"Makinig kayo at ikukwento ko sainyo." Sabi ni lola saka naupo sa wooden swivel chair dito sa loob kaya umupo rin kaming dalawa ni Erika sa kaharap na upuan ni lola,Magkatabi kami ni Erika sa isang mahabang wooden chair at nakakapit si Erika sa braso ko,Ganyan kaming dalawa kung hindi ako ang nakakapit ay siya naman itong nakakapit sakin.
"Kagaya ng edad niyo ngayon mga apo ay ang edad ko noon ng makakita at makakilala ako ng isang lalaking Anghel."Nakangiting umpisa ni lola magkwento na nakatingin saaming dalawa ni Erika."Really lola?So it's true po talaga yung story mo saamin ni Brianna when we're kids,that the woman fell in love with an angel po?It's that you po ba yung girl na nainlove sa Angel?" Sunod-sunod na tanong ni Erika halatang excited na excited talaga siya napatawa naman si lola."Hinay-hinay lang apo ikukwento ko." Nakatawang sabi ni lola,Napatingin ako sa mga mata niya wala na ngayon ang lungkot na kanina ay nadarama ko lamang bigla siyang napatingin sakin kaya bigla akong ngumiti.
"Itutuloy kona ang kwento." dagdag pa ni lola.
"Sige po lola,Sorry po excited lang!" sagot ni Erika.
"Noong una ay hindi ako naniniwala sakanya kasi anyong tao siya kung kaya't hindi ko siya pinapansin pero kahit saan ako magpunta nariyan siya sa paligid ko,nakangiti sakin.Naniwala ako sakanya ng tuluyan niya ng ipakita ang pakpak niyang pang anghel kaso noong oras na iyon ay nahimatay pa ako kasi di ako maka paniwala na totoo talaga siyang anghel akala ko ay binibiro niya lamang ako at pagkagising ko noon ay siya yung nakita ko pagmulat ng mga mata ko kaya doon na ako naniwala simula noon naging magkaibigan kami,Sinasabayan niya akong kumain kahit hindi naman siya nagugutom kasi ang anghel ay kahit hindi kumakain ay hindi naman daw nakakaramdam ng gutom,Palagi niya akong sinasabayan kasi mag-isa lang ako dito dati sa bahay dahil yung mga magulang ko ay palaging walang oras saakin dahil sa negosyo nila,Wala kaming kasambahay noon dahil ayaw iyon ng nanay ko mas mabuti daw na matuto ako sa sarili ko.Palagi akong mag-isa dati hanggang sa siya ay dumating sa buhay ko,pinapasaya,pinapangiti,sinasabayan sa lahat ng gusto kong gawin at nakasupurta sakin,kasi nga anyong tao siya kung kaya't kaya niyang makisalamuha sa mga tao,Wala akong kaibigan dati kaya siya ang naging kaibigan at kakwentuhan ko palagi,na hulog ang loob ko sakanya kasi nga napakabait niya at anghel na anghel talaga ang pag-uugali niya at dahil sakanya kaya naging paborito ang mga libro lalo na ang libro ng kasaysayan kasi mahalaga daw iyon namangha ako nun sakanya kasi anghel siya pero marunong siyang magbasa at magsulat pati na rin ang iba't ibang klase ng libro ay alam niya kaya tinanong ko siya kung bakit niya alam lahat ng ginagawa ng tao ang sagot niya ay dahil raw matagal na siyang pabalik - balik sa lupa upang tingnan ang mga tao at siya noon ang nakaatas bilang anghel na taga pag bantay ko kung kaya't naisipin niya raw na makilala ko siya,Umamin ako sakanya na gusto ko siya kasi hindi kona kayang itago ang nararamdaman ko at sa pag amin kong iyon ay saka rin siya umamin na matagal na daw siyang nagmamahal saakin ng palihim kung kaya't nagkaroon kami ng relasyon alam kung mali dahil isa siyang anghel at ako ay tao lamang pero sabi niya ay huwag na naming isipin iyon kung kaya't halos araw araw ay palagi kaming namamasyal,palagi kaming magkasama na akala ko ay wala ng katapusan,ngunit isang daang araw lamang pala iyon."Mahabang lintaya ni lola Cora pero bakit nang sinabi niya ang huling salita niya 'ngunit isang daang araw lamang pala iyon' ramdam ko ang lungkot sa boses niya at kita sa mata niya yung lungkot na nadarama na naman niya.
"Why po lola,What happened after one hundred days?" tanong ni Erika.
'Mukhang alam kona,One hundred days niya lang na kasama ang lalaking anghel na tinutukoy niya.'
Tiningnan ko naman si lola na ngayon pala ay nakatingin na sakin at ngumiti siya."Tama ka apo ko isang daang araw ko lamang siya na kasama." Nakangiting aniya lola Cora habang nakatingin sakin.
Nagtaka naman ako kasi ang pagkakaalam ko ay hindi ko naman iyon sinabi ng malakas at tanging nasa isip ko lamang iyon.
"May sinabi kaba sissy Brianna?" Takang tanong rin ni Erika. Kahit ako ay nagtataka bakit palaging alam ni lola dati pa ang nasa isip namin.
'Posible kayang nababasa niya ang isip ng taong nakapaligid sakanya?'
"Apo Uriel,tama ka rin na nakakabasa ako ng isipan ng ibang tao."Nakangiting sabi ni lola.
"Isang daang araw lang pala pwede ko siyang makasama at sa ika isan-daang araw ng hapon na iyon ay tuluyan niya na akong nilisan at bumalik na siya sa kalangitan."saad ni lola."Pero bago siya umalis ay binigyan niya ako ng kakayahang makabasa ng isip ng ibang tao upang alam ko daw kung may masama ba itong balak sa akin o kung ano ang iniisip nila."
"Nalungkot ako ng lumisan siya pero ng gabi ding iyon kung saan ay wala na siya sa tabi ko ay napanaginipan ko siya,Sinasabi niya sa panaginip ko kung gaano niya ako ka mahal at dapat ay huwag daw akong iiyak at sa tuwing mamimiss ko raw siya ay tumingin lamang ako sa kalangitan at doon makikita ko ang nakangiting mukha niya at makakausap pa siya kahit na hindi na kami magkalapit pa. "Dagdag pa ni lola.
Kami naman ni Erika ay seryoso lang sa pakikinig."Nang sumunod na araw kung saan miss na miss kona siya sinunod ko ang sabi niya sakin sa panaginip na tumingin ako sa kalangitan at ginawa ko nga at doon napagtanto kong totoo talaga ang sinabi niya dahil naroon ang imahe ng mukha niya sa mga ulap nakangiti sakin at kinakamusta ako kung kaya't magmula noon palagi na akong nakatambay sa itaas ng bahay na ito kung saan kitang-kita ko siya at nakakapag-usap kaming dalawa kahit na magkalayo pa."
"At hanggang ngayon ay nangyayari pa rin iyon,nagagawa pa rin naming hanggang ngayon ang mag-usap sa paraan ng pag tingin ko sa kalangitan."Huminto muna si lola sa pag kwento mukhang pagod na siya pero itinuloy niya pa rin.
"At kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin ako dahil pinoprotektahan niya ako at hindi ko pa raw oras iyon dahil marami pa akong kamag-anak na maiiwanan dito sa lupa at kung sakali man ngang mangyari na mawala na ako magiging masaya ako dahil makakasama kona siya,Walang Hanggan."Nalungkot ako sa sinabi ni lola at kusa na lang tumulo ang mga luha ko napatingin ako kay Erika dahil sa naramdaman kong may tubig na tumulo sa may braso ko kung saan nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.Umiiyak rin siya habang nakatingin kay lola.
"Parang ang sakit lola ganun ang nangyari sainyo dati."Umiiyak na saad ko kasi hindi ko talaga alam kung kapag nangyari sakin yun ay kakayanin ko pa ba?
"Masakit?Oo masakit nga apo pero sa una lang iyon ng iwanan niya ako dito pero hindi ko aakalaing kahit magkalayo kami ay makakausap at mapapanaginipan ko pa rin siya." Nakangiting saad ni lola sabay hawak sa maliit na picture frame kung saan naroon ang larawan nilang pareho ng lalaking anghel na naging nobyo niya.
"Pero nag-asawa pa rin po kayo lola ng tao kahit nakakausap mo naman ang Anghel na naging boyfriend mo,Minahal mo rin po ba ang lolo ni sissy Brianna?" Tanong ni Erika,Parang bigla akong nasaktan sa huling tanong ni Erika kay lola kung minahal rin ba ni lola ang lolo ko.
Natatakot ako sa sagot niya na baka sabihin niyang hindi niya minahal si lola.
"Oo apo,Nakakausap ko ang minamahal kong anghel subalit sa paglisan niya saakin umuwi ang mga magulang ko at may kasama ng lalaki na ipinagkasundong ipakasal kaming dalawa ng mga magulang namin at iyon ang lolo ni Uriel,Noong una hindi ko matanggap."Saad ni lola kaya agad akong napaangat ng tingin sakanya na may luha pa sa mga mata.
"Hindi ko matanggap kasi may minamahal na ako ngunit ng dahil rin sa anghel na minamahal ko ay unti-unti kong natanggap ang pagmamahal ng lolo niyo.Hanggang sa minahal ko na ngang tuluyan ang lolo niyo at nagkaroon kami ng kaisa-isang anak ang mama ni Uriel."Nakangiting aniya lola Cora.
"Alam rin ng lolo niyo na may naging kasintahan akong isang anghel." Dagdag pa ni lola kaya nakatinginan kami ni Erika.
"Really lola?What his reaction po after na malaman niya?" Tanong ni Erika.
"Hindi siya nagalit bagkus ay tanggap niya at dahil doon nakita niya ang anghel na tinutukoy ko at naging kaibigan ito kahit na sa mga ulap lamang namin ang anghel nakikita at nakakausap,Simula noon palagi kaming magkasama ng lolo niyo sa tuwing kinakausap namin ang anghel na naging kasintahan ko. "Nakangiting lintaya ni lola Cora kaya napangiti ako at pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"Wow hindi si lolo nagalit." manghang sabi ni Erika."Dahil ang puso niya ay puno ng pag-uunawa at pagmamahal." Nakangiting sambit ni lola.
"Naalala kona kinuwento niyo na ito saamin pero hindi talaga na mention yung girl which is ikaw pala lola!" Tuwang-tuwang aniya Erika.
Maski rin naman ako ay masaya na malaman ang buong kwento ni lola.
Biglang tumingin saakin si lola kaya ngumiti ulit ako sakanya.
"Apo Erika,May nagugustuhan kang lalaki hindi ba?" Saad ni lola saka ibinaling ang mga tingin kay Erika na kanina ay nasa akin lang.
"P-po" Utal na gulat na sabi ni Erika.
"Matagal ka ng may gusto sakanya ngunit itinatanggi mo lang." nakangiting dagdag pa ni lola.
'Si Harley po yan lola.'
"Huwag mo nang sungitan at itaboy ang lalaking iyan iha apo dahil mahal na mahal ka niyan."Nakangiting sabi ni lola kay Erika napatulala na lang si Erika kay lola dahil sa sinabi nito.
Biglang binaling na naman ni lola ang paningin niya saakin.
"Uriel,apo."Biglang tawag ni lola.
"Bakit po?"
"Ang anghel ay malapit lamang saiyo,apo ko Uriel." Nakangiting saad ni lola kaya bigla akong kinilabutan dahil sa mga ngiti niya na animo'y paniguradong-panigurado siya sa sinasabi niya.Gulat akong tumingin sakanya pero kita ko sa mga mata niya ang kasiguraduhan sa sinasabi niya.
To be continued.