Chereads / To Love Is To Die (Tagalog) / Chapter 2 - Chapter One: Ignorant Girl

Chapter 2 - Chapter One: Ignorant Girl

Sean Kirby's POV

"Bakit hindi ka makababa??" I asked confusedly

"Hindi ko po alam, Sir" Takang aniya at iginala ang paningin sa kabuuan ng aking sasakyan

"What the heck! Malelate na ko sa meeting!" I hissed

"Eh, Sir. Paano po ba 'to" Aniya

I clenched my jaw and balled my fist in anger. Nang makita kong nakapulupot parin pala sakanya ang seatbelt na nagiging sanhi upang hindi siya makababa sa aking sasakyan ay agad agad kong tinanggal yun at mabilis siyang hinawakan sakanyang pulsuhan tsaka hinila papalabas.

"You know what, You're making my head cracked for real. Tss, You're-" Hindi ko na natuloy ang isang bagay na gusto ko pang sabihin ng makitang nanunubig na ang kanyang mga mata. I just wanted to say 'You're fired' as simple as that but why do there's something blocking me to say those words. "You're.. You're an Ignorant Girl! Damn it! Damn!"

Imbis na 'You're fired' ang aking sasabihin ay 'You're an Ignorant Girl' nalang ang aking nasabi. What the heck! Ano bang nangyayare sakin.

Mabilis siyang napayuko.

"S-Sorry, Sir" Garalgal na boses na aniya

*SIGHS*

I took a deep breath.

"Let's go. I'm almost late, Damn" Walang emosyong sabi ko't tinalikuran na siya't naglakad na papasok ng hotel

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa hotel ay kaagad na nagsiyukuan ang mga gwardiyang nakaduty roon at magalang na bumati sakin. and like what I'm always doing.. I ignored them.

Nang marating ko ang tapat ng elevator ay kaagad kong nakita ang repleksyon ni Alexa sa pintuan ng elevator. Saglit pa kong naghintay na bumukas ang elevator. I took a glance on my wrist watch at tanging pagkagat nalang sa pang ibabang labi ang aking nagawa. I'm 5 minutes late. Damn.

*TING TING*

Nang bumukas ang elevator ay kaagad na akong pumasok roon, Sumunod naman ang sekretarya kong ignorante na nakayuko parin hanggang ngayon. Dahil nga ignorante ang isang 'to ay ako na ang pumindot ng button dito sa elevator.

Maya maya lang...

Maya maya lang ay narating na nga namin ang floor na pagdadausan ng meeting, Pagkarating na pagkarating namin roon ay mabilis akong lumakad papalabas at nagtuloy pa ulit sa paglalakad hanggang sa marating ko ang front desk.

"Excuse me-" Hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ng magsalita na ang receptionist na nakaduty roon

"A-Ahm. Mr. Ongsee, Right?" Aniya, I nodded in instance "This way po, Kasisimula palang po ng meeting"

Hindi na ako sumagot at tumango-tango nalang. Bahagya kong nilingon ang gawi ni Alexa at ganun parin siya hanggang ngayon dahilan upang mapailing-iling ako. Tss.

'Amuhin mo. Kausapin mo.' Anang boses mula sa aking isipin dahilan upang bahagya kong ipilit ang aking ulo

Damn. Why would I do that? Kasalanan niya naman yun, nuh. Deserve niyang matanggap ang mga salitang yun. Buti nga't mabait ako't hindi ko siya sinisante.

I simply shook my head before I walked towards the door that the receptionist pointed out. Nang marating ko ang pintong yun ay may gwardiyang nakabantay roon, Binati niya ko't pinagbuksan ng pintuan.

Nang umapak ang mga paa ko sa loob ng kwartong 'to ay natigilan ang lahat at sabay-sabay na tumayo't nagvow.

"Excuse me, Bawal po ang unit owners dito" Rinig kong ani ng guard kung kaya't napabaling ako roon at tama nga ang hinala kong hinarang ng gwardiya si Alexa

"She's my secretary, Let her in" I said emotionless, Napakurap-kurap naman ang gwardiya bago niya padaanin si Alexa dito sa loob

Ganun parin siya hanggang ngayon, Nakayuko't hindi ako magawang titigan gaya ng ginawa niya kanina. Tss. Ano bang problema ng isang 'to, Naiinis na ko ah.

"Mr. Ongsee, Have a seat" Ani ng isang sekritaryang lumapit sakin at iginiya ako papaupo sa gitnang bahaging upuan

Nagsiupuan naman ang mga kabusiness meeting ko at pekeng nagsipagngitian sakin. Tss. Mga peke.

Saglit ko pang nilingon ang direksyon ni Alexa ngunit wala na siya doon dahil nakaupo na pala siya sa gilid kasama ang iba pang sekritarya.

"Simulan niyo na" I commanded

Alexa Rainne's POV

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa gilid kasama ang babae't lalaking sekritarya rin siguro ng mga business man na ito.

Nakayuko parin ako. Hindi ko kasi makalimutan yung sinabi sakin ni Sir Sean kanina sa parking lot. Grabe naman siya maka-ignorant girl. Porke ba first time kong makasakay sa ganoong sasakyan eh gaganunin niya na ko.

Ang sakit kaya nun sa heart.

"Okay. Cut that" Rinig kong ani ni Sir Sean "What if I don't want to associate with you? Pwede ba yun?"

Nang dahil sa narinig ko'y mabilis akong napaayos ng upo't napatingin sa direksyon ng boss ko. Halos nakaawang na ang mga bibig ng mga kabusiness meeting niya ng dahil sa narinig.

"A-Ahh. Okay l-lang naman po iyon, Mr. Ongsee. Ang sakin lang kung hindi natin pagsasaluhin ang ating kumpanya ay pareho tayong malulugi-" Hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin ng biglaang tumayo si Sir Sean

"Speaking of malulugi. Wag na wag mo kong idadamay sa pagkalugi mo dahil kung may malulugi man sating dalawa, Ikaw yun at hindi ako" After that he walked out

*BLINK BLINK*

Napakurap-kurap naman ako sa kawalan. Hala, Grabe naman. Ang sakit namang magsalita ng boss ko, Oo!

Agad agad akong tumayo at lumapit sa mga business man na kasalukuyan ng naiiling-iling.

"Ang batang 'yun. Bakit ba napakatigas ng kanyang ulo't napakabastos" Reklamo nila "May araw din ang batang yan, Once na mainlove yan..Siguradong babagsak ang kumpanya nila't pati siya'y babagsak sa hukay. Ako na ang nagsasabi"

Bahagya naman akong natigilan ng dahil sa narinig ngunit ipinakalma rin ang aking sarili ng kalaunan.

"A-Ahh. Sir, Sorry po sa inasal ng amo ko, ah" Sabat ko dahilan upang mapalingon silang lahat saakin, Dahan-dahan silang napatango-tango

"Hindi na bago yun, Iha- Oh teka, Sino ka?" Takang ani ng lalaking nagrereklamo segundo lang ang nakalipas

"S-Secretary niya po ako" Sagot ko

"Oh. I see" Tatango-tangong aniya

"Ahh, Sige po. Una na po ako" Sabi ko't hindi na hinintay ang sagot nila dahil dali-dali na kong lumabas ng opisinang yun

Pagkalabas na pagkalabas ko'y nalula ako sa aking nakita. Woah! Ang ganda- Pero mabilis ding nilukob ng takot at kaba ang loob ko ng hindi siya makita rito.

'Hala, San naman kaya nagpunta yun si Sir!!!'

Napapakamot sa ulong iginala ko ang aking paningin sa kabuuan nitong floor na 'to, Ngunit hindi iyon kaya ng aking mga mata dahil nalulula ako sa mga gamit- magagarbong gamit na nandirito. Jusko, napakayaman naman ng may-ari nito.

"Ahh, Miss?" Boses ng kung sino kung kaya't mabilis kong hinanap ang pinagmulan nun, Huminto naman ang aking titig sa isang sexy't magandang babae na grabe kung makangiti saakin. Ginantihan ko siya ng ngiti

"Hello. hehehehe" Sabi ko

"Sino pong hinahanap niyo?" Takang aniya, Napakamot naman ako sa aking noo

"Ahh, Yung boss ko hehehe. Nakita mo ba siya?" Takang sabi ko

"Ahm. Ano pong pangalan ng boss niyo?"

"Sean Kirby-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magvibrate ang cellphone kong keypad na nakalagay sa bulsa ng pants na suot suot ko

*BRIZK BRIZK*

Kaagad akong nagpaalam sa babae bago kinuha ang telepono. Nang makuha ko iyon sa aking bulsa ay nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng babae at ang dahan-dahang pagrihistro ng nakalolokong pagngisi sakanyang labi.

Hayys, Nasa maynila nga pala ako. Ano pa bang aasahan ko, Lubos na mapanghusga ang mga tao dito sa pinas.

Pero hindi ko nalang siya pinansin, Wala namang patutunguhan kung papatulan ko pa. Tinignan ko muna kung sino ang tumatawag at napaawang ang bibig ng makitang 'unknown number' 'yon.

Dahil sa kabang nararamdaman ay sinagot ko nalang iyon. Baka kasi isa sa malapit kong kaibigan na nagpalit ng sim card, diba?

"H-Hello-" Hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko ng magsalita na ang kung sino sa kabilang linya

"I'm leaving. Magtaxi ka nalang pauwi" Anang sabi ng pamilyar na boses

"Ha? Hello? Sino po kayo?"

"Your fucking boss, Idiot!" Aniya kung kaya't nakilala ko na siya.. Walang iba kundi si Sir Sean na mahilig magsabi ng 'idiot'. Hayys, Ano kaya kung itawag ko dito ay Mr. Idiot? Whews, Bagay!

"O-Oh, Sir. Bakit mo ko iniwan dito, Hindi ko gamay ang maynila. Baguhan palang po ako dito" Nakangusong sabi ko

"Use your phone gps then" He commanded, I blinked. GPS? Hindi ba't yun ang ginagamit ng karamihan para matrack ang location.. Pero sa touchscreen lang yun, ah

Paktay, Nakakeypad lang ako. thirty-two-ten pa nga eh slash nokia.

"Hey, I'll hang up the call" He said

"S-Sir, Wait. Wala akong gps" Sabi ko, Narinig ko naman ang pagbungisngis ng kung sino kung kaya't napalingon ako sa pinanggalingan niyon. Agad kong nakita yung babaeng sexy't maganda na kumausap sakin kanina na bumubungisngis habang nandoon sa front desk.. So, Receptionist siya?

"What?!! Where the heck are you from??! Damn, Nanggaling ka ba sa bundok, Ha?!" He hissed

Kumalabog ang puso ko ng dahil sakanyang sinabi. Grabe, Below the belt na 'tong sinasabi niya ah. Ayoko na. Ansakit sakit na.

~TUT TUT TUT~

Dahil nasasaktan na ko sa sinasabi niya ay ibinaba ko na ang linya. Ayoko na, Masyado ng masakit ang mga salitang binibitawan niya.

*BRIZK BRIZK*

Muling nagvibrate ang cellphone ko at nang sipatin ko iyon ay hindi iyon tawag kundi isang text message.

-UNKNOWN NUMBER

You're fired.

Gumuho ang mundo ko ng dahil sa nabasa. Grabe, Wala pa nga kong 24hrs sa pagiging sekritarya niya tapos sisisantehin niya kaagad ako. Aba, Napakasama naman talaga nitong lalaking 'to, Ano?

Sean Kirby's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa couch dito sa aming salas while my mom and dad is currently pestering me.

"Ano 'tong naririnig kong bali-balita, Sean? You declined the offers?" My Mom said with her frustrated tone voice

I rested my bareback at the back of this couch and gently gazed at them.

"Why?" I asked, Their brows furrowed

"You declined it! You threw the opportunity!" My Dad hissed

"So?" I said sarcastically

"What the fuck is wrong with you?" Si Daddy

"Oh. Ako ba ang may mali rito.. Oh kayo?" Sarkastikong sabi ko't dahan-dahang tumayo "Tandaan niyo, Una palang sinabi ko ng hindi ako interesado sa kahit na anong kumpanya o kahit na anong negosyong pinapatakbo niyo. But the both of you insisted and forced me to manage your fucking company that I didn't want to.. Tapos ngayon ako ang sisisihin niyo??"

*PAK PAK*

Hindi na ko magugulat pa. My mom slapped me, really hard. Tss, Ano pa bang bago? Ganito naman sila eh, Kapag hindi ko nagagawa ang gusto nila.. They will hurt me not only emotionally.. but also physically.

"Kung gusto niyong umayos at lumago ang pinakamamahal niyong kumpanya.. Then fucking manage it by yourselves and not pestered me. Damn" I said calmly but more on sounds like angry before I walked upstairs

Nang makaakyat na ko sa taas ay mabilis kong tinungo ang aking kwarto't pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad akong naupo sa sofa'ng nakalagay sa gilid at marahang kinuha ang aking cellphone na inilagay ko sa aking bulsa.

Napakunot ang noo ko ng makitang hindi parin nagrereply ang ignoranteng babaeng yun. Napakurap-kurap din ako ng makita ang itinext ko sakanya.. You're fired.

Ibinaba ko ang cellphone ko sa sofang kinauupuan ko at biglang napahilamos gamit ang aking mga palad. Frustration is coating my whole system for an unknown reason.

I don't know why. Hindi ako napufrustrate dahil sa pinagalitan o sinampal ako ng mga magulang ko.. Napufrustrate ako dahil.. dahil.. DAHIL SINESANTE KO SIYA!!!!

Damn. Bakit kailangan kong mafrustrate?

Sa dinami-rami ng mga empleyadong sinesante ko, Bakit ngayon lang ako nakonseniya't nakaramdam ng awa??

What the heck! No way! Hindi ako naaawa sakanya, nuh. Bakit naman ako maaawa sa babaeng yun eh baka mamaya nagkukunware lang yung ignorante tapos hindi naman pala dahil ang gusto lang ay makahuthut ng pera mula saakin. Tss.

At ano iyong ginawa niya kanina? Binabaan niya ko ng telepono? Oo, tama. Binabaan niya ko na talaga namang nakakapagpainis sakin.

Walang pang gumanito saakin noon maliban sakanya. Wala pa. Tss, Anlakas naman ng loob niyang babaan ang isang tulad ko ng telepono. Ako lang ang dapat na gumagawa nun. Ako lang at wala ng iba pa.

She will pay for this. She will.

~To be continued~