Beautiful Scars
I noticed how shocked Ivann's expression was. Hindi ko alam kung bakit 'yon agad ang lumabas sa bibig ko.
Pumikit ako at mabilis na umiling. Ang nonsense ng tanong ko. Go back to your senses, Maddy!
"Ano bang sinasabi mo?" Tumatawang tanong ni Ivann.
Tama s'ya. Ano nga bang sinasabi ko?
Why did I jumped into that conclusion?
Malabong magkapatid sila. They are not even in equal measure.
Marahil ay nagkataon lang na parehas sila ng apelyido.
Hindi ko na sinagot ang tanong ni Ivann dahil hinila ko agad ang kan'yang braso paalis sa harapan ni Terrence.
Nalilito na rin ako kung ano bang itatawag ko sa kan'ya.
I am the only one who call him 'TK' and he's the only one who call me 'Leigh'.
Ako ang nagsabi na gan'on ang gawin naming endearment. Connected with our names and somehow... unique one.
Pero matagal na 'yon. I shouldn't call him 'TK', hindi na rin dapat n'ya ako tawaging 'Leigh'.
Because that 'Leigh' from the past, will never come back again.
She will never be that weak and fragile girl.
Ilang oras kaming nasa loob ng eroplano ni Ivann.
Buong byahe ay tulog ako at wala rin akong balak na kausapin s'ya.
Tinulungan n'ya 'kong ibaba ang mga gamit ko, tumigil kami sa labas ng airport at binawi na 'yon sa kan'ya.
"Salamat," saad ko pagkabawi ng maleta.
"No need to mention." He answered while putting his black sunglasses. "May susundo ba sa'yo?"
Nilingunan ko s'ya at ngumiti, "Oo. Hinihintay ko lang si Kuya."
He also give me a smile, inayos pa nito ang suot na black back pack. "Good. Una na 'ko."
Umalis na rin s'ya pagkasabi noon.
Ilang minuto lang nang umalis si Ivann ay dumating na rin ang humaharurot na pamilyar na sasakyan ni Kuya.
Tumigil s'ya sa tapat ko at dahan dahang bumaba ang bintana ng sasakyan.
"Get up, holidaymaker! May aasikasuhin pa 'ko."
Sambit ni Kuya matapos ibaba ang suot na sunglasses hanggang ilong n'ya.
Tinaasan ko naman s'ya ng nguso at kilay dahil hindi man lang s'ya bumaba ng sasakyan para tulungan akong iakyat ang mga gamit.
Napakagentleman n'ya talagang kapatid!
Bumuntong hininga ako pagkasakay sa backseat.
Nasanay na ako ritong sumakay kahit wala o kasama namin si Dem. Sinanay kasi ako n'ung dalawa!
"Ano, how was your vacation?" Kuya Matt asked, he glanced at me for a while.
Tamad akong sumandal sa backrest habang nakatingin sa cellphone ko.
"Ayos naman. Masaya..."
Nakita ko ang pag ngisi ni Kuya sa rear mirror, "I detected a liar," he doubted while looking at me.
Tinaasan ko s'ya ng isang kilay. Dinadaan nanaman n'ya 'ko sa pagan'on n'ya.
"How did you say so? Provide me an evidence." Laban ko sa kan'ya.
"Sus, 'di na kailangan. Mukha namang 'di ka nag-enjoy!" Tumawa s'ya at iiling iling.
Hindi ko s'ya pinatulan dahil hindi naman magpapatalo itong kapatid ko na feeling matalino.
Sandaling kumunot ang noo ko nang makatanggap ng message galing doon sa unknown number na nagtext sa'kin.
Bubuksan ko na sana 'yon ngunit nagsalita ulit si Kuya.
"Anyway, sa bahay tayo didiretso."
Naibaba ko ang cellphone sa sinabi nito.
"Ha? Bakit d'on? Sa condo mo 'ko ibaba—"
"It's mom birthday, Maddy."
I closed my lips after hearing on what he mentioned. I gulped because of unable to recognize the date today.
"Did you really forget?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya, he's still laughing after turning the steering wheel to the left.
Malapit na kami sa bahay.
"Of course not," I lied.
Hindi ko alam kung bakit ko nakalimutan ang birthday ni Mommy. Siguro dahil napasarap lang ang pagbabakasyon ko o talagang nawala lang sa isip ko.
"Leave your things there, let's get inside." Sambit ni Kuya nang tumigil kami sa parking lot ng bahay.
Huminga naman ako ng malalim bago bumaba at sumunod sa kan'ya.
Sinalubong kami ng mga katulong pagkapasok ng bahay.
Yaya Melda hug me when she saw me. I also hug her in return.
She's my yaya since middle school. Para ko na rin s'yang magulang dahil sa pag-aalaga n'ya sa'kin.
Nang makarating kami sa dining area, masayang nakikipag-usap usap si Mommy sa mga kaibigan n'ya.
They are all laughing and having a great conversation. Halos mapuno ang mahabang lamesa dahil sa mga business colleague n'ya.
Bahagya namang binagalan ko ang lakad nang may makita akong pamilyar na lalaking nakaupo sa right side ni Mommy.
"Son," tumigil sa pagtawa si Mommy nang mamataan n'ya si Kuya.
Napatayo s'ya nang makita kami pero hindi ko man lang narinig na tinawag n'ya ako kahit na katabi lang ako ni Kuya.
Kuya and I gave her a kiss before sitting beside her.
"You're both late but forget it." Masaya nitong saad pagkatapos ay itinaas ang kamay. "Yaya, please add more foods here."
Utos ni Mommy kina Yaya kahit napakarami pa namang nakahain sa lamesa.
I grab the fork and knife and sliced the grilled pork on my plate.
"Paganda nang paganda ang anak mo, Ressa..."
Napatigil ako sa pag nguya nang marinig ko ang Mommy ng lalaking katapat ko ngayon.
"Of course, Mom. She's Tita Ressa's only daughter. No wonder why she looks stunning and angelic." Droid commented.
I felt his gaze where I am kaya naman tinunghayan ko s'ya. Sakto namang nakangiti ito sa'kin kaya ginantihan ko rin s'ya ng ngiti.
"Well, that's the power of genes." My Mom added.
Nagtawanan naman sila at rinig na rinig ang mga tunog ng tinidor kasama na ang mga baso.
I looked at my Mother and she force a smile. It's like she's commanding me to say something but I remained silent and pretending I was busy on my food.
Kuya seemed pretending as well. I know him, he's getting bored sitting in this kind of interaction.
"Uh, tita Ressa..." Si Droid ang nagsalita.
Nagkunwari akong kukuha ng lettuce sa tapat n'ya pero sinulyapan ko s'ya saglit. He's smiling while looking with my Mother.
"Yes, Droid?" My mother responded with her calmly voice.
"I really like your daughter, Tita."
Halos masamid ako dahil sa sinabi ni Droid. Kuya gave me handkerchief after I drink into my water.
Para namang hindi nila napansin ang pag-ubo ko dahil nakay Droid pa rin ang tenga ng lahat.
"Oh, is that true? Then what are you waiting for? You should start courting my daughter." Gatong naman ni Mommy kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
I want to speak and say a words but I couldn't help. Tanging paghawak lang ng madiin sa table napkin na nakapatong sa hita ko ang nagawa 'ko.
"I agree, son. Baka maunahan ka pa ng iba." Droid mother's said, she looked at me and smile sweetly.
Inayos ni Droid ang upo bago tumingin sa'kin. Nag-iwas naman ako ng tingin.
"Yes, I already did. I asked her if it's okay to court her but—"
"I don't like you." I butt in.
Narinig ko ang pagbagsak ni Mommy sa hawak n'yang tinidor at dinner knife.
"Maddy!" Mom's voice echoed in the whole dining area.
I took a gulp and hold my salad fork and dinner knife on my hands.
"Sorry Mom, but..." tinignan ko si Droid, he's just staring back on me with an offensive and doleful eyes. "I don't like Droid. I don't want anyone else, Mom." I continued and look back on her.
My mom showed an upset and disappointed. Her hands starting to shudder.
"Why are you saying those kind of words, baby?" Mom looked at me like she want me to withdraw what I've said.
Tumingin s'ya sa mga kaibigan at tumawa.
Hindi 'yon ang gustong marinig ni Mommy sa'kin. She asked me to let Droid court me and make me his girlfriend... if possible, she want us to get married also.
"Mrs. Gordouv, I want to apologize in behalf of my lovely daughter. She just not—"
"I said I don't like him, Mom!" Napatungo ako matapos kong masigawan si Mommy.
Kuya Matt hold my hands, too. He want me to keep calm but I can't.
Inalis ko ang kamay ni Kuya na nakapatong sa'kin.
Lumapit ako kay Mommy at tumungo. Galit na galit ang pinupukol n'yang tingin sa'kin at halos manginig na ang kamay nito.
"Ayoko pong maging girlfriend ni Droid, Mom. I'm sorry for not granting your favor—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Mommy at maramdaman ko ang palad n'ya sa pisngi ko.
"Mom!" Kuya Matt starts to meddle with us. Inilayo n'ya ako ng bahagya kay Mommy matapos n'ya akong sampalin.
Napahawak ako sa nag-iinit kong pisngi. Nanatili akong nakatungo at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.
"Hindi kita pinalaki para sigawan at suwayin ako, Maddileigh! Why are you doing this to me? You always embarrass me in front of many people especially with my friends? What do you really want?" I heard my Mom's sobs.
Napapikit naman ako at marahang pinunasan ang luhang nasa pisngi ko.
She's putting a show again. In my life, I never put her name in shame or any stupid things she's saying. She's the one who's creating it then blaming me.
Dahan dahan akong tumunghay para tignan s'ya. My eyes still full of tears.
"You asked me what I really want, Mom?" I took a gulp and hold my grip. "I want to be a doctor. I want to continue what Daddy wants me to be. Gusto kong—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang sampalin n'ya ko nang isa pang pagkakataon.
"Mom, that's enough!" Galit na awat ni Kuya. Ngayon ay itinatago n'ya na ako sa likod n'ya.
"Can you please calm down, Mom! Look at your visitors!" Kuya exclaimed, I heard his heavy sighs then he looked at me. "Mauna ka na sa sasakyan." He continued, lending me his car key.
Napalunok naman ako nang kinuha ko 'yon. I almost heard my own sobs.
Hahakbang na sana ako paalis ngunit nagsalita si Mommy.
"A doctor? You want to be a doctor? Then what? Susunod ka sa yapak ng Daddy mo? Your wretched and irrelevant father?! Huh! Come on, Maddy!" She shouted in tears.
Yes. I know she hates our father that much. Yon din ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw n'ya kong kunin ang kursong gusto ko.
She's the one who's stopping me into my dream.
How come a mother be an obstacle for her daughter?
How come a mother doesn't want to support what her daughter wants?
Pakiramdam ko, mas masakit pa 'yon kaysa sa sampal n'ya kanina.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Mommy sa'kin. Tinatagan ko ang loob ko at lumakad palabas ng bahay.
I really don't want to be in this house. Every time I entered, I feel trapped and oppressed. Lagi na lang kapag lalabas ako rito, I have tears in my cheeks.
I started to have trauma in the place where I thought I can be at peace, safe, comfortable and happy.
It wasn't home but a scary place.
Nang makarating ako sa sasakyan, ilang minuto ko lang na hinintay si Kuya.
Kasunod ko na pala s'ya at nagulat ako nang marahan n'yang agawin sa'kin ang susi.
"Sit next to me." He said. Rinig ko pa rin ang malalalim nitong buntong hininga.
Tumango lang naman ako pagkatapos ay muling tumungo.
Akala ko ay maglalakad na si Kuya pero naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin.
"I shouldn't bring you here... I'm sorry."
Mas lalong tumulo ang mga luha ko nang sabihin yon ni Kuya. My silent tears turn into a loud sobs.
Why my life become miserable? I am a good sister, a loyal friend, a nice daughter and a lovely partner but why the world is being unfair?
What did I do wrong to receive this kind of pain and treatments?
Do I deserve this?
Pagkahatid sa'kin ni Kuya kagabi sa condo, hindi n'ya ako iniwan hanggang sa makatulog ako.
Sinabi n'ya sa'kin na wala raw s'yang client o trabaho ngayon kaya rito s'ya natulog.
He's also guilty what happened yesterday. Hinayaan ko naman na s'ya dahil nakipagdeal ako sa kan'ya.
Papatawarin ko lang s'ya at papayagan ko s'yang matulog dito kung lilinisin n'ya ang buong condo unit ko.
Dapat pagkauwi ko galing sa school, walang basura o kalat akong makikita.
It's first day of class and I am currently standing in front of the gymnasium.
University gymnasium is wide and huge unlike our school last year. Doble ang laki nito at napakaraming bleachers, aircons, huge curtains at iba pa! Malalaki rin ang ilaw sa itaas!
Nandito kami ngayon dahil sa speacial gathering for new comers in this school year.
Napakarami ring estudyante at nakapila ako ngayon sa mga students who's taking medicine.
I know this will be a challenge and how hard it is.
Being a business administration college student and taking medicine at the same time is a torture for student like me.
But I had no choice. I want to pursue medicine even if my Mom don't want to.
This is for myself, for Dad and especially for those people who's in need.
Hindi ko ipapaalam sa kan'ya ang naging desisyon ko.
Papaniwalain ko s'yang ipinagpatuloy ko ang dating course na gusto n'ya.
Ilang sandali pa, nagsimula nang magsalita ang speaker na nakatayo sa malaking stage.
Nagtayuan kami pagkatapos ay pumalakpak.
Napangiti naman ako habang nakatingin sa stage.
The speaker gave us the permission to sit down, uupo na sana ako ngunit may naramdaman akong sumanggi sa braso ko kaya inis ko itong nilingunan.
"Hi."
My eyes widened as I saw who's the guy that bumped into my shoulder and now sitting beside me.
Bakit ba lagi ko na lang s'yang nakikita?
Anong ginagawa n'ya rito? Imposible namang nagkataon lang 'to dahil napakalawak ng gym tapos dito ko s'ya makikita sa tabi ko?
"Why are you here?" I asked, still got this surprise expression.
"Papasok, malamang?" Ivann uttered.
Napabuntong hininga naman ako, "Ang ibig kong sabihin, bakit ka rito umupo? Magmemedicine ka ba?"
His lips curved into a smile before talking. Umayos s'ya ng upo at humarap sa'kin.
"I'm not going to take medicine, wala namang label 'tong bleachers oh!"
I gave him a serious look. "Then why are you sitting here?"
Hindi naman sa inaangkin ko 'yung upuan. Napaghahalataan ko lang talaga si Ivann.
Ngumiti ulit s'ya at kumurap, "Nakita kasi kita kanina. Since we are new to this University and we know nothing of them, I sat beside you. You're the only one I know here, that's why I followed you."
I sighed after hearing his explanation.
Hindi na ko muling nagtanong sa kan'ya dahil magmumukha na akong masama kakataboy dito.
Nagfocus na lang ako sa harapan ng stage at nakinig.
It is seminar event. Pinapakilala ng speaker ang University at function nito.
Napangiti ako nang makita ang sariling ospital at laboratory nila. Ang laking building noon at exclusive for medtech students only.
"He came from a successful family, being an owner of his own company at the age of 22 and now you will become his class student!" The speaker pointed his finger on the right side of the stage.
All student gave him around of applause and then stand, kasama na kami roon ni Ivann.
Nakangiti pa rin ako habang pumapalakpak at hinihintay ang lalabas na sunod na speaker.
"I am introducing, the speaker for today, the youngest and handsome businessman, Mr. Francisco III, Terrence Kurt!"
Ganoon na lamang ang pagtigil ng mga kamay ko sa pagpalakpak. Dahan dahan din itong bumagsak habang nakatingin sa lalaking naglalakad papasok ng stage.
My heart skips a beat as I saw him using my own eyes, it was also racing and I couldn't hear anything from the scream and a hand claps from the audience.
Totoo ba ang lahat ng ito?
Bakit pati s'ya ay nandito?
Destiny is really putting a play with me.