Chereads / Seduce Me At Sunset / Chapter 2 - Kabanata 1

Chapter 2 - Kabanata 1

Simula

People fake promises and bullshits are the reason why I like being alone and distance myself from falling in love.

I am scared being in love and see myself crying over a man again who's not man enough to sacrifice everything for me.

Sana kagaya na lang ako ng kaibigan ko for being tough, straightforward, brave, determined and confident.

But no, I can't be like Dem. I can't see myself chasing a man and hurt like hell.

I'm fragile and afraid that maybe one day, the man I love the most become the person I know who aren't he used to be.

I don't know the reasons why he did those. Ang tagal na namin sa relasyon at sinong tangang lalaki ang makikipagbreak dahil lang sa simpleng rason?

He ended up our relationship because he's losing his time for me. Hindi ko nga 'yon isinumbat sa kan'ya. I'm giving all time he want, hinahayaan ko s'ya dahil alam naman na n'ya ang limitations n'ya.

I gave my love for him, I cared too much for him. We both love each other and he said, I was the best thing that ever happened to him but he still left me.

How could he do this to me? That's funny.

How ironic?

When we broke up, I pretend that it was okay, I was fine but I never told him how much I cried that day.

Losing him was a bad dream but loving him was even worse!

Now, when I remember I cried over him... no offense to me but what the fuck?!

Inihulog ko na ang coin na hawak ko sa isang wishing well. Kanina ko pa ito hawak kaya namawis na ang coin at uminit na sa mga palad ko.

I'm wishing that something good will happen to me when this month is over, my Mom would let me take the course I want to pursue, pass the board exam, have a healthy body and people around me will keep safe and happy.

I wish for the fairy down there would grant my wish kahit na napakarami kong hiling at isang coin lang ang ihinulog ko.

Hindi naman sa kuripot, I'm just being practical. Sabi naman nila, one coin is enough for what you want to wish.

Matapos kong makipagtitigan sa wishing well, tinignan ko ang oras sa'king telepono.

Alas kwatro na agad?

Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa isang falls malapit sa resort na pinagtitigilan ko.

It's vacation and I only have two weeks here in Alfonso, Cavite. Sabi nila, maganda raw magliwaliw sa Saluysoy Falls dahil tahimik at maganda ang lugar. So, I decided to try and feel the beauty of the waterfalls.

I took a vacation para rin sa sarili ko. I need to rest, yung ramdam na ramdam ko talaga 'yung pahinga. Hindi 'yung basta lang ako natulog o nakaupo o walang ginagawa. Gusto kong magtravel... travel alone to find the inner peace.

I'm still stuck between the devil and the deep blue sea. I want to study doctoral education but my Mom pushing me to the course I don't even had a passion.

Gusto n'yang sundan ko ang yapak n'ya sa kompanya kahit na si Kuya naman na ang nangangalaga noon.

Dumagdag pa itong anak ng kaibigan n'ya na pinagkakasundo kami as boyfriend-girlfriend.

So now, there's a 50-50 chance bago mapapayag si Mommy. How fuck up, right?

I also took a vacation here to rest with studies as well. Simula noong BSBA ang kinuha kong course, hindi na ako nakapagpahinga noon. I'm stressed thinking what I'm going to do... what to study next.

Pero kahit gan'on, nakukuha ko pa ring buklatin ang aklat tungkol sa doctoral education or any books that is related to medicines.

I'm more focused on studies, not in love.

Bumuntong hininga ako at umiling. Diba ang sabi ko, iiwanan ko muna ang mga isiping 'yon? Why am I thinking about it, tho?

Bago ako magpunta sa Saluysoy Falls, kinuha ko muna ang cellphone ko at tinext si Demrene. Nakalimutan ko s'yang replyan kanina dahil abala ako sa pagwi-wish sa well.

Nagtipa ako at nagreply sa huling text n'ya, tinatanong n'ya kung anong ginagawa ko ngayon.

"Punta ko sa waterfalls, sama ka?"

Naglakad-lakad ako sandali, kahit dito ay napakarami ring tao. Most of them are kids, malapit kasi sa playground.

Naiangat ko ulit ang cellphone nang magtext si Dem.

["Sige, wait mo ko d'yan, btch. Magme-make up lang ako."]

Automatic na umirap ang mata ko matapos mabasa ang reply n'ya. Ngumiti ako muling nagtipa ng mensahe.

"Hindi mo na kailangan magmake up, girl!"

["Aww. Really?"]

"Oo kasi plastic surgery kailangan mo. Hehe."

["Napakasama mo! Malunod ka sana d'yan sa falls o kaya naman kapitan ka ng linta! Bwiset, panira ng hapon."]

Mas lalo akong natawa nang mabasa ang reply n'ya. Nilagyan ko pa kasi 'yon ng kiss emoji para feel n'ya ang pagmamahal ko sa kan'ya.

S'ya na nga ang binibigyan ng suggestion, s'ya pa 'tong galit!

Magrereply sana ako sa kan'ya ngunit 'Failed to send the message.' ang lumabas.

Oh my goodness, ubos agad 'yung load ko?

Ibinaba ko ang cellphone at nilibot ang paningin, naghahanap ako ng mapapaloadan. Hindi pa ulit ako nakakapagrenew ng load balance sa Mall.

Besides, I'm still on vacation. Naiwan ko naman ang pocket wifi sa resort dahil plano ko na talagang magpunta sa falls ngayon. Hindi ko pwedeng dalhin ang gadgets, baka mabasa!

Nang makakita ako ng mini-store, kaagad akong pumasok doon at pumunta agad kay Ate na nasa counter.

Kakaunti lang ang nabili kaya naman mas lalo akong natuwa.

"Ate--"

Natigil ako sa pagsasalita nang may lalaking biglang naglapag ng coke in can sa tapat ni Ate.

Tumabi naman ako ng kaunti dahil parang nakikipagsiksikan itong lalaki sa'kin.

"50, iho." Sambit ni Ate roon sa lalaking naka-navy blue hoodie jacket.

Hindi ko naman makita ang itsura nito at wala akong pakealam.

"Iha, ano ang sa'yo?"

Nilingon ko si Ate nang marinig ko ang boses n'ya.

"Ate, pa-load po."

Tumalikod sandali ang tindera at pagkaharap nito ay may ibinigay sa'kin na maliit na papel.

"Ito, pakisulat na lang dito. Medyo matatagalan ang load dahil nasa kusina pa ang anak ko. Pasensya na, iha." Paliwanag ni Ate.

Kinuha ko naman ang papel pati na rin ang lapis na binigay n'ya.

"Ayos lang ho." Ngumiti ako at isinulat na ang number ko.

Kasabay noong maliit na papel ang bayad ko. Hindi naman na ako binigyan ng sukli dahil sakto lang 'yon.

Pagkatapos noon, lumabas na ako sa mini-store at naglakad na papunta sa Falls.

Hindi na ako sumakay dahil mas mag-e-enjoy ako kapag nilakad ko. Walking distance naman 'yon at tsaka mas tumatagal kapag sakay. It's either traffic or because of the long roads.

Halos 10 minutes bago ko marating ang Saluysoy Falls at nagsisisi na ako ngayon kung bakit hindi pa ako sumakay. Masyado akong napagod sa paglalakad! Binanas tuloy ako.

Hinawi ko ang ilang halaman na humaharang sa daraanan ko, mula pa lang sa malayo, rinig ko na ang agos ng tubig galing sa Falls at mas lalo akong na-excite na makita 'yon!

Nang makalapit, hindi ko mapigilan ang mamangha sa mga nakikita ko. It wasn't my first time to see waterfalls but this was the most beautiful place I've ever seen!

The water is clear as crystal blue, the leaves and trees around it was bounty, parang buhay na buhay dahil sa kulay nitong kulay green.

Humakbang pa ako papalapit at nagtungo roon sa pinakaitaas ng falls. It's not that high, kayang kaya kong talunin ang falls na 'to pababa sa kulay asul na tubig.

Oh my goodness! This place was really awesome!

Lumingon lingon ako sa paligid bago ko hubarin ang tangerine color kong t-shirt. It was oversized-shirt at itinali ko ang dulo noon into knot, nakalabas din ang balat ng kaliwang balikat ko.

May suot naman akong sports bra kaya ayos lang na maghubad. It's also summer, I'm on the water place.

Nang mailapag ko ang phone at damit sa bato, huminga ako ng malalim at sinilip ang tubig sa ibaba.

I know this will be cold as ice but who cares. It's fun and exciting!

Hinawakan ko ang ilong ko at pumikit bago tuluyang talunin ang tubig.

My first splash on the water was damn satisfying! Ramdam na ramdam ko ang paghiwalay ng kaluluwa ko sa itaas matapos kong tumalon!

Ang lalim ng ibinagsak ko sa tubig at nang makaahon, tumatawa pa akong hinilamusan ang mukha ko at lumangoy sa ilalim ng dagat.

This feel is what I want. Iyong sayang ganito na kahit mag-isa ka lang. You still feel the excitement!

Muli akong lumubog sa ilalim ng falls kahit sobrang lamig. Lumangoy ako ng bahagya palapit sa balsa ngunit napatigil ako sa paglangoy nang may mapansin akong dalawang paa sa ilalim ng tubig.

Umahon ako sa tubig at mabilis na pinunasan ang mga mata. I thought I was the one who's only here?! Who's this hooman?

Pagkatapos kong punasan ang mata, nagulat pa ako dahil likod ng isang lalaki ang bumungad sa'kin.

He's holding on the bamboo raft, mabilis din s'yang bumitaw dito dahil hinawi nito ang buhok, paulit ulit n'ya itong sinuklay gamit ang daliri. Mukhang kakaahon n'ya lang din sa tubig.

His back feature was kinda familiar... pero mukhang nagkakamali lang ako. It was a big wrong imagination if he's that man. There's no way.

Babalik na sana ako sa pinagbagsakan ko kanina ngunit natigilan ako nang bigla s'yang lumingon.

We both shocked as we met one's gaze. Napalunok pa ako at halos itigil ko ang pagpagdyak sa ilalim ng tubig dahil sa nakita ko.

No. It's impossible!

It can't be!

Why the hell is the universe allow me to see this shit in front of me?

Why did they let me see the man I loathed the most?!

The hell, are you serious?! Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana?

After so many years, bakit pinaglandas na naman ang bawat isa sa'min? How funny!

"Leigh,"

My senses back as I heard his voice calling my name he used to call me so many years ago.

Where did he get the guts to call me with the name. Isa s'yang napakalaking shit!

Hindi na ako nagdalawang isip pa na lumangoy pabalik sa mababaw. Narinig ko pa ang muling pagtawag n'ya sa'kin ngunit hindi ko na ito nilingon.

Ramdam ko rin sa tubig ang pagsunod n'ya sa'kin kaya mas binilisan ko pa ang langoy ko.

Bakit ba n'ya ko sinusundan? Bakit hindi na lang s'ya nagpanggap na hindi n'ya ako kilala tulad noong ginawa n'ya dati?

Such a dickhead!

Nang makaahon ako sa tubig, mabilis akong tumakbo pataas ng falls upang kuhanin damit at cellphone ko.

Sandali pa akong napatigil sa paglalakad nang tumama ang paningin ko sa isang pamilyar na damit.

Napatingin ako sa kan'ya at sa damit na nasa lapag.

It was the same hoodie jacket that I saw earlier at the mini-store?

Kumunot ang noo ko at napalunok... kanina pa ba n'ya ako sinusundan?

What the hell?

Anong pinaplano ng lalaking ito?

Umiling ako at mabilis na tumakbo papalayo ng falls.

Nang makarating ako sa side road, kaagad akong pumara ng tricycle at nagpahatid sa resort na tinitigilan ko.

Habang nakasakay ng tricycle, hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit nando'n s'ya?

Sinusunda ba n'ya ako o nagkataon lang?

What the fuck are you planning, Terrence Kurt Francisco III?

Anong kailangan mo sa'kin, TK?

Nang makarating sa resort, kaagad akong binati ng mga staff doon at kinamusta ang pamamasyal ko sa Saluysoy Falls.

Sinabi ko naman sa kanila na I've enjoy the scenery, the falls, the trees and the nature, too.

Natuwa naman sila sa sinabi ko at sasamahan daw nila ako sa susunod na pagbisita ko rito sa resort nila, mas masaya raw kung maraming kasama kapag naliligo sa falls na 'yon.

Umakyat na ako sa kwarto ko at kakatapos ko lang din na magbihis.

Humarap ako sa salamin habang pinupunasan ang buhok kong hindi na lalagpas ng balikat ko.

I decided to cut my long hair since new year, new look.

Nang matapos ako sa pagpupunas, napatingin ako sa balkonahe ng kwarto at kitang kita ko ang kulay orange na sinag ng araw na tumatama sa loob ng kwarto ko.

The sun is starting to set. The view was beautiful like the mountain. Mag-aalas sais na rin pala ng hapon pero bakit ngayon lang lulubog ang araw?

Akmang lalapit ako sa balkonahe nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Nilingunan ko 'yon at dinampot sa ibabaw ng side table.

Kumunot pa ang noo ko nang makitang walang pangalan ang may-ari ng numerong iyon.

Inopen ko ang message.

["Hey, number neighbor!"]

Number neighbor? What the hell is number neighbor?

Umupo ako sa maliit na couch at pinagkrus ang mga binti.

"Who's this? Where did you get my number?"

Ilang sandali pa ay tumunog din ito kaagad.

["Hi, I'm your number neighbor. I didn't get your number from somewhere or anywhere, it's just a random number and we have the same number except the last digit."]

Napatawa naman ako sa reply ng ugok na 'to pagkatapos ay umiling.

"Oh? Weird lol! Sinong nauto mo?"

["Haha. Biro lang! What's up? Kumusta?"]

Wow! Sino ba 'tong ugok na 'to, feeling close a? Teka, baka pinagtitripan lang ako nina Dem o kaya naman ni Kuya. Mga siraulo talaga sila! Ginugulo nila bakasyon ko!

Inis ulit akong nagreply doon sa number.

"Don't text me again or I'll call the police! Huwag mo kong pagtripan. Get lost!"

After a minute, I received a text again.

["What? Hey, easy! Hindi naman kita pinagtitripan! Lol! Gusto ko lang makipag-usap sa'yo. Hehe."]

I almost cringe as I read the last word. Hehe? Hehe talaga? Hehemon ba s'ya?

"Well, I don't want to have a chitchat with you. Please unsubscribe my number. : ) "

Nadala na akong kumausap ng mga hindi ko kilala! Ilang beses na rin akong sinabihan ni Dem tungkol dito kaso matigas ang ulo ko, hindi pa rin ako natigil noon.

Tsaka ginagawa ko lang naman 'yon for past time, hindi ko naman sineseryoso lahat ng ka-text o kausap ko!

Muli akong nakatanggap ng text.

["Okay, I'm not going to text you anymore."]

Napangiti ako nang mabasa 'yon. Ibinaba ko ang cellphone at maglalakad na sana ngunit narinig ko na naman ang pagtunog nito.

Nagpop up sa screen ang message n'ya at binasa ang nakalagay doon.

["Tawagan na lang kita. : ) "]

Wow! Ibang klase rin 'to.

Hindi ko na sana 'yon papansinin nang makita kong tumawag nga s'ya.

Bumuntong hininga ako at inabot ang phone. If it's kuya or Dem, I will kick their ass when I go back to Manila!

Sinagot ko ang tawag at agad na inilagay sa tapat ng tenga ko.

Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita. "I said don't want to--"

"Good afternoon, my princess..."

-

•••••

Hi, welcome to Seduce Me At Sunset, Alluring Series #2, samahan n'yo rin sana si Maddileigh sa kan'yang kwento. Thank you and spread love, everyone!

Let's welcome Maddy for her story.

-maentblack

•••••