Disyembre 32, 1850
"Senyorita, napansin kong kanina pa kayo tahimik. Maaari ko bang malaman kung ikaw ay may problema?"
"Wala, ginang. May gumugulo lamang sa aking isipan.." aking tugon habang ako ay patuloy na naka-tanaw sa aming dinadaanan.
Siya nga pala, naka-sakay kami ngayon ni Luzviminda sa kalesa patungo sa tahanan ng aking lola. Alas-dyis kami ng umaga umalis mula sa bahay, at malamang ay isang oras rin ang aabutin ng aming pag-lalakbay patungo doon.
"Tungkol ba kay Julio, senyorita?" nang kanyang bitiwan ang pangalan na yaon ay napa-pitlig ang aking ulo sa kanya, at akin siyang tinapunan ng mapanglaw na mga mata. Kasabay nang aking marahang pag-tango sa kanya.
Sa totoo lamang ay, kanina ko pa iniisip si Julio. Kanina pa siya gumagambala sa aking isipan lalo na tungkol sa aming naging usapan kagabi, matapos ko siyang nilisan doon sa lugar na iyon kagabi kung saan kami nag-usap. At hanggang ngayon ay, balot pa rin ako ng pag-aalala at kaba para sa kanyang gagawin. Ngunit gayunman ay, may saya rin akong nararamdaman mula sa aking kaibuturan dahil nakita ko mula sa kanya na tunay ngang gagawin niya ang lahat upang mag-patuloy ang pag-iibigan naming dalawa. Ngunit ako rin ay nanga-ngamba para sa aming dalawa, at dahil na rin sa aking kalagayan.
Napag-usapan kasi namin kagabi na itatakas niya ako sa pagsapit ng hating-gabi. Sapagkat napag-desisyunan ko na sumama na sa kanya at mamuhay na kasama siya. Ang ikina-babahala ko rin ay hindi iyon batid nila mamá at papá, sapagkat iyon ay inilihim ko sa kanila.
"Maaari ko bang malaman senyorita kung ano ang napag-usapan ninyo kagabi? Baka sakaling matulungan kita." ipinihit ko sandali ang aking ulo sa kanya. Sinuri naman niya ang aking mga mata.
"Ginang Luz, kapag sinabi ko ba sa iyo, maaari mo bang ipag-tapat sa akin na hindi mo ito ipag-sasabi kahit kanino?" sa katunayan ay panatag naman ang aking kalooban sa kanya, ngunit mas mainam na matiyak ko pa rin iyon kapag sinabi ko sa kanya ang aking nais. Nang sa gayon ay, wala akong alalahanin pa.
"Makaka-asa ka senyorita. Hindi ko ito ipag-sasabi kahit kanino man.." bahagya akong ngumiti sa kanya. Lumipas ang ilang segundo at akin namang ikinuwento sa kanya ang aming pinag-usapan ni Julio kagabi.
"Ginang Luz..sa totoo lamang po ay, pumayag na akong sumama sa kanya. Nang aming napag-usapan namin na itatakas niya ako pagsapit ng hatinggabi..." nasilayan ko ang pag-laki ng kanyang mga mata, sa pakiwari ko'y dahil siya'y nagulantang sa aking mga sinabi. Pagdaka'y, napa-tikom sandali ang kanyang bibig.
Sa pag-kakataon na iyon ay, hinawakan niya ako sa aking kamay. Ramdam ko ang pakikiramay niya sa'kin at lumamlam ang kanyang mga mata.
"Senyorita, kung sa tingin mo ay iyon ang maka-bubuti para sa pag-iibigan ninyong dalawa, batid kong walang masama doon.." ibinaba niya ang kanyang tingin sa aking mga kamay ng magkabila niyang hinawakan iyon. "Ngunit isang bagay lang ang ikina-babahala ko, alam kong malaking kasalanan ang bagay na gagawin ninyong iyon sa mga mata ng pamilya mo, lalo na sa mga pinuno ng ating bayan. Ano na lamang ang kanilang sasabihin kapag nalaman nila na ang isang marangyang babae na tulad mo ay sumama sa lalaking hamak na mahirap lamang ang buhay?"
Nauunawaan ko ang nais na ipahiwatig ni ginang Luz. Ngunit batid ko rin naman ang bagay na yaon. Bagaman ang aking mga magulang ay masaya at suportado sa bawat bagay na aking ginagawa, alam kong isang kataksilan at malaking kasalanan ang gagawin kong iyon lalo pa't hindi ko sa kanila ipina-batid. Sapagkat ayokong pag-hiwalayin kami nila Julio. Lalo na kung sakaling malaman pa iyon ng naka-tataas. Maaari pang bigyan ng kaparusahan si Julio dahil sa bagay na iyon hanggang sa hindi kami pag-tagpuin, at iyon ay lubos na hindi ko nais na mangyari.
Tungkol naman dito, sa totoo lang ay ipinagbabawal ang pagka-karoon ng relasyon ng isang mahirap na tao sa isang mayaman. Malaki ring ipinag-babawal ang tulad sa tagong relasyon namin ni Julio--ang pag-hawak ng kamay namin sa isa't-isa, ang pagti-tinginan ng ilang segundo ay ipinagbabawal rin. Sapagkat iyon ay maaaring maging ugat upang mahulog ang kanilang loob sa isa't-isa.
"Senyorita, narito na tayo." Itinigil ko ang pag-iisip ko nang malalim ng aking baliin iyon. Ipinukol ko naman ang aking atensyon sa isang bahay na nasa natatanaw ko ngayon sa aming harapan. At malamang ay, ito na rin ang bahay na gawa sa bato ni Lola Consolacion.
Maingat akong binaba ng kutsero mula sa aking kinauupuan sa loob ng kalesa, nang naunang bumaba si ginang Luz. Nang ako ay maka-baba na ay, siya namang ipinasok ng mga utusan ang aking mga dala-dalahan papasok sa loob ng bahay.
"Oh, Senyorita! Masaya ako't napa-rito muli kayo!" magiliw na pag-bungad sa akin ni Corazon, isa sa mga alila ni lola Consolacion. Lumapit siya sa akin at hinagkan niya ako ng mahigpit.
"Kumusta na po kayo, ginang Corazon?"
"Mabuti, senyorita!" bakas sa kanya ang masayang mukha. Kagyat naman naming tinapos ang aming pagya-yakapan.
"Maaari na ba kaming tumuloy ni senyorita sa loob?" pag-puputol ng pag-usapan namin ni ginang Luz.
"Ah, oo. Hala't pumasok na kayo sa loob, senyorita. Nag-hihintay na rin doon ang iyong lola Consolacion." nagka-tinginan muna kami ni ginang Luz, at napansin ko ang kanyang pag-iling. Marahil siguro ay, sa reaksyon ni ginang Corazon nang mag-kita kami muli.
Nanguna siya sa aming pag-lalakad. Hanggang sa kami ay naka-pasok na sa loob ng bahay. Habang ako'y nag-lalakad, hindi ko naman maalis ang aking mga paningin sa paligid.
Kung tutuusin ay, wala pa rin itong pinag-bago. Simple at payak lamang. May mga kasangkapan ng mahahaling muwebles, plorera na naka-pwesto sa bawat sulok, at ang larawan ng oleo na isang bulaklak na naka-sabit sa mga dingding.
"Donya Teresa, nandito na po si senyorita Serena." napa-baling ang aking atensyon kay ginang Corazon nang marinig ko ang pag-banggit niya sa aking pangalan.
Sa pagka-kataon na iyon ay bahagyang napa-uwang ang aking bibig nang aking masilayan si lola Consolacion na naka-upo sa silya niya na tumba-tumba, habang hawak-hawak niya ang kanyang tungkod sa kaliwang kamay niya.
"Apo! Sa wakas ay naka-uwi ka muli dito!" lumapit ako sa kanya at hinagkan ko naman siya ng mahigpit.
Halos ilang buwan na rin ang lumipas simula noong mag-kita kami ni lola Consolacion. At hindi ko pa rin nakakalimutan na noong una kaming ay, bakas ang saya sa kanyang kulubot ng mukha.
Matapos ang ilang segundo, siya naman akong kumalas ng aking pagka-kayakap sa kanya. Kasunod ay, kagyat na akong umupo sa kanyang tabi. At bago pa ang aming pag-uusap, ipinag-handa muna niya sina ginang Luz at Corazon ng makaka-kain. Kaya, naiwan naman kami dito sa silid-tanggapan.
"Kamusta ka na, apo?" tanong niya sa akin nang kami ay humarap sa isa't-isa.
Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti sa aking labi. "Mabuti po, lola. Kumusta na rin po kayo? Kay tagal na rin ng panahon na hindi ko kayo nakita.." itinutop niya ang kanyang tungkod sa ibabaw ng mesa at kagyat niyang hinawakan ako sa aking pisngi.
"Siya nga pala apo, nag-handa ako para iyong kaarawan ngayon. Hindi na rin naman nakakapag-taka sa iyo sapagkat alam ko na ito rin ay inaasahan mo." ipinantay ko ang aking labi.
"Salamat po lola Teresa sa inyong pagsu-sumikap para sa aking kaarawan."
"Walang anuman, apo. Bagkus pa nga'y ito talaga ay aking pinag-planuhan sapagkat ang hangad ko ay maging masaya ka. Lalo na nang iyong mga magulang.." matapos kong marinig ang lahat ng iyon mula sa kanya, ay muli ko siyang hinagkan. Naramdaman ko naman ang kanyang mahinang pag-tapik sa aking likuran.
"Ah, Donya Teresa. Naka-handa na po ang mga pagkain sa hapag." nang amin namang marinig iyon ay kagyat na akong humiwalay sa aking pag-hagkan sa kanya. Kasunod ay, tumayo na ako mula sa aking kinauupuan. Maingat ko namang tinulungan si lola sa kanyang pag-tayo.
"Siya nga pala apo, marahil ay patungo na ngayon dito ang iyong mama at papa. Nabasa ko kasi ang liham mula sa kanila kahapon at ipina-batid nila sa akin na nais ka nilang sorpresahin sa iyong kaarawan ngayon."
"Ibig sabihin, sila mamá at papá po lola ay tutungo dito?" nahihiwagaan kong tanong.
"Oo apo. Marahil siguro ay, inilihim muna nila iyon sa iyo sapagkat batid kong nais ka nilang mapa-saya sa iyong kaarawan. Hindi ba?" tanging pag-ngiti at tango ang aking naging tugon sa kanya nang salitain niya ang mga iyon.
Subalit, nasaan na nga ba sila ngayon? Ang akin kasing naalala ay nag-tungo sila kaninang umaga sa isang pag-pupulong at batid kong matatapos ng tatlong oras. Kung kaya't, akin ring napaki-wari na maaaring hindi na sila makaka-abot sa pagdiriwang ng aking kaarawan ngayon. Sapagkat iyon ang kanilang huling habilin sa akin kahapong lumipas.
Ngunit gayunpaman, marahil ay talagang inilihim nila iyon sa akin upang sopresahin ako sa aking kaarawan. At panatag ako sa aking sarili na, tuwing sasapit ang aking kaarawan ay, sila'y palaging nag-hahanda ng isang malaking salo-salo, kasama ang aking mga angkan. Bagaman, hindi ko na hinahangad ang bagay na iyon ay, pinag-papatuloy pa rin nila yaon.
Nginitian ko ang aking lola at pagdaka'y sabay na naming binaybay ang daan patungo sa hapag-kainan.