Chapter 5: Irritated
Today is Monday at ang second subject ko ay Math I, sana nandoon din si Isaiah. Isang beses pa lang kami nagkasama sa klase at sa isang event pero pakiramdam ko lapit na ako sakanya.
"In this theory some gathered..." Sobrang focus ko sa sinasabi ng professor namin ngayon siguro dahil na rin wala akong kilala sa subject na ito.
I felt my phone vibrated reason that I stopped taking notes. I hide my phone under the arm rest as I read it. It's Mandie.
Sis:
Anong next subject mo?
Sumilip muna ako sa nagsalitang prof sa harapan when she wrote something on the white board agad akong nagreply.
Ako:
Math I ikaw ba?
Sis:
Math I din. Oyy kung sino mauna maghahanap ng upuan ah.
Ako:
Sure.
"Dismiss." Agad akong tumayo pagkatapos marinig iyon. Pareho kaming educ ni Mandie pero sa kadahilanang hindi kami pareho ng major may unit na kadalsang hindi tugma schedule namin.
"Room 412," I whispered underneath my breath while I'm taking the elevator since second floor ang kanina at fouth floor pa ang Math I. May mga nakasabayan din akong estudyante sa elevator.
Huminto at nagbukas ang pinto nito sa 3rd floor. Tinignan ko ang wrist watch may 5 minutes pa naman.
"Belle." Bahagyang nanlaki ang mata ko sa estudyanteng pumasok sa elevator. Belle? Nag-aaral pa rin siya? I mean she has the same age as Mave at nakapagtapos na si Mave.
Nasa bandang likuran ako at nasa unahan si Belle pati na rin ang kasama niyang isang kaibigan ata. I head to toe her. Base on her uniform that I also saw to other student, Med student siya? Wawers.
"Saan ka Belle?" tanong ng isang lalaki na halatang may interes sakanya. Bahagyang umiling si Belle as a sign she's shy about it.
"Sa kabilang building lang," she said to the boy. Iisang floor na lang ah bakit parang ang tagal.
Tumunog ng elevator hudyat nasa 4th floor na. Pwede naman talaga kasing maghagdan kaso madali akong hingalin. Kaya 'wag na lang.
"Excuse me," sinabi ko sa mga estudyanteng nasa unahan ko. Gimilid naman sila para makadaan ako then I said thank you. Hindi ko na rin pinansin kung nakita ako ni Belle o ano. Dahil hindi na iyon importante.
Nasa iisang campus lang pala kami. And she's pursuing to become a doctor. Sana all may kaya pagaralin ng magulang sa ganyang kurso.
Pagpasok ko sa room bumungad sa akin ang lalaking hahanapin ko rin sana. Tinaas ni Isaiah ang kamay at sumenyas na tumabi ako sakanya, napangiti ako roon.
"Brielle!" tawag niya sa akin habang kumakaway pa rin.
"Salamat," ani ko sakanya habang umuupo. He's hair is unusually messy today but instead he's looks attractive with that even more. Nagmasid masid ako para hanapin ang kaibigan.
"May hinahanap ka ba?" tanong ni Isaiah nahalatang sigurong kanina pa ako baling nang baling kung saan-saan. Nasaan na si Mandie?
Nang may namalo ng braso ko na halatang sinadya, alam kong kaibigan ko na iyon.
"'Di ako aware may ka-ibigan ka na pala dito," she said emphasizing some words. Tsk issuer na naman. Tumabi siya sa kaliwa ko habang si Isaiah ay nasa kanan. She leaned a bit to me looking to the man beside me.
"In fairness gwapo huh." Bumaling sa amin si Isaiah na kumaway pabalik sa kaibigan ko.
Biglang hinablot ni Mandie ang kamay ni Isaiah bilang pagbati. He forced a smile halatang nahiya sa inasta ng kaibigan ko. Ako rin matagal ng nahihiya sa kanya tsk .
"Mandie best friend ng ka-ibigan mo," ani niya emphasizing the last word again. Napailing ako, issuer talaga amp. Ako pa talaga nasa gitna nila.
Tumingin pa sa akin si Mandie pa salit salit kay Isaiah napa nguwi ako roon. Normal lang naman na may lalaki akong friend... wait friends na ba kami ni Isaiah?
"Isaiah." May sasabihin pa ata siya nang pumasok na ang prof at nagumpisa na ang klase. Sunod naman nito ay vaccant that serves as lunch. Kaya carry pa.
"Good bye class." Agad tumayo si Mandie at inayos na namin ang mga gamit. Ganoon talaga pag college ikaw na ang lilipat ng room hindi ang mga guro.
"Lunch niyo rin diba?" tumango ako sakanya na kina palakpak ng kaibigan ko.
"Sabay na tayo."
"May klase ka pa ba Isaiah?" tanong ko sakanya, nakatalikod siya sa 'kin at may hinahanap sa bag. Nagulat ako nang may iniabot siya sa akin. Libro?
"Oo sayang hindi sabay lunch natin," he said smiling but I looked at him confused sa inabot niyang libro. The book is familiar to me.
"Ano ito?"
"Naalala mo 'yung nakita kitang nagpho-photocopy? I realize that I have also that book when I was in 1st year. " Binalik ko sakanya ang libro kong hawak. Nakakahiya naalala niya pa iyon? Jusmiyo.
Bakit ba kasi kung kalian may pambili ako ay sasabihin nilang hindi na wala na silang stock ng librong iyon.
"Ayy hindi na," I said in a convincing tone but he held my hand stooping me from giving him the book. Agad kong inalis ang pagkakahawak sa kanyang mainit na kamay.
"I already ask the registrar at ang sabi ubos na raw ang ganyang libro." I was a bit amused dumaan pa talaga siya sa registrar para tanungin? Eh samanlatang nagkataon lang na nagkita kami sa photocopy-han.
Naputol ang usapan naming nang may marinig akong balabag ng bag. "Sorry." Napairap ako sa sinabi ni Mandie na halatang ginawa niya 'yon.
"So Isaiah sasabay ka ba sa amin mag lunch?" tanong ni Mandie kay Isaiah sabay kawit ng kanyang kamay sa aking braso.
"Hindi eh may klase pa ako."
"Sayang noh?" tinutok pa ni Mandie ang kanyang mukha sa akin, tsk asar.
"Nga pala anong course mo?" duktong niya rito at napatingin sa ID lace ni Isaiah.
Sa Manila University , sa campus naming sa I.D. lace mo kadalasan madedetermine kung anong course.
"HRM, 4th year," sagot nito sa aking kaibigan. Oh so HRM pala siya akala ko accounting.
"4th year? Eh bakit ka pa nagtatake ng Math I?" Napatingin ako sa buong silid habang naguusapan silang dalawa. Kami na lang ang natira rito dahil sa daldalan at mukhang wala pang gagamit sa silid na ito.
"Bumagsak ako actually," sagot ni Isaiah kay Mandie and he scratch the back of his neck a clue that he's little embarrassed.
"Mahina talaga ako sa Math sa music lang siguro ako magaling." Napabilog ang bibig ni Mandie. Sabagay magaling siyang kumanta 'pag siya nadiscover panigurado sikat agad.
Nagpaalam na si Isaiah ani niya baka malate na siya sa klase. Inaasar pa rin ako ni Mandie habang tintahak naming ang papuntang canteen.
"Kaya pala gustong –gusto ang math." Siniko niya ba ako.Tsk kairita na ah.
"Manahimik ka nga he's..." iduduktong ko sana ang 'friend' kaso baka feelingera naman ako. Pero hindi naman siya ganoon sa akin kung hindi kaibigan ang turing niya 'di ba?
"He's... ano?"
"Friend." Inirapan ko siya. Pagkababa naming ground floor huminto muna kami sa bulletin board. Nanliit ang mata ko sa binasa. Binatukan ako ni Mandie.
"Aray ha!" pagrereklamo ko ngunit ang kanyang mga mata'y nasabik sa nabasa. Ano ba kasi 'yon? Binasa ko na rin ang nakapaskil.
December Avenue will be the special guest band at the retreat. See you there!
Retreat? Magre-retreat kami? Niyugyog ng kasama ko ang aking braso. Para namang tanga ma-excite eh.
Binasa ko ang babang parte ng nakapaskil: Senior High Students. Siya naman ngayon ang hinampas ko bahagya sa ulo.
"Senior high ka?" I sarcastically said at tinutok ko ang ulo niya sa binabanggit ko. Napakamot siya ng ulo, maeexcite ka pa ha.
Nagbasa muli ako sa bulletin board at hinanap ang para sa mga college students. Ito naman ay nahuli kaagad ng aking mga mata.
Foundation Week will be held next week each department should represent their own booths. Fee: 1,000
I slightly turn my head to the side. The hell 1k? Tsk. Hindi nga ako nagpaparticipate sa mga ganyan tapos may bayad pa. Napapalakpak si Mandie.
"Baka maexcite ka ulit sa wala ah," pagangasar ko pero hindi niya ako pinansin so I read also what she's looking.
Cheerleading Contest.
"Sasali ako diyan, kahit ako pa leader ng educ department." Diyan naman siya magaling sa pagsasayaw.
Habang ako nagiisip kung ano iaambag ko sa foundation week na 'yan maliban sa pagbayad ng isang libo na labag sa aking kalooban. Props na lang siguro tsk. Lagi naman akong ganoon high school pa lang.
Pagka punta naming cafeteria sobrang daming tao ang humarap sa amin. Sobrang crowded mukhang nagkasabay ng lunch ang halos lahat ng college student.
Sinubukan naming maghanap ng pwesto pero wala talaga madaming tao at mahaba ang pila mauubos lang ang kaunting oras na binigay para kumain. I looked to my wrist watch. Tsk. 40 minutes na lang.
"Sa HS department na lang kaya tayo?" pag-aaya ko kay Mandie. Useless lang kung maghihintay pa kami ng uupuan dito.
Since magkahiwalay ang cafeteria ng mga high school at college baka doon kahit papano maluwag.
"Sige." Umalis na kami at tinahak ang kabilang canteen na nasa likuran ng main building. Sayang at iba rin ang schedule namin kay Dahlia.
When we reach the second canteen I was right walang masyadong tao kaya agad kaming nakahanap ng uupuan. Ako na nagrepresenta kay Mandie na magorder.
Habang nakapila may nahulog na wallet sa babaeng nasa harapan ko siguro ang nagmamay-ari nito.
"Miss..." Hindi niya ako narinig dahil sinabayan ako ng babaeng nasa harapan niya mukhang magkaibigan sila.
"Obvious naman na si Jollibee 'yung nagpapadala sa'yo ng lunch , eh." Hindi ko naman sinasadyang makinig ewan ko ba simula noong narinig ko away ni Mave at Belle nagi-guily akong maki-tsismis.
"Really? Impossible, tsk pabibo 'yon." Napamewang pa ang babaeng nasa harap ko habang pumupila.
Nang siya na ang magoorder panay ang kapa niya sa kanyang palda at blazer. 'Yung wallet niya nga pala. "Miss, wallet mo," ani ko pagkalabit ko sa kanya.
Humarap siya sa akin para kunin. "Sorry po," nahihiya niyang sabi. My brows furrowed even she has eyeglasses her eyes are familiar to me.
Kinabukasan pagkatapos magklase agad akong nagayos ng susuotin dahil may pa despedida party ang hindot. Sa makalawa na kasi ang kanyang alis at dahil malawak lawak ang circle of friends niya ay binalak niyang magkaganito.
Nadelay pa ng ilang araw flight niya dapat wala na talaga 'yan dito sa pinas eh, char.
"Saan naman gaganapin?" I asked when I sat on the front seat of his hatchback. Ito na talaga ang huling beses na makakasakay ako sa kanyang sasakyan.
"Sa Creative Studios." My brows arched. Doon? Bakit doon?
"Huh?"
"Diba nabanggit ko sa'yo na doon din ako dati nagtrabaho saglit?" Napatango na lang ako. Of course nandoon din mga kaibigan niya including 'yung bad trip.
Nang natanaw ko na ang Creative Studios para akong naestatwa sa kinauupuan. Bumliktad ata ang desisyon kong sumama. Kinatok na ni Adriel ang aking pinto but still no reactions.
Binuksan ko na rin ang pinto ng kotse. "Para kang timang Insan baba na diyan." Nagbuntong hininga na lang ako. Pagbibigyan ko na lang siya no choice din eh.
"Hindi ka naman maleleft out doon since you already attend an event."
Pagbukas naming glass door nitong studio napatakip ako ng tainga sa malakas na pagsabog ng party popper at nagkalat na mga confetti.
Close ba talaga ni Adriel ang mga crew dito?
"Oyy guys salamat, iiyak na ba ako niyan? Haha," Adriel said to his friends Oliver and Warren.
Pinagmasid masid ko ang buong studio na puno ng black and blue decoration. Sa gitna ay may mahabang mesa na may kung ano-anong pagkain at syempre may pa cake pa.
Nagsalubong ang kilay ko sa aking mga nakikita. Ganitong ganito 'yung eksena no'ng birthday niya eh. Parang simula nang lumuwas akong pa- Maynila kada event na aatinan ko nababad-trip ako.
I sat on the corner table alone while Adriel is chit chatting with his friends hoping I would see Dahlia or Mandie surprisingly like the last time but this party is different.
Hindi raw maleleft-out tsk.
Kumuha ako ng paper plate at kumuha ng pagkain mag-isa. I sat again on a lonely table watching everyone talking to each other.
Naramdaman kong may tumabi sa kinauupuan ko.
"So we're on the same school huh?" Napatigin ako sa aking katabi. Oh, it's Belle. Napakamot ako ng batok bago sumagot.
"Ahh oo nga eh," nahihiya kong ani sakanya. Well I still need to consider her my boss in my side-line job here.
"Course?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. Hindi ko ba kung bakit ako nahihiya kasi med student siya.
"Educ." I heard her soft chuckles like insulting what track I'm heading on. Hinayaan ko na lang iyon. Akala ko hihinto siya sa pagsasalita pero hindi.
"So you are close to one of my guitarist?" Napaisip ako sakanyang sinabi. Ano naming mayroon?
"Hindi naman magkaibigan lang kami ni Isaiah." She smirked while drinking the shot glass.
Ito talagang si Insan eh hinahayaan akong mag-isa kitang wala akong kaclose dito, nagaya pa tsk. Napairap ako nang makitang palapit sa amin si Maveric.
'Wag naman sana ako bad-tripin nito. Kahit ngayon lang.
"Babe..." Lumingon si Belle kay Mave na may hawak pala ng platong mukhang hinanda niya para lang sa girlfriend niya.
Gusto ko tuloy lumipat ng upuan I don't want to be a third wheel here. I was about to stand up when Belle held my hand, I was confused.
"Dito ka muna Cari hindi rin naman dito uupo boyfriend ko, malamang doon siya sa pinsan mo." A thin line smile formed in my lips. Umupo muli ako wala naman akong magagawa.
Ubos na ang pagkain ko at nagsalita ulit siya. Kung hindi lang ako nagtatrabaho sa pagmamay ari niya eh. Char.
"So ahm are you in a relationship?"
"Ay... haha wala noh NBSB ako," I said. Mukhang hindi siya makapaniwala. Paano kaya naging sila ni Mave noh?
"Ohh akala ko mayroon kahit ex. Silly me." Kumunot ang kilay ko why is she expecting like that? Mukha ba akong may boyfriend tsk.
Tumakbo papalapit sa amin si Warren at Oliver, mukhang pasasalamat ko na rin ito dahil ewan ko ba na-o-awkward-an ako kay Belle? I mean she's my boss.
"Carina 'yung pinsan mo! Knock out!" Napatayo ako sa sinabi ni Warren. Jumiyo naman Adriel ano na naman bang kalokohan ginawa mo.
Kada party ata eh required sakanyang maglasing. Pumunta ako sa kinauupuan ni Adriel. Nakahilata siya sa sofa at nakabukas pa ang mga labi habang nakapikit. Tsk.
Pinalo ko nang malakas ang kanyang braso alam kong nakita ng iba 'yon pero wala akong pakielam. Nakakapuno na rin itong si Adriel eh!
"Hoy Adriel hindi pwedeng lasing ka!" Pinalo ko ulit siya para magising ngunit daing lang ang sinagot nito. Hayop. May pasok pa ako bukas eh!
"Alam mo bang hindi ako umatin sa pagplano namin sa foundation week para lang sa despedida mo ha!" Napasabunot na ako sa inis. Grabe na effort ko sa iyo ha!
Masyado niya na akong pinupuno.
"Pinagbigyan kita kasi syempre pinsan kita kahit may mahalaga akong gagawin naiintindihan mo?!" pasigaw ko na itong sinabi. Dahil ayaw niya talagang magising sinampal ko na siya.
"Aray!" Anong aray? Ba't ba kasi naglalasing ito. Bwisit.Kinuyom ko ang aking kamay.
"Adriel please bukas na ang flight mo oh. Alam mo rin bang balak kong hindi pumasok bukas para lang mahatid ka sa airport ha?"
Ginalaw galaw ko ulit ang kanyang balikat. Hindi pwedeng lasing siya paano naman kami makakauwi nito? Paano 'yung kotse niya eh hindi ako marunong magmaneho.
Dumilat siya but still looking unconscious. Kainis talaga. Nagtangis bagang ako.
"Even she hurt me please take care of her while I'm gone." Lasing nga siya. Tsk.
Lumapit sa amin si Oliver at sinubukan itayo ang aking pinsan.
"Dre gising na kahit anong gawin mo hindi ka babalikan non." Ngayon ko lang napansin na halos wala na lahat ng bisita sa party ilang oras na rin kasi ang lumipas.
"Warren paano kami makakuwi." Looking to my cousin malamang hindi niya na kayang magdrive. Daig niya pa si Paquiao kung ma knock out eh.
"May pasok pa ako bukas Cari, malayo masyado ang bahay niyo sa amin." Kulang na lang sabihin ko kay Warren na parang ako walang pasok ah.
Sabagay sa trabaho niya na siya papasok at ako sa school lang naman. Pero kahit na!
"Eh si Oli..." Pinutol ni Oliver ang aking sasabihin na ngayon ay nakaalalay kay Adriel.
"May shooting pa ako bukas sorry." Bahagya pa siyang yumuko. I tried to understand them since they are both working on a filming company.
Sa kaliwang braso ni Adriel nakaalalay si Oliver habang sa kabila naman si Warren. Pinipilit nilang maglakad nang diretso kahit gumegewang gewang na si Insan. Hanggang sa nasa tapat na kami ng hatchback niya.
Paano naman kami makakauwi nito?
"Carina!" I looked at the person who shouted. Si Belle nakapulupot pa ang bras okay Mave habang papalapit sa amin.
"I heard your cousin is drunk?" Tinaasan ko siya ng kilay hindi ba obvious? May alalay na nga oh. Tsk.
"Oh, nawalan na pala ng malay," she chuckled a bit.
"Adriel gising na ang bigat mo!" sigaw ni Oliver sa pagmumukha ng pinsan ko. Napailing na lang ako.
"Kami na lang maghahatid sa inyo, para makauwi ka na rin," Belle offered me. Edi magkakasama pa kami sa iisang kotse? Tsk.
Tinignan ko ang dalawang kaibigan ni Insan na nangangawit ng magalalay. I sighed. Sabagay anong oras na rin at may flight pa siya.
"Sige, thanks." Inalalayan nila kami papuntang BMW ni Mave. This is going to be awkward I'm feeling it.
"Paano nga pala ang hatchback ni Adriel?" tanong ko sakanilang nasa driver's seat at front seat.
Habang nasa likuran kami ni Insan. Sinandal ni Adriel ang kanyang ulo sa aking balikat kanina pa. Kahit ulo niya lang ang bigat.
"Ako na bahala doon," Maveric said coldly looking at me from the rear view mirror for a second and then looked to the road. I rolled my eyes.
"Daan muna kaya tayong convenient store? Bilhan natin pinsan mo ng kahit ano para mahimasmasan." Nabigla ako sa sinabi ni Belle.
But she's right kahit siguro hot coffee lang o mainit na noodles kailangang kainin ni Adriel. Lalo ngayon nagigising na rin siya. Kailangang bumalik ang diwa niya mamaya maiwanan pa ng eroplano 'to.
"Sige." At doon nga kami humunto sa isang convenient store na bukas 24 hours.
"Ako na bibili," pagrerepresenta ko sakanila. Bababa na sana ako ng kotse nang marealize na nakalock iyon.
"Buksan mo?" I unconsciously said looking to Mave pero parang wala siyang narinig kahit ilang beses kong sinubukan buksan ang pinto nitong kotse.
Trip niya talaga ako noh?
"Ako na bibili kayo na maiwan dito, gabi na." Aamba na siyang bababa ng kotse nang bahagya akong tumayo para hatakin siya pabalik.
"Kaya ko na saka hindi mo naman alam bibilhin mo eh."
"It's dangerous for girls to go out in this time."
"Ano ngayon kung babae ako? Kaya ko ang sarili ko!" Hindi ko na napigilang lakasan ang boses ko. Nakakairita siya ah! I clench my hands uncontrollably.
"Just shut up already!" Sabay kaming napatingin kay Belle. Nakaligtaan ko nandito rin siya sa kotse.
Hay nako Belle kung ako sa iyo pagsabihan mo ang boyfriend mong hindot.
"Si Carina na ang bibili tapos sasamahan mo siya babe, ako magbabantay kay Adriel ayos na?" Naramdaman ko na rin ang pagkairita ni Belle.
Nagbuntong hininga ako eh mas lalo akong mababadtrip nito tsk.
"Sige," Mave said coldly then go out of his car. Ganoon din ang ginawa ko at pababog sinara ang pinto.
Nagkakanda letse talaga buhay ko pag may event.
"Hintayin mo naman ako!" sigaw ko sa lalaking sasamahan daw ako sa convenient store pero sobrang bilis naman maglakad.
"Edi bilisan mo." I closed my eyes in disbelief of what he just said. Gosh.
"Ako na sabi eh!" Inagaw ko sakanya ang cup noodles na nilalagyan kong mainit na tubig. Pati pa naman ito pinapakailaman eh!
"Parang cup noodles lang oh," mahinang naiiritang ani ko. But still hindi niya binibitawan ang cup. Nabibingi talaga siya pagdating sa akin noh?
"If you say so." Bigla niyang binitawan ang cup na pinagaagawan namin syempre ending muntikan ko na itong mabitawan. Paano kung napaso ako ha? Bwisit!
Hawak ko sa kaliwang kamay ang cup noodles ngayon naman ay kukuha ako ng paper cup ng coffee.
"You're always contradicting me earlier pero please ako na diyan." Pinigilan niya ang kamay ko sa pagkuha ng cup after nitong mapuno galing sa machine.
"Ano bang paki mo sa akin ha? Kanina ka pa Mave alam mo 'yun?" Hindi ko siya pinakinggan at kinuha ko ang cup ng coffee gamit ang kabilang kamay ko.
Agad kong nabitawan ang cup ng kape dahil sa init. "Ahh!" napadaing ako sa sakit nang tumapon sa hita ko ang buong kape. Shit!
Maveric quickly ran towards me. Kinuha niya ang cup ng noodles sa kamay ko at wala na akong nagawa. Ramdam ko ang kung gaano kainit ang kape kainis!
What a day tsk.
"I already told you ako na. Does it hurt?" Obvious ba? Napapikit ulit ako sa init. Bakit ba lagi siyang nangingielam at nambabad trip?
Hahawakan niya sana kung saan ang paso ko nang umatras ako at nakuha siyang harapin.
"Sa lahat ng taong nakilala ko ikaw 'yung pinaka nakakairita. Wala naman akong ginagawa pero tila ba may kasalanan ako sayo para ako lang tratuhin mo ng ganoon. Birthday party, wedding and now despidida? Kung ayaw mo sa akin edi 'wag!"
Padabog akong naglakad paalis sakanya. Ilang beses kong piasadahan ang aking buhok. Kainis talaga!
Wala naman akong ginagawa eh akala niya ba nakalimutan ko na trato niya sa akin mula noong una naming pagkikita? Hayup ah. He's really getting to my nerves.
Kinabukasan hindi ko na naabutan ang madaling araw na flight ni Adriel kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumasok. Ito ang unang araw na walang maghahatid sa akin.
Hindi pa rin umuuwi sila Tita at Tito galing sa airport that's why I'm alone in this house with their maids. Nasasayangan ako na hindi, paaano iritado rin ako kay Adriel eh. Kung hindi siya naglasing edi sana hindi na naming kailangan makisakay kila Mave.
Nagtaxi ako paputang campus.
"Manong ito po bayad." Ibibigay ko sana ang bayad nang may kumatok sa bintana nitong sasakyan. Pinagbuksan naman ito ni Manong.
"Ako na po magbabayad." Maveric? Ano naming ginagawa niya rito? Nakipagtalo pa ako kung sino magbabayad sa aming dalawa pero sakanya ang tinanggap ni Manong.
"Hoy!" Napatili ako bigla nang hatakin niya ang pupulsuhan ko pababa. Nang makababa ako ay sabay sara niya sa pinto na kinaharurot ng taxi.
"Ano ba! Hindi na talaga kita maintindihan Mave eh. Doon ka sa girlfriend mo 'wag ako." Tila wala siyang narinig at hinatak ulit ang pulso ko para tumingin ako ng diretso sakanya.
Hindi ko na talaga siya maintindihan! Una iba ang trato niya at nilalayuan ako, pangalawa 'yung sa kasal tapos ngayon ano 'to?
"Don't tell me you're still irritated on me Carina," he said not removing his eyes at me while still holding my wrist.
*****