Chereads / I love you,My Angel. / Chapter 6 - Kabanata 5

Chapter 6 - Kabanata 5

Uriel Brianna POV

"I think I'm Inlove with you lalala!🎢🎢🎢"

Nandito ako sa bathroom pero rinig na rinig ko ang pag kanta ni Erika hindi naman ako nagugulat dahil kumakanta naman talaga siya pag trip niya pero yung kinakanta niya ngayon ay may kinaiin-love an ata ang babaeng to eh and I think it's Harley. Ahaha ako ang number one supporters talaga niya kapag nangyari yun.

Lumabas na ako sa bathroom ng nakabihis kita kong ayos na ayos na ang loob ng kwarto pati na ang higaan namin.Hmmm,what's wrong with Erika?

"Hi Sissy,Oh you're nakaligo na so don't be mad at me na ha?"Conyong sabi na naman niya, well palagi naman.

Ngumiti na lang ako tsaka minamasdan ang kilos niya,May kakaiba eh.

" Why are you staring at me like that,Sissy Brianna ha?"Nagtatakang aniya Erika habang papalapit sa kinauupuan ko ngayong sofa nandoon kasi siya sa kama nakaupo kanina habang kumakanta-kanta kasi tapos na siya sa pag-aayus dito.

"What's problem with my look?" tanong kong pa balik sakanya."Your parang nagtataka sakin,Aren't you?" Tanong niya. Of course magtataka ako sa mga pinagkakanta mo lalo na mukhang naging masipag ka ngayon ah.

"Sissy?" Pagtawag niya."Why?"

"Ehehehe your nagtataka ba if why I am masipag now?" Parang batang tanong niya pero nahahalata kong kinikilig siya.

'Huwag niyang sabihing aamin na rin siya kay Harley? Pero gusto ko yun hehe.'

"Yeah,Bakit nga ba?" Tanong ko, tamad naman talaga siya e mula pa noon charr.

"Ano e-I need to tell you ba?"Tanong niya.Parang timang nato di na lang sabihin ng diretso."Of course I'm your bestfriend." Nakakunot kunwaring tanong ko sakanya.

"Ay sige na nga." Nakangusong saad niya.

"Timang!" Mahinang natatawang sabi ko bigla naman niya akong pinalo sa braso."Bakit moko pinalo?" Saad ko."You call me timang kasi,and don't you dare to deny it because I heard kaya." Nakangusong saad niya.

"Tell me na kasi!" Kunwaring seryosong saad ko pero yung totoo ay gusto ko ng matawa sa itsura niya ahahaha.

"Wait nga... Ano kasi...kahiya baka tawanan moko kasi all this time....ano-"Shemay na yan antagal sabihin kaya pinutol ko na lang yung hindi niya maituloy-tuloy na gustong sabihin.

"Na inaamin mong In love kana kay Harley matagal na,hindi ba?" Nakangiting saad ko kita ko namang umawang yung labi niya at nanlaki yung mga mata dahil sa gulat.

"H-how did you know?" Halos mautal na saad niya.Sabi na nga ba e tama yung kutob ko ahaha.

"Ang obvious mo kasi." Natatawang kunwaring ani ko mas lalo naman siyang napanguso."Sabi na nga ba e matatawa ka!" Matamlay na sabi niya kaya tinigil ko ang pagtawa ko. "Uy hindi ako natatawa dahil sa inamin mong in love ka rin kay Harley ah,Masaya ako para sayo kasi inamin mo na mahal mo rin si Harley." Nakangiting sabi ko bigla naman siyang napayakap sakin kaya ni yakap ko rin siya pa balik.

"Wahhh really?" Saad niya matapos akong yakapin."Of course!" Nakangiting saad ko.

"Alam ko naman na talaga na matagal mo na ring gusto si Harley e pero hindi ko sinasabi kasi gusto ko ikaw mismo ang magsabi sakin kaso di mo matuloy-tuloy kanina kaya ako na nag tuloy,ahahaha!"Mahabang lintaya ko habang tumatawa pa.

"Papunta dito si Harley,Sissy!" Kinikilig na sabi ni Erika."Really? Kaya kaba pakanta kanta dyan kanina pa?" Tanong ko sakanya.

"Oo e hihi!"

"Ayiee kinikilig ka!" Nakangiting biro ko sakanya bigla naman siyang namula ahaha.

"Sissy naman e hindi kaya."Sabi niya pero umiiwas ng tingin."Oo kaya."Biro ko pa.

Napatigil kami sa pagkukulitan tungkol sa pamunula ni Erika ng dahil sa may kumatok sa pintuan ng kwarto kaya agad kaming napatingin doon.

"Ako na magbubukas hehe." Ngiting-ngiting saad ni Erika sabay takbo patungong pintuan naupo naman ako sa sofa pero nahagip ng paningin ko ang white feather na nakuha ko kagabi sa may bintana.

Nilapitan ko ito at saka dinampot at naupo ulit sa sofa.Ito na naman yung feeling na parang may nakatingin sakin kaya tumingin ako sa pintuan kung saan pumunta si Erika at kausap niya pala si Aling Lydia biglang tumingin sakin si Erika at parang sumenyas na lalabas at may titingnan siya kaya tumango na ako at tuluyan na siyang umalis kasama ni Aling Lydia.

Hindi si Erika ang nakatingin,Pero sino?

Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto nagbabakasaling may makita ngunit wala dahil nararamdaman ko lamang at wala akong nakikita.

Naamoy ko na naman ang kakaibang amoy na iyon!

Inilagay kong dali-dali ang white feather sa gitna ng aking diary at dali-daling lumabas ng kwarto,Ang weird ko na ngayon!

Nadatnan ko si lola Cora na nakaupo sa sala at nagbabasa ng dyaryo,Nakakabasa at malinaw pa rin ang kanyang mga mata kahit na matandang matanda na siya,At masaya ako dahil doon,Salamat sa anghel niya.

Biglang napaangat ng tingin si lola saakin at alam kong naramdaman niya iyon at alam niya ang iniisip ko."Oh apo ko,Maupo ka sa tabi ni lola." Aya niya sakin saka itinuro ang katabing upuan niya."Sige po lola." nakangiting sabi ko naman."Huwag kang matakot sa anghel iha apo." Napatingin ako ng seryoso kay lola,Sabi na nga bat binabasa na naman niya ang isip ko.

"Mabait ang mga anghel apo ko,Tila nga malapit na talagang magpakita saiyo ang iyong anghel." Nakangiting dagdag niya pa,Tumango at ngumiti na lamang ako kay lola. "Nasaan nga po pala nagpunta si Erika at aling Lydia?"Pag-iiba ko ng usapan."Nariyan lamang sa labas at may bisita daw kayong kaibigan kung kaya't tinawag kayo ni Lydia ngunit hindi ka naman sumama palabas,Sino nga ba iyon,Lalaki daw iyon,hindi ba?."Lintaya ni lola.

Napangiti naman ako sakanya.

"Yes po lola lalaki po iyon, Si Harley po yung may gusto kay Erika at gusto rin ni Erika sadyang itinatanggi niya lang po." Nakangiting saad ko, Napatango-tango naman si Lola Cora. "Kaya naman pala ganun kangiti ang batang iyon,Si Erika." Nakangiting sabi ni lola kaya tumango at ngumiti ako sakanya.

"Excited nga po kanina lumabas e." Natatawang saad ko. "Bakit nga ba hindi ka sumama sakanila pababa?" Tanong ni lola.

'Dahil po sa white feather.'

"Dahil sa white feather?" Tanong ni lola.

Nabasa na naman niya iniisip ko.

"Ah opo may nakuha po ako kagabi na puting feather po,lola." Sabi ko.

"Isa sa mga sign na malapit saiyo ang anghel mo,Iha apo ko." Nakangiting sabi ni lola Cora. Napatitig ako sakanya ng seryoso dahil sa iyon ang sign nga na lumabas sa research ni Erika kahapon.

'Is it possible na makilala at makita kona talaga ang anghel ko?'

Magsasalita na sana ako lola ng biglang magsalita mula sa likod si Erika.

"Sissy Erika, Lola Cora nandito po si Harley!" Gosh aamin na ata yan kay Harley, sa pasigaw sigaw niya palang na parang excited e halata talaga e.

Tumayo ako at inalalayan si lolang tumayo.

"Hi po lola,Hi Uriel!"Nakangiting bati ni Harley sabay mano kay lola.

"Oh hi Harley." Nakangiting bati ko sakanya pabalik ganun rin si lola sakanya.

"Hello iho,Apo!" Saad ni lola.

"Maupo kayo." Gayak ni lola saka inalalayan kong maupo sa inuupuan niya kanina.

Naupo ako ulit sa tabi ni lola,Si Harley ay naupo sa harap ni lolang upuan katabi niya naman si Erika na kaharap ko ngayon.

Gosh kilig na kilig siya e,Maasar nga mamaya,HAHA!

"Paano mo nga pala nalaman na narito kami?" Tanong ko kay Harley ng nakangiti."I asked tito Barren then he told me kung nasaan kayo." Nakangiting saad ni Harley,Si tito naman pala nagsabi e haha,Support niya kasi ahu!

"Nag-agahan kana ba iho,Sumabay kana saamin." Nakangiting anyaya ni lola Cora."Oo nga tara na Harley,Sissy Erika." Sabi ko sabay tayo at alalay kay lola,nakita kong tumayo naman si Harley saka Erika at sumunod saamin.Naghanda na pala si Aling Lydia ng pang-almusal namin.

Natapos ang pag-almusal namin ng puno ng kwentuha kaso si Erika parang nahihiya magsalita kaya ending ako yung daldalita kanina haha.

Hiya-hiya kasi si bruha kay Harley,hahaha charr.

Pupunta nga pala kaming tatlo ngayon sa Galleria Taal dito sa Batangas,Ang isa sa mga museum dito na patok na patok sa masa charr.

Sikat na sikat naman talaga yun dito e sa Batangas Province.

Kasi naman hilig ko ang makalumang bagay at lalo na ang pagbisita sa museum kaya ayon ang sinuggest ni lola Cora at aling Lydia kanina na pwede naming puntahan at pwede pa kami mamasyal sa ibang lugar dito sa Batangas Province.

Kahit mukhang sagabal ako sa parang date na ito ni Harley at Erika syempre sasama pa rin ako, Ako kaya yung mahilig sa museum bahala sila magdate basta ako may bago na namang mapupuntahang museum haha.

Nakabihis na pala ako at si Erika,Nandoon naman sa guest room si Harley.

Ang damit ko ngayon ay Spring red plaid off shoulder tops shirt at White Skinny Jeans at nilugay kona lang ang buhok ko tutal naman ay naka wavy hair ako.

Napatingin ako kung ano ang suot ni Erika ngayon kasi kanina excited siya kahit alam naman nating hindi siya mahilig sa museum or historical things.

Nakasuot siya ng Black Jeans and pink smocked puff off shoulder top at nakalugay ang medyo kulot niyang buhok na nababagay naman sakanya.

"Tara na,sissy Erika." pag-anyaya ko ng makita kong tapos na siyang mag-ayos.

"Okay taralets!" excited na sabi niya.

Pagkababa namin ay tumungo kami sa sala kung nasaan naghihintay na pala si Harley,Siya yung magdadrive ngayon ng kotse kasi sakanya yung gagamitin namin papuntang Galleria Taal Museum.

"Oh mga apo,Mag-iingat kayo ha." paalala ni lola,Lumapit naman kaming pareho ni Erika kay lola para humalik sa pisngi nito.

"Aalis na po kami lola."sabay na saad naming tatlo at tuluyan ng lumabas ng bahay.

Nang makasakay na kami sa kotse ay ako lang ang nasa likuran at si Erika ay naupo sa tabi ni Harley, doon ko kasi siya pinaupo e hahaha.

'Ang tahimik naman,Psh!'

Tumitingin-tingin na lang ako sa labas ng bintana nitong kotse.Ang gaganda pala ng lugar dito sa Batangas Province.

May mga paninda rin sa gilid ng kalsada.

Makikita mo namang masasaya ang mga tao dito.

Sa kakatingin-tingin ko sa labas ay may nahagip ang paningin ko na isang lalaking parang kasing edad ko na nakatingin sakin.

'Nakangiti siya!'

Nag-iba ako ng tingin pero ibinalik ko kaagad sa lalaking kanina nakatingin at nakangiti sakin pero wala na siya.

'Asan na yun?'

Paulit ulit akong kumurap at ng naging maayos na ang paningin ko ay ibinalik ko ang tingin kahit medyo malayo na ay totoo talagang wala na yung lalaki doon sa kinatatayuan niya.

Nang makarating kaming Galleria Taal ay napakagandang Museum pala talaga ito.

Napakaraming makalumang bagay talaga dito na hindi ko pa nakita sa ibang museum na napuntahan namin ni Kuya Jacob.

Panay ang kuha namin ng larawan doon ni Erika sa mga makakalumang bagay,Infairness kasi si Erika mukhang masayang-masaya dito sa museum kahit alam kong hindi niya ito hilig,Pero baka si Harley talaga dahilan kung bakit siya nakangiti ngayon.

"Wahh ang ganda!" hindi makapaniwalang aniya ko habang titig na titig sa isang rebulto ng anghel.

Oo anghel na naman ang nakita ko.

Napakaling Rebulto na aakalain mong nakatayong tao pero may pakpak haha.

Kinuhanan ko iyon ng litrato gamit ang suot kong Camera.

Humiwalay si Harley at Erika kasi may pag-uusapan ata kaya magisa lang ako dito pero may mga tao pa rin naman sa paligid na panay kuha ng litrato din sa ibang historical things.

Nakatulala pa rin ako sa pagkamangha sa rebultong ito.

Gulat akong napalingon sa may likuran ko at nawala sa rebulto ng anghel dahil sa biglaang nag salita.

Matandang babae pala na diretsong nakatingin sakin.

"Iyan ang anghel na aking unang minahal." yan ang biglang sinabi niya kanina.

'W-wait minahal? Gaya ni lola Cora at nung Anghel na nasa picture sa Library?'

"P-po?" nagtatakang bulalas ko.

"Maupo ka iha." nakangiting aniya ng matandang babae saka itinuro ang malapit na upuan kaya umupo ako at inalalayan rin siyang maupo.

"Gusto mo bang malaman kung bakit nariyan yan diyan?" tanong niya."Sige po." kinakabahan man ay ngumiti at sumagot pa rin ako.

'Creepy ni lola!'

'Asan na kayo Erika,Harley?'

"Siya yung anghel na unang minahal ko kagaya ng kaibigan ko ay nagmahal rin ako ng anghel." paunang kwento niya pero sino ang kaibigan niya na nagmahal rin ng anghel?

"Sino pong kaibigan?" kabadong tanong ko.

"Ang lola mo." sagot niya, nagtatakang tumingin ako sakanya.

"P-po?"

"Oo iha ang lola mo,Ang lola Cora mo ay ang kaibigan ko na nagmahal rin ng anghel,Kaya nga ay narito ka dahil heto ang sinabi ng lola mo na magandang puntahan,hindi ba?" tanong ng matanda.

"Opo." sagot ko ngumiti naman siya.

"Hindi niya ako ikunuwento saiyo dahil ang sabi ko ay ako ang magkukwento saiyo kung kaya't narito ka."saad na naman niya.

"Magkaibigan kaming tunay ng iyong lola,At sa parehong oras at araw ay parehong dumating sa buhay namin ang anghel na hindi namin namalayang iibigin pala namin ng tunay."

Patuloy lang sa pag kwento ang matandang babae na si lola Salve pala.

Ang haba ng mga ikunuwento niya kaya pala sa kwento ni lola dati ay parang may kulang si lola Salve ang nag tuloy o nagpuno ng kwento ni lola saakin.

Masaya ako dahil nakilala ko si lola Salve pero pareho pa rin sila ng sinabi ni lola Cora sa huli.

"Ang anghel mo ay malapit lamang saiyo at makikita mo na ito." yan ang huling salita na natatandaan ko na sinabi ni lola Salve bago ako ayaing umuwi ni Erika dahil nahimatay pala ako pagkatapos at nagising na lang ako sa lumang kwarto sa loob ng museum at doon ipinatawag na raw si Erika at Harley para iuwi ako.

To be continued.