Chereads / Red Thread / Chapter 30 - Epilogue

Chapter 30 - Epilogue

Lumipas ang ilang buwan, bumalik ang dating hangin sa Stanford. Nanagot na ang dapat managot. Nawakasan na ang dapat nang tapos. Marami mang nasira, mas marami pa rin ang nabuo.

Una, ang pagkakaibigan.

"Ice cream," alok ni Oliver kay Logan habang gumagawa ng balita.

"What's that for?" tanong ni Logan. Umirap si Oliver, aalis na lang siya.

"Kidding, thank you."

Pangalawa, pagtanggap.

"Do you still hate me?" ani Jay kay Logan, nasa rooftop sila, hinihintay na bumaba ang araw sa ilalim ng dagat.

Lumingon ang kaniyang kinakausap at ngumisi. "I never hated you. I just don't like you. Magkaiba iyon."

"So, you still don't like me, do you?"

Nagbuntong-hininga si Logan. Ngumiti siya nang natural. "My friend likes you, anong magagawa ko." Tumawa siya. "Biro lang. Oo na, tinatanggap na kita bilang boyfriend ni Khen. Subukan mo talagang paiyakin iyang isang 'yan. Sasabog mukha mo."

Malawak na ngumiti si Jay. Sa likuran niya ay si Khen na hindi mapigilan ang pag-ngisi. "Salamat," buka ng bibig ni Khen.

Pangatlo, pagpapatawad.

"Uhm," panimula ni Shion habang ibinababa ang tray ng kaniyang pagkain sa lamesa, "can I share the table with you?"

"Sure," mabilis na sagot ni Logan saka ibinaba ang mga gamit sa lamesa.

Tahimik na kumain si Shion habang may ginagawang balita si Logan. Ganap na siyang EIC kaya doble ang kaniyang kayod.

"Are you... uhm, still mad at me?" ani Shion habang hinahawi ang blonde niyang buhok.

Sinaraduhan ni Logan ang kaniyang notebook at ihinarap ang kaibigan. Umiling siya. "Ang mahalag, inamin mo ang pagkakamali mo. You're my friend, and you'll always be my friend. And, I'm sorry for being insensitive. Akala ko kasi, mahal mo ako bilang isang kaibigan lang."

"Uy, don't be! Okay na ako. I #move on. Tanggap ko na. Na para sa talaga si Mateo."

"What?" bulalas ni Logan.

Nakangiting tumango si Shion. "Yes, we're dating!" malandi niyang sinabi.

Sasagot pa sana si Logan, pero may dumagil sa kaniyang upuan. Humarap siya sa salarin.

"God! It's so masikip talaga sa Stanford. Oh... hi, Logan! Hindi kita napansin," ani Nicole.

Nagkasalubong ang kilay ni Logan, ngunit ito ay nawala rin at napalitan ng ngiti. "Kahit kailan talaga, Nicole." Pailing-iling ang kaniyang ulo.

Tinabihan na lang ng babae ang dalawa.

Pang-apat, tiwala.

"Late," salubong ni Angelyka.

"Mas maaga lang kayo," rason ni Logan. Nagpatuloy na siya sa pagpasok sa clubroom. Pumunta sila sa meeting area at nag-usap. Mas dumami na ang bilang ng journalists dahil nagkaisa na ang DNS at Diplomatic Urges.

"Okay, that's it for the meeting," wika ni Logan sa mga kasamahan, "fighting, guys! I believe in you."

"Sus," sabi ni Jasmine habang sinisiko si Logan, "hindi ka talaga nawawalan ng ganiyan, ha? Parang noon galit ka sakin." Tumawa siya at saka umalis na rin.

"Logan," wika ni Jeff. Pagkatapos ay may nakakasilaw na flash ng camera ang umusbong. Kinunan pala siya ng litrato.

"I hate it when you do that," sabi ng nasilaw.

"Nye nye." Pagtawa ni Jeff.

Panlima, pagtingin sa kabutihan ng kapwa.

"You may now leave," sabi ni Mateo, nasa labas si Logan ng kaniyang opisina.

"Oh, Logan, napadaan ka."

Kumaway si Logan. "Aakitin sana kita mag-dinner kasama ni mama."

Ngumiti ang kaniyang kausap. "Sure! Sa bahay niyo ba?"

Tumango si Logan. "Oo, basta behave ka lang. Kapag talaga nagbida-bida ka, lalasunin kita." Parehas silang tumawa.

Pang-anim, pag-ibig.

"Hindi mo naman ako kinailangang hintayin," sabi ni Angela na bagong labas sa Theater Club.

May ibinigay na bulaklak ng rosas si Logan.

"Para saan 'to?" sabi ni Angela.

"Ha? You forgot, monthsary natin," nalungkot si Logan. Pero mabilis ding nabawi nang maramdaman niya ang paghalik sa pisngi ni Angela.

"Duh, ako pa makalimutan iyan."

Malawak na ngumiti ang lalaki. Magkahawak-kamay silang lumabas.

Pampito, panunumbalik.

Nakaupo si Logan sa mga benches sa labas ng Leon building nang maramdaman niya ang pagtabi ng isang lalaki. Ang binabasang libro ni Logan ay agad na isinara at sinuring mabuti kung sino ang kaniyang katabi.

"EJ?" bulalas ni Logan.

Tumingin ang katabi niya at ngumisi. "Hey," sabi nito, "kumusta?"

Hindi maipaliwanag ni Logan ang nadama niya, na-miss niya ang kaniyang kaibigan!

At higit sa lahat, ang bagong pamilya.

"Thank you, ma!" sabi ni Logan matapos pirmahan ng kaniyang ina ang dokumentong nagsasabi na legal na ang D 'Lit.

Masayang bumaba si Logan at inanunsyo sa kaniyang mga kasamahan na nasa silong.

***

"Teka, sa gitna dapat si Logan. Siya president, e!" wika ni Jeff. Nag-aayos sila para sa photoshoot ng kanilang club.

"Ayan, ayos na... Oh, sama ako!" Pinindot ni Jeff ang capture button at mabilis na sumama sa mga kaibigan.

"Teka, wait!" sigaw ng babae sa kabilang bahagi. Pero hindi lumingon ang kaniyang mga kasamahan dahil nakatutok ang kanilang mukha sa camera.

"Sige, ayos na ako. 3... 2... 1, cheese!" sabi ng bagong dating na babae.

"Sino ba iyon?" sa isip nilang lahat. At laking gulat nila nang makita si Sheryl na bagong dating.

"SHERYL!" masayang bati nila.

Ngayon, dito na natatapos ang buhol-buhol na sinulid. Nalaman natin ang iba't ibang bersiyon ng mga tao. Pero masasabi natin, na kahit magkakaiba tayo, pare-pareho tayong tao. Walang makapipigil sa atin upang maging magkakaibigan.

At sa pagkakataong ito, nalaman natin na sa bawat kuwento, hindi lamang isa ang bayani. Dahil ang tunay na bayani, silang lahat. Masama man o hindi ang intensyon noong una, bayani pa rin sila.

Paubos na ang sinulid, tatapusin na natin ang kuwento sa loob ng Stanford.

Fin

Red Thread

Juanxhari