Chereads / Red Thread / Chapter 21 - Thread XX

Chapter 21 - Thread XX

Third Person

Ang huling bahagi sa kuwento ng Stanford ay nalalapit nang matapos. Ito ang parte kung saan ang katotohanang akala mo ay totoo, magiging mali. May kasinungalingan sa bawat katotohanan. May lamat ang bawat magandang kasaysayan. At katulad sa mga dakilang nakaraan, tanging ang magiting na bayani ang siyang natatandaan ng buong bayan. Kaya sa pagkakataong ito, nais nating malaman ang bayani sa loob ng kuwento.

Natapos ang gabi nina Khen, Sheena, at Logan, kasama ang malaking tandang-pananong. Sino si Echo Riddle? Iyan ang kanilang tanong. Alam na ng D 'Lit na ang Stanford ay may itinatagong sikreto. Tungkol ito sa patayan, pang-aalipusta, at paninira ng moral at dignidad ng tao.

Nang gabing iyon din ay ipinutol nila ang sagabal na palaisipan. Kamatayan, Echo Riddle, pangakong Kinabukasan na nabitawan, at dugo sa paglipas ng oras ang siya palang sagot sa bugtong na iniwan.

Ngayon, alam na nilang hindi biro ang halimaw na katapat. Ngunit sa bawat kuwento, laging may sumasagot sa tanong na "Sino?" At iyan ang susubukang alamin nila Logan. Sino ang may gawa? Sino ang may salarin?

"Hindi sapat," iyan ang sabi ni Logan matapos siyang gisingin nang malalakas na sipa ni Khen. "Hindi pa sapat," kaniyang pag-uulit na siya namang kinunutan ng noo ng binata.

"Alin ang hindi? Tulog mo o sipa ko?" tanong ng kaniyang kaibigan. Bagama't nagkaroon ng engkuwentero sa loob ng silid sa pagitan ni Jay at ni Khen, sinubukang kalimutan ni Logan ang nangyari dahil sa pagmamahal sa kaniyang natatanging kaibigan.

"Parehas," matipid na wika ni Logan. Kung kaya ang binatang kaniyang kausap ay bumuhos ng ulan ng sipa.

"Gusto ko pang matulog! Anong oras na tayo natulog kagabi, e! Malas," reklamo ni Logan. Malamig ang umaga, mainit ang kape. Nagising siya sa binigay na almusal ng kaibigan. Sapat na ito para sa magiging buong araw niya.

Matapos uminom ng kape ay agad niyang isinabit ang tuwalya sa balikat at pumunta sa kubeta. Samantala, si Khen ay buhay na buhay na at may inaasikaso sa kaniyang telepono.

May kung anong nararamdaman ang binata na para bang itong araw na ito ay siyang magiging simula nang panibagong pausbong na digmaan. Kontra kanino? Hindi natin alam.

Tinawagan ni Khen ang ibinigay na numero ni Sheena. Agad naman itong nasagot nang buhay na buhay na babae, halatang sanay nang gumising hindi pa man tumitilaok ang manok.

"Ano'ng oras nga ulit ang event? Male-late ata kami ni Logan, kakagising palang niya," wika nang lalaki habang patingin-tingin sa lunggang pinagpasukan ng tinutukoy na kaibigan.

"7:30 A.M. Bakit naman ngayon lang? Bilin ko naman sa inyo na kailangang umattend doon. Malay natin, may mangyari," sagot ng babae.

Tumango si Khen. "Right," sabi niya, "kapag nahuli kami sa pagpunta, pasabi kay Oliver na siya na ang bahala doon sa balita tulad ng sinabi ni Logan. Kapag may nangyaring gulo, handle it. Didiretso na kami sa Stanford Main. Sumunod kayo kung kaya pa, pero mabilis lang naman kami."

"Roger," tugon ng kausap.

Sa ilang buwan na pagkakaibigan nina Logan at Khen, silang dalawa ay may itinatagong sikreto na hanggang ngayon ay hindi alam ng bawat isa. Walang ideya si Logan na ang kaniya palang kaibigan ay nag-aral na mang-hack upang magkaroon ng ilegal na access sa mga gadgets. Ngunit ginagamit niya lang ito para sa mabuting dulot.

Isang halimbawa ang nangyaring house warming party sa silid ni Logan. Alam niyang hindi sanay mag-isa ang kaibigan dahil sa naging spoiled siya ng kaniyang katulong. Hindi siya sanay na walang katabi sa pagtulog, hindi lang inaamin. Nakakabawas lalaki raw kasi.

Umawang ang pintuan ng banyo, luwa-luwa ang nakatapis lang na lalaki. Walang naghaharang sa buong katawan nito, nailang si Khen. Umikot ang kaniyang mata sa palibot at umaktong walang nakita. Nahihiya siya, alam ni Logan ang kaniyang tunay na kasarian.

"Kailangan ba talagang pumunta?" tanong ni Logan. Bagama't gising na ang katawan, ang kaniyang diwa naman ay sadyang pa ring inaantok.

Nakatingin sa kabilang pader si Khen habang sumasagot, "Late na tayo. Ilang minuto na lang magsisimula na iyon, nasabi ko kay Sheena na sila na ang bahala roon. Gawin na lang natin ang plano mo."

Ganap na ngumisi ang kaniyang kaibigan. Natutuwa si Logan kapag nasusunod ang kaniyang plano. Para sa kaniya, ang mga plano niya ay isang uri ng produkto ng pagiging intelehente niya.

Pero ano nga ba ang plano? Alam nating may pupuntang bisita sa West Stanford, ano ngayon?

Kagabi.

"Umamin sa akin si Sheryl tungkol sa nangyari sa kaniya," panimula ni Logan, nag-aalangan pa rin kung magpapatuloy sa pagkuwento, "she's been raped."

Agad na lumaki ang mata ng dalawa niyang kaibigan. Si Sheena ay napatakip ng kaniyang dibdib. "Oh my gosh, bakit hindi siya nagsabi sa mga pulis? O, 'di kaya sa mga teachers. Kay sir Francis! Guidance siya," kunot-noong wika ni Sheena.

"Iyon nga ang problema," sagot ni Logan, "si sir Francis ang salarin."

Lalong lumaki ang pagkakamulat ng kanilang mga mata. "Shit!" sabi ni Khen, "totoo? Hindi ko inakala iyon."

Pilit na ngumiti si Logan. Inalala niya naman ang sinabi ng ina noong huling beses na siya ay bumisita sa opisina nito.

"At kaya ko itinanong kung may kilala ba kayong guro na matagal na ritong nagtuturo ay para masagot iyong tanong ko. Naguguluhan lang ako," sabi ni Logan.

Si Sheena ang tumugon, "What question? Is something bothering you?"

Mahinang sumagot ang binata, "Nabanggit sa akin ni direktor iyong tungkol sa pagkakaroon ng mga cases sa school. Kaso, mabilis niya iyong hinigit pabalik sa kaniyang bibig. I am thinking that what she had said was foreshadowing."

"And?" tanong ni Khen sa nabitin na paliwanagan.

"I thought that something really happened before. Like the rape case. Baka si sir Francis iyong tinutukoy ni mama na ng rape dati? Baka siya rin iyong salarin sa mga nangyari noon na nabanggit sa bugtong," pagpapatuloy ni Logan, matamlay ang mukha.

Nawalan ng buhay ang dalawa niyang kasama dahil sa narinig na sinapit ng kanilang kaibigang si Sheryl. Nagsalita si Logan, "She'll be transferring by tomorrow. Hindi niya kayang lumaban, sinabihan niya ako na gumawa ng balita tungkol kay sir. But that would be too easy. At mas mataas ang chance na makatakas si sir kapag ganoon lang gagawin natin."

Ipinatong ni Sheena ang kaniyang kaliwang braso sa kanan. "So, what are you suggesting?" sabi ng babae.

"We'll catch him off guard," wika ni Logan habang inilalabas ang cellphone ni Sheryl. Ibinigay niya ito sa kausap. "Alam kong kayo ang mamamahala ng bisita bukas. Expected na darating ang lahat ng teachers sa conference hall. Kapag nakababa na iyong speaker niyo, play this and wait until the word has spread all over."

Tinanggap ito ng babae, nag-aalangan. "That's risky," ani Sheena.

"May kasiguraduhan naman. At huwag kang mag-alala, ipapasama kita kay Jay." Napako ang tingin ni Logan sa kaibigan na si Khen, natahimik ito. Nakita niyang lumunok ang kaibigan kaya iniba na lang ang usapan. "Also ask Oliver to make a news about this. We have the liberty, we just need to take it in exchange of Sheryl's Justice."

Bumuntong-hininga ang kaniyang kausap, kinakabahan pa rin.

"Bukas din, pupunta kami sa Main para maghanap ng related files tungkol sa Echo Riddle na iyan. I know my mom, she'll hide it on her safe," karugtong na sinabi ni Logan.

Umalma naman ang kaniyang kausap, "But you have to attend tomorrow's conference."

Umiling si Logan. "Bahala na. Basta, bukas. I'm rooting for you all."

***

Nang makalabas si Khen at si Logan, wala ng tao sa ground. Naroon na sila sa Leon Building. Nakasuot silang parehas ng pantalong maong at hoodie na itim. Gumamit sila ng shades, facemask, at itim na sombrero para sila ay hindi makilala.

Nang makababa ng gusali, magaling silang umiwas sa CPPS na nagbabantay sa paligid. Tumungo naman sila sa pader ng compound na kung saan doon malapit na nakatanim ang puno ng Elm at Oak.

Inakyat nila parehas ang puno at gumapang sa pinakamahabang sangay na maglalabas sa kanila sa compound. Ginawa nila iyon kahit delikado. Determinado sila na makapunta sa Stanford Main. "Paano kami makakapunta agad doon?" tanong ng isip ni Khen habang pinapanood ang kaniyang kaibigan sa paggapang.

Sumadali pa at nasa kabilang bahagi na sila. Bumungad ang sinag ng araw na sumasalubong sa malawak na dagat.

Paulit-ulit na tinatanong ni Khen ang kaniyang sarili kung bakit dito pa nais ni Logan na dumaan kung kaya namang takasan ang CPPS at guard sa main gate tapos ay kumuha ng panibagong ruta.

Pero ang kaniyang tanong ay mabilis na nasagot nang may dumating na yate malapit sa kanila. Lumingon si Logan sa kaniyang gawi at tumango.

"Mayaman nga," sabi ng isip ni Khen.

Agad silang sumakay sa yate at tumungo sa Stanford Main na nasa Baguio.

Sa kabilang dako, nagsisimula naman ang palabas sa conference hall. Kalimitang eksena, may madaldal na speaker, inaantok na tagapakinig, mga gurong nagkukunwaring nasisiyahan sa boring na talakayan. Sa madaling salita, walang buhay. Kaya hindi nakapagtataka kung pipiliin ni Logan na hindi dumalo sa nasabing pagpupulong.

Bahagyang nabuhayan ang mga matatamlay na diwa ng estudyante nang may iutos ang nagsasalita. May mga tauhan siyang lumabas kasama ang boxes ng cellphone. Ibibigay nila ito nang libre para sa mag-aaral, sa isang araw na ang Triumphic ng paaralan, nais ng direktor na dito sa West isagawa ang kompetisyon para magkaroon nang pagbabago. Ang Triumphic ay isang uri ng paligsahan na idinaraos sa Stanford. Dito nagtutunggali ang mga napiling mag-aaral para sa event na kanilang sasalihan. Mayroong isports, pag-sulat ng balita, sining at musika, at ang pinakasikat— ang pagtatanghal ng Senior Theater Club mula sa iba't ibang sangay.

Nagpalakpakan ang lahat matapos mabigyan ang bawat isa ng cellphone. Bumaba ang speaker, ito ang hudyat para kay Sheena na i-konekta ang ibinigay na cellphone na naglalaman ng kagimbal-gimbal na pag-amin.

Natahuban ang boses ng MC dahil sa nakasalang na Audio. Minority Whips ang naka-assign ngayon dahil ang ilang SDEB ay abala sa pag-aasikaso ng mga bisita.

Umalingawngaw ang tunog ng pag-iyak ni Sheryl. Bagama't walang nakikitang mukha, alam ng ilang estudyante na galing ang boses sa kanilang Class Beadle. Nasa kalagitnaan na ang audio, nagsimulang mabigla ang lahat. Ang ilan ay napatayo, hinahanap kung saan nanggagaling ang tunog. May ilang guro ang nag-utos na puntahan ang technical room.

Mabilis na rumisponde ang CPPS na inutusan. Ngunit papatapos na ang audio. Kung kaya't sa pagbukas nila ng pintuan, wala ng tao. Nagkagulo ang mga tao sa loob ng Stanford. Nagitla, nagulat. May ilang umiyak.

Si Francis Sotto na kinamumuhian ng lahat ngayon ay nagkataon na nasa loob ng kubeta. Narinig niya ang boses na bumabalot. Tila siya ay binuhusan ng tubig na may yelo. Kinabahan siya.

Pinagpasyahan niya na hindi na bumalik sa mismong bulwagan. Papaalis na siya ng gusali nang may tatlong tao ang humarang sa kaniya. Ang mga iyon ay mag-aaral ng Stanford, ngunit hindi nakilala dahil sila ay nakapang-civilian. Nakatago rin ang kanilang mga mukha dahil sa balot na balot na mask.

Sinuklay ni sir Francis ang kaniyang buhok gamit ang mga nanginginig na daliri. Tumalikod siya at sinimulan ang pag-takbo. Ngunit hindi iyon nagtagal nang may tumamang sapatos sa kaniyang ulo. Bumagsak siya sa sahig kasabay ng paglapag ng sapatos.

"Nice shot!" sabi ng lalaki. Iyon ay boses ni Jeff.

"Thank you," sagot ni Shion.

Hinila nila ang katawan ng lalaki palabas ng gusali. Sa labas ng mismong pintuan ay may naghihintay na van na pagmamay-ari ni Logan. Sakay na nito si Jay at si Sheena.

Samantala, ang mga bulsa nila ay sabay-sabay na tumunog dahil sa notification na kanilang natanggap. Ngumisi si Angelyka pagkatapos na ganap na maisakay ang guro habang may binabasa.

"Oliver did a nice job creating the news, huh," sabi ng babae.

"Agreed!" sabi ni Jeff na natutuwa kung paano bigyang depenisyon ni Oliver ang masahol na ginawa ni Francis Sotto.

Nagmaneho na si Jay papunta sa kanilang club room. Mabilis iyon dahil walang tao ang sagabal.

Ilang sandali pa at bumukas ang pintuan ng silong ng gusaling pinuntahan. Doon sa dilim nakaupong naghihintay si Oliver sa kabila ng init na mayroon sa loob.

Sa kabilang dako, si Khen at si Logan ay patuloy na nakasakay sa yate. Mahangin sa labas kaya napagpasyahan ng dalawa na hindi na lumabas. Ayaw din ni Logan na nagugulo ang kaniyang buhok.

May katahimikan noong una. Nais ni Logan na humingi ng tawad kay Khen dahil sa kung paano siya nagbigay ng reaksyon sa nakita kagabi.

"Sorry," panimula ni Logan. Parehas silang umiinom ng wine. Pinasadahan siya ng tingin ni Khen at sumagot, "Ako dapat ang nagso-sorry."

Naging mabilis ang eksena sa paghingi ng paumanhin sa isa't isa. Hindi talaga nila kaya ang nag-aaway o nagkakatalo nang matagal.

Kasing bilis nito kung paano nabasag ang mukha ni Francis.

"Ano? Hindi ka talaga magsasalita?" Balik sa silong, nakatali ang guro sa silya habang ang kaniyang mukha ay dumurugo na sa sapok ni Jay.

Ngumisi ang guro at pinagsarahan sila ng panga. "Ano ba ang dapat kong sabihin?" Mapanghamon ang tono ng kaniyang boses.

"Iyong alam mo," sabi ni Angelyka habang nakakrus ang dalawang braso.

"Ano ba ang alam ko?" sagot ng guro, nakatanggap ulit ng sapok.

"Ang nakaraan. We want to know everything," dugtong ni Angelyka. Binigyan lang siya ng panibagong ngiti nito.

"Hindi niyo na kailangang malaman. Nakalipas na, e. Ano pa bang magagawa niyo?" Sumunod ang bagong tawa.

Sapok! Iyan ang tanging kayang gawin ni Jay. Dito niya ibinuhos ang galit dahil sa nangyari kagabi. Habang sinasapok si Francis ay patuloy niyang sinasariwa ang sapok na iginawad sa kaniya ni Logan. Wala siyang galit sa binata. Hindi niya lang nagustuhan kung paano umiyak ang mahal niya, si Khen.

"Justice," sabi ni Jeff, "we can have justice by knowing and figuring out the truth."

Inihilig ni Francis ang kaniyang ulo sa lalaking nagsasalita. "Then, follow the thread. Even if it's bloody."

Tahimik namang nakikinig ang iba pa nilang kasamahan. Sa bawat sagot ni Francis ay binibiyayaan siya ng sapok.

"What?" tanong ni Jeff habang magkasalubong ang kanilang mga kilay.

Sumagot ang guro, "It's Red Thread. You'll never know where a strand of thread went to. Buhol-buhol na. It was bound to happen to cover. Simple lang, para maligaw ang magigiting niyong maze runner."

Sapok!

"Sabihin mo na lang, sir. Para matapos na 'to," sabi ni Shion.

Nakapatong ang kamay ni Sheena sa dibdib, may idinugtong siya, "We'll stop this torture once you began talking."

Pero ang guro ay determinadong manahimik. "Patayin niyo na lang ako. Hindi ako magsasalita."

"No, we are not ki—"

"Sure!" nagagalak na pagputol ni Oliver sa salita ni Jeff.

Tumayo ang binata at may kinuhang kutsilyo. Hindi nila alam kung saan nanggaling ang delikadong panaksak. Napaurong ang mga babae nang lumapit si Oliver sa puwesto ng guro. Matigas niya itong itinutuok sa bandang ulo.

Tumawa ang guro. "I know your kind, you can't kill," pang-iinsulto niya sa binata.

Matipid na tumawa si Oliver bilang tugon. "You bet."

"Tell me," panimula ni Francis, "sino ba ang pinagsu-suspetyahan niyo?"

Si Jeff ang sumagot kahit nag-aalinlangan, "Director Vivien?"

Tawa. Sapok. Ganiyan ang nangyari. Humalakhak si Francis. "Wala talaga kayong alam. Nakakaawa kayong tingnan. Why don't you ask Mateo?"

Napakurap-mata ang mga estudyante. Sumigaw si Shion, "Oliver!"

(More)