Chapter 3: Creative Studios
Nangangawit na ako sa bitbit kong tray. Jusmiyong Adriel it's already 7:30 am and still he's not awake. Paano knock down kagabi sa alak sa party niya. Out of frustration waiting him to wake up hinampas ko sa mukha niya ang unan.
"Ano ba gumising ka na nga!" He groaned then covered his face with the blanket.
Isa pa 'tong pa bad trip eh. Kahapon kay Mave ngayon sakanya. Kung pwede lang na hindi siya gisingin kaso siya raw maghahatid sa akin sa bago kong paaralan, Manila University.
"Good morning Insan, oh?" Humikab siya at tinuro ang kasuotan ko. Kinusot niya ang mga mata, padabog ko sakanya inabot ang pagkain.
"Uniform first day ko obvious ba?" I sarcastically said. His eyes widened a bit the he smirked.
"Bukas magcocommute na lang ako," I said when we entered his hatchback. He's in a hurry buttoning his shirt. Ginusto niya 'yan.
"Bakit?"
"Late ka lagi. 30 minutes na lang klase ko na." I rolled my eyes to my cousin. Humagikhik lang siya.
"Anong late lagi? First day mo pa lang oy."
Since it's boring while we're on the road and while I'm memorizing the way I opened up a topic.
"Akala ko si Warren at Oliver lang mga kaibigan mo." I tried to sound like I'm out of the mood.
"What about that?" he said while not looking at me.
"Kakakilala ko lang sa kaibigan mong parang ang anak ay camera akala mong may nagawa akong mali para sa akin lang siya umasta ng ganoon." He chuckled as I'm saying non sense. Naalala kong siya dati gumagamit ng kwartong ko ngayon.
Adriel mumbled something. "Anong sabi mo?" I asked.
"Wala sabi ko baka nawala lang sa mood. Saka pala kaibigan 'yon nukaba." Pala kaibigan ka pala 'yon?
"Move na insan, first day na first day mo oh." I didn't listen to him. When I saw the campus, I immediately go out to his car without saying a word.
I let out a heavy sigh. Pati Manila University napakalayo sa paaralan na pinapasukan ko dati. Well I'm not used to the whole city of Manila, I'm just a girl who used to live in a simple province.
"5 minutes left." I'm staring at the big wall circle clock of this classroom. Tinago ko ang mga gamit sa bag at nilabas ang notebook para sa next subject which is Math I. I doubled checked the schedule kung Math nga ang subject.
"Lesson 1-10, exam next week. Identification ang lahat." Nanlaki ang mata ko. Wait exams on the first week? Grabe. I didn't expect that this course will be this busy thou.
"Class dismiss," sabi ng prof. na nagpatayo sa akin. 'Yung iba lumipat na sa friend nilang blockmates. Wala naman kasi akong kaibigan pa rito eh. Sana matuloy ang balak ni Mandie na mageeduc din siya.
I grab my brown old shoulder bag. Second subject Math 1 which is in room 421. I check the paper that contains the schedule. Left Wing.
Sabay sabay naglalabsan ang lahat ng mga estudyante that's why the whole hallway is kinda crowded. Binuksan ko ang room.
"Dis..." Naputol ang sasabihin ng prof. nang makita ako. Lahat ng estudyante ay nakatitig sa akin.
"And you are?" tanong nito. Napalunok ako sa sariling laway. I check the room number by its door. 411. Damn!
"I'm sorry po." Yumuko ako bahagya panghihingi dispensa. Natawanan ang iba sakanila. Hayss. Sinarado ko ang pinto hindi madilat ang mga mata. Shit lang talaga.
"As being said class dismiss." Narinig ko ang pagsabi ng prof. sa parehong room kasunod nito ang paglabasan ng iba pang college students. Minadali ko ang lakad dahil sa hiya.
Nasaan ba ang room nasa tamang floor naman ako ah. Biglang may humila ng lace ng shoulder bag ko. My eyes widened when I saw a man holding his laugh at me.
"It's you," he said then let go to my bag. Napaatras ako sa tangkad niya. Nagmadali ulit akong naglakad.
"Miss wait." Habol niya ulit sa akin pero parang wala akong narinig baka ma late pa ako nito eh.
"Baka maligaw ka ulit ng room niyan haha." Napalingon ako sakanyang sinabi. What did he just say? Don't tell me he's of the students of that mistaken room? Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Saan ba next subject mo? Baka matulungan kita. Don't worry I'm already 4th year college memorize ko na 'to." He got a point even he's a stranger to me magpatulong na rin siguro ako sa simpleng direction.
"Room 421," I said without any eye contact. Tinignan ko ang wall clock sa dingding 5 minutes na lang at klase na.
"Math I. Am I right? What a small world." Napata hagikhik na rin ako sa mahina niyang tawa. Sabay naming tinahak ang room 421 at right wing pala ang kanina tsk.
Buti na lang at nakita ko siya. At least may kakilala ako sa isang subject.
The professor started to write the formulas on the board. This is very basic to me since I'm a former engineering student. Biglang may kumalabit saakin mula likuran.
"Can I borrow a pen?" The man who helped me earlier whispered. He showed me his notebook. Napabilog ang labi ko nang makita ang sulat niyang halos hindi ko makita dahil sa tinta ng ballpen.
Walang alinlangan kong bingay ang G-tech.
"Thank you," he said. I just said welcome. Tumingin ulit ako sa board para kopyahin ang sinusulat ng Prof. Matanda na ang prof sa subject na ito, kaya siguro ang sipag mag white board baka hindi sanay mag projector.
Akala ko tatahimik na ulit ang lalaking nasa likuran ko pero kinalabit niya ulit ako. Nako kung wala lang akong utang na loob sa iyo eh.
"Pwede bang bukas ko na lang ibalik g-tech mo? May tatlong subjects pa kasi ako mamaya." Hindi ko namalayang bumaling na pala ako sakanya, dahil busy ako sa notes.
He gave me a genuine smile that revealed his dimples on both sides of his cheeks. I find it cute.
"Oo of course." He chuckled. Isipin ko na lang na utang na loob ang g-tech.
I look at his lace it's not the same as mine. So hindi siya educ student?
"Ano ba first subject mo bukas?" tanong niya. Kitang nagsusulat! Pinatong ko ang siko sa sandalan ng arm chair para mas mabalingan siya.
"English I," tipid kong sinagot. Ayokong na didistract ako.
"Kaso baka maubos ko tinta ng ball pen mo." Ha? Anong sabi niya? Nagisip ako ng sasabihin without looking at him.
"Bili mo na lang ako bago," I reasoned out mahal ang g-tect aba.
"Kahit ano." I let out a big air. Pwede silang magsama ni Insan ang daldal.
"Okay Miss..." I didn't know I was smiling because he called me "miss." What he showed me that he's friendly to anyone.
"Cardoza! Vicente!" Napaupo kami ng maayos nang sumigaw ang Prof. Shit. Ang daldal kasi eh.
"No talking while I'm discussing! Baka gusto niyong makakuha ng singko sa akin." Para akong binuhusan ng lamig sa kaba. Grabe naman bagsak agad? Nang hiram lang ng pen.
"Sorry Sir," narinig kong sabi niya mula saaking likuran. So Vicente pala last name niya? I find it unique.
"Pagbibigyan ko kayo ngayon since Vicente is a deans lister. Ikaw naman Cardoza first year ka pa lang umayos ka." Huminahon na ang Prof. ngayon kaya nakahinga na ako ng maluwag. I'm glad that's over.
The next days are part of the hell week. Project dito, thesis doon, at exams. Grabe kulang na lang hindi na ako makasurvive sa year na ito. Sabagay kasalanan ko rin eh. Lahat ng pwedeng kuning units kinuha ko na. Pinapagod ko lang ata sarili ko.
"Mga anak kakain na." Tawag ni Tita Nessa sa baba. Bumaba ako kaagad pagkatapos ayusin ang mga projects.
As I'm going downstairs I'm thinking if I have money left. Wala na akong pera saka never namang nagpadala si Mama o kaya si Papa. Kaya nga sila pumayag na si Tita ang magpaaral saakin kasi kapos kami.
Halos mahulog ako ng hagdan nang may tumakbo pababa. Adriel! Tinaas ko ang kamao ko kunong susuntukin siya.
"Para namang may lamay sa pagbaba insan. Woy next week pa ang alis ko 'wag ka munang malungkot." I rolled my eyes at him. His already downstairs habang ako tatlong hakbang pa.
"Sino namang nagsabing may malulungkot pag umalis ka ha?" Pambabara ko kaya napatahimik siya.
Dumating si Tito na sumabay rin saamin kumain. Hinalikan niya si Tita sa pisngi bago umupo. Tita Nevine open up a topic while we're eating.
"Alam mo nak ang gwapo talaga ni Daniel!" Hinampas pa ni Tita si Adriel na kinikilig pa.
Kinwento niya 'yung umatin siyang concert ni Daniel Padilla. Tita is in her mid-40's but still feeling millennial. Ang hilig niya ring inggitin si Adriel sa pag fafangirl niya sa mga k-pop kahit wala namang pake pinsan ko.
"Daddy allowed you to go concerts?..." sabi ni Adriel. Para silang teenager. Sana pag nagkaboy friend ako ganyan rin kami pag tumanda.
"Para namang may magagawa ako sa Mommy mo Riel."
Tita open again a topic sa pag fafanfirl niya ulit. BTS naman. After that was silence. Kaya ako naman nag open-up.
"Tito... Tita, may projects po kasi kami... Kulang na po allowance ko."
Ang totoo nahihiya na ako kay Tita. Halos maya't maya ako humihingi ng pera.
Sila Adriel na ang nagpapaaral sa akin, nagpapakain, naninirahan ngayon hindi ko na alam kung paano ulit ako hihingi ng pera kay Tita.
"Nako Cari 'wag ka ng mahiya. Kahit magkano makapagtapos ka lang." Napangiti ako roon.
"Okay class before I start the lesson we have a transferee today..." Ani ng prof. na napagtahimik sa amin. Hayss sayang wala akong Math I ngayon hindi ko makikita si Mr. Vicente, bukas pa.
Teka bakit ko ba siya hinahanap?
Nalaglag ang panga ko sa pumasok na estudyante... It's Mandie! Tinaas baba niya ang kilay excited na makatabi ako.
"Ms. Peres you can seat beside Ms. Cardoza." Halos mag talon lakad siya papunta sa tabi ko. She grabbed my hand and shake it while still looking excited.
"Sabi ko sayo sis eh makakapagaral pa ako," bulong niya. Tinignan ko ang lace niya oh she's taking educ huh? Sabagay kaysa naman psychology na natirang slot.
"Anong major?" Mas lalo kong sinandal ang sarili sa arm rest para marinig niya.
"P.E." Hindi ko na dinuktungan ang sasabihin baka masita ulit ako. Kung hindi naman si Mr. Vicente ang kasama kong masisita 'wag na lang. Napailin ako sa sariling iniisip.
"Pass your reflection paper next week. Class dismiss." Sakto rin at last subject ko na ito. Tumayo na agad kami ni Mandie.
"Mands may book na no'n?" I didn't expect na wala akong libro doon.
Binigay niya saakin ang libro. Papaxerox ko na lang ito sa baba.
"Uwian niyo na Cari? Naol."
"Bakit ikaw?"
"May 3 subs pa." Lumabas na kaming room. Ako lang ang nagelevator pababa habang si Mandie ay pumunta sa kabilang room.
"Ate pa xerox po. Page 208 to 212." Pero parang hindi ako pinansin ng ale. May katawagan siya sa cellphone.
"Sandali lang ineng... Ikaw na mag xerox diyan, iwan mo na lang bayad." Nagmadali siyang umalis sa supplies stall na iyon hawak ang cellphone. Hayss.
Binuksan ko ang pinto no'n at pinuntuhan ang xerox machine. Ilang beses ko itong niexamine ng tingin. Hindi naman ako marunong gumamit nito eh.
I opened the machine and turn the book upside down. A light through the machine pass by the book. Then suddenly the machine stoped. Wala pa ngang lumalabas na papel.
Pinindot ko ang kung ano anong button but that doesn't work. Hinampas ko ito ng kamay ayaw pa rin!
"Let me help you Miss..."
Tumalikod ako para makita ang tumawag saakin. It's Mr. Vicente. Without my permission kinuha niya ang libro mula sa xerox machine. Inikot niya ang tingin para tignan ang problema.
He look so serious. Sa sobrang seryoso niya ay medyo siya ngumuso, napahagikhik ako sa itsura niyang mas seryoso kapag may exams.
"Nabunot lang pala ang saksakan ng photocopy." He let out a chuckle. Nag squat siya para masaksak ang machine then it started operating again.
"Nagkita na tayo ng ilang beses but still I didn't know your name." Sabagay kaysa naman 'Miss'.
"Call me Brielle." I intendedly said my second name. Lahat sila tawag sa akin ay 'Carina'. Para maiba naman.
"Okay, I'm Isaiah Vicente." I thought he's gonna hold my hands since he introduce but instead he grab something out from his backpack.
Pulang plastik mukhang galing sa PaperSquare.
"Thanks for the pen by the way." Tinignan ko ang plastic. Sandamakmak na G-tech! Mga 20 piraso. Nako baka ipahiram kita ng 20 pesos para balik sa akin isang libo na. Char.
"See you in Math class Brielle." I felt something on my stomach when he said my second name.
"See you, Isaiah."
Lumabas ako ng kwarto ko para puntahan si Adriel. Baka may alam siyang pwedeng pag side line-nan. Para hindi sa lahat ng bagay eh aasa ako kay Tita at Tito.
"Open the door insan." Nakatatlong katok na wala paring sabat. Pinagbuksan niya ako kamot ang ulo. Nayamot sa akin tsk.
"Ano ba 'yon?" Hinawi ko siya at hindi pinakinggan. Mabilis akong umupo sa study table niya at kinuha ang laptop.
"Oyy tresspassing na 'yan ah."
"I need a job Adriel." Tinagilid niya ang ulo mukhang hindi naniniwala.
"Seryoso ako I need a sideline job asap." Nagbuntong hininga siya.
"May pagkukulang ba kami Cari?" Grabe sa word na pagkukulang ah.
"Bili na aalis ka naman na eh. 'Di mo na ako mahahatid."
He sighed looking frustrated. He typed something on his laptop. It's a website how to find jobs. Tinignan ko muli ang website: Bar tender, waitress, fast food crew. Iyon ang mga nakalagay.
"Ang dami na nating tinignan wala ka pa ring mapili? Lahat naman qualified ka ah."
"Wala ka bang alam na iba insan? 'Yung alam mong kaya ko ah," I said then he grabbed the laptop and type something:
Creative Studios
"I used to work in that place check mo baka pasado na sa taste mo."
Creative studios... They even have a quote. "At Creative Studios we create the most memorable events." May linya doon na nakuha ang atensyon ko.
Hiring: Make-up artist. The schedule depends on the events.
Hinampas ko ang braso ni Adriel. Iyan perfect, magaling kaya akong mag make-up. May silbe na rin siya.
"Hoy insan ayusin mo requirements ko na kailangan ah. Kailangan next week may trabaho na ako. Good night!" Before I close the door he speak.
"Aba ikaw na nang abala ako pa magpapasa ng requirements?" I rolled my eyes. Arte. Saka siya naman nagsabing doon siya nag-tatrabaho dati.
"Aalis ka naman na eh. Sige na ha? Byes," I replied then went to my room.
The next day nagulat ako dahil tinext ako ng Creative Studios at sinabing pwede na ako magumpisa, but first I need to go to their place para mainterview or what so ever. Ang galing talaga ni insan. Wala namang grabehang pagpasok since side line lang.
Pumara ako sa jeep nang makita na ang lugar. It's like a workshop on a street. Kulay puti, sa labas pa lang malawak ng tignan at may glass doors. May malaking nakasulat na cursive sa taas ng Creative Studios that's why I'm sure this is it.
I open the door. Madaming tao na naka black t-shirt at may logo nito. 'Yung iba nag-aayos ng mga rosas, 'yung iba naman nagaayos ng balloons. At may isang tao na nakatayo at mukhang nagdidikta ng gagawin nila. It looks like they're preparing for a event.
"Yes Ma'am ano pong need nila?" tanong sa akin ng isang babae na mukhang kasing edad ko lang. At may hawak na checklist.
"I would like to talk to the owner," magalang na sambit ko.
"Nandiyan po siya Ma'am kausap 'yung photographer." Tinuro niya ang dulong banda nito na hindi na tanaw ng paningin ko. Nilakad ko iyon.
Habang naglalakad tinitignan ko pa rin ang mga nagaayos. Hula ko they're preparing for someone's 18th birthday.
"Babe one more please?" Rinig ko mula saaking harap. Nakita ko ang babaeng naka puting dress at nagphophotoshoot.
"I'm already tired babe." Tinignan ko ang boyfriend niyang photographer... Maveric?! Dito siya nagtatrabaho?
Lumapit ang babae kay Maveric at tinignan ang shots niya sa DSLR. Sabay silang tumawa, hinapit ni Mave ang baywang niya at may binulong. They looked very comfortable and happy to each other.
"You're so good at it Mave!"
"Of course because you're the subject." Usually pag nakakakita ako ng PDA nandidiri ako pero this time nagsalubong lang ang kilay ko plus remembering what happened to the party.
May girlfriend na pala ang hindot na 'to.
"Yes?" Bumalik ang huwisyo ko nang tawagin ako ng babae.
"Ahmm, I want to talk to the owner." Ni head to toe ko ang babae. She's looks a model. Unlike me mas maputi siya. At girlish dahil sa dress at heels niya na hindi ko trip suotin.
"Why?" tanong niya. Lumapit ang boyfriend niyang si Mave at inakbayan siya kaagad while staring at me.
Syempre sa sobrang approachable ika nga nila baka dahil doon deserve niyang magka girlfriend. Hay nako Cari magiisang linggo na lumipas move on na rin.
"Ako po kasi 'yung make-up..." Pinutol ng babae ang sasabihin ko.
"Oh so you're Carina? The new make-up artist right? I'm Belle the owner." Nanlaki ang mata ko. Siya pala iyon? Halos kasing edad ko lang siya ah. She looks nice.
Binigyan niya ako ng parang form para daw makapagumpisa na ako. They'll just contact me if they need a make-up artist in some events.
"What's your tee size?" She asked.
"Meduim." Kumuha siya ng t-shirt na black tulad ng mga ibang nandito sa isang closet. Libre naman daw eh kaya gora na. No wonder nagustuhan siya ni Mave she's very nice to me.
Before she handed me the t-shirt her phone rang. "Good morning po Ma'am yes po Creative Studios what's the event?" She gave a sign to wait then she stormed out the whole work shop.
Nilapag niya ang t-shirt sa isang table. Kukunin ko na sana kaso may tumawag sa pangalan ko.
"Brielle!" Isaiah? Anong ginagawa niya rito? Don't tell me side line job niya rin.
"Isaiah, anong ginagawa mo rito?" Before answering me he lift-up his guitar.
"Side-line... Singer, pianist and guitarist mostly at weddings." Napabilog ang labi ko. He's that talented huh?
"And you?..." Napakurap pa ako ng ilang beses. Bakit ba pag kausap niya ako madaling mawala focus ko?
"Ahmm... Make-up artist kakaumpisa pa lang side-line rin." I felt someone staring at me, pero hindi ko pinansin.
"Ang hirap talaga ng buhay noh? May point talaga na ayaw mong paasahin ang parents mo sa pag-aaral." Oh he's family oriented? That's good.
Hindi ako nakasagot dahil nakita ko si Maveric na nakatitig saakin. Nagkunwari siyang tumingin ulit sa DSLR niya. Na malik mata lang siguro ako.
Bumaling ulit ako kay Isaiah. Inabot niya saakin ang t-shirt ko na dapat binigay kanina ni Belle.
"Welcome you're an official Creative Studios crew."
*****