Chereads / Red Thread / Chapter 27 - Thread XXV

Chapter 27 - Thread XXV

Part 1

Third Person

Patak ng pawis ang siyang bumaba mula sa templo ni Logan habang sinasariwa ang mga nakalagay sa papel ni Echo Riddle. At mukha mang imposible, mas lalong kumunot ang kaniyang noo sa mga tanong na pumasok nang siya at ang iba pang kasamahan ay lumalakad papunta sa kaniyang kuwarto.

Tuluyan nang nawalan ng pasok dahil gaganapin na sa huling linggo ng Setiyembre ang Triumphic. Kung kaya't napagpasiyahan ng D 'Lit na magtipon-tipon at kumain sa loob ng silid ni Logan.

Isang selebrasyon ngayong hapon. Iyon ang hanap nila dahil utay-utay ay masasagot ang kanilang mga tanong tungkol sa kaganapan.

Ang walong estudyante ay may kani-kaniyang ginagawa. Ang mga babae ay ang siyang nagluluto ng mga handa, sa pangunguna ito ni Shion. Ang mga lalaki naman sa pangunguna ni Khen ay naglilinis ng buong silid. Maliban kay Oliver na tamad na tamad na nakaupo sa sofa.

Matapos ang paghahanda, nagtipon-tipon sila sa kusina. Nakahain na ang mga putahe at handa na ang maliit na lamesa upang sila ay saluhan.

"Tahimik ka?" nagulat si Logan sa tanong ng kaniyang katabi. Nagkibit-balikat lang ang lalaki sa babaeng si Shion na nasa kaliwang bahagi.

Silang dalawa lang ang mukhang seryoso sa lahat. Maingay ang mga kasamahan niya at kung minsan ay humahalakhak pa nang malakas. Pero pinutol din iyon ni Logan nang hindi mapigilan ang sarili sa kakaisip.

"Can you help me guys get things clear out?" wika ni Logan. Tumahimik ang lahat. Napatigil sa pagtawa. Napaayos ng upo. Mga hudyat na dapat lang ay mag-isip na sila ng plano para sa kasunod nilang hakbang.

Una. Gusto ni Logan na managot sa batas si Francis, ganoon din ang kaniyang ina. Hindi niya mapigil ang sarili sa pag-iisip kung bakit kinailangang maging ganoon ang akto ni Vivien. Ang senaryo na pagnanakaw sa mga Thesis, hindi na bago dahil nalaman niya nang nangyari ito noon.

Pangalawa. Nais niyang makilala si Troy Silvenia at matulungan ito. May kung anong kampanaryo ang tumutunog sa tuwing iniisip at babanggitin niya ang pangalan ni Troy. Para kay Logan, narinig niya na ito dati. Parang... winika na sa kaniya ng isang tao. Iyon ay si Matthew, hindi niya matandaan.

Pangatlo. Ang makausap si Mateo at mabigyang linaw ang lahat. Alam niya na alam ni Mateo ang nangyayari sa Stanford dahil minsan niya nang mabasa ang nakasulat sa diary.

Pang-apat. Ang makausap si Shion at malaman ang katotohanan. Masakit pero kailangan.

"Anong paglilinaw ba?" tanong ni Jeff habang hawak ang bote ng baso na may lamang juice.

Sumagot si Logan, "Tungkol sa lahat. Kung paano nakaligtas iyong papeles ni Echo. Kung nasaan si Troy. Ang dami kasing tanong at naguguluhan ako kung ano ang una kong hahanapan ng sagot."

"Well," sumagot si Sheena, "our theory suggests that those files were saved by Troy— even the diary. He's really here, probably."

Tumango si Angelyka sa tugon ni Sheena. "And he's here for you. Let's face it. Troy probably want Logan dead since the director allegedly killed his daughter."

Tumaas ang balahibo ni Logan.

"Stop scaring Logan, will you?" nag-aalalang sabi ni Khen.

"I said, "probably." Okay?" depensa ni Angelyka.

"This is really because of my mom, isn't it?" tanong ni Logan.

Hindi nais ng kaniyang kasamahan na makaramdam ng sama ng loob kaya napilitan na lang silang humindi kahit na ang totoo, ang mama niya ang puno't dulo.

Nagsalita ulit si Logan, "Iyong tungkol sa thesis report na nakawan. Si mama rin talaga iyong may gawa. Kilala ko 'yon, ayaw talagang magpalamang." Nagbuntong-hininga siya at nawawalan na ng gana.

Makulay man ang pagkain na nakahain, tumamlay ito dahil sa malungkot na hangin.

"Don't worry," sabi ni Khen, "mapapatunayan natin ang may sala."

Sumabat si Shion, "We're minors!"

"And so?" mabilis na depensa ni Khen, "kapag minors, hindi na puwedeng magsalita?"

Naramdaman ni Logan na parang may galit si Khen kay Shion. Pansin niya na ito, matagal na. Sa palagay niya nga ay akting lang ni Khen ang pagkalimot sa pangalan ng babae.

"It's dangerous," mahinang sagot ni Shion pero nakataas ang mga kilay nito.

"There were no safe places at all, Shion. Keep that in your mind." Bumato ng isang nakatatakot na tingin ang binata sa dalaga. Ang katabi naman niyang si Jay ay hinagod ang likuran nito upang kumalma.

"No time for arguing," sabat ni Jeff, "we need to have a plan on how we can make Francis confess. Kapag inamin niya, wala na masyadong kaso."

"But how do we do that?" si Sheena, "oh God." May naalala siya. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. "Francis told us to ask Mateo."

Tiningnan ni Sheena ang bawat isang nakaupo.

"When?" tanong ni Logan.

"Noong wala kayo. Tinanong kami ni Francis kung sinong suspect natin, and we told him that we are suspecting the director. Pero sabi niya, we don't know anything at all. He told us to ask Mateo about things. Maybe he really knows. Why don't we give it a try?"

"Not a good idea," sabi ni Khen, "Logan and Mateo have beef, right? And how can we trust Mateo? Pakiramdam ko nga ay sangkot 'yan sa mga nangyayafi ngayon."

"But, that's the only way, babe," sagot ni Jay, "let's count on it." Habang pinipisil-pisil ang hawak na kamay.

Tumunog ang dila ni Khen. "Only when Logan agrees. He built this org. So, what do you think, Logan?"

Tumingin ang kanilang mga mata sa binatang tahimik lang na nakikinig.

"We know that you are really pushing hard to prove your suspicion against Mateo," dagdag ni Khen, "no pressure. After this, tutulungan ka naming patunayan na si Mateo ang may sala."

"Hey!" kontra ni Jeff at Angelyka nang magkasabay.

"What?" tumaas ang kilay ni Khen.

Si Logan na ang nagsalita, "It's okay. I know everything."

Napa— "huh?" na lang ang kaniyang mga kasamahan.

"I can remember everything," panimula niya, "TANDANG-TANDA ko na ang lahat." May pinandiinan niyang iwinika ang unang salita habang nakapako ang tingin kay Shion na halatang kinakabahan.

"I guess it was true," sa isip ni Logan.

"Wow. I mean, congra—"

Naputol ang bati ni Khen sa kaibigan nang walang tigil na pagtunog ng kanilang cellphone. Sabay-sabay itong tumunog maliban ang cellphone ni Logan.

Inilabas nila ang bagong phone mula sa bulsa. Nagtanong si Logan, "Where did you get that? Required na uniform ang cellphone ng D 'Lit?"

Tumaas ang kilay ni Shion. "Hindi mo pa nakukuha iyong sa 'yo? Iniwan ko sa room mo."

Ngunit iyon ay hindi pinansin ni Logan.

Ilang sandali pa at ang mga cellphone ay animong nagloloko. Kinatok-katok nila ang hawak na gadget dahil sa maraming glitch na lumalabas dito. Minsan ay mag to-total black, magkukulay-puti, o hindi kaya ay tuluyang mamamatay.

Kagimbal-gimbal.

Silang walo— maliban kay Logan na patingin-tingin sa kasamahan, ay lalong naguluhan. Lalo na nang may lumabas na logo ng isang regalo. Kulay pulang box na may ribbon na green na lumilibot dito. Sa likod nito ay kulay bughaw at kahel lamang. Samantala, sa ilalim ng logo ay may nakasulat na:

"Meet the Gift. Tap your present. See your own surprise!"

Luminga-linga ang mga magkakasama. Pare-parehas ang idini-display ng monitor ng kanilang cellphone. Tanging si Logan lang ang wala.

Pinindot nila nang magkakasabay ang regalo. Umabiabi sa kanila ang drawing ng isang kutsilyong nakataga sa isang mansanas. Sa ilalim nito ay may nakasulat na panibago.

"Stanford, time has come to you along its truth. Find it before anyone silence you. See you at the Triumphic! All of us shall have fun. All of us shall serve death."

Sa simpleng mag-aaral, aakalain nilang para sa preparasyon lamang ng paligsahan iyon. Pero sa D 'Lit, hindi.

"That was odd!" komento ni Jay, "fucking odd."

"Sino 'to? Do you have any idea?" tanong ni Jeff habang tinitingnan ang bawat kasama. Umiling lang sila.

Sumagot si Logan, "Bakit wala sa akin?"

Tumugon si Sheena, "E, iba naman ang pho— Oh my gosh! It's the phone!" Bumulalas siya habang nakapatong ang kamay sa dibdib. "Baka si Mateo 'to?"

Tumunog ang dila ni Oliver. "TSK! I knew he was about to do something bad. How about we deal him first now?"

"I thought so," sagot ni Khen, "something is up the moment they gave phones for free. But right, Jay is correct. Something is odd. I guess Mateo knows something else."

"Like what?" tanong ni Shion.

"I don't want to talk to you," tugon lang ni Khen. Magkaaway na talaga sila. Inirapan siya ni Shion at hindi na lang pinansin pa ang maugaling sagot ng binata.

Si Angelyka habang nakapalumbaba ang sumagot, "Ie-expose na ata ang gawa ng direktor. At sa oras pa talaga ng Triumphic parang wala siyang kawala."

Kumuom ang kamao ni Logan. Nanay niya pa rin iyon.

"Let's attack Mateo. We deal with the director," sabi ni Oliver, "I'll shoot him dead."

"Oliver!" kontra ni Angelyka.

"What? I'm kidding, okay?"

Umirap silang lahat sa tugon ni Oliver.

Nagsalitang muli si Logan, "I agree with Oliver. Let's go attack Mateo— no shooting. Then, we'll handle my mom."

"Is it okay with you?" tanong ni Khen.

"Never been this fine before. Ang dami nilang tinago. I wanted to know the truth," si Logan, "I'm so disappointed!" Malakas ang kaniyang sigaw.

Hinawakan ni Shion ang kaniyang kamay, pero siya ay binigyan ni Logan ng tingin. Tinagkal niya agad ito.

"It's okay to be disappointed, Logan. Alam kong nakakasama ang loob ang pagnanak—"

"No," putol ni Logan kay Khen, "I'm disappointed because I never knew that Leon House exists. Ngayon lang! TSK. I should have been there."

Ang Leon House noon ay para sa mga dalubhasa at intelihenteng estudyante sa lahat ng aspeto.

"Diyan ka pa talaga galit, Mr. Stanford?" sabi ni Sheena bago tumunog ang kaniyang cellphone. Binasa niya ang nakarating na message.

"We need a plan," wika ulit ni Sheena.

"For what?" tanong ni Logan.

"SDEB will have a free opening ceremony before the Triumphic comes. Bukas na ang dating ng mga athletes. We need to make sure that they are safe from any troubles. Lalo na at parang nagbabadya si Mateo. We need to ask CPPS for help."

Sumagot si Angelyka, "I'll deal with them. Boyfriend ko Corpse Commander nila."

"You have a boyfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jeff.

"Sino ba ang wala?" tugon ng babae. Umiling-iling lang si Jeff.

Nag-usap silang lahat tungkol sa magaganap na plano. Bukas ang dating ng iba't ibang sangay kaya kailangang masiguro ang kaligtasan ng lahat. Makalipas ang dalawang araw ay opisyal nang magsisimula ang paligsahan. Sa oras ng seremonya, magsasalita muna ang West, Head Student, Ilagan. Doon, ang plano ay pakinggan ang kaniyang sasabihin upang bantayan ang kaniyang kilos.

Samantala, nagpumilit si Oliver na barilin na lang si Mateo bilang panakot. Ang depensa niya ay hindi naman makamamatay iyong gagawin niya. Pero ano pa ba ang maaasahan niyo sa kaniya? Mukhang balatkayo siya tunggkol sa usapin na pangha-harass.

***

Mabilis na dumating ang araw. Napagkasunduan nilang lahat na magkita-kita sa karaniwang silong. Maaari na silang bumalik doon dahil abala ang mga estudyante kaya hindi sila mapapansin.

"I hate wearing this robe!" reklamo ni Oliver habang pinupunasan ang kaniyang salamin. Alas-singko palang ng umaga ay naroon na sila sa basement kaya init na init na siya. Hindi siya sanay na isuot ang robang may kulay na chromatic grey, mas gusto niya pa ang balabal. Pero kailangan, ito ang kanilang identification bilang West Students.

"Where is Logan, magsi-six na!" wika ni Angelyka. Ayaw niya sa mga late.

"Papunta na raw sabi ni Jay," sagot ni Khen.

At totoo sa sinabi ng kaibigan, ilang sandali pa at pumasok na si Logan kasama ang magulo, mahaba, at basa niyang buhok.

"Ano ba 'yan! Late ka na naman," bungad ni Angelyka.

"Ba't ba kasi ang aga niyo?" matamlay at walang buhay niyang tugon.

Lumipas ang ilang pag-uusap at lumabas na sila sa lungga. Tumungo sa oval at nakiisa sa dagat ng tao. Marami ang mga estudyante ngayon. May kani-kanila silang kulay ng roba. Ang taga-North ay nakaputi, ang South ay dilaw, ang East ay itim, ang Main ay pula.

Napuno rin ng lobo ang oval. May mga booth din ang nakatayo rito. Masaya sana! Festa na kung titingnan. Hindi hanggang ipaalala sa D 'Lit na may trabaho silang manmanan ang kilos ni Mateo.

Nakumpirma nila na ang mensahe ay galing sa Head Student. "Thanks a lot, Khen," sabi ng mga kasamahan niya dahil sa husay sa hacking. Samantala, noon din nalaman ni Logan na ang kaniyang kaibigan ang may pakana ng housewarming party messages.

"Spread," sabi ni Sheena bilang hudyat para sila ay pumosisyon.

Magkakagrupo silang umalis. Magkasama si Logan at si Oliver sa ilalim ng stage ng DNS na kaharap ng Main Stage. Doon talaga sa ilalim para walang makakita sa kanila. Intensyonal namang pinaghiwalay ni Logan si Jay at Khen para makapagpokus sa gawain. Kasama ni Jay si Angelyka at si Jeff, naroon lang sila palibot habang naglalakad at nagmamasid. Si Khen naman ay kasama ni Shion, sila lang dalawa dahil si Sheena ay kasama ng Minority House habang nag-aayos.

"Awkward," sa isip ni Khen.

Nang silang lahat ay nasa posisyon na, inilabas nila ang kanilang cellphone at sinuot ang Tiny Bluetooth Device sa tainga. "Means of communication." Sa sariling wika ni Logan.

***

"Magsisimula na raw," sabi ni Sheena. Narinig ito ng mga kasamahan sa pamamagitan ng Bluetooth device.

"Roger that," sagot ni Logan.

At totoo sa kaniyang sinabi, nagsimula na ito.

Lumabas ang MC at isa-isang ipinakilala ang mga reprisentante ng bawat sangay. Malakas ang palakpakan at hiyawan. Halatang nagagalak ang bawat isa.

"Si sir Willie iyon, ah," sabi ni Oliver kay Logan matapos na ipakilala ang Teacher's Faculty. Nakatago sila sa ilalim ng stage ng DNS kaya sa hindi kalakihang butas sila nakisisilip.

Siningkitan ni Logan ang kaniyang mata upang siguraduhin na si Willie nga iyon.

"Oo nga, 'no?" tugon niya, "what is he doing here?"

"Baka end of leave na? May ganoon ba? I don't know, it's good that he's back. At least, mapipigilan ang pag-dissolve ng club," sabi ni Oliver.

"Lol," si Logan. Inirapan niya ang kasamahan pero agad na nanumbalik ang kaniyang tingin na mapansin ang nakabakat sa uniporme ni Oliver.

Iritang nagsalita si Logan. "What the eff is inside your shirt?"

Kinapa ni Oliver ang kaniyang tinutukoy. "This?" panimula niya, "just in case. You know, desperate times requires desperate measures."

"Aish! No shooting, Oliver. I'm warning you."

"Nye nye."

***

Dumating na ang oras ni Mateo. Ang lalaki ay nakasampa na sa entamblado katabi ang iba pang guro. Naroon din ang direktor at ang ilan sa mga kilala nilang professors.

"Good morning, Stanford Padayons," panimula niya. Masayang sumigaw ang mga estudyante. "I am very happy that we are gathered today to celebrate our own Triumphic. You know, we deserve this!" Muling nagbunyi ang tagapakanig.

Samantala, inilabas ni Oliver ang dala niyang baril na may istilo na Glock 42. Lingid sa kaalaman ni Logan, inaasinta na ito ng binata patutok sa nagsasallita. May hinihintay lang siyang salita bago ito ialingawngaw.

At iyon ay nang marinig niya ang kadugsong na sinabi ni Mateo. "Let me just tell you something."

Utay-utay na nagbilang si Oliver hanggang tatlo. Ngunit iyon ay naantala nang lumingon si Logan at makita ang hawak na armas.

"May sikreto akong gustong sabi—"

"Oliver!" Itinulak ni Logan ang kaniyang katabi para lang sila ay may marinig na putok. Ang lahat sa labas ay napatakip ng tainga at napaupo dahil sa lakas ng tunog.

Lalong nagkagulo nang makita sa entablado ang may tama sa balikat na si Willie. Nagsitakbuhan ang ilan sa palibot.

"Hey what is happening there?" boses ni Sheena mula sa linya.

Ngunit hindi nakasagot ang dalawang binata dahil sila ay naistatwa. Nanlaki ang kanilang mata nang malamang may natamaan si Oliver.

"Patay!" sa isip ni Logan.

Iginawaran ni Logan nang isang sapok ang binata sa harap. Sunod-sunod pa iyon, hanggang sa awatin sila ni Khen na bagong dating lang.

"Let's go!" Akit ni Khen habang hinihila ang kamay ni Logan. "CPPS is everywhere. Come on!" Malakas na akit ulit ni Khen. Tinulungan na rin siya ni Shion.

Ngunit si Logan ay galit na galit pa rin kay Oliver. Sinira niya ang plano! Makikinig lang naman dapat sila. "BWISIT!" sa isip niya.

Ilang sandali pa at tumatakbo na sila papunta sa karaniwang tagpuan.

***

Malamig nang sadya sa Stanford, pero mas lalong lumamig sa puwesto nila dahil sa hinihintay na anunsyo.

Umawang ang nag-iisang pintuan, may pumasok na ilang pirasong ilaw sa loob nang madilim na silid.

Lumingon sina Logan, Jeff, Oliver, Khen, Jay, Angelyka, at Shion, na kanina pa naghihintay sa pagbabalik ng isa nilang kasamahan- si Sheena.

"Putangina, ano, patay ba?" agarang tanong ni Oliver, napatayo siya mula sa pagkakaupo.

Hindi umimik ang dalagitang si Sheena. Alam niya na kapag sinabing oo, lalo lang silang kakabahan. Pero alam din niyang sila ay wala ng takas... wala nang kawala.

Naglakad si Sheena patungo sa posisyon ng kaniyang kaibigan, nagwika siya, "May nakakita sa atin."

Katahimikan sa loob ng silid ang siyang sumisigaw.

Animo'y naging yelo ang kanilang katawan. Pero nag-init din ito matapos tumayo si Oliver at agarang sinunggaban si Logan. Hinawakan niya ang kuwelyong suot ng binata at utay-utay na itinaas sa ere.

Lumabas ang ilang ugat sa parehas nilang ulo, nagsasabing sila ay tensyonado at kinakakabahan.

"This is your fucking fault! Kung hinayaan mo na lang sana akong barilin si Mateo, hindi ito mangyayari! Fuck you!"

May durang lumabas sa matabil na bibig ng binatang si Oliver. Lumapag ang nakadidiring dumi sa ilong ni Logan, bumaba ito sa kaniyang bibig hanggang sa tumulo ito sa kawalan.

"Bitawan mo ako, Oliver! Kung hinayaan kitang gawin iyon, patay na si Mateo!" sabi ni Logan.

Sa pagkakataong ito, si Logan na ang humugot ng hangin mula sa kaniyang sikmura hanggang maramdaman niya na ang plema sa pagsabay nang paghagod paitas. Nang ito ay nasa kaniyang lalamunan, walang ano-ano pa ma'y inilabas ito. Sumakto ang dumi sa loob nang nakabukas na bibig ni Oliver.

Dahil sa nangyari, napabitaw sa mahigpit na kapit ang lalaki sa kuwelyo ng kalaban. Umaktong nasusuka si Oliver, lumapit naman si Shion sa likuran ni Logan.

Nang bumalik sa katinuan ang naglolokong si Oliver, ihinarap niya ang kaniyang katawan sa kalaban.

"Who the fucking asshole told you that I'll be killing Mateo?! Tatakutin lang natin. Tangina ka! At... iyon naman ang ipinunta natin, 'di ba? Hindi mabubuo ang club na ito kung hindi dahil sa kagustuhan nating maipabagsak si Mateo! You wanted us to drag him down, we were doing it! Why are you backing off piece of shit?" pasigaw na wika ni Oliver.

Kinapitan ni Shion si Logan sa kaniyang balikat upang tulungang pakalmahin ang sarili.

Alam nilang gulo 'to.

"Wala sa usapan na mamamaril tayo!" tugon ni Logan.

"Tanga ka ba?" panimula ni Oliver, "the gun I have was a fucking toy! Oo- nakakabaril iyon, pero walang iyong totoong bala!" Umalingawngaw ang boses ni Oliver sa loob nang kulong na silid.

Kumunot naman ang noo ni Sheena. Ang iba ay walang imik. Si Khen ay kagat ang kaniyang kuko.

"What?" tanong ni Sheena, "hindi totoong baril iyong gamit mo, Oliver?"

"Of course! Saan ako kukuha ng baril, puta!" walang-galang na sagot ni Oliver. Galit na galit ang binata.

"Bakit, Sheena? Ano ang nalaman mo?" tanong ni Angelyka.

Inalala ni Sheena lahat nang nakalap niyang impormasyon kanina sa infirmary, kung saan doon namamalagi ang nabaril na guro- si sir Willie.

"May nakitang totoong bala sa katawan ni sir Willie. Kung hindi ikaw iyong nakabaril, sino?" naguguluhang wika ni Sheena habang nakapatong ang kaniyang kamay sa ibabaw ng kaniyang dibdib.

"Puta," sambit ni Oliver.

Rinding-rindi na sa pagmumura si Khen. Nais niya nang sapakin ang binata pero hindi niya ito magawa, alam niyang mas malakas si Oliver kesa sa kaniya.

"Oliver! Tumigil ka na nga sa pagmumura, you're not helping!" tanging sigaw ni Khen.

"Shut up, gay."

Dapat ay susunggaban si Oliver ni Khen, ngunit iyon ay naputol nang may yapak ang tumunog papasok sa kanilang silid.

Hindi sarado ang lihim nilang clubroom dahil sa kakapasok na si Sheena, naging madali ang pagpasok ng lalaki.

Silang lahat ay nakatingin sa paparating na presensiya, hindi nila maaninag ang mukha nito dahil walang ilaw ang nagliliwanag dito.

Ilang sandali pa at nakatayo na ang bagong dating sa kanilang posisyon, malayo man ito sa kanila ay pansin ang pamilyar na hubog ng katawan.

Nakalingon ang mga magkakaibigan dito, unang nagsalita si Logan, "Who are you? You're not allowed to be here."

Ngunit ang tinanong ay hindi umimik.

Kumuha siya nang tatlong hakbang, sumakto sa kaniyang posisyon ang nakasilip na liwanag mula sa labas. Nadagil nito ang matangos niyang ilong.

"It's time," panimula niya, "it's time to fight with you."

Mabilis na naglakad malapit sa mga estudyante ang lalaki.

Hindi inaasahan ng mga ito ang pagdating ng hindi imbitadong bisita.

"Mateo?" usisa ni Logan.

(More)