Chereads / Red Thread / Chapter 24 - Thread XXIII

Chapter 24 - Thread XXIII

Third Person

Kasabay nang pagkawala ng alimuom ay siyang paggising ni Logan sa masimuot na kaniyang pagkakatulog. Buong gabi ang ulan, buong gabi ring nakapikit ang binata. Gayunpaman, ang kaniyang lowat ay bahagyang lumaki.

Iniharang niya ang kaniyang kamay sa mga matang tinatalsikan ng bagong usbong na araw. Bahagya siyang tumayo. Masama ang kaniyang pakiramdam kaya kumuha siya ng maiinom na tubig. Inilibot niya ang kaniyang mata sa paligid ng kaniyang kuwarto, walang tao.

Nagpasya na lang siyang magbihis ng damit at pumasok. At habang nag-aayos, may nakita siyang box ng cellphone sa lamesa ng kaniyang kusina. May sticky note ang nakapaskil doon.

Shion: From yesterday, : )

Hindi niya kinibo ang nakapatong na cellphone, hinayaan lang ito. Hindi mawari kung dahil ba sa alam niyang galing sa tatay ni Mateo ito o dahil sa nakita niya ang pangalan ni Shion.

Tandang-tanda na ni Logan, bumalik na ang kaniyang mga alaala. "I was disappointed," sabi ng kaniyang isip. Hindi pa rin makapaniwala na si Shion ang magtatangkang gumawa noon. Ang bilis ng pangyayari, sa sobrang bilis nga ay hindi niya na kayang iproseso ang lahat.

Nasa tamang oras ang kaniyang paggising. Pasado alas-sais, hindi masyadong maaga at hindi masyadong huli. Gayunpaman, masakit ang kaniyang ulo. Hinipo niya ito at napag-alamang may bendahe. Gawa ito ni Khen habang sila ay nasa yate. Malakas ang pagkakalagapak niya sa lupa, nasugatan ang ulo niya.

Tahimik lang siyang naglalakad habang nakapayong, sa ilang rason ay may butil pa rin ng ulan ang pumapatak sa kabila ng presensya ng araw.

Alam niya na ang lahat, kaya wala siyang umimik. Ngunit hindi niya alam kung paano umakto. Sasabihin niya ba sa kaniyang mga kaibigan na si Shion— ang kaniyang munting kaibigan ay nagawa siyang pagtaksilan? "What for?" sabi ng isip niya, "maybe it's an accident."

Sa kabila ng kaniyang tren na isipin, hindi niya namalayan na nasa loob na siya ng klase. Nakaupo lang siya sa kaniyang silya— tahimik, walang kibo, kinakabahan at gulong-gulo. Pinasadahan niya ng tingin ang silid-aralan, wala siyang kaibigan doon. Tuluyan nang nawala si Sheryl, wala nang nanggugulo sa kaniya.

Samantala, sa matagal na paghihintay ay nalaman nilang hindi papasok ang kanilang guro na si sir Lopez. Kaya naman agad na ring tumayo si Logan upang pumunta sa News and Report Club.

"Late," salubong ni Angelyka sa pintuan habang nakapatong ang kaniyang kanang braso sa kaliwa.

"Again?" tanong ni Logan. Kailan ba siya magiging maaga sa pagdating sa Diplomatic Urges? "Wala namang usapang meeting ang newspaper natin, ah," depensa ni Logan. Mahilig pa rin talagang magrason.

"Wala nga. Pero ang D 'Lit, meron," dugtong ni Angelyka na tuluyan na ring pumasok sa loob.

"Bakit dito? Ba't di sa basement?" tanong ni Logan, kasunod siya nang naglalakad na babae.

"Mabaho kasi. Hindi ba nga at doon na muntikang magpakamatay si sir Francis. Akala kasi niya matatakasan niya ang ginawa niya sa pagsu-suicide. TSK. Tapos ang reklamador pa man din ni Oliver." Bumuntong-hininga ang babae. "At saka, wala naman na iyong iba nating kasamahan. They stopped. Matagal na rin kasi mula nang makita si sir Willie. Ayaw na raw nila, pero hindi naman natin sila kailangan kaya okay lang."

Ngunit ang tono ng boses ni Angelyka ay kabaligtaran. Alam ni Logan na nalulungkot ito.

"Ano na ang mangyayari kay sir Francis? Will he be sent to prison?" tanong ni Logan na ngayon ay nakaupo na sa kaniyang cubicle, "nasaan ang iba?"

Inginuso ni Angelyka ang pinaroroonan ng kasamahan, naroon sila sa meeting table. Kasabay noon ang kaniyang wika, "Being investigated as of the moment. Pero sabi ni dad, mahirap ang kaso dahil sa walang substantial proof. Hindi raw sapat ang statement ni Sheryl lalo na at wala na siya sa school."

Tumunog ang dila ni Logan. "That's absurd. Hindi ba puwedeng paniwalaan na lang nila si Sheryl? And, they can do medical testing. Ang pangkal naman ng sistema ng hustisya sa Pilipinas."

Umiling si Angelyka. "Mahirap. But I was thinking about something," sabi niya, "hindi ba at sabi mo na nabanggit ni mom mo ang tungkol sa rape case noon, which we took as foreshadowing? Maybe we can find the victims and get their statements."

Si Logan naman ang umiling. "We are eleventh grades. I can't fantasize that, sorry."

Nakuha naman ni Angelyka ang punto ng lalaki. Tama sila, estudyante pa lang kaya halatang hindi bibigyang pansin ang kanilang boses. Ganito sa Pilipinas, kapag bata ka hindi ka puwedeng magsalita tungkol sa mga nalaman mo. Kailangan mong sundin ang mga nakatatanda, mas may alam sila. Pero kailan man ay hindi iyan napatunayan. Kung tunay na mas may alam ang matatanda, bakit walang pag-unlad?

"Kumusta iyong lakad niyo sa main?" tanong ni Angelyka kahit na alam niyang wala silang napala.

"Wala. MALAS," mapait na sinabi ni Logan, "naunahan kami."

"Naunahan nino?" tanong ng babae.

"Hindi ko rin alam. Basta bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niya iyon, kuhain niya. Let's drop that issue. Let's stop," tuloy-tuloy na wika ni Logan. Umawang ang labi ng babae.

"We went too far, dito pa talaga tayo susuko?" hindi makapaniwalang tanong ni Angelyka. Hindi umimik si Logan. Kinuha na lang niya ang kaniyang cellphone at nagsimulang pumunta sa Facebook. Hindi siya madalas doon, ayaw niya lang sagutin ang tanong ni Angelyka.

Habang may binabasang balita ang binata, may kinuha naman ang kaniyang kasama mula sa isang kabinet. Folder ito. Ibinigay niya ang hawak kay Logan.

"Ano 'yan?" nakatinging tanong ng pinagbibigyan.

"Open it," sagot ni Angelyka. Walang ibang nagawa si Logan kung hindi kuhain ang folder. Binuksan niya ito at nakita ang mga papel sa loob. Matagal na pinasadahan ng basa ni Logan ang mga nakaukit na salita rito. Paulit-ulit, pabalik-balik, hindi makapaniwala.

"This... this is—"

"Yes. That is what we are looking for. So, we don't have time to stop," patango-tangong tugon ng babae.

May lumabas na ngisi mula kay Logan, nabuhayan siya.

Inakit ni Angelyka ang lalaki na pumunta sa meeting table, kung saan doon na naghihintay sila Oliver. Patay ang aircon, umuulan na naman sa labas. Mabuti na lang at mayroon silang robang suot at balabal upang pigilan ang andap.

Pagkarating sa meeting table, ang mga estudyanteng maiingay na nagtatawanan ang siyang umabiabi sa dalawang bagong pasok. Ngunit iyon ay napalitan ng kunot-noo at magkasalubong na kilay dahil kay Angelyka. "Hoy, sabi ni Logan, we should stop."

Nagbibiro lang si Angelyka. Pero ang magagalitin na si Oliver, nagalit na naman kay Logan.

"WHAT? Ngayon pa talaga, Logan?"

Hindi tuloy mapigilan ni Angelyka ang mapatawa. Malaki ang naging pag-uswag ng ugali ni Oliver matapos silang maging "close" ni Logan. Bihira na siyang magduda, ang kaso ay gusto niyang siya lagi ang masusunod at pinakang-ayaw niya— pagsuko.

Siniko naman ni Sheena ang balikat ni Oliver. "Manahimik ka nga," sabi nito.

Si Jeff naman ang nagsalita, "Pero totoo? Logan, paglimian mo muna iyan. Hindi kami papayag lalo na at mawawala na ang Diplom—"

Si Jeff ay siniko ni Khen na nasa kaliwang bahagi ng binata. Pilit na itinikom ni Jeff ang kaniyang bibig at bahagyang tumungo. Natahimik sila habang si Logan ay kumukuha ng upo.

"Mawawala? Diplomatic Urges?" sabi ni Logan, "I don't get it."

Bumuntong-hininga ang kaniyang katabi. "Pinatatahimik na ang pahayagan natin," si Angelyka, "the news that Oliver published received a lot of hate. They are blaming us for what have been happening."

"That's absurd," komento ni Logan, "it's unnecessary to blame us— and to silence our newspaper. Saan na lang kukuha ng news ang Stanford Padayons? Sa Diplomatic News Station na puro ka-cheap-an lang ang alam?"

Ang Stanford Padayons na itinutukoy ng binata ay ang mga mag-aaral ng Stanford.

Si Oliver ang sumagot sa kaniyang tanong, "Nagulat din kami kahapon. Wala kasi kayo ni Khen kaya hindi niyo nakita kung paano kami ipinagtabuyan. DNS were also laughing at us." Nagsara ang parehas niyang kamao. "And SDEB hate critics because they want to have a peaceful image. Ayaw madungisan. TSK," dugtong nito.

Sumunod si Sheena, "The SDEB and the Whole Faculty is afraid of us just like how the saying goes by: "People shouldn't be afraid of the government. The government should be." And that's exactly what happened to us. Threatened ang mga teachers lalo na iyong mga shareholders dahil baka bumaba ang bilang ng papasok. Walang kita. Talagang nakikita lang ang Stanford as source of income."

Tumango si Jeff. "In addition, they hate intelligent students like us. Takot sa mga edukado dahil baka ma- #Oust sila."

"But we won't let that happen, will we?" tanong ni Logan. Ngunit umiling ang lahat.

"May order na. Nag-request na rin kami ng petition form, pero hindi kami binigyan. Sobra na ang panggigipit, it's hopeless," sagot ni Jeff, "few days from now, dissolved na ang club. Ang dami na ngang ini-issue sa atin. Kesyo wala naman na tayong club adviser kaya dapat mawala na rin ang club."

"Wala pa ba si sir?" tanong ni Shion. Unang beses na marinig muli ni Logan ang kaniyang boses buhat kagabi. Naalala na naman niya ang dumaang panaginip.

"I don't know about that fucker," sabi ni Oliver, "hindi man lang ina-announced kung sinong EIC. I was rooting for it."

"Seryoso ka ba, Oliver? Lalaban ka for EIC. Logan deserves that a lot better," wika ni Sheena na inirapan ni Oliver. "Nyenye," sabi nito.

Hindi na nakaimik si Logan dahil sunod-sunod na silang nagbigay ng kani-kanilang pahayag.

Ngunit pinutol din ang usapin nang magtanong siya, "Kanino galing ito? Paano niyo 'to nahanap?" Habang nakataas ang folder na ibinigay ni Angelyka. Dito naglalaman ang impormasyon tungkol kay Echo Riddle.

"We actually didn't know," sagot ni Khen, "nakita namin sa labas ng kuwarto mo. Kagabi kasi ay nagkaroon kami ng mandatory brainstorming, tapos nang makalabas na, may naghihintay na palang folder."

Naningkit ang mga mata ni Logan habang pinakikinggan ang sagot ni Khen. Magkatabi sila ni Jay kaya hindi niya mapigilan ang pag-iwas ng tingin sa lalaki. Mukhang alam na rin ng buong D 'Lit.

"Bakit hindi niyo ipa-check sa CPPS? May CCTV naman sa labas ng kuwarto ko kaya may footages sila," sagot ni Logan.

"We just can't. Gabi na masyado, we were expected to be inside our room. And even if we did, hindi kami papayagan nang walang matinong rason," sabi ni Jeff, "but whoever he must be, a lot of thanks to him."

Hindi na sumagot ang binata, bagkus binuksang muli ang folder at sinimulang magbasa.

"Logan," sabi ni Angelyka, "hinay-hinay ka sa pagbabasa. It also blown us away. Take it easy."

(More)