Uriel Brianna POV
"Why are you so makulit ba ha?"Yan ang bestfriend kong si Erika ang conyo niya kung mag salita for real,Kinukulit na naman siya ni Harley,Ang anak ng kaibigan ng parehong parent's namin ni Erika.
Pero minsan ganyan rin naman ako ka conyo kung magsalita haha.
Half American kasi kaming pareho ni Erika kasi parehong Americano ang daddy namin kasi mag bestfriend din ito.
Si mommy naman ay pure Filipino pati ri si Tita Elvie na mommy ni Erika.
Si Erika talaga yung tipong ayaw na ayaw sa history at ako naman gustong gusto ko ang history kaya nga marunong ako sa malalim na pananagalog e at naniniwala rin ako sa mga sinasabi o kwento ng lola ko samin ni Erika,Sabay kasi talaga kaming lumaki ni Erika kaya parang magkapatid na kaming dalawa at tinuturing niya ring mommy at daddy ang mommy at daddy ko at ganun rin ako sa mommy at daddy niya.
Si lola Cora,ang lola ko ay siya ring itinuturing ni Erika na lola kasi wala na siyang lola e kahit yung mommy ng mommy niya wala na rin gaya ng mommy ng daddy niya,Ang lolo ko ay wala na,Namatay siya dahil sa katandaan na rin pero si lola Cora ay ninety-eight years old na pero buhay pa rin siya sana nga ay makaabot rin kami dyan ni Erika e pati na rin ang parents namin.
"I'm just trying to make papansin lang naman sayo eh!"Ngiting-ngiting sabi naman sakanya ni Harley,Napangiwi na lang ako kasi conyo rin ang isang to syempre may half rin siya tsh.
'Bagay sila,Parehong conyo haha!'
"Leave na you Harley,because napansin na kita,okay?"Mataray pa ring sabi ni Erika kay Harley.
'Ako heto walang love life pero eighteen years old na,hayssst!'
Nandito kami ngayon sa cafeteria para mag snack lang kasi may ginawa lang kami ngayon dito sa school at ngayon ay 1pm na at wala na kaming gagawin dito kung kaya't pagkatapos nito ay uuwi agad kami para magbihis at kumuha ng mga gamit kasi kinabukasan ay semestral break na namin at sa bahay ni lola Cora namin balak mag sem break kaya mamaya na kami pupunta doong dalawa at ito nga nangungulit lang naman si Harley kay Erika ako kain lang na kain hanggang sa mabusog haha.
"Your masungit pa rin e,Kaya I don't leave you."Shemay sana lahat na lang hindi iiwan.
'Baliw kaba Uriel,may nang-iwan na ba sayo?'
Minsan itong mindset ko pa iba-iba siguro takas mental talaga ako e haha choss.
"Saan ba kasi kayo ngayong sem break?Tell me na oh."Ang kulit talaga ni Harley,Si Sissy Erika naman ay ayaw ngang sabihin kung saan kami ngayong semestral break pupunta kasi sure daw siyang sasama at sasama yang si Harley saamin kasi once na sinabi niya sa parents namin na sasama siya ayon kasama na agad siya,Vote na vote nga si tita Elvie at tito Barren dyan kay Harley para kay Erika e maski nga rin naman ako e kasi bagay naman sila sa isa't isa e tsaka pareho talaga silang conyo kaya bagay talaga sila,Hahahaha!
"Wala kaming balak to go nowhere!"Iritang sabi ni Erika."I don't believe you Julie Erika."Saad ni Harley kaya tinarayan na naman siya ni Erika."I don't care!"
"Hey Uriel,Tell me where are you two going tomorrow,Please?"Pakaawa niya sakin,Naawa na ako pero si Sissy Erika baka magalit siya.
"Actually-"Yun pa nga lang ang nasasabi ko at napatingin na ako kay Erika ng maramdaman ko ang titig niya."Actually I don't know." mahinang saad ko,Shemay nagsinungaling ako!
"Let's go na nga sissy,I'm so irita na kay Harley eh." Pataas-taas kilay na aniya Erika habang nililigpit na gamit niya kaya tumango na lang ako at kinuha na yung books na dala-dala ko at ang bag ko.
"Hey Erika,Uriel!" Rinig pa naming sigaw ni Harley.
Umuwi na kami sa bahay naming pareho at mamaya pupuntahan na lang ako dito ni Erika kasi balak naming pumunta kay lola Cora at doon manatili ng isang linggo,Sa Batangas kasi siya nakatira at kami nandito sa Metro Manila,Ang parehong parents namin ni Erika ay parehong nasa States dahil sa business na kailangan nilang gawin doon talaga,Kaya ang kasama ko dito sa bahay ay ang kuya Jacob ko lang pero wala siya ngayon siguro nasa bahay siya nila Erika o nag dedate sila ni ate Mariel ngayon,Kapatid ni Erika si ate Mariel.
"Iha ang mga gamit mo ay naroon na sa sasakyan." Nariyan na pala si manang Mirna ang pinagkakatiwalaang kasambahay namin dito kung baga siya ang mayor-doma sa bahay namin."Opo manang,Salamat po." Nakangiting sabi ko sakanya at kinuha na ang phone ko at naglakad na palapit sa pinto kung nasaan nakatayo si manang Mirna.
Nandito na pala si Erika sa Sala kaya lumapit na ako sakanya at sabay na kaming lumabas ng bahay at inihatid kami dito ni manang Mirna sa labas,Sasakyan ko ang gagamitin kung kaya't dito na lang rin si Erika.
"Mag-iingat kayo roon mga apo." Nakangiting paalala ni manang Mirna."Opo manang." Sabay na saad namin ni Erika,Magalang at mabait rin siya sadyang masungit lang talaga siya pagdating kay Harley. "Kung maaari'y tumawag kayo saakin kapag nakarating na kayo sa bahay ni Donya Cora upang hindi ako mag-alala sainyong dalawa ha."Saad ni manang Mirna.Parang pangalawang lola na talaga siya para samin ni Erika." Opo,tatawag po kami sainyo."Sabay na namang saad namin ni Erika saka sumakay na sa kotse at tuluyan ng nag paalam kay manang Mirna.
Ako ngayon ang nagdadrive syempre kotse ko ang gamit namin e.
Hindi ko alam kung bakit parang iba nafefeel ko,Tulog naman si Erika kaya wala kaming ingay ngayon kasi nagdadrive lang ako.
'Anong oras na nga ba?'
Tiningnan ko ang wrist watch ko at 3:03 pm na pala,So fifty-seven minutes na akong nagdadrive at one hour pa kami bago makarating sa Batangas sa bahay ni lola Cora.
Feel ko talaga kanina pa na may nakatingin sakin pero tulog naman si Erika at wala namang ibang tao dito bukod saaming dalawang magkaibigan,hindi ba?
May naamoy rin akong sweet smell yung parang amoy ng fresh na fresh na bulaklak na bagong kuha lang mula sa garden,Imposible namang scent yun ni Erika kasi kilala ko ang scent niya e,mabango pero matapang ang amoy at yung scent ko naman ay hindi naman gaanong matapang,Mabango lang siya at amoy siya ng isang bulaklak rin pero iba naman itong naamoy ko kasi sweet smell talaga siya e ang sarap amuyin.
Ininda ko na lang ang mga na papansin ko kanina at finocus na lang ang sarili sa pagmamaneho kasi baka guni-guni ko lamang iyon.
Nang makarating kami sa bahay ni lola Cora ay saka lamang nagising si Erika,Puyat na puyat ang bruha bakit kaya?
"Almost One hour and fifty-seven minutes pala akong nakatulog." Mahinang aniya Erika habang humihikab hikab pa.
"Tulog mantika ka nga e."Biro ko sakanya kaya natawa naman siya.
"Haha sorry naman Brianna!" Tawang-tawang sabi niya kaya natawa na lang ako.
"Mga apo ko,Narito na pala kayo!" Masayang bungad ni lola Cora kasama ang kasama niya dito sa bahay niya ng bumaba kaming pareho ni Erika sa kotse.
Kaagad kaming lumapit ni Erika kay lola Cora at ako ang naunang yumakap dito at humalik sa pisngi niya."Namiss po kita sobra,lola Cora!"Masayang-Masayang sabi ko habang nakayakap pa rin sakanya."Mas namiss kita,apo ko!"Masayang sabi rin ni lola ko.
Kumalas na ako sa pagkakayakap kay lola at si Erika naman ang yumakap dito."Namiss ko rin po kayo,lola Cora!" Masayang sabi ni Erika at humalik sa pisngi ni lola. "Namiss rin kita,apo ko,Erika!" Masayang ani lola Cora habang parehong hawak ang tig-isang kamay namin ni Erika papasok sa bahay ni lola.

A/N:Style ng bahay ni lola Cora.
Ang bahay ni lola ay may pagkaluma na kasi ilang decada na ang lumipas simula ng maitayo ang bahay na ito pero kada taon ay ipinapaayos nila ito ni mommy ko at pati ang mga ilang gamit ay lumang-luma na rin dahil sa ayaw itong ipatapon o ipabigay ni lola kasi lahat daw ng ito ay mahahalaga sakanya kung kaya't nanatili lang ang mga ito dito sa bahay niya.
Sixteen years old kaming pareho ni Erika nung last na bumisita kami dito sa bahay ni lola kasi nang mag grade twelve kami ay mas naging busy kaming pareho at ngayong Eighteen years old na kami at first year college na ay mas naging busy kami pero dahil semestral break naman ngayon kaya dito naming dalawa naisipang manatili hanggang matapos ang semestral break,Kasi noong nakaraang semestral break which is grade twelve kami ay hindi kami nakapunta dito kasi may exam agad sa balikan kapag natapos ang semestral break kung kaya't hindi na kami umalis pa ng bahay at mas minabuting mag-aral na lang para sa darating na examination,Mabuti ngayon college ay walang exam pagkatapos ng sem-break.
Magaganda ang makalumang gamit dito ni lola kung kaya't hindi ako nabobored kumpara kay Erika at saka tanda ko pa yung mga kinukwento saamin dati ni lola Cora e lalo na ang tungkol sa mga anghel.
Natigil ako sa pagmumuni-muni sa paligid ng magsalita si lola na kakalabas lang sa kitchen niya kasama ang babaeng si aling Lydia raw pala,May dala silang pagkain."Mga apo ko,kumain na muna kayo." Saad ni lola saka inilapag nila sa wooden table ang pagkain na dala-dala nila dito sa Sala."Thank you po,lola!" Sabay na pasasalamat namin ni Erika."Thank you rin po,Aling Lydia." Nakangiting sabi ko rin kay aling Lydia."Kumain na kayo mga apo at pagkatapos ay magpahinga na kayo sa dating kwartong tinutuluyan niyo at ako ay maliligo na muna at saka kayo'y kukwentuhang muli." Nakangiting saad ni lola kaya ngumiti at tumango kami."Sige po!"At tumalikod na siya at nakaalalay sakanya si aling Lydia at pumanhik na sila sa itaas kung nasaan ang kwarto ni lola Cora.
"You know what Brianna,About angel na naman siguro ang story ni lola saatin, ano?"Nakangiting saad ni Erika na animo'y excited na excited para sa ikukwento ni lola saamin mamaya."Siguro nga." Sagot ko sakanya. "I'm so excited na to hear again the story of lola Cora about an Angel!" Masayang ani Erika habang kumakain kaming dalawa dito sa sala.
"Me too." Sagot ko sakanya.
Tapos na kaming kumain kaya umakyat na kami sa kwarto namin dito,Dati kapag pumupunta kami ay may kwarto na talaga kaming dalawa dito,Magkasama kami sa kwarto kasi natatakot mag solo dito si Erika sa isang kwarto.At syempre parang makaluma ang kwarto dito kasi nga ilang decada na ang lumipas pero dahil pinapaayos naman ito ni lola ay nagmumukhang bago rin na old style lang talaga.
Pagkapasok mo sa kwarto ay makikita mo agad ang isang malaking kama na gawa sa kahoy nakapatong lang doon ang bed cushion.
Ang dingding ay makakapal na kahoy talaga na naka burnish lamang.Sa gilid ng kama ay may maliit na mesa kung nasaan nakapatong ang maliit na lamp shade at ang larawan naming dalawa ni Erika na magkasama noong twelve years old pa kami sa larawan na iyon.At sa gilid ng pintuan ay ang cabinet na lalagyan ng damit ay magandang uri ng kahoy rin na naka burnish lang din.Ang Salamin na kahoy rin ang kinalalagyan. At iba pang gamit na halos lahat ay kahoy rin.At ang sofa na nasa katapat ng kama kung saan ngayon ay presinting-presinting nakaupo si Erika na pinapaypayan pa ang sarili na animo'y mainit pero ang totoo ay nalalamigan naman ako.
"Sissy Brianna,Why don't you sit down here at sofa,You like baliw dyan sa may door kasi your tulala e."mataray na aniya habang nakatingin sakin.
Lumakad na lang ako palapit sakanya at naupo sa tabi niyang sofa."Nakakamiss dito sissy,diba?" Nakangiting sabi niya kaya ngumiti rin ako."Oo nga e nakakamiss dito mabuti na lang at nakapunta ulit tayo dito!" Masayang sabi ko."Mabuti nga kasi wala tayong exam next week e and walang Harley na nakasunod at nangungulit sakin like he's so baliw." Sabi niya na animo'y nangdidiri kay Harley haha.
"Why are you so irita ba kay Harley,Erika?" Tanong ko sakanya,See?Nacoconyo rin ako minsan lalo na kapag si Erika ang kausap ko haha. "I don't know basta when I always see his face I'm starting to irita na,you know." Irap-irap na sabi niya.
"Baka nga kayo ang magkatuluyan e." Mahinang sabi ko pero narinig niya pala shemay."No way sissy,I don't like him,you know I don't have a crush on someone except of your kuya na girlfriend ni ate Mariel,tsh!"inis niyang sabi.
Yes may gusto siya sa kuya ko bata pa lang kami kasi kalaro namin palagi si kuya kasi two years lang ang gap saamin ni kuya e.
Erika has a crush on my brother but my brother treat her like his sister,like me.
Nasaktan noon ang bestfriend ko ng malaman niyang girlfriend na ni kuya ang ate Mariel niya na sa ibang bansa na lumaki kung kaya't si Erika ang mas nakasama namin kesa sa ate Mariel niya na 15 years old lang simula ng manatili dito sa Philippines.
Pero ngayon unti-unti na niyang natatanggap na hindi talaga siya ituturing ng kuya ko bilang isang babae na para kay kuya kundi itinuturing siya nito bilang nakakabatang kapatid.
"Wala naman akong sinabi na you like Harley ah,ikaw ah nakakahalata na ako sayo." pangbibiro ko sakanya nakita ko sa mukha niyang bigla siyang namula saka nag-iwas ng tingin.
I know may gusto na siya kay Harley,In denial lang ang bruha.
Hmm,I smell something fishy huh!
Namiss ko talaga dito sa bahay ni lola.
To be continued.