Chereads / Serena's Heart / Chapter 4 - Kabanata 4. Ang Pasya

Chapter 4 - Kabanata 4. Ang Pasya

Hindi ako mapakali kung kaya't ako'y pabalik-balik sa aking paglalakad habang naririto pa rin sa silid ng aking lola. Mayroon kasi akong agam-agam sa aking sarili kung ano ba ang aking magiging pasya.

Maraming bumabagabag ngayon sa aking isipan sa kung ano ang maaaring maging kahihinatnan ko sa aking pipiliin na pasya.

Tungkol dito, matapos iyon sabihin sa akin ng aking lola Consolacion, kagyat na siyang umalis at tumungo upang balikan doon sila mamá at papá.

Sandali'y, naisipan kong umupo muna sa isang di-kahoy na upuan upang sa gayon ay, makapag-isip ako ng mabuti at mapalagay ang aking sarili.

Habang hawak-hawak ang salamin na ibinigay sa akin ng aking lola Consolacion, itinuon ko roon ang aking mga paningin at pinagmasdan ng mabuti.

Bakit mayroong ganitong uri ng salamin ang aking lola? Siya ba ay mayroong salamangka o ibang bagay na tinatago sa akin o sa aking mamá at papá na hindi namin nalalaman?

Totoo kaya ang kanyang mga sinabi sa akin kanina? O, maaaring kanyang inaaliw lamang ako dahil ako ay nagdiriwang ng aking kaarawan?

Hindi ko mapakiwari.

Iyan ang mga katanungan na aking nais na maalaman ang mga kasagutan.

Ngunit sa kabilang banda, isang bagay ang nag-uudyok sa akin na gawin ang sinabi nang aking lola Consolacion - na maalaman at makita ko mismo sa aking sarili kung ano ba ang sinasabi niyang modernong panahon.

Ano nga ba ang itsura sa panahong iyon? Magiging masaya ba at maging panatag ba ang aking sarili sa panahong iyon? Marapat ko ba talagang pasukin iyon?

"Senyorita, ipinatatawag na po kayo sa akin ng inyong mamá at papá. Hinihintay na kayo sa sala." napa-baling ang aking mga tingin kay Corazon ng marinig ko ang tinig nito na nanggagaling sa pintuan dahil siya ay naroroon.

"Nariyan na.." walang pag-aagam agam akong tumayo habang aking hawak-hawak pa rin ang salamin na ibinigay sa akin ng aking Lola.

Kagya't ko nang tinungo ang pinto at isinara iyon nang ako'y makalabas na mula sa loob. Ilang hakbang ang aking nailapat sa sahig bago ko narating ang kinaroonan ng aking mamá at papá.

"Nariyan na po siya, senyora." dinig kong sambit ni ginang Corazon nang naka-tayo ito sandali sa tabi ng aking lola Teresa. Pagdaka'y umalis na siya.

Natanaw ko itong naka-upo ito kaharap sina mamá at papá.

"Oh, iha. Nariyan ka na pala.." idinala ko ang aking sarili sa kanilang kinaroronan. Inilapat ko ang aking pala-puwitan sa upuan katabi ng aking lola Teresa na nakaupo ngayon sa kanyang silyang tumba-tumba.

"Kamusta ka, Serena? Ikaw ba ay naging maligaya sa iyong kaarawan?" masayang tanong sa akin ni mamá.

Nakatanaw ito ngayon sa akin at nag-hihintay ng tugon maging sina papa at lola Teresa nang aking balingan ng tingin.

"Opo, mamá.." sandali'y umawat muna ako sa aking pagsasalita. Bahagya kong iniyukayok ang aking ulo at muling nagsalita. "Ako po ay nagagalak dahil sa hindi inaasahang piging na hinanda sa akin ng aking pinakamamahal na lola. Sana'y sa uulitin pa..." sa aking palagay, ako ngayon ay nagtatalumpati sa kanilang harapan. Napatawa na lang ako ng palihim.

"Oh, siya't baka gabihin pa kayo sa inyong pag-uwi. Mas mainam na kayo ay makarating kaagad sa inyong paroroonan nang sa gayon ay makapag-pahingalay kayo sa inyong tahanan.." anang ni lola Teresa. Kapagdaka'y tumayo na sa ang sina mamá at papá at inayos ang kanilang mga dala. Gayon rin ay tumindig na ako mula sa aking pagkaka-upo.

"Siya nga pala, kailan kayo muli paririto? Nang sa gayon ay aking mapag-alaman?" narinig ko ang tanong ni lola Teresa sa aking mamá at papá. Tuwid ang aking mga mata habang aking binabaybay ang daan patungo sa aming sasakyang karwahe ngunit malalim ang iniisip.

Tungkol dito ay, hindi ko pa rin tuluyang mawaglit sa aking isipan ang aking magiging huling pasya bago lumubog ang araw ngayon, habang sa punto na ito ay dapit-hapon na at papalubog na ang araw.

Hindi ko pa rin mapakiwari sa aking sarili kung aking itutuloy ito ay, magiging maganda ba ang aking buhay at muling makakabalik sa panahong ito?

Isang bagay rin ang sumagi sa aking isipan - si Julio, ang aking iniibig.

Nagugulumihanan ako dahil ako ay nangako pala sa kanya na sasama na ako sa kanya sa oras ng hatinggabi. Nagpasya ako na iyon ang aking pipiliin at nais ko na makasama siya sa tanan ng aking buhay habang ako ay naririto pa at nabubuhay. Sapagka't batid kong may taning na rin ang aking buhay.

Bagaman alam ko ay, ikapapahamak ko ang magiging bunga nang desisyong ito, kung aking gagawin ang sumama sa kanya mamaya. At kapag nangyari iyon, at kami ay nasaksihan na magkasama, alam kong ilalayo nila ako kay Julio - mawawalay ako sa kanyang piling at alam kong may hindi magandang mangyayari kay Julio.

"Iha, ayos ka lang ba? Mukha yatang may malalim kang iniisip?" napukaw ang aking atensyon nang aking marinig ang boses ni Corazon na naka-tindig sa aking kaliwa. Nasilayan ko ang pagtataka sa pigura nang kanyang mukha.

Inayos ko ang aking sarili, aking pinilit na ngumiti at aking hinarap siya. "Opo, ginang Corazon. Ako'y napaisip lamang na sana'y makabalik kami muli rito kay lola Consolacion.." aking pagsisinungaling. Sapagkat ang totoo ay, hindi naman talaga iyon ang aking iniisip.

Ngunit gayunpaman, sa kabilang banda ay akin ring inaalala ang bagay na iyon na aking sinabi sa kanya.

Ipinagsaklop niya ang kanyang mga kamay na nakamuwestra sa kanyang harapan, at ako'y tinugunan rin niya nang isang ngiti.

"Mukha nga, senyorita.." napakibit-balikat siya. "Sana'y mapadalaw kayong muli dito upang sa gayon ay higit lalong maging masaya ang iyong lola Teresa Consolacion.." aniya nang may halong kaunting lungkot sa kanyang mga mata. Iniyukod ko ang aking ulo sandali.

"Sana nga po. Upang sa gayon ay may makakausap rin ang aking lola Consolacion.." sambit ko na mayroong bahagyang lungkot. Naunawaan ko ang nais na iparating ni ginang Corazon.

"Mukhang hindi yata maganda ang atmospera rito? Mayroon bang problema?" kagyat kong inangat ang aking ulo nang matanaw ko sa aking harapan ngayon si lola Consolacion. Naka-labas ang mapuputi nitong mga ngipin habang nakatanaw sa akin.

"Maaari ba muna kitang kausapin sandali? apo?" nakatayo lamang sa tabi si ginang Corazon at pantay lamang ang kanyang labi habang nasa pagitan namin ni lola Teresa.

"Oh, mayroon bang kaganapan dito na hindi kami nasabihan o nasali man lamang?" dahan-dahang humahakbang patungo ngayon sa amin si mamá at sumunod naman si papá. Hindi lingid sa aking pagmamasid na halata sa kanilang mga reaksyon ang pag-tataka.

"Ahh, wala naman. Nais ko lang kausapin muna saglit ang aking apo bago kayo lumisan.. " nagkatinginan ang sina mamá at papá. "Maaari ba muna tayong dalawa mag-usap, apo?"

"Kung iyan po ang iyong nais.." walang pag-agam agam akong tumango sa kanya. Tinugunan naman niya ako ng isang ngiti.

"Pasensiya na po sa aking pag-gambala sa inyong usapan, Donya Teresa. Ihahatid ko po lamang ang mga magulang ni senyorita Serena sa kanilang sasakyan sa pag-uwi.." sa pagkakataong iyon ay nagpaalam na sina mamá at papá kay lola Consolacion sandali na sila'y mauuna nang sasakay sa kalesa. Pagkatapos ay, sinundan na sila ni ginang Corazon at ni Luz patungo sa aming sasakyan.

Iniwas ko muna ang aking paningin kina mamá at papá nang mapukaw ako na ako pala'y kakausapin nang aking lola.

"Siya nga po pala, lola Consolacion. Ano po ba ang iyong nais na sabihin sa akin?" mayroong pagtataka kong tanong sa kanya. Ngayon na ako'y nakapukol sa kanya, hindi ko mahiwatigan kung ano ang kanyang nais at blanko ang kanyang ekspresyon.

"Iha. Alam kong batid mo na ang aking nais sabihin. Nais ko lamang muling sabihin sa iyo na ingatan mo ang salamin na aking ibinigay sa iyo. Sapagkat ang salamin na iyan ay nag-iisa lamang.." sandali'y siya ay naawat sa kanyang pagsasalita nang aking mapansin na siya ay bahagyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.

"Iha. Tandaan mo rin, sa oras na binuksan mo iyan, dadalhin ka na sa panahon na aking sinabi na sa'iyo. Hindi ka na maaaring humiling pa at baguhin ang iyong kahilingan, sapagkat ang iyong kahilingan ay naka-hula na sa salamin na iyan, at ang salamin na iyan ang magpapasiya kung ano ang naayon sa iyon kahilingan at makabubuti sa iyo. Ngunit, tandaan mo rin na huwag kang palaging umasa sa salamin na iyan na gagawin ano man ang iyong nais sa oras na ipinagkaloob na saiyo ang iyong hiling. Sapagkat iyon ay maaari mong ikapahamak..." dumapo ang kanyang kanang kamay sa aking buhok at hinaplos iyon.

"Ingatan mo ito ng mabuti. Huwag mong hahayaan na mahiwalay ito sa iyo o mawala at higit lalo ang mawasak. Sapagkat ang mga bagay na hindi mo gugustuhing mangyari ay iyong mararanasan, at tiyak na kapag humantong sa bagay na iyon, maaaring iyon ay ikakasawi ng iyong buhay.."

Habang isinasambit niya ang mga iyon sa akin. Naging hati ang aking panig ukol sa aking pasya. Sapagkat sinasabi sa akin na gawin iyon at sa kabilang banda ay huwag ko iyon gagawin.

Nagugulumihanan ako.

Ibabalik ko na lamang ba ito sa kanya at huwag ituloy ang aking nais? Ngunit paano si Julio? Iiwanan ko ba siya dahil lamang sa salamin na ito na tutupad sa aking kahilingan para lamang sa aking kagustuhan?

"Apo, iha. Tandaan mo ang lahat nang aking bilin at mga sinabi sa iyo. Huwag mong babaliwalain ito.." matapos kong marinig ang mga bagay na iyon, sandali'y naalala ko ang aking pangako kay Julio.

Kung gayon na nais ko nang sumama sa kanya - ibigay ang aking sarili sa kanya, at malayo sa kapahamakan na maaari naming sapitin, mas mainam siguro na akin siyang isamama sa pagtupad nang aking kahilingan sa pamamagitan ng salaming ito.

Sandali'y, tinignan ko ang salamin na kanina ko pa'y hawak at pinagmasdan iyon nang mabuti.

"Tama ang iyong pasya, apo. Huwag kang mag-alinlangan na gawin ito.." napa-pitlig ang aking ulo sa aking lola Consolacion nang marinig ko ang mga iyon sa kanya.

"Nababasa niyo po ang aking nasa isip?" sa puntong ito ay nahihiwatigan na ako sa kanya. Sapagkat animo'y parang hindi na siya ang aking lola base sa kanyang mga pananalita.

"Oo apo. At nakikita ko na magiging maganda ang iyong buhay sa oras na binuksan mo ang salamin na hawak mo.."

Napa-kurap kurap na lamang ang aking mga mata habang hindi ko pa rin inaalis ang aking mga paningin sa kanya.

Kung gayon, tama na ang aking huling pasya?

M-magiging masaya kami ng aking minamahal na si Julio?

Marahil, ay totoo at tunay nga..