Chapter 2 - two

ALTNF

Ben Cariaga's POV

"Babi, babi babi babi, papunta sila rito! Anong gagawin natin?" Sabi ni Kristal habang hindi siya mapakali.

Tumingin ako sa kanya, "E-ewan ko, magtatago ba tayo? Dito kaya sa ilalim ng papag?" I asked her.

Napaisip siya saglit, then suddenly, she sigh. "Wag na kaya tayong magtago? I mean, pwede namang magpakita na lang tayo sa kanila, 'diba? Para malaman nila na hindi tayo multo." Sabi nya.

I pout, "Eeeh, ayoko muna magpakita sa kanila! Feeling ko ang awkward! Tago muna tayo, please?" Sabi ko naman sa kanya.

Eh kasi naman, parang ang haggard haggard ko ngayon! Tsaka nakakahiya kay kuyang pogi no. Isipin niya ang creepy ko kasi nakatitig ako sa kanina. Hay nako.

Agad kaming bumaba ni Kristal ng papag at tahimik kaming nagtago sa ilalim nito. Oo, para kaming baliw na dalawa rito dahil may patago-tago pa kaming nalalaman. Pano kasi.

"'Wag tayong maingay. Para isipin nila na walang tao rito." Sabi ni Kristal.

"Wait, paano kung magtaka sila at ma-curious sa nakita nila rito? Tapos sirain nila tong bahay namin?" I gasped, "Naku Kristal, hindi pwedeng mangyari 'yun!"

"Gagi, wag ka ngang OA! Hindi naman siguro darating sa point na 'yon, 'diba?" Sabi nya.

I just smiled creepily.

Maya-maya ay bigla kaming nakarinig ng katok mula sa pinto. Patay tayo dyan mga pards. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Kristal, bakit feeling ko zombie yung mga kumakatok? Para tayong nasa zombie apocalypse nito, nagtatago tayo dito eh, pwede bang magpakita na lang tayo at i-welcome natin sila?" Sabi ko.

She gave me frowning eyes, "Alam mo babi, siraulo ka. Ikaw 'tong nag-insist na magtago tayo kanina. Tapos ngayon binabawi mo na? Ano ba talagang gusto mong mangyari? Hay naku. Hayaan na lang natin sila. Aalis din yang mga yan mamaya." Sabi nya.

"Ewan ko ba, nandun kasi yung pogi eh. Parang nakakahiyang magpakita ng face!" Sabi ko.

"Para namang hindi nakita kanina eh, no?" Sabi naman nya.

Natigilan ako. Oo nga pala, nakita na nya kanina ang pangit kong pagmumukha.

Bigla ulit may kumatok sa pinto at this time, mas malakas na. Kaya kinabahan ako bigla.

"Kristal, bakit parang kinakabahan ako?"

"Wag kang oa babi." Sabi nya.

Maya-maya ay may sumigaw mulacsa labas.

"HOOOY! BUKSAN NYO TONG PINTO!"

Nagulat ako nang marinig ko ang gwapong boses ni kuya Japs sa may pintuan. Wait, si kuya Japs?

Bahagya kaming nagkatinginan ni Kristal at ako na ang naglakas-loob na tumayo para buksan ang pinto sa baba.

I saw kuya Japs' confused face.

"Bakit ka nag-lock ng pinto?" Tanong niya, at saka siya pumasok.

"Ahh, ehh, wala lang. Para kasing may mga tanod kanina. Baka i-raid bigla tong bahay natin." Palusot ko.

"At bakit ka naman naglock ng pinto? May tinatago ka ba?" Tanong nya.

I smiled guiltily, "Wala naman."

"Yun pala eh."

Maya-maya ay napansin kong bumaba na rin si Kristal at lumapit sa amin.

"H-hi, kuya Japs."

"Hi Kris. Totoo ba 'tong sinasabi ni babi na may papuntang mga tanod dito?" Tanong ni kuya kay Kristal.

I gave her meaningful look. Umoo ka. Umoo ka please.

"Hindi po. Nakita po kasi naming papalapit dito sa bahay yung bagong lipat diyan sa may tapat kaya bigla kaming napatago ni babi. Nahihiya daw po siyang magpakita ng mukha dahil masyadong pogi yung lalaki. Haha," sabi ni Kristal.

Sinamaan ko siya ng tingin. Wala kang kwentang kaibigan. Huhuhu.

Mabubuking din kita kay kuya. Soon.

Medyo napatawa naman si kuya.

"Kayo talaga. Sina Mang Tako 'yun. May hihiramin lang dito sa atin. Nakausap ko na siya." Sabi niya.

I sigh.

"Akala namin kung ano," Sabi ni Kristal.

Che!

"Eh ba't lahat sila papunta rito?" Tanong ko kay kuya.

"Wala naman daw. Parang may nakita raw silang something sa bintana. Pero inexplain ko na sa kanila na baka kayo 'yun." Sabi nya.

"Ahh ganun ba? Sige kuya, magpahinga ka na. May mga kinuha kaming mangga ni Kristal dyan. Baka raw gusto mo. Nagpatira talaga si Kristal para sa'yo dahil crush ka raw nya." Sabi ko kay kuya.

Napatingin naman sa akin si Kristal. She's giving me a meaningful look. I just raised my eyebrow.

"Ganun ba, salamat." Gwapong pagkakasabi ni kuya at pumasok na siya sa kwarto niya.

Sus, kilig na naman pwet nyan ni Kristal! Haha!

"A-ahm, o-oo nga pala, baka nag-aalburoto na naman si tatay, balik na ako sa bahay. B-balik na lang ako m-mamaya pag pinayagan ako. Bye!" Sabi ni Kristal at lumabas na siya ng bahay.

Napangiti na lang ako.

Sinundan ko si kuya sa kwarto niya at nakita ko naman siyang may hinahalungkat sa kanyang durabox.

"Anong hinahanap mo kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Yung tuxedo na ginamit ko sa prom. Hinihiram nung anak ni Mang Tako. Gagamitin daw sa fiesta." Sabi naman niya ng hindi ako nililingon.

"Got it. Buti na lang maayos pa 'to. Hehe," sabi niya. Isinara na nya ang durabox at tumayo na siya. At saka siya tumingin sa akin.

"Babi, labhan ko lang to saglit. May sasabihin ako sa'yo mamaya." Sabi nya.

Oo, babi rin ang tawag sa akin ni kuya. Cute raw kasi. Narinig kasi nya si Kristal na ganoon ang tawag sa akin kaya nakigaya na. H