Chereads / Serena's Heart / Chapter 3 - Kabanata 3. Ang Salamin

Chapter 3 - Kabanata 3. Ang Salamin

"Salamat po muli lola Teresa sa mga inihanda ninyong ito.." may galak kong sabi mula sa aking puso. Pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkain na nasa aking harapan at sobrang dami niyon.

"Para sa iyo talaga 'yan. Lalo pa't inihanda ko talaga iyan sa iyo para sa iyong kaarawan ngayon." may ngiti sa kanyang bahagyang maputlang labi.

Tungkol sa nabanggit ni lola Teresa, hindi ko na rin maikakaila kung bakit ganon nalang mag-handa para sa aking kaarawan. Bagaman katulad nga kanina nang aking nabanggit, masaya na ako na ipag-diwang ang aking kaarawan ng simple lamang.

"Hala't ikaw ay kumain na, apo. Hinihintay ka na ng iyong mga pagkain.." marahan akong napa-tawa at napa-iling. Matapos iyon ay saka ko na tinangnan ang mga kubyertos, at pagdaka'y nag-lagay ako ng aking sariling pagkain sa aking pinggan. Napuna ko naman na naka-masid lang siya sa aking ginagawa.

"¿Nos atraparon cuando llegamos? (nahuli ba kami sa pagdating namin?)" napa-hinto sandali ang aking pag-subo sa aking kinakain nang sandali'y napa-dako ang aking paningin sa nangahas na nagsalita niyon.

At mula sa aking kinauupuan, natanaw ko si papá na naka-tindig ng tuwid, may naka-lambitin sa kanyang bisig na isang pang-americanang pananamit o camisa, samantalang ang kanyang suot ay mahabang manggas na puti, na may kurbata, at itim na salawal. Napuna ko rin si mamá na naka-tindig doon at bakas sa kanya ang maligayang mukha habang naka-dungaw siya sa amin. Naka-suot siya ng mabulak-laking damit ng barong at saya.

"Oh, ustedes dos ya están allí. Ven aquí y únete a nosotros para nuestra cena almuerzo.(Oh, you two are already there. Come here and join us for our dinner lunch.)" sa totoo lamang ay nauunawaan ko kung ano ang kanilang mga pag-uusap. Napapangisi na lamang ako at iiling-iling.

Sadyang naka-ugalian na ng aking mga magulang at ni lola Teresa na ganoon parati ang paraan ng kanilang pag-uusap.

Sapagkat ang aking lola ay may lahing ispanyola, at nakuha iyon ng aking papá sa kanya. Samantalang si mamá ay may kahusayan rin sa pag-sasalita ng salitang ispanyola, sapagkat siya ay nag-aral ng lengguwahe niyon ng ilang taon, pati ang iba pang lengguwahe--kagaya ng ingles, pranses at aleman sa pamamagitan ng pag-babasa ng mga iba't-ibang lengguwahe ng libro. Kung kaya't siya ay may kaalaman na sa salitang yaon, na siya ko rin namang natutuhan mula sa kanya ng iyon ay kanyang ibahagi sa akin.

Nguni't sa totoo lamang ay, wala akong hilig sa pag-babasa katulad ng mga binabasa ni mamá, pili lamang at kadalasan ay ipinu-pukol ko ang aking oras at atensiyon sa pag-susulat ng mga liham.

Hinagkan ko si papá nang sandaling ako'y tumayo mula sa aking kina-uupuan, kasunod ay si mamá na masayang naka-dapo ang kanyang tingin sa akin.

"Joyeux anniversaire fils.(Maligayang kaarawan, anak.)" hindi ko mapa-kiwari kung ako ba ay matatawa sa binitawang lengguwahe ni mamá. Gayonman, tulad nga ng aking sinabi ay nasanay na siyang makipag-diyalogo sa akin gamit ang mga lengguwahe na kanyang natutuhan.

"Merci maman..(thank you, mamá..)" humiwalay ako mula sa aking pagkaka-yapos kay mamá, nang aming marinig ang pag-aawat sa amin ni lola Teresa.

"Hala sige, kumain na muna kayo. Isantabi niyo muna ang inyong pang mga pag-uusapan." hinhinan akong tumawa at tanging ngisi na lamang ang naging ganti ni mamá. Saka naman siya pina-unang humalimhim, kasunod ay sumunod naman si papá.

Kami ay masayang nagsalo-salo sa hapag habang hindi maawat ang aming pag-papalitan ng mga salita sa bawat isa. Samantalang si papá ay sandaling aking napuna na nakikinig na lamang sa aming mga usapan.

"Oh siya nga pala, apo. Ano nga ba ang iyong kahilingan sa iyong kaarawan ngayon?"

Sandali'y napa-awat ako sa aking pag-ngalot ng aking ibaling ang paningin ko kay lola Teresa, at aking napansin sa kanya ang pag-hihintay niya sa aking sasabihin. Ipinantay ko muna sandali ang aking labi matapos kong malulon ang aking kinakain.

"Oh, maalala ko muna sandali, mamá. Patutungo pala dito mamayang pagsapit ng gabi ang ating mga kaanak.." akin na munang ipinitlig ang aking ulo kay mamá ng baliin nito ang pag-uusap namin ni lola Teresa. "Pinadalhan ko sila ng liham nitong nakaraang-araw, upang sila'y imbitahin sa kaarawan ngayon ni Serena. Gaya ng ating naka-ugalian."

"Bukod sa kanyang sinabi mamá, paririto rin sina Don Leandro, Don Bigdad at ang ibang mga kilalang katuwang niya sa pamamahala sa ating barangay.." hindi na rin bago sa akin ang aking mga nadinig. Sapagkat iyan ay palagi nilang isinasagawa sa tuwing sasapit ang aking kaarawan. Gayon pa man, hinahayaan ko na lamang sila sa bagay na 'yon.

Ngunit sa ibang usapan, tungkol sa naitanong sa akin ni lola Teresa, wala akong ibang nais na ihiling kundi ang mabuhay pa ng matagal. Isang bagay na akin ring mataimtim na ipina-nalangin sa poong Maykapal, na batid ko sa aking sarili na ang bagay na iyon ay kanyang ipag-kakaloob sa akin.

Naging payak lamang ang aming naging salo-salo sa hapag, habang nagpa-palitan ng salaysay sila sa isa't-isa. At tanging tango at marahang pag-ngiti na lamang ang aking nagiging ganti sa kanilang mga dumarag.

-----

"Oh iha, mukhang malalim ata ang iyong iniisip.." napa-pihit ang aking ulo kay lola Teresa nang akin siyang mabosesan.

Naka-posisyon ang kanyang isang kamay sa kanyang likuran, habang ang kanang kamay naman niya ay nakahawak sa kanyang tungkod na sumusuporta sa kanyang pag-tindig.

"Maaari ko bang malaman kung ano ngayon ang iyong iniisip?"

Umupo ako sa aking higaan mula sa aking pagkaka-dungaw sa ventanilla. Siya ko namang hinarap si lola Teresa na ngayon ay naka-tindig sa aking harapan.

Siya nga pala, sa aking pag-lilibot kanina ay dinala ako ng aking mga paa sa silid na ito. Kung kaya't nahikayat ako sandali na tumungo sa ventanilla upang dumungaw sa labas.

"Lola, masaya lamang ako dahil hindi ko inaasahan na aabot pa ako ngayon sa aking kaarawan. Bagaman hindi ko pa rin iwina-waglit sa aking sarili na may taning na ang aking buhay.." nadinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. Marahan niyang ini-hakbang ang kanyang mga paa palapit sa akin, at umagapay naman ako sa kanya ng siya'y umupo sa aking tabi. Sa sandaling iyon ay muli siya nag-bitiw ng kanyang sasabihin.

"Alam mo apo, malaking himala ang bagay na iyon. Subalit, kung sakaling ito na ang naka-takdang araw ay wala na tayong magagawa. Nguni't panatag ako na kaya ka pa umabot sa araw na ito, ay batid kong binibigyan ka pa ng pagkakataon na mabuhay, at iyon ay isang napaka-laking kaloob sa iyo ng ating Maykapal.." gumuhit ang masayang ngiti sa aking labi dahil sa kanyang isinalita. Naramdaman ko na ako'y nabuhayan sa aking loob. At isang bagay rin na akin itatanim sa aking puso, na nararapat ko ring panghawakan at itanaw na malaking utang na loob sa Maykapal.

Sa totoo lamang ay, base sa mga pananalitang niyang iyon, lumaking relihiyoso si lola Teresa dahil sa kanyang matibay na paniniwala at pananalig sa Diyos. Iyon ay pirmi rin niyang pina-panaligan sa bawat pagkakataon, at ito'y kanya ring pinang-hahawakan ng mabuti.

Kung kaya't, dahil sa bagay na iyon ay siya ko nang isinasabuhay sa aking pamumuhay. Sapagkat iyon na lamang ang aking sandigan lalo pa't ako ay may dinaranas na isang malubhang sakit.

Ako kasi ay mayroong malubhang pagpalya sa aking puso, na magiging ugat ng biglaan kong pagpanaw. Kung kaya't, palagi kong sinasanay ang sarili ko na maging positibo at panatilihin na gawing maligaya ang bawat sandali.

"Apo, tungkol nga pala sa aking naitanong sa iyo kanina, nais kong malaman kung ano ba ang iyong hinihiling para sa iyong kaarawan ngayon?" napukaw ang aking ulirat ng muli kong nadinig muli iyon sa kanya. Nabalot naman ako sandali ng pag-tataka.

Iniyukod ko ng bahagya ang aking ulo. "Wala na akong ibang hinihiling pa lola, kundi ang bigyan pa ako ng mahabang buhay. Sapagkat hindi ko nais na pumanaw dito sa mundo na hindi ko na kayo makaka-piling, pati ang aking pamilya.." may halong pamamanglaw at kalumbayan ko iyon sinabi.

Ngunit, kung iyon ay mama-rapatin ay lubos kong susulitin ang pagkakataon na iyon kung sakaling iyon nga ay sakaling mag-katotoo. Bukod doon ay, hindi pa ako handang pumanaw sapagkat hindi ko pa nais na iwan si Julio.

Nangako kami noon sa isa't-isa na ano't anuman ang mangyari ay patuloy kaming mag-iibigan. Hindi sukatan sa akin kung siya ay nanggaling lamang sa mahirap na pamumuhay, sapagkat ang tunay na pag-iibigan para sa akin ay hindi binabatay sa anumang katayuan sa buhay. Kundi bagkus ay, naka-ayon sa tunay na nilalaman ng damdamin ng isa't-isa, kung kayo'y parehong tunay na nararamdaman ang sinasabi ng silakbo ng inyong nararamdaman sa bawat isa. Kaya iyon ay aking pinaniwalaan at pinaninindigan.

"Apo, Serena. Maaari mo ba ako samahan sandali sa aking silid?" tanging marahan na pag-tango ang aking naging tugon sa kanya. Matapos ay, akin naman siyang maingat na itinayo mula sa aming pagkaka-upo.

Hanggang sa kami ay yumaon sa silid, ay akin nang isinara ang pinto. Ilang segundo ang lumipas ay saka na kami pumasok sa loob ng kanyang silid.

Isinara ko ang pinto nang amin nang natunton ang loob niyon. Sandali'y ang aking mga mata ay gumala sa loob ng kanyang silid at aking masasabing, wala pa rin itong pinag-bago.

Maayos at simple lamang ang organisa ng silid. May larawang oleo si lola Teresa sapagkat siya ang naka-lagay doon, mga may plorera rin sa ilang sulok at ang iba pa ang kanyang pansariling mga kagamitan.

"Tara rito at maupo ka sa aking tabi, apo." nabaling ang aking tingin sa kanya na ngayon ay aking natanaw na naka-upo sa kanyang malambot na higaan. Kagyat naman akong tumungo doon upang umupo sa kanyang tabi.

"Maupo ka muna dito sandali, apo. Mayroon lamang akong kukunin sandali.." sa pagkakataong iyon ay pinag-masdan ko lamang ang kanyang pag-tayo, hanggang sa aking napansin na siya ay may kinuha sa kanyang maliit na aparador. Pagkatapos niyon ay, ipinihit niya ang kanyang katawan paharap sa akin at ini-hakbang niya ang kanyang mga paa.

"Ano po iyang kinuha ninyo, lola?" idinapo ko ang aking paningin sa kanyang hawak-hawak nang sandali'y iyon ay aking mapuna. Bumalot naman sa akin ang pagka-hiwaga at taka sa bagay na iyon.

Ilang sandali'y umupo na siya muli siya sa aking tabi. Pagdaka'y, kinuha niya ang aking kamay at ipinag-dahop niya ang kanyang palad sa akin. Akin namang naramdaman na mayroon siyang ipina-hawak sa akin na isang matigas na bagay. Kagyat naman niyang sinara ang aking palad.

"A-ano po ito, lola?" balot ng pagdududa ang aking sarili ng aking tapunan iyon ng tingin.

"Natupad na ang iyong kahilingan.."

"A-ang kahilingan ko po, lola?" hindi ko makapaniwalang mosyon sa kanya. Muli ko uling ibinaba ang aking tingin ngayon sa aking nasa palad.

Isa iyon na salamin na may katamtamang sukat. May suklob iyon kaya't hindi ko natatanaw ang repleksyon ng aking mukha.

"Sa pagkakataon na iyan ay iyong buksan, malalaman mo ang iyong hindi inaasahan. Sapagkat kagyat na matutupad ang iyong kahilingan.." masyado akong nagugulumihanan sa oras na ito lalo dahil sa aking mga natuklasan ayon sa kanyang mga iwini-wika.

Ano ang ibig niyang ipakiwari sa akin? Tunay nga bang matutupad ang aking hiling? Ano't parang may kakaiba ata sa kinikilos ng aking lola?

"Huwag ka nang mag-taka at malito, apo. Tunay ang mga sinasabi ko sa iyo.." kagyat kong ibinalik ang aking tingin sa kanya.

"Tandaan mo, sa oras na iyong binuksan iyan, matutupad ang iyong kahilingan. Ngunit.." hindi ko iwinawaglit ang aking paningin sa kanya.

"N-ngunit, ano po ang iyong huling nais na ipa-batid sa akin?" sandali'y iniwas niya ang kanyang paningin sa akin. Natatanaw ko na parang may kakaiba sa reaksyon ng kanyang mukha, gayon rin ay ako ay sandaling nakaramdam ng misteryosong bagay sa bawat kanyang sinasalita.

"Ngunit ikaw ay hindi gagawaran sa panahon ngayon kundi ikaw ay mamumuhay sa modernong panahon.."

Natigagal ako sa kanyang huling isinambit. Hindi ko magawang maibuka ang aking bibig, at ramdam ko ang paninigas ng aking katawan.

Ngunit kung ako nga ay mamumuhay sa modernong panahon, ano na lamang ang mangyayari sa aking pamilya? Kay mamá..papá..lola Teresa at lalo na kay Julio?

Alam ko at akin parang naitanim ang pangako ko sa kanya na ako'y sasama na sa kanya. At iyon man din ay hindi ko nais na sirain.

Ngunit, mas pipiliin ko pa ba ang mamuhay sa panahon na bago sa akin para lamang sa katuparan ng aking hiling? Nguni't kung sakaling aking subukan, marahil ay maaari pa naman siguro akong makabalik sa panahon ngayon?

Sa pagkakataon na ito'y muli ko siyang pina-kinggan nang siya'y kagyat na nagsalita.

"Tama ka ng iniisip, apo. Kung ang iyong iniisp na maka-babalik ka pa sa ating panahon ngayon, maaari iyon apo.." mataimtim ang kanyang tingin sa akin.

"Kung gayon lola, kahit anong oras ang aking naisin na bumalik sa panahon na ito ay maka-kabalik ako?" muli kong naitanong sa kanya. Hindi pa rin maalis ang aking pag-tataka at kahiwagaan sa aking mga narinig mula sa kanya. Naka-masid oa rin siya sa akin ng mataimtim.

"Hindi, apo. Ngunit sa takdang araw muli ng iyong kaarawan, ay maaari kang muling maka-balik. Kailangan mong hintayin ang araw na iyon bago ka muling maka-balik.." napa-tigil siya sandali, nang ako'y kanyang hinawakan sa aking mga kamay. "Subalit apo, tandaan mo ito. Sa oras na nasira o nawala ang salamin na iyan, hindi ka na maka-balik sa iyong pinag-mulan. Kaya, paka-ingatan mo ito apo. Sapagkat hindi lamang basta ito isang ordinaryong salamin, maaaring ito pa ay ikasawi ng iyong buhay.."

Kung gayon, kailangan ko pala itong ingatan, at hindi ko dapat basta-basta na lamang buksan ang suklob, sapagkat maaari na ako nitong dalhin sa panahon na hindi ko pa lubos na batid ang takbo ng estado at kalagayan, at hindi ko pa lubos batid ang aking maaaring maging kahihinatnan sa panahong iyon.

Matapos kong marinig ang lahat ng iyon sa kanya, ay napukaw ang aking diwa. Nang akin siyang natanaw ngayon na naka-tindig na, at nag-hihintay sa aking pag-responde nang ako'y kanya nang yayain na tumungo na sa sala kung saan naroon sila mamá at papá.

Kagyat ko namang hinawakan ng mabuti ang ibinigay niya sa akin, kasunod ay sabay naming binaybay ang daan patungo sa sala.