Chereads / Red Thread / Chapter 22 - Thread XXI

Chapter 22 - Thread XXI

Third Person

Habang natataranta sa pakikipag-usap ang grupo nila Oliver sa gurong nananahimik. Narito si Khen at si Logan na naglalakad patungo sa Stanford Main.

"Bawal pumasok. I.D. first," sabi ng guard.

Tinagkal ni Logan ang kaniyang mask at nagsalita, "I own this school. Get out of my way."

Doon nakilala ng guard na siya ang anak ng direktor. Kung kaya't silang dalawa ay ipinapasok. Mas malamig dito dahil sila ay nasa Summer Capital ng bansa. Kaya ang kanilang mga kilos ay mas mabilis.

Tumungo sila sa opisina ng direktor. Nasa loob ng klase ang mga estudyante kaya walang nakakakita sa kanila habang naglalakad sa pasilyo. Maliban sa isa.

Mayroong nakabangga kay Logan habang naglalakad, nagtama ang mata nila sa ilang segundo. Hindi niya nakita ang buong mukha nito, dahil katulad niya, siya ay naka-mask.

"Logan," tawag ni Khen sa naistatwang kaibigan. Inulit niya ito. Sa pangatlong pagkakataon na binanggit niya ang pangalan, saka lang lumingon.

"Bilis," sabi ni Khen.

Sumagot si Logan, "Nakita mo siya?"

"Sino?" tugon ng kaibigan.

"Iyong nakabangga. He seems familiar."

Madiing umiling si Khen. Nagkibit-balikat si Logan at nagpatuloy sa paglakad. Nang nasa tapat na sila ng pintuan ng opisina, bukas ito. Sa ilang rason, bukas ito.

Sumilip muna ang dalawang binata upang tingnan kung may tao sa loob. Wala. Daig pa nila ang isang undercover agent sa liksi ng kanilang kilos.

Pumasok sila sa silid at agad na isinara ang pinto. Ngunit laking-gulat nila nang makita ang kuwarto na magulo. May nagkalat na mga papel. Magulo ang ayos ng mga silya. Nataranta ang dalawa.

Ngunit hindi nila alam, ang mga kasamahan nila sa silong ay mas natataranta dahil sa nakahalandusay na katawan.

"I didn't kill him," depensa ni Oliver.

Sumagot si Jeff, "We know."

Totoo sa sinabi ni Oliver, wala siyang kasalanan. Nagkaroon lang ng pagkakataon ang guro na matagkal ang sarili niya sa pagkakatali habang kausap ang mga estudyante. Hindi ito namalayan dahil sa okupado ang isip. Nang ganap niyang matagkal ang tali, kinuha niya ang kutsilyo sa kamay ni Oliver at saka mabilis na ginamit upang saksakin ang sarili sa mata.

"Fuck," ani Jay habang nakatingin sa gurong humihinga pa, "hindi pa patay. Gumagalaw pa, e." Tukoy niya sa tiyan ng guro na taas at baba pa rin.

"Anong gagawin natin?!" taranta si Shion, natatakot sa dugo, "he'll lose a lot of blood, baka mapatay natin."

Umiling si Angelyka, animo'y hindi natatakot sa nangyari. "He deserves that. But yes, baka mapahamak tayo. I'll call my father," wika ng babae.

"Your father. Why?" si Shion.

"He can help us with this." Inilabas ni Angelyka ang kaniyang cellphone at tinawagan ang tatay. Mayaman siya, kaya kung minsan ay may kakaibang ugali. Umiiral sa kaniyang katawan ang pagiging ganap na leader, tulad ng kaniyang ama na nasa mundo ng politika.

Tumalikod si Angelyka at kinausap ang kaniyang tatay. Samantala, si Sheena naman ay nagmamadaling tumawag kay nila Logan.

"Logan!" bungad nito, "you need to hurry!"

Dumating ang tawag kay Logan na nagmamadali sa pagtakbo para habulin ang kaniyang nakabangga kanina.

"Suspicious." Iyan ang laman ng kaniyang utak nang makasalubong niya ang hindi kilalang lalaki kanina. Kung kaya't pinagbintangan niya ito bilang salarin sa mga nakakalat na papel. Maging ang safe ng kaniyang mama ay bukas na- wala ng laman.

"Call you later, may hinahabol kami."

Tunog na lang ng end call ang siyang narinig ng kabilang linya.

Totoo sa sinabi ni Logan, may hinahabol sila. Hingal na hingal siya sa pagtakbo dahil naikot niya na ang buong gusali pero hindi niya natagpuan ang pakay.

"Shit. We lost that guy!" bulalas niya nang magkatagpo sila ni Khen sa ground floor.

"Are you sure na siya iyong posibleng kumuha ng pakay natin? Bakit naman niya gagawin iyon?" sabi ni Khen sa pagitan ng kaniyang malalalim na paghinga.

Napasandal si Logan sa libreng dingding at saka dumausdos pababa sa sahig. Napagod siya, kailangan niyang magpahinga pero mas kailangan niya ang mga dokumento na hinahanap.

"He was suspicious. Alam kong siya iyong kukuha noon," wika ni Logan.

"That means," panimula ni Khen na ngayon ay kasigbay niya na, "may iba pang nakakaalam tungkol sa hinaharap natin. Hindi tayo nag-iisa."

Napatigil sandali si Logan habang nakatitig sa kausap. "It made sense," sabi ng isip niya. Alam niyang tama si Khen. Pero ayaw niyang isipin iyon.

"Paano na tayo? Wala tayong nakuha," tanong ng kaniyang kausap. Sa loob-loob ng dalawang binata, sumisigaw doon ang mga katagang: "We are hopeless."

Ngunit nabigyang liwanag ang isip ni Logan dahil sa naalala.

"Stock room," sambit niya.

"Huh?" tugon ng kasama.

"Baka may pag-asa pa, baka naroon sa stock room iyong dating files ng Stanford. Baka doon natin mahanap si Echo," nabubuhayang sagot ni Logan. Ngunit hindi nila alam, sa kabilang parte ng kanilang posisyon naroroon ang lalaking kanina lang ay hinahabol nila. Nakamasid ito, pinakikinggan ang pinag-uusapan ng dalawa.

Agad na tumayo si Logan at pumunta sa stock room. Alam niya na ang pasikot-sikot sa lugar dahil minsan na siyang nakarating dito.

Nang makarating sila, dismaya na naman ang bumalot sa kaniyang mukha. Wala ng laman ang stock room. Marahil ito ay nilinis dahil sa nangyaring insidente nang dumaang buwan.

Sa kabila naman nito, ang kaniyang mga kasamahan sa Stanford West ay nag-iisip ng plano kung paano ipaliliwanag ang nangyari kay Francis.

"May paparating na CPPS!" ngarag na sigaw ni Shion, natatakot pa rin, "may kasama silang ibang teacher, hinahanap siguro si sir!"

Nagsara ang panga ni Jay. Pinagsisisihan niya na siguro ang pagsali sa club. Kung hindi lang talaga dahil kay Khen ay hindi siya masasangkot dito.

"Gather around," sabi ni Angelyka, "I have a plan."

Agad na lumapit ang kaniyang mga kasamahan sa puwesto niya. Nag-usap sila nang mabilis at plinanong mabuti ang gagawin. Nang matapos iyon, siya ay nagsalita, "Ready?"

Tumango ang lahat.

Sinimulan ang plano sa pagtingin sa labas upang i-tsek kung malapit na ang CPPS. Nang makitang may pagkakataon pa para sila ay makalabas, agad nilang inayos ang sarili, kinuha ang mga gamit at saka na lumabas. Nagtago sila malapit sa silong, sa katabing espasyo.

Sinundan ito nang mga hiyaw ni Shion na animo'y bagong pasok sa basement. Nakatawag ito ng pansin. Natuon ang atensyon ng CPPS dahil sa husay ng kaniyang pag-akting. Nakangiti naman si Angelyka habang pinanonood ang ginagawa ng kaniyang kaibigan. "Lulusot kami rito," sa isip niya.

Panahon na para sa kasunod na hakbang. Kunwaring dumating sina Jeff, Oliver, at Jay para sumaklolo sa sumisigaw na babae. Wala mang iskrip na isinulat ay naging maayos ang impromptu.

Itinuro ni Shion ang loob ng basement, pumasok ang mga lalaki. Ito ang cue para sila naman ang umarte. Ibinuhat nila si Francis palabas ng madilim na silid. Sumalubong naman sa kanila ang tarantang CPPS. "Anong nangyari?" tanong ng mga ito.

Ibinigay nila Jeff ang katawan sa CPPS. Si Shion naman ang nagpaliwanag. Ayon sa kaniya, siya ay naglalakad malapit sa basement nang may marinig siyang mga ungol. Tsinek niya ito at laking gulat na makita ang isang guro na may hawak na kutsilyo na nakasaksak sa mata. "There were screams!" ani Shion.

Lumabas naman sa eksena si Angelyka, kasunod nito ay si Sheena.

"Oh, hey. What happened?" tanong ni Angelyka sa mga saksi. Ipinakilala niya ang kaniyang sarili, "I'm Angelyka Gazini of Diplomatic Urges. Baka puwede kong gawan ng balita iyan?" Tumingin siya sa walang malay na guro. Umakto siya na nandiri.

"God! Is that sir Francis Sotto? Siya iyong na-announced kanina, 'di ba?" sabi niya nang naniningkit ang mata, "buhay pa po ba? Baka nagpakamatay dahil sa nangyari!"

At ito ang plano, ang pagmukhain na si Francis ay nagtangkang kitilin ang sarili niyang buhay. Pero, iyon naman talaga ang totoo, hindi ba?

"Medics!" sigaw ng isang CPPS, hindi pinansin ang tanong ni Angelyka.

Mabilis na umalis ang CPPS kasama ang ilang guro habang dala-dala si Francis sa infirmary. Naiwan ang mga magkakaibigan, alam nilang naging success ang kanilang plano.

Pero hindi para sa mga kaibigan nila na nasa Main.

"Putangina!" tanging sambit ni Logan na walang makitang laman ang stock room. Lalo siyang nawalan ng pag-asa. Para sa kaniya: "Game Over."

Umiiling-iling ang kasama niya sa likod dahil sa dismaya.

Ngunit ang dismaya ay agad na napalitan ng kaba nang tumunog ang emergency bell. Ito ang bell na kalimitang ipanatutunog kapag may nangyari. At parehas na alam ni Khen at Logan na marahil ito ay dahil sa magulong opisina ng direktor.

"Naroon sila!" sigaw mula sa kanang bahagi. Napalingon ang dalawa at sabay na napamura.

Isa.

Dalawa.

"Tangina," pagmumura ulit ni Logan. Hudyat para sa panibagong pagtakbo.

Mabilis nilang tinahak ang daan sa pasilyo. Marami ang nagtangkang pigilan sila ngunit agad naman itong naitutulak ng dalawa. Magkasama, nakatakas sila. Magkasama, nagawa nilang lagpasan ang kuryente ng tao na pumipigil sa kanilang ginagawa.

Naroon na sila sa bandang gate. Mas marami ang nakaabang na CPPS. Napahilig nang sabay ang ulo ng dalawa. "No choice," sa isip ni Khen. Kinailangan na naman nilang akyatin ang dingding. Hindi tulad sa West na mayroong puno, dito ay wala.

"Malas!" sabi ni Logan.

Nagtulungan ang dalawa upang mabilis na akyatin ang pader. Dahil hindi sapat ang kanilang tangkad, isinampa ni Khen ang kaniyang paa sa balikat ni Logan. Mabigat sila pareho dahil sa laki ng kanilang katawan, pero nagawa pa rin ng binata sa ibaba na tiisin ang hirap.

Patuloy pa rin ang CPPS sa pagsigaw ng: "Hoy!" Kaya naging mas mabilis ang kilos nila.

At sa wakas, nagawang umakyat ni Khen. Pagkakataon na ni Logan. Hinigit siya paitas ng lalaki na nasa itaas. Maganda na ang daloy ng kanilang ginagawa, hindi hanggang sa may bumato ng sapatos mula sa CPPS at saktong tamaan si Logan. Nahulog ang binata at napahandusay sa maduming lupa.

Tumalon naman si Khen para makababa ng dingding. Nilapitan niya ang nakahiga niyang kaibigan. Tulog ito, walang malay. Wala mang lumabas na dugo, kinabahan pa rin si Khen. Kung kaya't ito ay mabilis niyang inakay at naglakad papunta sa yate na kanilang iniwan.

Tulog man kung titingnan sa labas si Logan, gising ang kaniyang isip sa loob ng panaginip. Walang nag-akala, ngayon pala babalik ang nawawala niyang alala.

Pagod na pagod si Khen nang maihatid niya ang kaniyang kaibigan at sarili sa yate. Inihiga niya si Logan at sinimulang tapikin ang mukha. Una ay mahina, hanggang sa lumakas at maging ganap na sapok. Ngunit ang lalaking tulog ay hindi nagbigay ng ano mang pahiwatig na siya ay gumigising. Bagkus, ito ay umiiling-iling lang habang may namumuong pawis sa kaniyang noo.

May mahinang ungol ang kumakawala sa kaniyang bibig. Sa isip ni Khen ay natatakot ang kaniyang kaibigan sa kung ano mang palabas ang kaniyang napapanood sa loob. Sinimulan niyang yugyugin ang katawan nito. Isinisigaw ni Khen ang kaniyang pangalan upang magising.

Walang reaksyon.

Binuhusan niya ng malamig na tubig, walang reaksyon. Ungol, iling, kunot-noo, at kung minsan ay mahinang pag-iyak. Iyan lang ang naibibigay ni Logan.

Ngunit malapit nang dumilim. Sinabihan niya ang piloto ng yate na simulan na ang pagbabalik sa West.

Matapos iyon ay bumalik siya sa kuwarto. "Logan, wake up," tanging sabi ni Khen habang nakamasid sa kaibigan.

(More)