Chereads / Seduce Me At Sunset / Chapter 4 - Kabanata 3

Chapter 4 - Kabanata 3

Kasalukuyan kaming nasa front desk at ginagamot ng resort nurse ang sugat na natamo ni Ivann.

Hindi naman ako mapalagay sa kinatatayuan habang nakikipag-usap sa manager at security guards ng resort.

Those jerks are now at the police station near from this place. They said that they are wasted that's why they did that.

Kanina pa nila ako binibigyan ng tubig para pakalmahin pero hindi ko magawa.

My hand is still shaky as well as my knees. The memory of them are fresh from some parts of my brains.

Sino ba naman ang hindi mato-trauma sa ginawa nila?

"My Guest service team has advised me of the service you received during your stay with us," sambit ng lalaking naiiba ang uniform sa mga staff na nakapalibot sa'kin. Maybe, he's the manager.

"First and foremost I want to sincerely apologize for this. Sorry for the inconvenience, lack of security personnel, reckless actions you've experience. We take all the responsibilities." He continued with a formal tone of voice.

Napahawak naman ko sa noo at kagat labing tinignan sila.

I want to burst because of anger but fear always win. I can't state or express my words by this time.

Huminga ako nang malalim at akmang magsasalita ngunit may naramdaman akong presensya na tumabi sa'kin.

"We're leaving this resort at this moment," Ivann exclaimed then he face me, "I will help you to pack your things."

Makahulugan ko naman s'yang tinignan. My brows forrowed but he seemed serious.

May hawak pa itong ice pack na kasalukuyang pine-press sa kan'yang noo.

"What?" And finally, I've been talking, I can utter a words now, my voice is back!

Ivann just cracked a smile. Binalingan n'ya ng tingin ang kaharap na manager at inilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa.

"I don't trust your resort. It's not safe here and it could be the reasons why you're losing your lovely guests. Mabuti siguro kung magdagdag pa kayo ng CCTVs especially on the elevators, samahan n'yo na rin ng responsible security guards o kaya naman magsara na kayo and—"

"Ivann," mahina kong siniko si Ivann sa tagiliran kaya tumigil ito sa walang awat na pagsasalita.

He's being mean. Alam ko namang concern lang s'ya but he can talk to him with some slice of respect.

"What?" Sandali s'yang tumawa matapos akong lingunan. "Nagsasabi lang ako ng totoo. We have the rights to complain, we are paying for their good service, they must provide and protect their guest safety. Dapat aware sila r'on. They are in hotel and resort organization, the service provider that needs to satisfy their customers. Hindi yung sila pa ang magdadala sa'yo sa kapahamakan." Masama ang ipinukol n'yang tingin sa manager ng resort kaya naman napatungo ito.

Napalabi na lamang ako sa sinabi ni Ivann. Wala akong ideya na ganito pala s'ya kadaldal.

"We're truly sorry and we understand your complains. We always strive to provide the best service to our guests and especially to regular guest such as yourself and on this occasion we did not exceed your basic expectation," tinignan ako noong manager at muling yumuko. "So for the causes that we made, I would like to extend an invitation to you and your family to stay with us the next time you travel here." Alok nito sa'kin.

Napasulyap naman ako kay Ivann nang bigla itong tumawa.

"No, hindi na kailangan ng coupons o vouchers o kung ano man 'yang ino-offer mo. Hindi na s'ya babalik dito."

Matapos na sabihin 'yon ni Ivann, naramdaman ko ang paghawak n'ya sa'king pulso at higitin ako paalis doon.

"Sir, can we settle this problem—"

"No. I'll give you 1 star because of that."

Itinaas pa ni Ivann ang hintuturo habang nakatalikod kami sa kanila.

Narinig pa namin ang sinabi noong manager bago kami makasakay ng elevator.

We're heading back to my room to get my things.

Binitawan lang n'ya ang kamay ko nang makapasok na kami sa loob.

Sumandal s'ya sa pader ng elevator at naramdaman ko ang titig n'ya sa'kin.

Tumikhim ako at diretso pa ring nakatingin sa harapan.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yon, aalis na rin naman ako bukas dito."

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito kaya sinulyapan ko s'ya.

He's grinning at me.

"Lagot ako kay Demrene kapag pinabayaan kita." Maikling sagot n'ya.

"Hindi mo naman ako responsibilidad,"

"Pero hinabilin ka n'ya sa'kin, you're under my responsibility right now."

Muli akong bumuntong hininga at tuluyan ko na s'yang hinarap.

"Are you afraid with Dem so that's why you're following what she said?"

Curious lang ako. Ang tagal n'ya ng nagpapauto sa mga sinasabi ni Dem. Mamaya mapapaisip na 'kong may hidden desire rin s'ya sa kaibigan ko kaya n'ya ginagawa ang lahat ng ito.

Ilang sandali pa, naramdaman ko ang paglapit ni Ivann sa kinatatayuan ko. Bahagya akong tumingala para tignan ito sa mata.

"Ba't naman ako matatakot kay Dem? Lol!" He laughs after talking.

"Edi ano? May gusto ka sa kan'ya?"

"Luh, wala!"

Halos mapatalon na ko sa kinatatayuan nang bigla itong sumigaw. Nakita n'yang nagulat ako kaya mabilis s'yang nagsorry.

"Sorry. Ikaw kasi ginugulat mo ko."

Napailing naman ako sa sinabi n'ya.

"At ako pa ang nanggulat sa'yo? Ikaw nga yung sumisigaw d'yan?"

Ivann brushed his hair and shook his head.

"Nagugulat ako sa pabigla bigla mong tanong. Pero honestly, wala akong gusto kay Dem. She's engage with my best friend tapos pag-iisipan mo 'kong may gusto r'on?"

"Eh ano nga kasi?" Medyo inis kong tanong dahil ang simple lang naman ng tanong ko kanina, ginagawa n'ya lang komplikado yung sagot.

Ewan ko ba kung bakit ang daldal n'ya. Kalalaki n'yang tao.

Muli kong naramdaman ang paglapit n'ya. Sa pagkakataong ito ay nakulong na ako sa pagitan ng dingding at katawan nito.

"I'm just concern," he said with a serious tone.

Kinunutan ko s'ya ng noo. "Why am I concerning you?"

He cleared his throat and looked away for a second. "Kasi kaibigan ka ni Dem tsaka ni Eris... and I consider you as my friend, too."

Malalim akong bumuntong hininga at kasabay din noon ang pagbukas ng elevator.

Hindi na ako nagsalita dahil nauna akong lumabas kay Ivann.

"Hey, frenny. Wait for me!"

Napailing ako nang marinig ang sinabi ni Ivann.

Kasalukuyan na s'yang nasa tabi ko ngayon.

"Sa'n ba 'yung room mo, frenny?" He sounds gay as he say those words.

"I don't considered you as my friend, Ivann." Saad ko habang nilalakad namin ang hallway.

"Aww. Sige. Liligawan na lang kita,"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi n'ya. He also stopped walking and looking at me like it's not a big deal.

"Ano?"

Ngumiti s'ya at umiling. "I mean, liligawan kita as a friend."

Napairap ako nang sumagot s'ya. Gusto ko s'yang batukan dahil doon pero mas pinili ko na lang na lumakad.

Hindi ko alam kung bakit n'ya sinasabi 'yung mga ganong bagay?

Saan s'ya humuhugot ng lakas para sabihin 'yon?

Tumigil ako sa pinto ng kwarto ko at hinarap si Ivann.

"Dito kwarto mo?" Tanong n'ya sa'kin at itinuro pa ang pinto.

Tinignan ko naman s'ya ng diretso at humugot ng hininga.

"Do you like me?"

Pinanlakihan ng mata si Ivann at halos ibuka na nito ang bibig dahil sa pagiging straightforward ko.

He looked up then look into the right hallway, then into the left and also turn his back.

Nahimas n'ya ang batok gamit ang kanang kamay samantalang ang isa naman ay nasa kanyang bewang.

Mukhang natigilan ito sa sinabi ko.

Akala ko ba madaldal s'ya? Simpleng tanong pero bakit hindi s'ya makasagot?

Ilang sandali pa, narinig ko ang peke n'yang tawa.

"Ano bang sinasabi mo?" Ivann asked while rubbing his both palm at the side of his legs.

"Tinatanong ko kung may gusto ka sa'kin?" I repeated.

"Wala 'no! Friends lang talaga. Tsaka 'di kita type. Sorry ha." Mabilis nitong sambit.

Napatawa naman ako, "Mabuti naman."

"Oh bakit naman?" Gulat nitong tanong pero kaagad ding nakabawi.

Matagal bago ako makasagot dahil nakipagtitigan pa ako kay Ivann.

Bumuntong hininga pa ako bago ngumiti at sagutin ang tanong n'ya.

"If you like me, I'm sorry but I don't like you and there's one thing that is worst than that,"

Nakita ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Ivann pero nagawa pa rin n'yang makipagtitigan sa'kin at ngumiti.

"What is it?"

"Falling in love alone?" Ngumiti ako at umiling, "I don't recommend it."

It is hard to love when you're the only one who's been in love.

It is hard to save your relationship when you're the only one who's still fighting.

It is hard to give all your love if you will only receive a half of him.

Sobrang hirap kapag ikaw lang 'yung in love... that's why I don't recommend one sided love.

Napatunghay ako kay Ivann nang bumuntong hininga ito.

"Okay, buti na lang hindi kita gusto." Tumawa s'ya at tumingin sa likod ko. "Buksan mo na 'yung pinto para makapasok na tayo."

Kaagad naman akong tumalikod at hinugot ang key card sa bulsa.

Sinamahan n'ya akong pumasok sa loob. He's glancing around the room like he's studying the whole space.

Nagtungo ako sa kwarto ko at hinayaan muna s'ya roon.

Ilang minuto bago ko matapos ang pag-iimpake ay nadatnan ko s'yang nakatalikod habang nakatingin sa glass window. Hand is inside his pocket.

Lumingon lang ito nang marinig ang pagsarado ko ng pinto.

"Finish?" He urged and head towards me.

Tumango naman ako bilang sagot.

Pagkalapit, kinuha n'ya sa kamay ko ang isang traveling bag. Nagdadalawang isip pa 'kong ibigay 'yon pero hinayaan ko na.

Hila-hila ko ang maleta papunta sa parking lot ng resort. Pinangungunahan ni Ivann ang paglalakad na akala mo alam ang pasikot sikot dito.

"May dala kang sasakyan?"

Tumunghay ako nang marinig ko ang tanong ni Ivann nang makarating kami sa sasakyan n'ya.

"Wala. Hindi ako nagdadala ng sasakyan kapag nagta-travel," sagot ko rito.

"Aww. Same."

"Ha?" Napatingin ako sa sasakyan na nasa harapan namin.

"Hanap tayo ng tricycle. Hindi rin kasi ako nagdadala ng sasakyan kapag ganito. Tara na, malapit lang naman yung resort na tinutuluyan ko."

Sa pagkakataong 'to, inagaw n'ya rin sa'kin ang hawak kong maleta at tumigil lang doon sa tabi ng highway.

Pumara s'ya ng tricycle. Isinakay n'ya sa likod ang maleta samantalang ang traveling bag ko naman ay kasama ko sa loob. He sat beside the tricycle driver.

10 minutes bago kami makarating sa sinasabi n'yang resort.

Nasa labas pa lang ako ay kitang kita ko na ang malaking chandelier na bubungad kaagad sa'yo.

The resort have this scheme or greek-themed decor that is all white, mixture of blue lights, yellow lights because of the bulb, greeny leaves and huge glass window.

Kung titignang mabuti, parang Greece Santorini pero Philippine version.

Wow. Hindi ko inaasahan na may ganito palang resort sa lugar na 'to.

"Tara na," alok ni Ivann.

Kukunin ko pa sana ang mga gamit ko na hawak n'ya ngunit nanguna s'ya sa paglalakad.

Umiling na lang ako at bumuntong hininga.

Why is he acting like he's my assistant?

Nasa entrance pa lang kami, kinuha na ng mga staff ang dala ni Ivann na gamit.

Mas lalo naman akong namangha dahil sa lawak ng resort. Their uniform also look elegant like the resort.

Kitang kita ko na ang malaking chandelier kanina sa labas. The front office is in the left side, there's a wide veranda and esplanade that you can see when you enter this resort, in the right side, it's where you can locate the dining area or the restaurant.

Napakataas din ng kisame nila.

Tumigil kami sa front desk, kasalukuyang kinakausap ni Ivann ang lalaking receptionist.

"Sir, we are sorry but the rooms are full board. It's vacation month and guest are taking the advantage of this season." Paliwanag ng receptionist.

Napakagat labi naman si Ivann bago magsalita, "Wala na ba talagang available kahit small room lang, alis din naman kami bukas."

Umiling ang lalaki at malungkot na tinignan si Ivann, "Full board din, Sir. But if you want to, I suggest that you can bring your girlfriend to your—"

"I'm not his girlfriend," singit ko sa pag-uusap nilang dalawa. They both looked at me as well as the girl receptionist. "Magkaibigan lang kami."

Ngumit naman ang lalaki at napayuko, "Apologies, Ma'am and Sir. I thought you are couples."

Ginantihan ko rin naman ito ng ngiti.

Napatingin ako kay Ivann, mukhang malalim ang iniisip nito. He's stramming his finger on the glass while the other hand is on his chin.

Pinoproblema n'ya pa tuloy kung saan ako tutulog.

I heave a sigh and face him.

"I can go back to the resort if—"

"I'll accept your offer." Ivann cut me off, nakatingin s'ya sa lalaki nang sabihin iyon. "I'll bring her to my room. Just charge the expenses on my name."

"Okay, Mr. Ivann." Sambit ng babaeng receptionist.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil umuna si Ivann paglalakad, kasunod namin yung isang lalaki na tulak tulak ang luggage trolley.

Sumakay kami sa elevator kasama yung staff. Hindi ko nakausap si Ivann tungkol sa pagtutol ko dahil may kausap ito sa telepono.

Nang makalabas kami, nauna yung bell boy at tumigil sa master suite.

Itinapat ni Ivann ang screen ng phone sa isang maliit na monitor. I heard the clicking of the door and it's now open.

Wow. High-tech!

Pagkapasok namin, iniwan na ng bell boy ang gamit ko sa gilid.

Lumakad papunta sa kan'ya si Ivann at nakita kong inabutan n'ya 'to ng kulay dilaw na papel.

Napanguso ako at itinaas ang kilay. Laki naman n'ya magbigay ng tip.

"Dito ka na matulog sa kama,"

Tinignan ko si Ivann na kasalukuyang nakatayo sa tabi ng king sized bed.

"Ha?" Inilibot ko ang paningin, "Pa'no ka? Sa'n ka tutulog?"

Bumakas ang ngisi sa labi nito at pinagkrus ang mga braso. "Gusto mo tabi tayo?"

Pinanliitan ko naman s'ya ng tingin at akmang kukunin ang bagahe ko ngunit mabilis s'yang tumakbo para harangan ang mga 'yon.

"Joke lang!" Tumatawa s'ya habang nakatingin sa mukha ko. "Doon ako matutulog sa sofa."

Napalunok naman ako, "Hindi na. Doon ka na lang sa kama mo, ako na sa sofa."

"Nope. Ako na. Isang gabi lang naman. Sige na, magpalit ka na tapos matulog ka na." He smiled again and lifted his right hand then waved.

Hindi na ako nakatutol pa dahil nagtungo na ito sa malaking sofa.

The room is huge but there is only one wide bed. Kung tutuusin kasya kami ritong dalawa ni Ivann.

Kasya rin ang tatlong tao pero kahit sampu pa ang kasya rito, hindi ako matutulog na lalaki ang katabi ko.

Pagkatapos kong magbihis at maghilamos, sinilip ko ang nakadapang si Ivann sa sofa, mukhang tulog na ito dahil hindi na gumagalaw.

Tinignan ko naman ang aircon at kinuha ang remote.

Binabanas ako kaya nilakasan ko 'yon.

Pagkatapos noon ay hinanap ko ang switch ng ilaw, hindi ko 'yon makita.

Remote rin pala ang switch nito.

Natulog na rin ako pagkatapos.

Maaga akong nagising dahil sa alarm na si-net ko kagabi. Akala ko mas una ako kay Ivann pero nakita ko s'yang nakatayo sa harap ng human-sized mirror.

Kakatapos n'ya lang ibutones ang kulay black n'yang long sleeve.

Basa at tumutulo-tulo pa ang buhok nito and after buttoning up his clothes, sunod naman n'yang itinupi pataas ang manggas.

Napaharap s'ya sa'kin, hindi naman na ako nagulat dahil saktong bumangon na rin ako sa kama.

"Gising ka na pala. Musta tulog?" Tanong ni Ivann, tapos na s'yang ayusin ang sarili.

Hinawi ko naman ang buhok kong humaharang sa pisngi ko.

"Ayos lang... comfy." Maikli kong sagot bago buksan ang bottled water na nakapatong sa side table at inumin.

"Mabuti naman. Ligo ka na, bababa lang ako para tignan kung anong breakfast. Ise-settle ko lang din yung bill."

Kunot noo akong tumingin sa kan'ya.

"Uuwi ka na rin?" I asked.

He slowly nodded, "Yep. Sabay na tayo."

Hindi na ako nakasagot. Hinayaan ko na lang si Ivann.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, wala na si Ivann sa loob ng kwarto. Kanina pa siguro 'yon nakaalis.

Inayos ko na rin ang gamit ko. Tumingin muna ako sa salamin bago lumabas ng silid.

Pagkalabas ko, nagulat ako sa dalawang bell boy na naghihintay sa labas ng pinto.

"Good morning, Ma'am. Let me carry your luggage." Sabi noong lalaki sa pormal na tono.

Ngumiti naman ako at bumati.

Nanguna sila sa paglalakad dahil may ginagawa ako sa'king cellphone.

Tinext ko si Kuya na sunduin n'ya ko pag nasa airport na.

Nang makarating kami sa front office, nakita ko roon si Ivann, kakatapos n'ya lang pirmahan 'yung papel.

"Thank you Sir for staying at Camp Netanya. Hope to see you again!" Sabi ng lalaki bago iabot kay Ivann ang visa card.

"Thanks," ani Ivann.

Napasulyap naman ako roon sa visa card bago n'ya ibalik sa loob ng wallet.

Nilingunan n'ya ako nang mapansin na nasa tabi.

"Tara na. May shuttle na maghahatid sa'tin papunta sa airport." Sabi ni Ivann bago pangunahan ang paglalakad.

Napatingin ako sa itaas dahil sa mga ginagawa n'ya.

Sobra na 'to! Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa kan'ya! Medyo nahiya na tuloy ako!

Mabilis ang naging byahe namin papunta sa airport.

Nagpasalamat kami ni Ivann sa staff ng Camp Netanya dahil sa kalidad ng serbisyo nila.

It was satisfying and I wound like to come back on their resort... I will travel alone again.

Papunta na kami ni Ivann ngayon sa station ng Manila Airport.

Habang naglalakad, hindi ko inaasahan na makakasalubong ko nanaman ang taong pinakaayaw kong makita sa balat ng lupa.

S'ya ang unang tumigil at magkatapat kami ngayon.

Napalunok ako ng alisin n'ya ang suot na sun glasses at pakatitigan ako.

Umiwas ako ng tingin at muling ibinalik ang mata sa kan'ya.

Our gaze met and I noticed how those eyes are longing to see me. Makahulugan ang mga tinging iyon pero hindi ko pinansin dahil humakbang ako palayo.

Nang akala ko ay tapos na, bigla ko na lang naramdaman na may humawak sa braso ko.

Pinaharap n'ya ako sa kan'ya at mas nagulat ako sa sunod nitong ginawa.

We're on the center of the airport, there are so many people who's passing by and we are now catching their attentions... and here he is, embracing me in his warmth body.

I shouldn't feel this.

I'm not fragile anymore...

Saan s'ya humugot ng kapal ng mukha para yakapin ako matapos ng ilang taon?

Pumikit ako at kinuyom ang dalawang kamao.

Buong pwersa kong itinulak si TK dahil sa pagkakayakap n'ya sa'kin pero hindi ko magawa.

"I'm sorry, Leigh." He whispered between his hug and a caress on the back of my hair.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hindi nagpadala sa sinabi n'ya.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako." Sambit ko.

Parang wala s'yang balak paghiwalayin ang katawan namin mula sa pagkakayakap n'ya.

Ilang sandali pa, naramdaman kong mag nagpatong ng kamay sa braso ni TK, napatingin ako roon at nakita kong masama ang tingin ni Ivann sa ex-boyfriend ko.

"Bitaw daw," Ivann commanded with a normal voice.

Nagtitigan ang dalawa bago lumuwag ang pagkakakapit sa'kin ni TK.

Sa pagkakataong 'yon ay nagawa akong hilahin ni Ivann at itinago sa likod n'ya.

Binitawan n'ya ang pulsuhan ko at nakipagtitigan ng masama kay TK.

Parehas pumintig ang panga ng dalawa. Nagawa pa ni Ivann na isilid ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa at umayos ng tayo.

Habang nakatingin sa dalawa, napakunot naman ang noo ko.

Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko iyong nakita kong buong pangalan ni Ivann sa visa card n'ya.

'Ivann Remus Francisco III.'

I gulp a bit when his surname seem familiar.

Napatingin naman ako kay TK at bahagya akong pinanlakihan ng mata matapos pagdikit-dikitin ang nasa isip ko.

Pumagitna ako sa kanilang dalawa at tumingila.

"Magkapatid ba kayong dalawa?"