Chereads / To Love Is To Die (Tagalog) / Chapter 10 - Chapter Nine: Great Pretender

Chapter 10 - Chapter Nine: Great Pretender

Sean Kirby's POV

K I N A G A B I H A N

Kinagabihan ay kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa kaharap ng kamang hinihigaan ko. Nakayakap siya sakanyang sarili habang nakatingin saakin, I saw how concerned she is on me.

Nakakailang nga eh. Kanina pa siya nakatingin sakin.

"What are you looking at?" Takang sabi ko, Umiling siya

"Naaawa lang po kasi ako sainyo" Aniya at ngumuso

"Don't be, Alexa" Saad ko't nag-iwas ng tingin. Minutes later, I heard someone sobbing, kaagad ko siyang binalingan muli ng tingin and then my eyes widen when I saw her crying "W-Why are you crying, Alexa?"

"K-Kasi, Sir. A-Ang tapang niyo," aniya habang umiiyak, napakunot naman ang noo ko "Sabi n-niyo nung bata kayo walang nanjan para alagaan ka s-sa mga oras na nagkakasakit ka"

Hindi ako nakasagot, Nakatingin lang ako sakanya.

"Huhu. Sir, Kaya s-siguro ganyan kayo kasungit" Sabi niya "P-Pero sir kahit ganyan kayo kasungit, N-Naiintindihan ko kayo"

"Huh?" Takang sabi ko

"S-Siguro marami kayong problema sa buhay kaya di niyo na kinakayang dalhin.." Saad niya

"Then?"

"Sa i-ibang tao niyo naibubuntong a-ang iba" She said while crying, I gulped with that

She's right. Hindi ko na kinakaya ang mga problema.

"T-Thanks" Sagot ko't naramdaman nalang ang paglapad ng aking mga labi.. This is weird, Super weird!

"Andito lang ako, S-Sir. Kung may problema ka, Nandito lang ako para makinig" Aniya tsaka humiga sa sofa, Nanatili paring nakapako saakin ang kanyang tingin

"I'm not used to it. Except on my cousin, Siya lang ang napagsasabihan ko ng mga problema, All my life" Saad ko

"Edi isama niyo din ako, Sir. All your life" Sabi niya dahilan upang mapailing-iling ako "Alam mo, Sir. Napansin ko, Karamihan sa mga mayayaman eh andami-daming problema"

"Hindi naman nauubusan kahit mahihirap eh, Problem and Pain is always a part of our life, Alexa" Sabi ko

"Pero bakit kami, Sir, Wala naman kaming pinoproblema sa buhay namin. Simple at maayos kami" Aniya "Kasi, Sir. Ang tao lang naman ang gumagawa ng problema, People does overthink and when they're full.. Sasabog sila't mapupuno ng problema ang isipan"

"It's not just the people, It's the atmosphere, Alexa" Sagot ko "You will never overthink when your atmosphere is filled of joy and contentment. In my case, My atmosphere is filled of selfishness and a heartless people"

"If your atmosphere is filled with that, Then change yourself. Be unique, Sir. You don't need to follow them, You are you, Be authentic" Saad niya

"How to be an authentic one when I used to be a great pretender.. All the time" I said then tears started to form into my eyes

"Hala, Sir. B-Bakit ka nagpapanggap?" Tanong niya

"It is the part of me.. Kapag hindi ako nagpanggap, Matatalo ako ng kalungkutan" Sabi ko

"You're wrong, Sir. Definitely, wrong" Saad niya't naupo "Once you started to be true to yourself, Hinding hindi ka matatalo ng kalungkutan, Swear. Masaya iyon. Maluwang sa pakiramdam"

"I never been free, Alexa" Sagot ko

"You should try to be, Sir" Sagot niya at napanguso "Noon, Akala ko kapag marangya ang buhay mo, May kaya ka'y masaya ka.. Pero hindi pala. I mean, Look at you.. Those business man, I can never seen any sign that they're happy from what they had.. They're all in pain.."

I nodded.

"That's what I wanted to say" I said while my face saddened "In our case, You can never had the chance to have what you really wanted to be. You are under control, You're like a robot programed to follow the creator's command.."

"So? Robot ka, Sir?" Takang aniya dahilan upang matawa ako. What the heck?

"Ano bang nakikita mo?"

"Gwapong tao" Aniya, I nodded while smiling

"Tss" I said

"Alam mo, Sir. Hindi ka lang gwapo eh nuh? Matapang ka rin pala" Saad niya, Hindi naman ako sumagot at nanatili lang nakatingin sakanya. Parang tumatalon talon ang puso ko sa loob ng aking dibdib- What?

Napatingin siya sa wall clock.

"Ay, Sir. Gabi na pala, Matulog na po kayo. Kung nagugutom ulit kayo, Sabihan niyo lang ako. Kukuhanan ko kayo ng makakain doon, Okay?" Aniya, Tumango-tango nalang ako't pineke ang aking pagtulog

Pinatay niya na nga ang ilaw at tanging ang lampshade lang ang itinira.

Maya maya pa'y naramdaman ko nalang na may nag-ayos ng kumot ko't may kung anong pumapasada saaking buhok.

"Mawawala din ang mga problema mo, Sir. Tiwala lang" Aniya at tumigil sa pagpasada saaking buhok

*EEENNNKKK*

Narinig ko pa ang pagbukas ng pintuan, Senyales na lumabas siya.

Alexa Rainne's POV

Kasalukuyan akong lumalakad sa dalampasigan, Habang ang malakas na hangin ay umiihip saakin.. Hindi ko mapigilan na yakapin ang aking sarili.

Maliwanag dito. Maraming ilaw ang nakasindi sa gilid, At ang dagat na nakakakalmang tignan. Bawat pagpalo nito sa pampang ay siyang pagkawala ng iyong mga naiisip.

Sa isang banda, Palaisipan saakin.

Bakit pinili ni sir na magtungo rito't siya lang ang mag isa? Nakakaawang nilalang.

Nasaan na kaya ang mga magulang niya?

Mga kaibigan?

Kapatid?

Pamilya?

Naupo ako sa buhangin, Habang nakapako parin ang titig sa alon'g humahampas sa pampang.

"Ikaw, Buhangin? May alam ka ba tungkol sa pamilya ni Sir?" Takang tanong ko sa kulay puti na may pagkabrown na buhangin. Napatitig ako sa ulap kung saan naroon ang bilog na bilog na buwan at nagniningning na mga bituin "Eh kayo, May alam ba kayo??"

"Don't waste your time asking somethings about me nor to my family.. 'Cause no one knows how much I suffered, Alexa. No one" Anang baritonong boses na alam na alam ko kung kanino nanggaling, Nanigas naman ako sa kinauupuan ko

Hindi ba't tulog na yang si Sir?

Nilingon ko siya.. Halos manlaki ang aking mga mata ng makitang nakatayo siya saaking gilid.

"O-Oh, Sir. Hindi ba't tulog k-ka na kanina?" Takang sabi ko

"Bakit ka lumabas ng cabin?" Takang tanong niya habang malamig ang mga matang nakabaling saakin

"Cabin? Cabinet?" Takang sabi ko. Ano ang cabin? Cabinet ba? Pero teka, Hindi naman ako nagtungo sa cabinet ah!

Naupo siya saaking tabi.

"Nevermind" Aniya at tsaka pinasadahan ng tingin ang dagat

"Sir, Bawal ka dito. Malamig oh!"

"This is mine. Everything is mine" Aniya, Napailing-iling naman ako

"Sir, May sakit ka ho. Bawal kang mahamugan" Saad ko

"Don't worry about me, Alexa" Saad niya sa malamig na tono ng pananalita "I'm okay.."

"No, You're not, Sir" saad ko, Saglit siyang natigilan bago ako muling nilingon. He's staring at me with his eyes filled of questions

"Why are you like this to me, Alexa? Tell me? I mean, After what I've done to you-"

"Concerned ako sayo, Sir" Saad ko, Hindi siya gumalaw. Ganoon parin siya "Sa nakikita ko.. Walang nanjan para alagaan ka"

"Bakit? Aalagaan mo ba ko kung wala?" Tanong niya

"Oo naman" Walang hesitasyong saad ko. Napalunok siya

"Tell me, Why?" Takang sabi niya

"Ganito ho talaga ako, Sir. Lahat ng taong may kailangan, Tinutulungan ko. Tsaka wala sakin yung nagawa niyo nuh, Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob" Saad ko

"Buti ka pa," Aniya't nag-iwas ng tingin "Ang ibang tao kasing nagawan ko ng masama ay puros paghihiganti ang nasa isip.. They're not like you, Alexa. They aren't understand me.."

"Well, I understand you, Sir" Sagot ko

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa dalampasigan.

Nagtaas naman ako ng tingin sa kalangitan.

"Marami na kong napatalsik na trabahante," Saad niya habang ako'y nakatingin parin sa kalangitan "But I really don't know why am I chasing you.. Chasing a girl like you"

"Huh?" Takang sabi ko ng muli akong mapabaling sakanya, He's now smiling michieviously "H-Hinahabol mo ko, Sir?"

"Yeah. After I fired you, Nagsimula na akong sundan ka, Alexa" sabi ko "I even felt guilty.."

"Hala, Sir. Ang creepy, huh" Saad ko

"I guess it's creepy.. HAHAHAHA" Natigilan naman ako ng tumawa siya

"Nakanangs, Sir. Tumatawa ka na, ah" I said while grinning playfully, He shook his head while the genuine smile didn't disappear on his lips

"Ang sarap pala sa pakiramdam na maging masaya.. Kahit saglit lang" Saad niya habang nakangiti parin, Kumislap ang kanyang mga mata. Nagbabadyang namumuo na ang mga luha sa mga ito

"Oo naman, Sir. Sobrang sarap maging masaya" Saad ko

"Sana palagi akong ganito.." Aniya

"Ikaw lang naman ang magaapply niyan sa sarili mo, Sir" Sabi ko "Alam mo, Sir, Nung nag apply ako sainyo natakot ako.. Eh kasi naman, Ang sungit sungit niyo"

Tumawa siya ngunit di sumagot.

"Pero ngayon, Ibang sir sean ang nakikita ko" Sabi ko habang nakangiti "You look so happy, Sir. Masaya din ako para sayo"

Tuluyan na ngang naglandas ang kanyang mga luha, Nakangiti parin siya. Kinagat niya ang kanyang pang ibabang labi.

"N-Ngayon lang kasi ako nagkaron ng taong nanjan para alagaan at intindihin ako.. You know, Even my parents didn't know what to do" He said and then he vow his head

"Naiintindihan ka rin nila, Sir. Hindi mo lang mapansin kasi siguro napuno ng galit ang puso mo" Saad ko, Nanatili parin siyang nakayuko "Ako din dati ay ganyan.. Busy sila mama sa trabaho, Kala ko wala silang pakialam sakin.. Pero nung bisitahin ko sila doon, Ako ang bukambibig nila kada sisitahin sila ng mga kasama nila na tumigil na dahil masyado na silang pagod.."

Natigilan siya ng dahil don.

"Dun ko napagtanto na para sakin din pala iyong ginagawa nila.. Hindi ko lang nakikita dahil nilamon na ako ng mga iniisip ko" Sabi ko at ngumuso "Kaya ngayon, Lumuwas ako ng maynila para maghanap ng trabaho't suklian ang mga paghihirap nila"

Nag-angat siya ng tingin. Wala na ang ngiti doon at tanging puro sakit nalang ang mababakas dito.

"I-I'm sorry if I fired you.." Saad niya, Umiling ako't ngumiti

"Ayos lang yun, Sir. Naging friends naman tayo eh" Sabi ko at kumindat, Muli siyang natawa

"Friends? We're friends now?" Takang aniya habang tatawa tawa

"Oo, Sir. Friends na tayo!" Sabi ko

"Hays. Thankyou for being my friend" Aniya at biglang hinawakan ang kamay ko't pinisl iyon "Pwede bang bumalik ka nalang sakin.. Sa kumpanya"

Napakamot ako saaking ulo.

"Nako, Sir. Katatanggap ko lang sa trabaho doon sa pinagtatrabahuhan ni Radge eh" Sabi ko, Nangunot naman ang kanyang noo

"Pinagtatrabahuhan?" Takang aniya

"Oo, Sir. Doon sa San Agustin-"

"He's the owner, Alexa" Sabi niya "Siya ang kauna-unahang kalaban ko sa larangan ng pagpapatakbo ng kumpanya"

"H-Huh? Nako, Sir. Trabahante lang siya doon-"

"No. He owneds that, Swear" Sabi niya pa sa seryosong emosyon

"Pano nangyare yun? Sabi niya sakin doon daw siya nagtatrabaho.. Tapos yung may ari eh pangalan ay-"

"William Morfel, Right?" Takang aniya habang nakahawak parin sa kamay ko, Kaagad akong napatango

"Oo, Sir! Oo! Siya nga! Galing, Pano mo nalaman yun, Sir? Stalker ka nuh?" Takang sabi ko, Umiling siya

"Kaibigan ni Radge si William and I guess Radge ask his friend to be an acting CEO" He said very serious, I blinked my eyes in disbelief

"P-Paanong-"

"I don't know, Alexa. Tanungin mo nalang siya" saad nito tsaka muling pinisil ang kamay ko't inaya na akong tumayo "Tara na, Matulog na tayo. Masyado nang mahamog dito, Gabi na rin. Maaga ka pa bukas"

"A-Ahh. Hindi na muna ako papasok bukas, Sir. Babantayan pa kita eh" Sabi ko, Umiling siya

Sabay kaming naglalakad dito sa dalampasigan, Nakahawak parin siya saaking kamay.

"Pumasok ka na bukas. Kaya ko na ang sarili ko" Bulong niya sa kawalan

"Hala, Sir. Kapag may nangyare sainyong masama, Ako ang responsable.. Kaya di nalang ako papasok" Pinisil niya ang kamay ko't nagtataka akong nilingon

"Hindi mo ako responsibilidad, Alexa" Saad niya. Umiling ako

"Sir, Tatanungin nila kung sino ang huli mong kasama and then chada! Ako ang mayayare kapag nagkataon-"

"Pumasok ka na. Sanay akong mag isa" Sabi niya "You have your own life, Alexa. Hindi mo ako kargo"

"Pero kaibigan kita, Sir. At ang magkaibigan, Nagdadamayan" Saad ko upang matigil na siya sa pag-iisip ng kung ano

~To be continued~

***

A/N: Available din po ang story'ng to sa wattpad, Keysiiipot po ang pangalan ko doon. paview nalang po. maraming salamat!!!!