Chereads / I love you,My Angel. / Chapter 3 - Kabanata 2

Chapter 3 - Kabanata 2

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni Erika dito sa loob ng kwarto.

Mga bagay na may kinalaman sakanya at sakin kahit pa ulit-ulit na naming napagkwentuhan,Wala lang trip lang namin haha.

Yung pagkagusto niya kay kuya na ngayon ay wala na pala talaga kasi daw tanggap niya ng hindi siya magiging gaya ng ate niya.

Baka nga talaga si Harley sakanya,hindi ba?Haha!

"Punta tayo ng library ni lola Sissy Erika, kasi bakasakaling may history book siya doon." Pag-anyaya ko sakanya. "Ikaw talaga sissy Brianna oh,your so in love talaga to that history book."Nakangusong aniya Erika pero tumayo rin naman siya,Hindi talaga siya makapag hindi sakin haha."Samahan mona lang ako." Nakangusong aniya ko rin kaya napatawa siya."Don't nguso-nguso it's not bagay to you,sissy."Nakatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin."Why is it bagay to you ba?" biro ko rin sakanya."Of course!" pagmamalaki niya kaya tumawa ako ng malakas."Bwahahaha nope it's not bagay to you,too!" nakatawang aniya ko. "Yahhh!" Pasigaw na sabi niya saka tumakbo palapit sakin kaya tumakbo ako agad palabas ng kwarto.

"Hey sissy,Comeback her!" Rinig kong sigaw niya pero agad akong tumakbo papasok sa library ni lola at saka sinara agad ang pintuan at naglakad-lakad na sa loob.

Ang dami na palang books dito,Dati kaunti lang e wala pang history pero ngayon agad akong may nakita na history books.

Ngayon na lang muli ako nakapasok dito kasi ayaw sumama dito sakin ni Erika kasi creepy daw dito sa loob yung parang may nakatingin sayo kasi last time na pumasok kami dito ay thirteen pa kami noon ni Erika kaso bigla na lang siyang nagtatakbo palabas nitong library na ito tinatanong ko siya kung bakit kaso palagi niyang sinasabi feel niya daw e may nakatingin samin which is wala namang ibang tao dito.Kaya simula non ako na lang mag-isa pumapasok dito,Kaya nga kanina tinry kong yayain si Erika pero tumayo naman siya at mukhang sasama sakin siguro nalimutan niyang takot na siyang pumasok dito.

Pagkapasok dito sa library ay makikita mo agad ang mga istanteng lalagyan ng mga librong nakaayos na nakapila sa kani-kaniyang hanay.

May daanan pa papunta sa dulo nitong library madadaanan mo ang samu't saring iba't ibang klase ng libro bago mo marating ang kahuli-hulihang hindi ko alam kung ano ang nasa pinakadulo noon kasi natatakot rin akong pumaroon kumuha na lang ako ng history book.

Napakamapaghal ni lola Cora sa mga books kung kaya't namana ko rin daw ito sakanya sabi ni Mommy.

Sa kakalakad ko dito sa Library habang hawak ang history book at binabash ay may nasagi na pala akong isang gamit ng lola Cora ko at natagpuan kona lang ang sarili kong nakatulala na sa bagay na iyon.

Small Angel Statue!

Hindi ko napansin na narito na pala ako sa dulo ng library kakabasa sa hawak kong libro kanina na history habang palakad-lakad lang.

Dinampot ko ang maliit na rebulto ng isang anghel na nahulog sa sahig.

"Naku mabuti na lang at hindi nasira,baka malagot ako kay lola nito e!" Kinakabahang ani ko.

Nafefeel ko na naman na parang may nakatingin sakin kaya tumingin-tingin ako sa paligid kasi baka si Erika lang yun at tinataguan lang ako.

Pero ganun na lang ang gulat ko ng makita ko siyang palibot-libot rin ang paningin at halatang naiinip na kakahanap sakin.

So hindi siya yung feel ko nakatingin kasi mukhang hinahanap niya pa ako.

Bigla niya akong nakita magtatago sana ako upang pahanapin pa siya kaso nakabangga na ako sa wooden table kung saan may iba pa palang nakalagay na maliit na rebulto ng anghel at bigla akong nakakapit sa kurtina sa itaas kaso sa pagkapit ko ay nalaglag rin ito kaya ang ending lumagapak yung pwetan ko sa sahig.

"Hey sissy,Are you okay,What are you doing ba kasi?" tanong niya pero hindi ko si Erika pinansin kasi natuon ang paningin ko sa isang larawan na kinalalagyan pala ng kurtinang nakapitan ko kanina. "Brianna are you okay? Bakit hindi moko pinapansin?Yohoo-" napatigil siya sa pagsasalita at nakita ko sa peripheral version mo na napatingin na siya kung saan ako nakatingin ngayon.

"Omy!" gulat na bulalas ni Erika saka kumapit sa braso ko tumingin ako sakanya at kita ko sa mata niya ang pagtataka at gulat pati nga rin naman ako e nagtataka at gulat rin e.

Ang nasa larawan lang naman ay si lola Cora noong kabataan niya pa,she looks like an eighteen years old at that picture at may kasama siyang isang lalaking may pakpak or should I say a male angel.

"B-bakit may kasama si lola na isang Angel?" Nakatagalog si Erika ng diretso ah.

"Sissy it's that true?" Tanong niya saakin umiling lang ako kasi hindi pa rin maalis yung tingin ko sa larawan ni lola at ng lalaking anghel.

"I think all of stories ni lola ay totoo lalo na yung all about the woman that fell in love with the angel." Nakatulalang sabi ni Erika habang ang paningin ay naroon pa rin sa larawan habang pareho kaming nakaupo sa sahig dahil sa gulat kanina.

'Mukhang totoo nga ang mga kwento ni lola saamin!'

Napatingin kami sa likuran namin ni Erika kasi biglang may nagsalita."Mga apo kanina ko pa kayo hinahanap,Sinabi na nga bat sa Library ko kayo matatagpuan." Hinihingal na saad ni lola kaya dali-dali kaming dalawa tumayo at inalalayan si lola,nakakapagtaka sa tanda niyang ito ay tila ang lakas niya pa at ngayon bakit wala ang kasa-kasama niya dito na si aling Lydia."Bakit ng makita ko kayo ay pareho kayong nakaupo sa sahig at tulala?" Tanong ni lola samin kaya nagkatinginan kami ni Erika saka napatingin sa bandang itaas ng wooden table kung saan naroon ang larawan ni lola at ng lalaking anghel.

Napatingin din si lola doon at nagkatinginan ulit kami ni Erika kasi nakangiti si lola habang titig na titig sa larawan niya kasama ang isang anghel animo'y may pumasok sa isip niyang mga ala-ala nila.

"Gusto niyo bang ikwento ko sainyo ang tungkol saamin ng lalaking anghel na nariyan sa larawan?" napatingin ako kay lola Cora at ganun rin si Erika. Nakangiti si lola pero yung mga mata niya ay may madadama kang lungkot.

'Bakit kaya? '

"Sige lola I want to hear po!" masayang ani Erika habang nakakapit kaming pareho sa braso ni lola Cora.

"Halika kayo'y pumasok tayo sa loob nito." sabi ni lola saka may itinuro kaya napatingin kami doon at may maliit palang pinto katabi nitong wooden table na may mga small angel statue.

"Sige let's go."excited na excited si Erika.Nalimutang takot na siyang pumasok dito sa library.

Pagkapasok namin ay pareho kaming namangha sa paligid ng maliit na kwartong ito sa loob ng library kasi pulos puti ang dingding hindi gaya sa labas na halos lahat ay kulay ng kahoy ang makikita itong kwartong ito ay pulos puti at may nga larawang nakadikit sa dingding at halos lahat ay larawan ng lalaking anghel na nakita namin kanina sa napakalaking frame pero nalilito ako kasi sa mga larawang nakadikit dito sa maliit na kwartong ito ay wala siyang pakpak at parang normal na tao lamang.Nakakalito.

Mga stolen shots ng isang male angel.

"Lola why he doesn't have a pakpak na dito sa picture po?" tanong ni Erika kay lola kaya napatingin ako sakanya at nakaturo yung daliri niya sa isa sa mga larawan ng Anghel na wala siyang pakpak at para talaga siyang normal na tao.Napatingin ako kay lola. Naghihintay ng sagot niya.

"Makinig kayo at ikukwento ko sainyo."

To be continued.