Chereads / Serena's Heart / Chapter 5 - Kabanata 5. Ang Paghahanda

Chapter 5 - Kabanata 5. Ang Paghahanda

Kumalas na kami sa aming pagkaka-yakap sa isa't-isa matapos ang aming pag-uusap. Kagya't na akong naglakad patungo sa aking sasakyan.

"Paalam na po, lola Consolacion.." aking winagayway ang aking kanang kamay hudyat ng aking pag-papaalam sa kanya dahil ako ngayon ay tumalikod na ako sa kanya kasunod ay, sumakay na sa loob ng kalesa.

"Mag-iingat kayo, iha.." malamlam at wari'y bang malungkot ang ekspresyon ng aking lola. Marahil ay, siya'y nalulumbay dahil sa aming pag-alis.

Natanaw ko ang pagkaway ni lola ng kagyat nang nagsimula nang patakbuhin ng kutsero ang kalesa papalabas sa tahanan ni lola Consolacion. Samantalang, nakasunod sa amin ang dalawang kalesa kung saan ay, nakasakay roon sina mamá at papá.

"Senyorita, mukha yatang may malalim kayong iniisip? Nais mo ba muling balikan ang iyong lola Consolacion?" napukaw ang aking atensyon ng aking maalala na narito pala sa aking tabi si ginang Luz.

Akin namang pinag-tuonan ng pansin si ginang Luz. Napuna kong siya'y naghihintay sa aking sasabihin.

Inayos ko ang aking mukha at akin namang ibinuka ang aking bibig upang magsalita. "A-ahh, o-opo, ginang Luz. Sapagkat sandaling oras ko lamang kasi nakasama ang aking lola Consolacion.." paglilihis ko. Sa totoo lamang hindi iyon ang bagay na nasa aking isipan ngayon, naisip ko na naisin ko mang sabihin iyon sa kanya ngunit maaaring siya'y hindi maniwala.

"Kung gayon, kailan mo nais dumalaw muli sa iyong lola Consolacion? Upang sa gayon ay, mapawi ang iyong lungkot, senyorita.." tugon niya. Tanging isang matamis na ngiti muna ang ang naging tugon ko rin sa kanyang sinabi.

Ipinitlig ko ang aking ulo at itinuon ang aking mga paningin sa labas na aming dinaraanan.

"Aking pag-iisipan pa. Sapagkat hindi ko batid kung ako ay makakabalik pa sa aming tahanan.." sandali'y nawala ang ngiti sa aking labi. Bumuntong-hininga ako ng malalim.

"Bakit senyorita, desidido na ba talaga kayo mamaya na gawin iyon? Kung gayon, sana'y hindi kayo mabigo at makasama mo siya ng matiwasay.." batid kong nalalaman ni ginang Luz ang tumatakbo ngayon sa aking isipan. At hindi na bago sa akin ang mga ganitong bagay sapagkat halos naging malapit na rin ang loob namin sa isa't-isa. Kung kaya't, ano man ang aking mga nagagawang pasya at magiging hakbang, lahat iyon ay hindi lingid sa kanya at sinusuportahan niya ako sa mga bagay na iyon.

"Opo, ginang Luz. At handa na po ako sa maaaring mangyari.." walang pag-aalinlangan kong sinambit. Nasulyapan ko ang kanyang pagtango at bahagyang pag-ngiti sa kanyang maputlang labi ng sulyapan ko siya sandali.

Ngunit tungkol muli sa salamin na binigay sa akin ng lola Consolacion, marapat na huwag nalang sabihin sa kanya dahil alam kong mag-aalala siya. Mas mainam na ako na lamang at si Julio upang sa gayon ay hindi ako aalis na mayroong alalahanin pa.

At tungkol sa aking mamá at papá, sila'y pinagbilinan ko na sasama na lamang ako sa kanila sa kanilang pagbalik sa tahanan. Sapagkat kung nagkataon na ako'y mamalagi at nagpaiwan sa tahanan ng aking lola, alam kong delikado iyon para kay Julio - maaari siyang mahuli ng mga sibilyan.

At tungkol naman sa napag-usapan namin ni Julio, ipinabatid ko na kaagad sa kanya kaninang umaga na ako ay pinahintulutan ng aking mamá at papá na isama sa pag-uwi sa aming tirahan. Upang sa gayon ay, doon niya ako itatakas. Sapagkat may lugar doon na kung saan ay, hindi kaagad makikita o mapapansin ng mga guwardiyang sibil na mayroong mga taong dumaraan doon. Sapagkat ang lugar na iyon ay masukal at kagubatan. At iyon ang madali at magandang daanan patungo sa nais naming patunguhan.

Pasalamat ako at ako'y pinayagan ng aking mamá at papá bilang naging daan ko ang aking kaarawaan upang hilingin ang maliit na bagay na iyon sa kanila. At malamang ay, iyon ay sinabi na nila kay lola Consolacion.

Halos isang oras na ang lumipas at madilim na sa paligid nang makarating kami sa aming tahanan. Tumigil na ang kalesa sa pag-takbo ng kami ngayon ay nasa harapan na nang aming tahanan.

Sandali'y inalalayan akong makakababa ng isang katulong, hanggang sa makababa na ako ng kalesa. Kasunod ko namang si ginang Luz na naka-labas na rin buhat sa lobo ng aming sinakyan.

Hanggang sa kami'y pumasok na sa loob kasabay sina mamá, papá at si ginang Luz na nasa aking likuran bitbit ang iilan kong dalang gamit upang dalhin sa aking silid.

Sandali'y, lumapit ako kina mamá at papá.

"Mamá, papá. Ako'y patutungo na sa aking silid upang magpahinga. Maaari po ba?" pag-papaalam ko bago ako sumunod kay ginang Luz na nauna nang tumungo sa aking silid.

"Kung 'yan ang iyong nais, Serena.." ani ng aking mamá. Sabay natanaw kong nag-ngitian ang aking mamá at papá, at gayon rin ako sa kanila.

"Salamat po.." pagdaka'y iniwan ko na sila roon sa sala kung saan doon kami nag-usap, nang akin nang ini-hakbang ang aking mga paa patungo sa aking silid.

Hanggang sa marating ko na ang aking silid ng pagbuksan ako ni ginang Luz na nag-iintay sa akin sa labas ng aking silid. Nginitian ko siya at ganoon rin siya sa akin, pagdaka'y pumasok na ako sa loob at sinara ni ginang Luz ang pinto ng mabuti.

Ngunit sandali'y, napansin ko ang paglinga-linga niya sa paligid. Saka siya nagbitiw ng salita.

"Senyorita. Aayusin ko lamang po ang inyong mga gamit. Upang sa gayon ay wala na kayong aalalahanin pa at makapag-pahinga saglit.." rinig kong mahinang sambit ni ginang Luz na ngayon ay sumulyap sandali sa durungawan, nagmamatiyag kung mayroon na bang mga bantay sa labas.

Tungkol dito, katulad ng aking nasabi kanina, batid kong alam na ni ginang Luz ang kanyang gagawin at ang aking paraan ng pagtakas. Tunay ngang maasahan siya at mpagkakatiwalaan bagaman kami ay hindi pareho ng estado sa buhay.

Sandali'y lumapit ako sa kanya at akin siyang hinagkan. "Maraming salamat po sa inyong pagtulong sa akin. Tatanawin ko ito ng malaking utang na loob.." aniya ko na medyo ay, maluha-luha pa.

"Wala iyon, senyorita. Marapat ko lamang itong gawin sa inyo sapagkat kayo ay naging mabuti sa akin.." kumalas ako sa aking pagkaka-yakap sa kanya at tinignan namin ang isa't-isa. Sandali'y, bigla kaming napatawa ng marahan sa isa't-isa.

"Ngunit senyorita. Napa-isip lamang ako sandali, saan kayo dadalhin sakali ni Julio? Nakatitiyak ka ba na walang anumang masamang mangyayari sa inyo? Sapagkat ngayon pa lamang ay, ako na ang nag-aalala para sa inyo..." bakas sa mukha ni ginang Luz ang pag-aalala kung habang pinagmamasdan ko siya. Napayukod ako sandali.

Luminga-linga muna ako sa paligid at katamtaman lamang ang tono ng aking pagsasalita.

"Nagtitiwala po ako kay Julio, ginang Luz. At alam kong hindi kami mabibigo.." malakas ang loob ko at panatag ako sapagkat batid ko na iyon talaga ang mangyayari. At wala akong pag-aagam agam na talikuran pa ito sapagkat handa na ako at mangyayari na.

"Kung iyan ang iyong sa palagay, senyorita. Basta't mag-iingat kayong dalawa.." muli naming hinagkan ang isa't-isa. Pagdaka'y humiwalay na kami. Luminga-linga muna siya muli sa paligid.

"Oh siya! Bibilisan ko na ang pag-aayos upang sa gayon ay wala kanang aalalahanin pa mamaya.." tanging pagtango na lamang muna ang aking naging tugon. Kaya't siya'y nagmadaling nag-ayos ng aking mga gamit na dadalhin.

Samantalang ako ay, umupo muna saglit sa aking higaan nang nakatalikod kay ginang Luz.

Isinuksok ko ang aking kamay sa bulsa ng aking suot na saya upang kunin roon ang salamin. Hanggang sa akin na itong makuha at ngayon ay, nasa akin nang mga palad.

"Matutupad na ang aking kahilingan..ang kahilingan na maging masaya..mamuhay at makapiling si Julio.." sambit ko sa aking sarili. Pagdaka'y inilapit ko iyon sa aking dibdib at sandali'y sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi.