Chereads / Seduce Me At Sunset / Chapter 7 - Kabanata 6

Chapter 7 - Kabanata 6

Pounded Heart

Kasalukuyan akong nakaupo sa dulong bahagi ng classroom. Ngayon ko lang nahanap ang first class at late na ako ng sampung minuto.

I sighed when I remember his face earlier. Pinagmasdan ko rin ang pulsuhan kong hinawakan n'ya.

His presence's still bothering me, even his soul.

How can I get over him if I'm able to see his existence.

Pumikit ako at ilang beses na umiling.

Why am I thinking about him. I totally get rid of him. Wala na s'ya sa'kin.

We are now stranger with memories from the past. I shouldn't concern myself with him.

Kakatapos lang ng klase ngayon. Hindi ko alam kung nagklase ba 'yung professor o nagpakilala lang.

Pero normal na rin naman ito. Palaging ganito ang set up kapag first day of school.

No class, just introduce yourself and you can go home.

Sumakay na ako sa kotse ko. I checked my class schedule awhile ago and all classes will start tomorrow, for real.

Hindi ko na nakita si Ivann pagkatapos noong kumain kami sa Cafeteria. Naligaw na siguro.

Ilang oras ang byinahe ko papunta sa condo. Medyo malayo ang University rito. Hindi naman pwedeng humanap ako ng mas malapit na condo sa University kaya mas pinili ko na lang na agahan ang gising kapag papasok.

Early than usual.

Napatingin ako sa screen ng phone ko para silipin kung anong oras na.

Mag-aalas dos pa lang.

Hindi ko tuloy alam kung bakit mas pinili kong umuwi ng maaga. Maboboring ako nito sa condo.

I wonder what Demrene is doing right now.

Tawagan ko kaya s'ya.

Kinagat ko ang pang-ibabang tabi at itinigil sandali ang sasakyan sa tabi ng daan.

Pina-ring-an ko ang number n'ya, nasagot naman n'ya 'yon matapos ang dalawang minuto.

Tagal ha.

["Hello?"]

Napakindat ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Dem.

"May ginagawa ka? Samahan mo 'ko!"

["I'm at work,"]

"What work? Akala ko next week pa?" Kumunot ang noo ko.

["Natutulog ako!"]

"Huh? Akala ko ba nasa trabaho ka?" Pinanliitan ko s'ya ng mata kahit hindi n'ya kita.

["I am."]

Napatawa ako at umiling nang mapagtanto ang sinabi ni Dem. Hindi ko alam kung buntis 'to o ano. Ang init ng ulo n'ya lagi, malimit din s'yang dapuan ng mood swing!

"Kfine! Bye! Wishing your child the best. Mabingot sana anak mo!" Biro ko sa kan'ya.

Narinig ko pa ang pagmumura nito bago ko babaan ng telepono.

Tumingin ako sa side mirror at chineck kung may dadaan na sasakyan, nang masigurado kong wala ay muli kong pinaandar ang kotse.

Okay. Mukhang mag-isa lang akong iinom ngayon.

It's myself again. I can count myself as always.

Alas kwatro na nang makarating ako sa condo. Na-late ako ng kaunti dahil dumaan pa ako sa convinience store para bumili ng alak.

Hindi naman ako magpapakalasing dahil may pasok pa bukas.

May aaralin din akong mga documents, books at literacy.

Nag-aalala lang ako sa sarili ko dahil baka hindi ako makatulog dahil sa dami ng isipin.

I'm starting to get a bad sleep nitong mga nakaraang araw, kailangan kong ilayo ang sarili ko r'on.

It's not healthy for my mental health and sleeping routine.

Pagkaakyat ko sa condo, ipinatong ko muna ang tatlong can ng alak sa lamesa na nasa salas. Umakyat muna ako sa kwarto para magpalit at ibaba ang mga gamit ko.

This will be a tough day, I need fluids. Not just a fluids but can also help me to think more clearly.

It is based on the article I've read last day. They said that light to moderate drinking can actually help to relax your brain and get you to come on more thought-out solutions.

And now, I want to give it a try.

Matapos kong magbihis ng pantulog, naupo ako sa lapag, kaharap ang table sa salas at binuklat ang mga books na nakakalat.

Uminom muna ako sa canned-beer bago umpisahan ang pagha-highlight ng key words sa medicine.

"Some medicines are made in labs by mixing together a number of chemicals..." ikinamot ko sa ulo ang highlighter at hinanap ang nasabing substance. "Penicillin, sulfonamide, morophine, aspirin..."

Inilipat ko ang isang pahina at hinanap ang kasunod, muli muna akong uminom bago guhitan ang huling substance.

"Imatinib." Pagkatapos kong guhitan 'yon, hindi ko alam pero napangiti ako.

Bumuntong hininga ako at bahagya akong nagulat nang makitang nakataob na pala ang dalawang can ng alak sa lamesa.

Tinignan ko ang oras at alas sais na pala. Nahagip ko rin ang mga ilaw sa glass window ng condo at kalulubog lang ng araw.

The smile on my lips get wider. Why does the sunset makes me calm? Dahil ba maganda itong tignan o naihahalintulad ko lang ang sarili ko rito.

Each day is born with a sunrise and ends in a sunset, I have no control over how my story begins or ends but now, I should know that all things have an ending.

All my problems in life will vanish and come into an end. I need to stay calm and rise again like the sunlight who have the most precious gold to be found on Earth.

I know I can do this.

Muli kong ibinalik ang tingin sa mga gamit ko at itinabi 'yung huling alak.

Hindi ko na yata 'yon maiinom dahil medyo tinatamaan na 'ko. I can sleep after reading the last page.

Guguhitan ko na sana ang aklat ngunit napatigil ako nang marinig kong magbukas ang pinto ng aking condo.

Sinilip ko 'yon at mabilis na tumayo. Akmang lalakad na ako papunta roon pero natigilan ako nang makita ko kung sino ang pumasok.

Bumakas sa mukha niya ang pagkabigla at pagiging dismayado nang makita ang ilang bote ng alak sa'king lamesa but I think, that's not the reason why she's looking at me like that.

Kaagad akong tumungo at napansing bukas ang aklat ko sa medisina. Doon nakafocus ang tingin ni Mommy.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at mabilis na tumalikod upang itago 'yon pero huli na ako.

"You still trying to study that medicine?" Rinig kong sambit ni Mommy sa likod ko. Bakas sa boses nito ang galit at diin.

Lumunok ako at hindi napigilan ang pag-ubo. Hinawakan ko ang dibdib ko at marahang hinampas ito.

"How many times do I have to tell you to stop what you are doing, Maddy?!"

Mahigpit akong napahawak sa aklat kong nakapatong sa lamesa nang tuluyang sumigaw si Mommy.

My tears starts to fall into my cheeks.

Naramdaman ko ang lagutok ng heels n'ya papalapit sa'kin.

"I said remove this stuff! Hindi 'yan nag gusto ko para sa'yo!" Inagaw n'ya sa'kin ang aklat at pinunit iyon sa harapan ko.

"Mom!" I cried, I want to stop her but I couldn't step forward.

Napapako ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood s'yang punitin isa-isa ang pahina ng aking aklat.

"Mom, stop it!" I repeated. My tears almost echoed in the whole unit.

Itinigil niya ang pagsira sa makapal na libro at hinagis 'yon sa lapag malapit sa'kin.

"Once I saw you again taking this course, you will live on your own. Find someone who can give you allowance to finish your study!"

Pagkasabi noon ni Mommy, tinalikuran n'ya ako. Napaluhod ako dahil pakiramdam ko ay nanghihina ang mga tuhod ko.

Napatingin ako kay Mommy nang tumigil ito sa paglalakad malapit sa pinto.

"I will take your car because of your disobedience." She said.

Kumabog ng malakas ang puso ko at sinubukan kong habulin s'ya.

"Mom, no, please. Not my car!" Umiiyak kong pigil sa kan'ya.

Naglalakad kami ngayon papunta sa car park, kasunod namin 'yung dalawa n'yang kasama araw-araw-- it is her body guard and her personal assistant.

"It's just a first warning, Maddy. You should thank me because I didn't take away your condo unit," pananakot ni Mommy.

Tumigil ako sa paglalakad nang mauna s'yang tumigil.

"Don't wait for me to take away all your valuable things bago mo maisipang sumunod sa mga sinasabi ko."

Binuksan ng body guard nito ang pinto ng sasakyan para makasakay si Mommy sa loob.

Napatungo ako at naramdaman kong muli ang pagpatak ng mga luha ko.

Sinulyapan pa ako ni Mommy bago sila tuluyang umalis sa harapan ko.

Napapikit ako at mahinang humikbi pero hindi ko 'yon nakayanan. Muli na namang nagkaroon ng tunog ang mga iyak ko.

It is really hard to control your tears and make it soundless. It is more unbearable and painful.

How I wish my Dad is with me. I know he will not let my mother do this to me.

Hindi n'ya hahayaang alisin ni Mommy sa'kin lahat dahil s'ya lang naman ang nakakaintindi sa'kin. He's the one who is protecting me from her but I hate him.

I hate him for leaving me behind and facing this problem alone.

Hindi n'ya ba naisip na hindi ko 'to kaya nang mag-isa?

Paano na ako? He was selfish for only thinking about himself.

I wish his leave was only a temporary not a permanent.

Sana buhay na lang si Daddy.

I found myself out of mind while walking on the street.

Hindi ako dumiretso ng condo para magpahinga dahil hindi ko yata kayang makatulog pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Nagising ang diwa ko dahil doon. Mukhang malabo na para sa'kin ang makatulog ng mahimbing.

Pinahid ko ang huling luhang pumatak sa sa pisngi ko.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa paligid.

Pinagmasdan kong mabuti ang mga taong naglalakad.

All of them seemed happy and having no problems.

But it is impossible. They are just like me... akala ng mga tao I am happy and strong.

I can also deceived Demrene and Kuya Matt in my sweet smiles not knowing that I have a huge problem.

I don't know why I don't want to tell them what I feel... maybe because it's my nature. I don't want them to bother and be their problem.

Ayoko nang dagdagan ang problema nila sa buhay.

We have our own problem and I guess, you have to face it on your own.

Habang naglalakad, bigla akong napatigil nang may biglang humawak sa braso ko.

"Sabi ko na nga ba ikaw 'yan!"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Ivann sa tabi ko. Tumatawa ito at binitawan n'ya lang ang braso ko nang tignan ko ang kamay n'ya na nakahawak dito.

"Sorry, nagulat ba kita?" Tanong n'ya.

Sandali naman akong napaiwas ng tingin at pinunasan ang natitirang luha sa mata ko.

Baka mahalata n'yang umiyak ako.

Muli kong ibinaling ang tingin sa kan'ya.

"A-anong ginagawa mo rito?" I asked.

Kasalukuyan kaming nakatayo ngayon sa tapat ng Mini-Stop at kakaunti lamang ang dumadaang tao pero maraming sasakyan sa kalsada.

"May binili lang," sagot n'ya.

Napatingin ako sa kaliwang kamay n'ya. May hawak s'yang paper bag at mukhang nagsasabi nga s'ya ng totoo.

"You don't have to cover what you feel." Sambit ni Ivann, isinilid nito ang isang kamay sa bulsa ng kan'yang jeans at ngumiti sa'kin.

Kinunutan ko naman s'ya ng noo. "What?"

"Umiyak ka 'no?"

Kaagad akong umiling, "H-hindi. Bakit naman ako iiyak?" Napatikhim ako at lumunok.

Muli na naman s'yang ngumisi pagkatapos ay nag-iwas ng tingin sandali.

"Pugto mata mo. If you don't cry, maybe some bee bites your eyes?"

"O-oo, gan'on na nga!" Mabilis kong saad.

Tumango naman s'ya at pinigilan ang ngiti. "Okay, grabe naman 'yung bubuyog na 'yon, pinepeste 'yung buhay mo."

Napatungo ako ng bahagya at hindi na nagsalita.

Ilang sandali pa, huminga ako nang malalim at ngumiti kay Ivann.

"Una na 'ko sa'yo." Paalam ko rito.

Akmang maglalakad na ako ngunit naramdaman ko ang kamay n'ya sa pulsuhan ko.

"Wait," tiningala ko s'ya at takang tinignan. He smiled at me. "Sabay na 'ko sa'yo."

Mas lalong kumunot ang kilay ko, "Where's your condo?"

"I'm your neighbor."

Bahagya akong pinanlakihan ng mata sa sinabi n'ya. "Teka? Doon ka rin nakatira, as in sunod sa number ng condo unit ko?"

Umiling s'ya at ngumiti. Binitawan n'ya rin ang kamay ko.

"Nope. I'm ahead of your room number. Kasunod ka ng condo ko." He explained.

Napatango-tango naman ako at hindi na nagsalita.

Lumakad na kami parehas at nararamdaman ko ang ilang pagsulyap n'yang ginagawa sa'kin.

Tumikhim ako at akmang magsasalita ngunit siya ang unang bumasag ng katahimikan naming dalawa.

"How was your first day?" Ivann asked.

Ngumiti naman ako pero hindi na ako lumingon sa kan'ya.

"Ayos naman. Hassle lang sa pag-akyat ng hagdan." Simpleng sagot ko.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa n'ya. "You do not use elevator?"

"Hindi ko nakita, siguro next time na lang kapag nakita ko."

"Sumama ka kasi sa'kin para hindi ka na mapagod." Suhestyon ni Ivann.

Ngumiti naman ako sa kan'ya at sa pagkakataong ito ay tinaasan ko s'ya ng tingin.

"Akala mo naman saulado n'ya na 'yung buong University," umiling ako habang nakangiti. "Tsaka hindi ako bata para mawala r'on. Kaya ko na ang sarili ko."

"I doubted you,"

Muli ko s'yang sinulyapan, "Huh?"

Sandali s'yang tumungo at pagkatapos ay tumingin ng diretso sa daan.

"You can't do it alone. Hindi mo naman kailangan magkunwaring kaya mo, maybe you can fool someone but you can't fool yourself." Napalunok ako nang balingan n'ya ko ng tingin. "Tulad na lang kanina, hindi mo mahahanap 'yung room mo kung hindi ka nagtanong kung saan matatagpuan 'yung building n'yo--"

"Wait, paano mo nalaman?" Kinunutan ko s'ya ng noo.

Napakamot naman s'ya sa batok at tumawa.

"Of course, I normalise asking someone when I don't know where to go. Lalo na at first day of class 'yon. Ginawa ko rin 'yon kanina!" He explained and then laugh.

Bumuntong hininga naman ako at inalisan na s'ya ng tingin.

Nagfocus na lang ako sa daan habang naglalakad. Medyo nawala wala na 'yung bigat ng dibdib ko habang tinatahak namin ang daan pauwi.

Ilang minuto na kaming naglalakad ni Ivann at natatanaw ko na ang mga pamilyar na building malapit sa condo namin.

Habang nakatingin ako sa harapan ko, napasulyap ako kay Ivann dahil naramdaman kong parang may ginagawa s'yang kung ano.

"What are you doing?" Tanong ko sa kan'ya, nahuli ko s'yang nakatalikod sa'kin ang kan'yang cellphone.

Itinigil naman n'ya ang pagclick sa kan'yang cellphone at tumingin sa'kin.

"Nothing." He answered and then smiled.

Niliitan ko s'ya ng mata at pinukol ang tingin sa kan'yang cellphone.

"Pinipicturan mo ba 'ko?"

Mabilis na umiling si Ivann, "Oh 'yan, eto nanaman tayo sa mga pambibintang mo. Hindi kita pinipicturan 'no!"

Bumilis ang lakad n'ya matapos sabihin 'yon.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at kumuyom ang dalawang kamao ko. Hinabol ko s'ya at akmang kukunin ang cellphone pero kaagad n'ya itong itinaas lampas sa kan'yang ulo.

"Bakit ayaw mong ipakita sa'kin?!" Inis kong tanong habang inaabot sa kan'ya ang cellphone.

Tumatawa naman si Ivann at binitawan ang hawak na paper bag para pagpalitin sa magkabilang kamay ang pagkakahawak ng phone.

"Personal property 'to 'no. Baka may makita ka!" Palusot n'ya.

I tsked, hindi ko pa rin tinitigilan na abutin 'yung phone.

"Wala akong pakialam sa bold mo o kung anuman 'yung tinatago mo, delete my pictures there."

Malakas siyang napatawa dahil doon. "Lol! Hindi ako nanonood n'on!"

"Lol mo mukha mo! Boys are boys! I doubted!"

"Wow. Bintangera ka talaga ng taon." Natutuwang sabi ni Ivann habang pilit na itinataas ang cellphone.

"Akin na 'yan! Masama ang kumuha ng litrato ng walang permission sa taong kinuhanan!" Pakikipagtalo ko kay Ivann.

Inilagay naman n'ya 'yon sa likod n'ya at bago ko pa makuha 'yon sa kan'ya, sabay kaming nagulat nang may biglang humablot noon at mabilis na tumakbo palayo.

"Hoy, 'yung cellphone ko!"

"'Yung cellphone mo!"

Sabay naming sigaw ni Ivann, sandali pa kaming nabigla sa mga pangyayari pero kaagad din kaming tumakbo.

Hinahabol namin 'yung snatcher at nangunguna ngayon si Ivann sa'kin.

Hindi ko s'ya maabutan dahil nakatsinelas lang akong pambahay, iyong panloob pa kaya naman hirap na hirap akong tumakbo.

"Bilisan mo!" Nahihirapan kong sambit kay Ivann habang tumatakbo.

Nilingunan n'ya ko sandali pagkatapos ay mas binilisan pa ang takbo.

Dahan-dahan nang bumabagal ang takbo ko ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo. Sumasakit na rin ang tagiliran ko pero ininda ko nalang.

Ilang sandali pa, napansin kong malapit nang maabutan ni Ivann ang snatcher.

Napangiti naman ako dahil kasalukuyang mahahawakan n'ya na ang damit noon ngunit habang tumatakbo ako, hindi ko napansin na may dadaan palang nagbabike.

Napasigaw ako at napaupo sa sahig nang muntik na 'ko nitong masagasaan.

Kaagad kong hinila ang paa ko dahil sa pagkakasuklo nito.

Impit akong napasigaw sa sakit habang hinihilot ang paa. Kinagat ko rin ang pang-ibabang labi at muling tumingin kay Ivann.

Nang angatan ko sila ng tingin, ikinagulat ko ang nakita ko.

Hawak na ni Ivann sa kwelyo ang snatcher ngunit kaagad n'ya itong binitawan nang makita akong napaupo sa sahig at hawak hawak ang aking paa.

Mabilis n'yang tinahak ang pwesto kung nasa'n ako.

"Bakit ka bumalik?!" Sigaw ko sa kan'ya nang umupo s'ya sa harapan ko.

Sisilipin ko sana ang snatcher na kasalukuyang tumatakbo na ngayon ngunit naramdaman ko ang dalawang kamay ni Ivann sa magkabilang braso ko.

Hindi ko alam kung bakit gan'on s'ya makatingin sa'kin. Rinig na rinig ko ang mga hininga n'ya habang papalit palit ang tingin sa paa kong nainjured pati sa mukha ko.

Inis ko s'yang tinignan, "Yung cellphone mo--"

"Are you okay?"

He cut me off, naramdaman kong iniharap n'ya ko sa kan'ya.

"Anong masakit sa'yo?" He continued, he still have this concern look directly into my eyes.

Napalunok naman ako, "Huwag mo 'kong alalahanin. Tumayo ka d'yan at habulin mo 'yung magnanakaw."

Hindi pinansin ni Ivann ang sinabi ko, tinignan n'ya ang kamay kong nakahawak sa aking paa.

He bit his lower lip and sighed.

Nagulat ako sa bigla niyang pagtalikod. Iniluhod nito ang isa n'yang tuhod samantalang ang isa naman ay nakaapak sa sahig.

"Get on my back," he offered.

Napalunok naman ako, "I-I never asked you to carry me... go, get your phone." Nauutal kong sambit.

"Get on." Muli n'yang sambit.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Bumuntong hininga ako at pumikit.

"Y-yung cellpho--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hawakan n'ya ang dalawang kamay ko at siya na mismo ang naglagay sa'kin sa kan'yang likod.

Nang tumayo s'ya, mariin akong napahawak sa magkabila kong braso na nakayakap malapit sa leeg n'ya.

Hindi na ako nakaapela pa nang maglakad s'ya habang nakasakay ako sa kan'yang likod.

I took a gulp, I saw a bit of his face.

"Pa'no na 'yung cellphone mo?" Nag-aalala kong tanong sa kan'ya.

Matagal bago s'ya nakasagot. Sinilip kong muli ang gilid ng kan'yang mukha.

Ganoon pa rin ang ekspresyon n'ya. He look so worried.

"I can buy a new one," he heave a sigh. Bahagya n'ya rin akong nilingunan kaya naman lumuwag ang pagkakahawak ko sa braso ko at nag-iwas ng tingin.

Tumikhim s'ya at muling ibinalik ang tingin sa kalsada, "Nothing matter to me more than you..." He whispered.

Muli akong napatingin sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naubo.

I'm not scared, hindi rin ako kinakabahan at walang dahilan para matakot at kabahan ako pero bakit ako naubo?

What is happening inside my chest?