you. Just pray," I said but she didn't hear it as she hang up the phone. I hope she's okay, hindi mawala sa isip ko na she has depression and suicidal thoughts.
Hindi naman pwedeng umuwi ako sa probinsya. Sa bakasyon pa.
I was about to sleep when someone texted me. It's from unknown number.
Unknown number:
Sana ako makasama mo sa unang aasikasihin mong event.
Nagsalubong ang kilay ko. Unang event? Sino naman ito? I have a feeling that I already know the person. I replied.
Ako:
Sino ka?
Unknown number:
Secret.
What the hell? Sa tingin niya ba nakikipaglokohan ako. Saka paano niya naman nakuha number ko, eh kada 2 buwan ata pinapalitan ko sim card kasi naeexpire hindi ko raw pinapaloadan tsk.
Ako:
I'll report you. Sino ka nga?
Ibablock ko sana ang number dahil sayang sa oras pero feeling ko importante ito. Mabilis naman itong nag reply.
Unknown number:
Ito naman nag bibiro lang Brielle haha.
Isang basa ko lang sa Brielle ay alam ko na agad kung sino ito. Paano naman nakuha ni Isaiah number ko? I back read his first text then I realize he's talking about our side lines in Creative Studios.
Magkaklase na nga kami sa Math I tapos ngayon magkatrabaho pa. Madalas na ata kaming magkikita ni Isaiah. I type again a reply.
Ako:
Panoong hindi I didn't even know you have my number. Paano mo nga pala nakuha.
Napangiti ako sa nakita na ang bilis niyang mag reply sa akin. Mukhang ako lang ka text mate nito ah char. Napatingin ako sa kalendaryo sa dingding Sabado pala bukas.
Binago ko na rin ang pangalan niya sa contacts ko.
Isaiah:
If I want to get something I'll find ways.
Ako:
Ano ka BDO? HAHA jk.
Isaiah:
Witty hahaha.
Akala ko hihinto na siya sa pagtetext but he replied again. Hindi talaga siya mauubusan ng sasabihin noh? Kaya kami nasita dati sa klase eh.
Isaiah:
Aayain sana kita sa kasal.
Ha? Confusion filled my face kasal? Anong pinagsasabi niya jusmiyo. The last word made me feel something different it makes me active my day dreaming. Napailing ako at narealize ang sinabi niya.
Ako:
Eh hindi naman ata kailangan ng make-up artist doon.
Dalawa ang nireply niya.
Isaiah:
Malay mo lang pareho tayong kailangan sa event.
Isaiah:
I though you'll misunderstand what I've said.
Natawa ako sa huling text niya. Hindi ko rin alam eh parang gusto ko ring i-double meaning text niya.
Ako:
Yeah muntikan na ayusin mo kasi haha.
Isaiah:
Malay mo aayain talaga kita. Soon HAHAHA jk.
I bit my lower lip to stop me from laughing kahit sa dulo ay napahagikhik na rin ako. Ano bang pinagsasabi niya? Hindi ko namalayan namumula na pala ang pisngi ko.
Naramdaman ko na lang na nagbeep ang phone ko. Nakatulala na pala ako.
Isaiah:
Good night Brielle :)
"Kailan alis mo?" tanong ko kay Adriel na ngayon ay nagaayos na ng kanyang maleta. Trespassing na naman ako sa kwarto niya.
"Sa makalawa." Napatango ako sa kanya. Hinihintay ko rin siyang matapos kasi ihahatid niya raw ako sa unang event na aatinan ko as make-up artist sa isang kasal. Mukhang magkakatotoo ang sinabi ni Isaiah na siya ang kasama ko sa first event ko.
Binasa ko muli ang text sa akin na mula sa Creative Studios na feeling ko galing kay Belle.
Creative Studios:
Tomorrow you have a wedding to attend, please take note of the following since it's one of the grandest wedding.
"By the way Insan, just to inform you baka mabigla ka, minsan dito tumutuloy si Maveric." My eyes widened a bit. Bakit naman siya nag-st-stay rito? Wala ba siyang bahay? Char.
"Bakit naman kung kailan aalis ka." My cousin will fly to other country in next 2 days I can't think any reason kung bakit pa siya pupunta rito kung wala ang pinsan ko.
"Basta madalas talaga na dito natutulog si Mave." I just rolled my eyes. May girlfriend naman siya ah bakit hindi kila Belle.
"Magcocommute nga ako pauwi." Nagtatalo na naman kami ni Adriel bago bumaba ng sasakyan niya. Para siyang tatay tsk. Wala siyang nagawa at bumaba na ako ng sasakyan.
Ang sabi hindi ko na raw kailangan mag dala ng sariling make-up trolly dahil mayroon na raw silang sarili. Mas madami rin daw ang kakailanganing mga crew dahil galing sa isang mayamang pamilya ang ikakasal.
I took a deep breath habang tinitignan ang malaking bahay ng bride mamaya, kung nalalakihan ako sa bahay nila Insan ito mukhang mansyon na. Dito raw preparations ayon sa nisend na infos sa akin kahapon bago dumirestso sa cathedral. Ito na naman tayo sa isang lugar na wala akong kilala.
I'm wearing the Creative Studios' black shirt and put my hair into a high pony tail. I just put light make-up para hindi mukhang haggard.
Pinapasok agad ako ng guard nang sabihin ko kung bakit ako nandito. Madaming mga iba't ibang mamahaling sasakyan ang madadaanan bago mo pa matapakan ang mismong bahay.
Mukhang galing ang mga sasakyan na 'yan sa mga magiging abay o bisita mamaya sa kasal. Papasok na sana ako nang may marinig ang kumakanta. Tinahak ko ang pinanggagalingan dahil na rin sa ganda ng boses.
"Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you."
Napangiti ako when I saw it's Isaiah nasa likod siya nitong mansion at may hawak ng gitara looks like he's practicing. He's eyes were close feeling every words of the song. Napatayo ang balahibo ko sa boses niya.
"Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?"
He stopped singing when he saw me my eyes widened obvious ba na nakikinig ako? Damn.
"Ah sige tuloy mo lang pagkanta haha," I said it awkwardly. Nilagay niya ang gitara sa kanyang likuran at lumapit sa akin.
"Tara pasok na tayo sa loob baka hinahanap na nila magmamake-up." Sumunod ako sakanya sa pagpasok at least may kasabayan ako at hindi na ako mahihiya plus narinig ko pa boses niya.
"Miss please make it light? And I don't want my hair to be curled," maarteng sinabi ng inaayusan ko ngayon habang nakaharap siya sa LED vanity mirror. Nagbuntong hininga na lang ako.
Isa siya sa brides maid mamaya at sa lahat ng inayusan ko siya ang pinakamaarte at pinakabata. Kinuha ko na lamang ang conceler na mas dark kaysa sa ginamit ko kanina dahil morena siya.
"I don't want to wear falls eyelashes too okay?" Tinasan niya pa ako ng kilay. Hinayaan ko na lang kahit nagtitimpi na ako. I guess this girl has the same age with my sister.
While I'm using the straight iron to her hair may lumapit sa amin.
"Naks nag-gluta ka? Pumuputi ka ah." Tinaasan siya ng kilay nitong inaayusan ko. Looks like her friend. Singkit ang mga mata at may kaputian.
"It's natural Audrey shut up."
"Sige sabi mo eh HAHA."
We don't get to see the full wedding ceremony sa reception na raw kami didiretso. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan pa ako doon eh tapos na akong mag-ayos dito.
The reception is like a fairytale there's an aisle of rose bushes in full of random red color palette you need to walk to first. As I get in to the full room reception I saw crystal like chandeliers illuminated with the blue and yellow lights as the sky is getting darker indicating that is almost evening
Ito rin siguro advantage na ang trabaho mo ay sa mga events, libre pagkain sa reception. Nasa isang malayong tabi ako nakaupo kasama ang ilang crew din pero hindi ko kinakausap kasi hindi rin naman ako kinakausap.
Napatingin ako sa harapan nang may nagsalita. It's Isaiah he's wearing a white button down long sleeve top na hindi nakasara ang dalawang butones at nakatiklop hanggang siko and a brown trousers.
Inayos niya ang gitara at nagsimulang kumanta, habang kumakain ang mga guest.
"Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you."
I didn't notice I was smiling the whole time he was singing. He's dark brown hair na nakaclean cut, he's defined jawline and thin pinkish lips. I was mesmerized by his features.
"Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be."
Dumilat siya sa pagkakanta then he wink at me. Medyo pa ako nasamid sa iniinom na juice dahil hindi ako sigurado kung ako ang kinindatan niya.
I clarified that Isaiah's looking at me when he smirked and stared at me kahit ang layo ng inuupuan ko. Naputol ang titig ko nang may tumawag sa akin.
It's Niles ang naging head organizer nitong event. "Tapos ka na bang kumain girl? Kailangan ng assistant." Agad kong inubos ang isang lagok na lang na juice at tumayo. He's gay at masasabi ko lang na ang bait niya.
"Saan po?" tanong ko. He looked at his check list before answering.
Hinatak ni Niles ang manggas ko at tinuro ang paexit nitong reception kung saan nandoon ang mga abay at mukang nagpapakuha ng litrato.
"Diyan kay Mave." Bahagya akong nagulat nang napagtantong si Mave nga ang photographer doon. He's loos professional and serious habang ang DSLR ay nakasabit sa kanyang leeg.
"Gora na,madami pang aasikasuhin." Umalis ako ng buong reception sayang dahil kakarinig ko lang din na kumanta ulit si Isaiah ng panibagong kanta.
I went near the photo booth that has wooden background with encircled flower props on it. Doon ang may pinakamaliwanag na ilaw na gamit dahil wala ng bakas ng araw para magsilbing liwanag sa oras na ito. Kumukuha ng litrato si Mave ngayon sa mga groomsmen, nahiya pa akong lumapit sa kanya.
Nang tumigil siya sa camera saka ako nagsalita. "Mave..." Akala ko magbibingi bingihan siya pero nilingon niya naman ako. "Kailangan mo raw ng assistant." I make it a statement to make it sound I'm sure of it. Hindi ko ba alam bakit parang nahihiya ako sakanya eh huling kita namin binadtrip niya ako.
Tinaasan niya ako ng kilay at bahagyang tumango. "I need a reflector." Reflector saan naman ako kukuha?
"Saan ko kukunin?" May binigay na susi ng sasakyan si Mave nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka.
"Para saan?" tanong ko hawak ang susi. He look at me irritated. Wow ha.
"Reflector?" sagot niya pabalik at nagiwas nang tingin sa akin saka tinuon ang pansin ulit sa pagkukuha ng litrato ng mga guest. Lumapit siya rito at ngiting pinakita ang shots na para bang kabaliktaran iyon ng trato niya sa akin.
"Hin-" naputol ang salita ko sa malakas na palatak ni Mave na sa tingin ko ay sinadya niyang iparinig. Tsk.
Kamot ulo akong umalis doon. Suplado pag dating sa akin tsk. Pinindot ko ang susi at umilaw ang van ng Creative Studios. Binuksan ko ang likod ng van at hinanap ang reflector kuno niya.
Lahat ng bagay doon tinignan ko pero wala ang reflector. Nilock ko ulit ang van at bumalik kay Mave.
Naabutan ko ang isang babae na crew din naming ang nagseset up ng stand para sa light reflector. May reflector na pala bakit niya pa sa akin pinahanap?
Badabog kong hinatak ang braso ni Mave para humarap wala pa namang nagpapapicture eh saka inaayos pa ang booth.
"May reflector na ah bakit mo pa ako pinakuha?" Hindi pa tapos ang aking sasabihin saka naisip kung saan galing ang reflector at bakit napunta sa van ang paghahanap ko.
"Don't tell me you didn't know that it wasn't on the van?" I uttered. Then I realized naka hawak pa rin ako sa braso niya at sobrang lamig ng titig niya sa akin.
"Ang tagal mo kaya nagpatulong ako sa iba,"he said with no emotions. Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya animong nandidiri saka tinuro ang likod nitong booth na kumpleto naman pala sa gamit.Nananadya ba siya?
"Eh, bakit mo pa ako pinakuha sa van gayong mayroon naman pala diyan?" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses. He just shrugged serving as an answer.
Humarap siya sa babae na inayos ang light reflector at nagpasalamat. "Thanks, you can back and eat now sorry naabala ata kita." Nahiyang umalis ang babae.
Sinara ko ang aking kamao ,ako ba hindi mo naisip na naabala mo rin ako? Ni wala ngang thank you o sorry o kahit anong matinong response eh!
Ayokong mabadtrip ulit dahil kay Mave kung ayaw niya sa akin kahit wala naman akong kasalanan edi 'wag. Aalis na sana ako roon nang may nang hatak pabalik.
Kinalas ko ang pagkahawak sa aking pulpusan when I realize it's Maveric. "Ano ba! Babalik na ako do'n."
"But you said you're my assistant right?" Nagsalubong ang kilay ko sabay ng pagtaas ng kanya. He's getting to my nerves already plus remembering our first encounter.
Nagbalik siya sa pagkuha ng litrato habang nakatayo lang ako sa tabi. Kailan ba matatapos itong kasal? Lintek.
"I need another camera lens." Tumayo ako at pumunta sa likod ng booth at hinanap ang camera lens na sinasabi niya. Again wala ito rito. Hinanap ko ulit pero wala talaga. Nananadya talaga.
"Wala doon!" sabi ko habang nakapamewang. Nagsasayang lang ata ako ng oras sa kanya eh.
"May sinabi ba akong nandoon?" Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya pinipigilan kung ano mang lalabas sa bibig ko. Bwisit ka!
"Eh na saan?"
"Sa bag ko sa loob ng reception." Tumagilid ang ulo niya sa akin mukhang nagtataka dahil nakatayo pa rin ako sa pagmumukha niya.
"What are you waiting for?" Nilagay niya ang isang kamay sakanyang baywang.
"Baka kasi may sasabihin ka pa?" Sayang effort ko sa'yo. Sasabihin ko rin sana iyon kaso baka magsagutan kami. Bahagya siyang umiling.
Tinahak ko ulit ang reception at lumapit sa la mesa ko kanina. "Guys alam niyo ba bag ni Mave dito?" tanong ko sa mga kasamahan. Tinuro ng isa ang bakanteng upuan na may black na backpack.
Seryoso ba si Mave papakielaman ko bag niya? Mamaya kung ano pa makuha ko tapos magsusungit sa akin.
"Brielle!" Natigil ako sa pagbubukas ng bag dahil sa tinig na iyon.
"Isaiah tapos kana kumanta?" Buti pa 'to gwapo na mabait pa sa akin.
"Oo malapit na rin tayo umuwi." Napangiti ako sa sinabi niya at binalik ang atensyon sa bag ni Maveric. Ba't 'di siya kumuha siya naman nakakaalam ng gamit niya eh.
"Ano bang hinahanap mo diyan? Hindi mo naman ata bag 'yan saka bad trip ka ata?" Naningkit ang mata ni Isaiah animong sinisilip ang nasa loob ng bag, Nang ba-bag raid na ata ako eh.
"'Wag kang maingay ah pero ayoko kay Mave," bulong ko sakanya sabay ng pagopen ng mga zippers. Halos walang laman ang bag niya.
"Mabait 'yun mukha lang masungit." Syempre 'yan ang impression ng lahat sa kanya,
"Ano bang hinahanap mo diyan? Baka iba madampot mo haha."
"Sira ka. Camera lens." Tinulungan niya ako sa paghahanap ng lens, may kinuha siyang nasa maliit na lalagyanan at sinabing naroon ang lens.
"Tara ibigay natin sakanya," pangunguna niya at sabay kaming umalis ng reception.
Pero naabutan namin nililigpit at inaalis na ang buong photoshoot booth. The hell?
Lumapit si Isaiah kay Niles. "Nasaan siya?"
"Ewan ko ba dumating lang ang chaka biglang hininto ang booth nakakahiya tuloy sa iba pang guest," maarteng sagot ni Niles na napamewang at dinampi dampi dahan dahan ang tissue sa pawis niyang noo.
Hinawakan ni Isaiah ang braso ko saka kami umalis doon. "Ano raw? Eh paano itong pinakuha niya?" tanong ko.
"Hahanapin natin siya Brielle." Lalapit na sana kami kay Mave na naabutan namin siyang na nasa harap ng van kaso nandoon din ang girlfriend niyang si Belle.
Hinatak ako ni Isaiah sa isang rose bush na para kaming nagtatago sakanila. Pareho kaming sumilip.
"What's your problem again now huh?" panimula ni Mave na diretso ang tingin kay Belle.
"Ikaw ang problema Mave! Bakit hindi mo magawa ang gusto ko am I not important?" Hinatak ako ni Isaiah patayo pero pinigilan ko siya, ewan ko ba kahit wala naman akong pakialam sa magjowang 'yan.
May sinabi si Mave na hindi ko narinig dahil sa layo namin sakanya. My eyes widened when Belle slapped her. Kinuyom niya ang kamay nagtitimpi sa girlfriend niya.
Sasampalin siya sana ulit ni Belle nang hinawakan ni Mave ang braso niya pampigil. Hinatak naman ng mas malakas ni Isaiah ang kamay ko.
"Tara na balik na tayo." Ngumiti siya sa akin na para bang wala lang sakanya ang nakita namin. Mali rin naman na nakikitsismis ako.
"Sorry." Kumunot ang kilay ko sakanya bakit siya nagsosorry?
"Para saan?" Dapat nga si Mave ang nagsosorry char.
"I just felt that you didn't like all the things happened in your first event to attend as a make-up artist. Ako na humihingi ng pasensya."
*****