Nararamdaman niya rin kasi ang biglang pagtaas ng tension sa loob ng mansion because of the two.
Dahil dito, he tried to let her visitor to sit first para kumalma.
"ah, maupo ka muna Mikaela." sabi ni Drake while leading her to the sofa.
While Mikaela is walking, Avyanna glared at her. Napailing naman ang dalaga dahil dito.
"wait a second" Drake said tapos hinila niya si Avyanna papalayo sa dalaga para makapag-usap.
"what do you think you're doing?" nakapout na tanong ni Avyanna sa kanya.
"what am I doing? di ba dapat, sa iyo ko iyan tinatanong?"
"hindi mo ba naaalala ang sinabi ko sa iyo kagabi?" then she looked at his eyes.
"about what?" him while trying to remember.
"try to think of it" she said.
Then unti-unti, some memories are flashing on his mind.
....wala ka naman pala eh. Mahinang nilalang
.....shut up! you sounded like Mikaela
(another flashback)
.....lagi niyang pinapaalala sa akin kung gaano ako ka-incompetent. And I hate it
...huwag kang mag-alala, since andito na ako, I'll help you prove her wrong
....di ba you told me kanina na what's yours is yours and what's mine is mine?
.....well I'm planning to be yours
That phrase, it echoes back inside his head.
"what?! hindi ." nanlaki ang mga mata niya dahil sa naalala. Sinampal pa niya ang kanyang sarili para kalimutan iyon.
"gusto mong ulitin ko sa iyo iyon?"
"no! please! argh! bakit mo ba kasi iyon sinabi?" parang batang react nito.
"gusto ko lang, bakit ba? saka mas maganda naman ako sa Mikaela na iyon ah" she confidently said.
"Aish! tumigil ka na nga, forget about what happened kagabi. And don't even dare to talk about it okay?" he said while pointing fingers on her.
"ayoko" then she started walking pabalik sa living room
"hey!" sinundan naman siya ng binata.
"ayoko...ayoko....." pakanta pa niyang sinabi.
Then agad siyang umupo sa tabi ni Mikaela.
"tsk. she's really crazy" he murmured.
Bahagya namang nagulat si Mikaela sa biglaang pagsulpot nito sa tabi niya. And ang weird pa doon is, nakatitig lang si Avyanna sa kanya with her cold stare.
Then, she felt goosebumps because of it.
So, lumapit si Drake kay Avyanna.
"ah, y_yaya...ipagluto mo nga kami ng makakain" sabi ng binata habang pinipilit niya itong patayuin.
"hey" bulong naman ng dalaga sa kanya.
"pumunta ka na kasi sa kitchen" bulong naman na sabi ng binata sa kanya.
"ayoko nga eh, I'm your girlfriend.. bakit mo ba paglulutuin ang gf mo?" she replied.
"aish!" dahil sa inis, Drake used his force to make her stand up and naging effective naman ito.
Because of it, tiningnan siya ng masama ni Avyanna.
He just make faces.
"Ah babe, let's watch a movie, may bago ka bang palabas dyan?" insert naman ni Mikaela nang mapansing nag-aasaran na ang dalawa.
"babe?" medyo gulat namang reaction nito sa endearment ng dalaga sa kanya.
"yes, that's why I'm here, to have more time with you" then she winked.
Medyo napailing din ang binata kasi naninibago siya sa mga ikinikilos ng dalaga this time. Pero part of him feels happy dahil dito.
"s_sige, ano bang gusto mong panoorin?" malambing naman niyang sabi.
Because of it, napilitan na lang na pumunta sa kusina si Avyanna at ipagluto ang dalawa.
"kahit ano basta kasama kitang manood" she said.
Kinilig naman ng bahagya ang binata.
"ah sige, ito na lang"
Then he played a romantic movie since alam niyang mahilig sa ganoon ang dalaga.
He's smiling right now but agad itong nawala ng biglang naging seryoso ang dalaga.
"by the way, who's that girl? akala ko ba si yaya V ang kasama mo dito sa bahay?" Mikaela asked habang nakatingin pa rin sa T.V
"Ah....umuwi na kasi si yaya V sa kanila kahapon lang" he lied
"and you found someone na papalit sa kanya, ngayon?" dugtong niya na may halong pagdududa.
"y_yes, actually..kararating lang niya dito kaya 'yung moment na nakita mo kami kanina..actually I'm interviewing her" he lied again.
"eh anong 'yung sinasabi niyang she's your girlfriend?"
"ah...." napapikit ang binata. Hindi na niya alam kung ano pang kasinungalingan ang sasabihin niya sa dalaga.
"Mikaela" tapos bigla siyang lumapit sa dalaga. Yung malapit na malapit kaya bahagyang kinabahan ito.
"b_bakit?" she asked tapos bahagya niyang inilayo ang mukha niya sa binata.
"huwag kang magugulat sa sasabihin ko..." then he paused.
Mas lalong kinabahan si Mikaela dahil dito. She's thinking na maybe, magtatapat na ulit ng feelings ang binata sa kanya.
Umamin na kasi ang binata patungkol sa tunay na nararamdaman nito for her noong highschool pa lang sila but she didn't give him an answer, not because she didn't like him.....kasi ang totoo, siya talaga ang gusto nito.
Naging concern lang siya about sa feelings nung twin brother ng binata na si Drayce since mas nauna itong nagtapat ng nararamdaman sa kanya. Kaya noong highschool years nila, naging magkaibigan lang sila.
"a_anong sasabihin mo?" she asked.
"that girl is a little bit crazy"
Nang marinig niya iyon, medyo nadisappoint siya.
Her inner self: "Haist, kung anu-ano na talaga ang naiisip ko"
His inner self: "sana maniwala siya sa revelation ko kasi totoo naman iyon"
"halata naman eh, bakit ka ba kasi nagpapapasok ng mga kagaya niya dito?"
Magsasalita na sana siya ng mapansin si Avyanna sa gilid niya, bringing some foods na halatang minadali ang pagluto.
"ah..eh....actually, mabait naman kasi siya kaya I let her stay here" then he tried to smile kasi masama pa rin ang mga titig ng dalaga sa kanya.
"it doesn't mean na mabait siya eh mapagkakatiwalaan mo na siya." sabi naman ni Mikaela sa binata.
"hindi rin ibig sabihin na mapagkakatiwalaan mo ang isang tao, eh MABAIT na..like you" sabi naman ni Avyanna.
Napasapok sa noo ang binata dahil dito.
"hey, sino ka ba sa inaakala mo huh?"
"my name is Avyanna and I'm his girlfriend"
Mikaela rolled her eyes.
"you're really crazy" Mikaela mumbled.
"what did you say?" Avyanna na medyo naiirita na.
Nagkakaroon na naman ng tensyon sa loob dahil dito. Because of it, Drake tried to say something para maawat sila.
"ah..girls, gusto niyo ng Chocolates? kukuha ako d_"
"shut up!!" sabay na sabi ng dalawang dalaga. Now, they are glaring with each other na.
And hindi na ito nagugustuhan ng binata.
"Mikaela, I know a place that would surprise you. Gusto mong sumama?" Drake asked her.
"no, well, I love wine and I wanted to drink it here" sabi ni Mikaela.
"me too" taas kilay namang tugon ni Avyanna.
Hindi lubos maisip ng binata kung bakit bigla nilang naisipan ang bagay na iyon.
"Aish! bakit niyo ba ako binibigyan ng sakit ng ulo?" sabi niya sa isipan niya.
"would you mind BABE?" Mikaela said.
Hindi na alam ng binata kung ano ang gagawin niya para maawat sila kaya pumunta na lang siya sa bandang kusina ng mansion to get some wine sa ref.
"here" he said tapos inilagay niya ito sa maliit na table sa gitna.
Nag-unahan pa ang dalawang dalaga sa pagkuha ng wine sa gitna.
Being so done with the two, kinuha ito ni Drake at siya na ang nagbukas nito and naglagay sa wine glass nila.
Madali lang nilang naubos ang isang bote ng wine. Kumuha ulit ang binata ng isa pa sa ref. Then after 30 minutes, naubos ulit ito.
Nakalimang balik siya ref para kumuha ng wine.
And now, lasing na lasing na ang dalawa.
Pipikit-pikit na ang mga mata nila dahil sa pagkahilo.
"yah!!!!!" biglang sigaw naman ni Avyanna habang nakatingin kay Drake.
Tapos bigla itong ngumiti ng parang ewan sa harapan ng binata.
"Aish! matulog ka na nga lang dyan" he murmured.
Tapos nilapitan niya si Mikaela na nakahiga na sa sofa. Nakapatong pa ang kanyang mga paa kay Avyanna.
"Mikaela... let's go. Ihahatid na kita sa inyo" Drake said habang inaalalayan niya itong bumangon.
Umiling lang ang dalaga.
"Mikaela..." mahinang sabi ni Drake sa kanya habang tinititigan ang mukha nito.
Sa isip-isipan ng binata, kahit na anong anggulo pang tingnan ang dalaga, napakaganda talaga niya.
Mas naging cute rin kasi siyang tingnan dahil sa mapula-pula niyang cheeks.
"yahhh!!!!" sigaw ulit ni Avyanna tapos agad na inalis niya sa kanyang lap ang paa ni Mikaela.
"Hey, ikaw talaga." Drake said kasi muntikan nang mahulog si Mikaela sa sofa.
Dahil din naman dito, bumangon na ang dalaga at sinubukan ng tumayo.
"hindi pa tayo tapos.."she said while pointing her fingers on her.
"alam ko...hik*..." then she smiled again na parang ewan.
Dinala na nang binata si Mikaela sa sasakyan niya and he drove it papuntang bahay nila.
Nang maihatid na ang dalaga, agad naman siyang nagtaxi pabalik sa mansion.
Nadatnan niya si Avyanna na tulog na habang nakasandal lang sa sofa.
He sighed.
Sumakit talaga ang ulo niya sa dalawa.
Iniligpit niya muna ang mga kalat sa living room. After nun, nilapitan niya ang dalaga para gisingin sana nang bigla na lang siyang yakapin nito papalapit sa kanya.
"h_hey" nasambit niya.
Medyo nagulat kasi siya sa ginawa ng dalaga.
"do I still look cute?" she asked. Naaamoy niya pa ang alak sa hininga nito kaya agad siyang kumawala.
Kinabahan din siya sa pagkakataong iyon at hindi niya alam kung bakit.
"hey, stop doing things like that okay?" he said.
"answer me first hik* do I still look cute?"
He looked at her face. And being honest with himself, the term to describe her face is not cute but gorgeous. May mga times lang talagang the way she acts na nagiging cute siya lalo na kapag hindi siya galit.
Actually, she has this kind of beauty na naiiba na kapag tiningnan mo siya, hinding-hindi mo makakalimutan ang bawat feature ng mukha niya. She has this perfect and beautiful omber eyes na madadala ka talaga sa emotion na meroon siya. She has this lips na naturally red and kapag tiningnan mo ay mahihipnotized kang halikan ito. Her skin is milky and soft and meroon siyang dark and long wavy hair. Also, she has this perfectly shaped body na kahit sino ay mapapatingin talaga.
Kaya iyon rin ang reason why Mikaela felt insecure with her the moment she saw Avyanna.
Then suddenly...may bigla na namang nagflashback sa isipan niya.
(ito actually ang nangyari kagabi)
Inaalalayan siya ng dalaga papasok sa kwarto niya. Sobrang nahirapan ito dahil medyo mabigat ang binata.
"ano ba kasing kinain mo? kumain ka ba ng bato at sobrang hik* bigat mo?" reklamo ng dalaga sa kanya.
Ngumiti lang ang binata.
Nang makapasok na sila ng tuluyan sa kwarto, agad na humiga ang binata sa bed niya na naka office attire pa.
"magbihis ka kaya" sabi ni Avyanna.
Dali naman siyang umupo sa bed at itinaas ang dalawa niyang kamay.
"bihisan mo na lang ako" him acting like a kid.
"kadiri ka, ang tanda mo na eh" sabi naman ng dalaga.
Dahil dito, napatawa na lang ang binata sa kanya.
"you're really cute! ngayon ko lang narealize" he said kahit hilong-hilo na.
Medyo na flatter naman ang dalaga sa mga narinig.
"tologoh?" pabebe nitong sambit.
Then he nodded.
Kaya lumapit na ang dalaga para bihisan sana siya.
Pero hindi na niya napigilan ang sarili kaya nasukahan niya si Avyanna.
(end of flashback)
Tumayo ang balahibo niya sa nakakadiring part na iyon.
"Aish" ginulu-gulo niya ang kanyang buhok.
"answer me please...." her being cute again with her actions.
"oo na, you're still cute. Kaya tumayo ka na dyan okay?"
"sige, pero I want a piggy back ride"
He really can't resist the way she acts like that.
"kainis talaga, magulo na nga buhay ko..dinagdagan mo pa" mahinang sabi niya
"anong sabi mo?"
Then, agad na nagbago ang expression ng face ng dalaga, from being cute to fierce.
"ah_h_huh? may sinasabi ba ako?" tarantang sabi niya kasi medyo masama na ang kutob niya sa tono ng boses ng dalaga.
"meroon kang sinabi eh, gusto mong makalbo ng walang gunting?"
"eto naman, akala ko ba lasing ka? bumait ka naman kahit ngayon lang" sabi ng binata.
"mabait naman ako eh..... gusto mo ng sample?"
Tapos tinitigan siya ng dalaga sa mga mata nito. Nagchange ulit ito from fierce to angelic expression.
Ilang saglit pa, dinala siya ng kanyang mga mata papunta sa mga labi ng dalaga.
(a moment of silence)
And because of it, napalunok na lang ng laway ang binata dahil iba na ang iniisip niya ngayon.
"hahalikan na niya ba ako?" bulong niya sa sarili.
Then he decided na ipikit na lang niya ang kanyang mga mata.
At dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa labi ng dalaga.
Nawala naman ang expectation niya sa moment na iyon ng maramdaman niya ang kamay ng dalaga sa buhok niya.
"papikit-pikit ka pa huh?"
Tapos bigla na lang siyang sinabunutan ng dalaga.
"aray ko! baliw ka talaga" he said habang mangiyak-ngiyak na inaawat ang dalaga.
"baliw? hindi ako baliw" mas lalo pa nitong nilakasan ang pagsabunot sa binata.
"stop it!"
"no not unless, bawiin mo ang sinabi mo kanina"
"wala nga akong sinabi"
"stop lying"
"argh! help! someone help me! ayokong makalbo!!"
The suddenly, may biglang pumasok.
"what are you guys doing?" someone said.
Natigilan naman sila dahil dito.
"and sino siya?" him referring to Avyanna.
"D_Drayce?" nasabi ni Drake ng makita ang kapatid sa harapan niya with his luggage.
Nakauwi na ito from his business meeting outside the country.
"oo ako nga." he said.
Tapos ibinaling ulit nito ang kanyang paningin kay Avyanna na halatang gulat na gulat sa nakita.
She didn't expect kasi na may kakambal ang binata na kasama niya sa mansion.